Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Replektibong sanaysay

Heneral Luna

Kamakailan lamang ay aking pinanuod ang palabas na Heneral Luna. Marami akong naging
realisasyon ng matapos ko itong panuorin. Ang pagmamahal sa bayan. Sa panahon ngayon ay hindi na
natin nakikita ang pagmamahal ng mga mamayanan sa ating bayan, dahil bilang na lang ang lumalaban
para mas mapaganda ang takbo ng ating bansa, kung sakaling may digmaan sa oras na ito, iaalay mo ba
ang iyong buhay para sa Pilipinas? Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay aatras dito at may posibilidad
pa na kampihan ang kalaban ng Pilipinas para lamang maisalba ang kanilang sarili. Kaya kahanga hanga
ang ating mga ninuno at lalo na kay kay Heneral Luna dahil makikita sa kanya ang wagas na
pagmamahal niya sa ating inang bayan, gagawin niya lahat para maitayo muli ang mga bumagsak na paa
ng Pilipinas. Inaamin ko na ang kinikilala ko lamang na bayani ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal, ngunit
nang aking mapanuod ang palabas na Heneral Luna, ako ay napamangha niya dahil sa kanyang
katapangan at pagiging tapat niya sa Pilipinas, mas pipiliin niya ang barilin at tagain ng itak ng
madaming beses sa katawan kaysa mamatay ng hindi ipinaglaban ang Pilipinas.
Makikita sa palabas ang naging sanhi ng ating pagkatalo sa pananakop ng mga Amerikano. Ang
dahilan kung bakit tayo natalo dahil ang ating mga kapwa kababayan ay trinaydor ang ating bansa, mas
kumampi sila sa Amerikano at hindi inisip na maari nating ipaglaban ang ating bansa para sa ating
kalayaan. Pinagtulungan ng ibang mga opisyal si Heneral Luna na patumbahin siya dahil sa tingin nila si
Heneral Luna ay mas pinapalaki ang gulo na nangyayari sa ating bansa. Kaya sa bandang dulo ay
ipinapatay nila si Heneral Luna. Sa buong istorya, masasabi kong dapat lahat ng Pilipino ay
makapanuod nito upang malaman nila ang kahalagahan ng pagmamahal sa inang bayan. Si Heneral
Luna ay magsisilbing inspirasyon sa bawat isa sa ating mga Pilipino.

You might also like