Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Buhay at mga Isinulat ni Jose Rizal

PATNUBAY SA PAGSUSULAT NG PANUNURING-ARTIKULO (ARTICLE


REVIEW)
Halimbawa (pormat)

Para sa mga halimbawa ng Panunuring-Aklat/Artikulo, mangyari na matiyaga na tingnan ang


mga halimbawa sa sumusunod na journal:

https://ejournals.ph/issue.php?id=825

https://ejournals.ph/issue.php?id=834

https://ejournals.ph/issue.php?id=943#prod

Estilo ng Dokumentasyon

Paggamit ng footnote sa teksto at ng bibliograpiya sa huli ng akda. Dapat itong naayon sa


Chicago Manual of Style na puwedeng konsultahin sa Kabanata 11 ng Kate L. Turabian, A
Manual for Writers… o kaya naman ay sa mga link na
https://arts.pdn.ac.lk/ichss/content/Chicago_Manual_of_Style.pdf o kaya ay
https://library.osu.edu/documents/english/FINALlibrary_CMS.pdf

Mga bahagi ng Rebyu

I. Wasto na citation ng artikulo na ire-rebyu

II. Introduksiyon – pagpapakilala ng artikulo, halimbawa (bilang ng pahina, saang Journal


nagmula etc.)

III. Tungkol sa May-Akda – akademiko at propesyunal na background; kabilang na ang


pagbanggit sa mga naisulat na libro, artikulo, etc.

IV. Nilalaman ng Artikulo – may opsyon ang estudyante na pangkatin o kaya ay isa-isahin
ang MAIKLI subalit MALAMAN na lagom ng mga seksyon sa artikulo.

V. Pagsusuri o Analisis

A. Ano ang iyong pagtatasa hinggil sa kadalubhasaan/kapantasan/kaalaman/ka-


ekspertuhan ng mgay-akda hinggil sa paksa ng artikulo? Paano mo susuportahan ang iyong
argumento?

B. Paano mo susuriin ang mga batis (sources) na kaniyang ginamit? Ang mga ito ba ay
karaniwan nang ginagamit sa iba pang kaugnay na literature? Bago ba ang mga
nasumpungan niya na batis?

C. Ano ang metodolohiya na kaniyang ginamit? Pagkalap ng batis at panunuring


pangkasaysayan?

D. Natukoy mo ba ang balangkas konseptuwal (conceptual framework) o balangkas


teoretikal (theoretical framework) na ginamit ng awtor? Kung oo, sa palagay mo ba ay
“nahila” o nai-aplay ito sa kabuuan ng akda?
E. Nasasalamin ba sa akda ang gamit ng inter/multi/cross/trans-disiplinaryo (pumili ng
isa) na lapit (approach)? Anu-anong disiplina ang kaniyang ginamit? Paano mo
susuportahan ang iyong argumentong ito?

F. Nasasalamin ba sa akda ang punto-de-bista o pananaw na gamit ng awtor? (e.g.


lapit na makabayan kaya’t itinatatwa ang kolonyal na papel; o kaya naman kolonyal na
pananaw kaya’t itinatatwa ang kakanyahan o identidad na indigenous). Maaari gumamit ng
iba pang paraan o aspekto ng pagtatasa

G. Paano mo ipo-pook ang artikulo na iyong sinusuri sa mga kaugnay na literatura?


Halimbawa, nagko-complement ba ito sa isang akda, o kaya ay sumasalungat sa iba pa? Sa
paanong paraan?

H. Ano ang iyong pagsusuri hinggil sa kabuuang daloy ng artikulo? May mga
pagkakataon ba na nag-uulit lamang ang facts at kaisipan (thought) ng mga kabanata?
Suportahan ang iyong argumento. Maaari din na isama ang pagususri sa pamagat ng
artikulo vis-à-vis mga nilalaman nito.

I. May masinop ba na paggamit ng mga pigura, larawan, estadistika?

J. Komentong teknikal: pagkakamaling tipograpikal, gramatikal, masinop ba ang


pagkaka-ayos ng footnote at bibliograpiya.

VI. Konklusyon

A. Ano at PAANO nakaa-ambag ang artikulo sa kaalaman hinggil sa “Rizaliana Studies


at sa mga kaugnay na panahong tinatalakay?”
B. Ano at PAANO nakaa-ambag ang artikulo sa kaalaman hinggil sa “Kasaysayang
Pilipino”
C. Ang artikulo ba ay naiiba/natatangi sa panahon kung kailan ito inilimbag? Sa
paanong paraan?
D. Ire-rekomenda mo ba ito sa sinumang iskolar na nag-aaral ng paksa na nabanggit
sa itaas? Ipaliwanag kung bakit at bakit hindi.

MAHALAGANG tandaan: HUWAG maghanap ng paksa na NAIS MO lang na mabasa sa


artikulo. Hindi ganoon ang pagsusuri, kinakailangan din na maging makatwiran at
huwag pairalin ang aktitud na “kailangan ko na makapag-bato ng komento kaya ito
ang gagawin ko.” Laging isaisip na ang pagsusulat ng panunuring-artikulo ay isang
akademikong instrumento na susi sa paghahasa sa iyong kakayahan at kaalaman
bilang isang mag-aaral.

VII. Bibliograpiya

Font Style: Times New Roman

Font Size: 12

Line Spacing: 1.5

File Format: PDF File

File Name Format: Student Surname_Section_Name of Article being Reviewed

You might also like