Professional Documents
Culture Documents
Sining M1
Sining M1
Sining M1
1
Republic of the Philippines
ROMBLON STATE UNIVERSITY
Cajidiocan Campus
Cajidiocan Romblon
S
I M
N O
PAKIKIPAGTALASTASAN
I D
N Y
G U
L
N
G 1
Unang Yunit
Introduksyon
A. Pamagat ng
kurso: Sining ng
Pakikipagtalastasan
B. Paglalarawan ng kurso
Tatalakayin sa kursong ito ang mga salitang kaalaman sa wikang Filipino at mga paksang may
kinalaman sa kursong pinag-aralan na nasa anyong artikulo, sanaysay, balita, tudling, anekdota,
A. Layunin
1. Nalalaman ang kahulugan ng pakikipagtalastasan
2. Napahahalagahan ang pakikipagtalastasan
3. Naiisaisa ang apat na paraan ng pagpapahayag
4. Napaghahambing ang retorika at balarila sa pagpapahayag.
Nilalaman ng Kurso
I. Ang Sining ng Pakikipagtalastasan
A. Kahulugan ng pakikipagtalastasan
B. Kahalagahan ng pakikipagtalastasan
C. Mga uri at paraan ng pagpapahayag
D. Ang retorika
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan
Unang Pagsasanay:Pansinin ang mga larawan sa itaas at magsulat ng masusing pagpapahayag tungkol
sa nakitang larawan.
Sagot:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan
Mahalagang Tandaan:
Gamit ng Paglalahad
Bukod sa mga binanggit na ang paglalahad ay ginagamit din sa mga paraang sumusunod:
1. Pangkatang Pagtalakay - Ginagawa kung tayo ay maraming magkakasama. Karaniwang ginagawa ito
kapag nagdaraos ng pagpupulong upang maipaliwanag ang pagpapabalak ng isang pagdiriwang sa
paaralan.
2. Sa pagbibigay ng panuto – Hindi maiwasan kung minsan na ang isang tao ay napapaligaw sa lugar na
nais niyang puntahan. Sa ganitong pagkakataon tayo ay nagtatanong sa iba. Kung tayo ang
mapagtatanungan kinakailangang marunong tayong magbigay ng panuto upang maging madali ang
paghahanap ng nagtatanong.
3. Sa pagtuturo ng paggawa ng isang bagay – Halimbawa ang paraan ng pagluluto ng isang putahe,
paraan ng pagsasagawa ng isang laro, pag-aalaga ng isang halaman tulad ng orkids at iba pa.
4. Sa pagsulat ng isang pangulong tudling – Ang pahayagan ay may pangulong tudling. Ang mga mag-
aaral ay dapat matuto ng pagsulat nito. Ang pangulong tudling ay may mga layunin. Maaaring ito’y
pumupuna sa pamamalakad na mali ayon sa pananaw ng patnugot. Maaari ring ang layunin ay
papurihan ang isag tao dahil sa mabuti niyang paglilingkod. Maaaring ang pagulong tudling ay
nagpapaalaala, nang-uuyam o nagpapahalaga.
5. Sa pagsulat ng sanaysay na nagpapaliwanag – Ito ay di gaanong pormal at higit na personal kaysa
pangulong tudling. Ang sanaysay na nagpapaliwanag ay sumusuri sa isang suliranin. Ang sumusulat
ay nagpapaliwanag ng kaniyang paniniwala at kung bakit niya ito pinaniniwalaan.
6. Sa pag-uulat – Tayo ay nagpapaliwanag tuwing tayo ay nag-uulat nang pasalita o pasulat man. Ang
layunin ng isang ulat ay maipatalastas sa iba ang mga bagay na mahalaga at kawili-wili
Lubhang napakahalaga para sa atin ang pagpapaliwanag. Simula pa sa ating pagkabata ang lagi
nating tanong ay “Bakit?” “Paano?” “Para ano?” at sa buong buhay ng tao ay lagi siyang magtatanong ng mga
dahilan at paraan. Malaking bahagi n gating pagsasalita at pagsulat ang binubuo ng pagbibigay at pagtanggap
ng mga paliwanag.
Gawain/Unang Awtput
Panuto: Magsulat ng pangungusap sa paraan ng pagpapahayag. Isulat sa isang buong papel (5pts each)
Pagtalakay
Retorika
Anu-ano ang kailangan sa pagbuo ng isang mabisang pangungusap? Ang pangungusap ay dapat magtaglay
ng mga sumusunod na katangian: (1) kaisahan, (2) kakipilan, (3) pagbibigay diin.
1. Kaisahan
Halimbawa: lahat ng taong may buong katawan at ganap na isip, hindi katulad
ng taong lubos na inutil may kapinasalaan at pabigat lamang sa kapuwa, ay
may silbi pa sa lipunan.
2. Kakipilan
2.1.
Halimbawa:
Mali: Nakarnap ang bagong kotseng dala-dala ni Rene na bili ng kanyang ama.
Tama: Nakarnap ang bagong kotdeng dala-dala ni Rene at binili ng kanyang ama.
2.2.
Ang isa pang dahilan ng kawalan ng kakipilan ay nasa hiwalay na pagbubuo. Hindi dapat
paghiwalayin ang mga salitang may malapit na pagkakaugnay sa isa’t isa.
Halimbawa:
Hindi mabuti: Maluho sa mga magkakaibigan sa subdibisyon mamuhay si Tessie.
Mabuti: Maluhong mamuhay si Tessie sa mga magkakaibigan sa subdibisyon.
Halimbawa:
Mahina: Tataas ang halaga ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng halaga ng langis,
walang pagsala
Mainam: Walang pagsalang tataas ang halaga ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng
halaga ng langis.
Ikalawang
Pagsasanay
Panuto: Basahin at
unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nagsimula sa salitang latin na ____________na nangangahulugan ng “panlahat” o “para sa lahat”
ang komunikasyon o pakikipagtalastasan.
2. _________________uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito
ng katanungang “bakit”.
3. Ang ______________________ay mabisang kasangkapan sa pagbubuklod ng sambayanan.
4. Ang _________________sa madaling salita ay isa sa pinakamdaling paraan ng komunikasyon sa
buong mundo na ginagamitan ng ibat ibang lengwahe.
5. _______________ isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng
magandang pagsasalita at pagsulat.
Mga Aklat/Sanggunian:
Ducay Irene D. (2017) LET NCBTS ORIENTED FILIPINO/Wika, Linggistika, Panitikan, Pagtuturo ng Wika. 4th
Floor Rm. 409 CMFFI Bldg. R. Papa St. Sampaloc Manila. MET Review Publishing House
Felecitas, Manacsa et al (2005) Sining ng Pakikipagtalastasan. Katha Publishing Co.Inc.
https://www.slideshare.net/JohnCarlCarcero/ekspositori-o-paglalahad
https://mamsha.tripod.com/id36.html
S
I M
N O
PAKIKIPAGTALASTASAN
I D
N Y
G U
L
N
G 2
Ikalawang bahagi
Introduksyon
A. Pamagat ng
kurso: Sining ng
Pakikipagtalastasan
Tatalakayin sa kursong ito ang mga salitang kaalaman sa wikang Filipino at mga paksang may
kinalaman sa kursong pinag-aralan na nasa anyong artikulo, sanaysay, balita, tudling, anekdota,
salaysay, maikling kwento, isyu, karanasan, atbp, na magiging lunsaran sa pagtalakay ng mga
pagsasanay na lilinang sa apat na kasanayang pangwika na ang diin ay nasa paglinang na gamitin ang
Filipino sa paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatuwiran, at kasama ang pahapyaw na
pag-aaral ng Balarila, Ponolohiya at Morpolohiya.
A. Layunin
1. Nalalaman ang kahulugan ng balarila
2. Napahahalagahan ang apat na uri ng diin
3. Naiisaisa ang katangian at gamit ng balarila
4. Nakakasulat ng ideya batay sa mga larawan
Nilalaman
II. Balarila
A. Iba’t ibang Uri ng Diin at Katangian
B. Paraan ng Pagbigkas na Pagbabaybay
C. Pagbabaybay na Pasulat
1. 2.
B_S_ _A_A
3. 4.
C. Paglalahat/Pagtalakay
Balarila
(Mula sa bala+ (ng) + dila) ay pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga
sumusunod: balangkas ng mga salita (morpolohiya); sintaks (syntax) o pagsasaayos upang
ang mga salita ay maging makabuluhanng mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong
pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita o parirala; at ng etimolohiya o ugat o
palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang
inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga
salita, parirala, sugnay, at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan,
palakahulugan, palabigkasan at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumutukoy din ang
salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain pamagatan o saligan ng
mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
1. Iba’t ibang
Uri ng Diin at Katangian
Sa pag-aaral ng wikang Pilipino, lubhang mahalaga na matutuhan ang iba’t ibang uri ng diin at
mga katangian nito. Natutuhan natin sa pag-aaral ng Pilipino na maraming salita sa wikang Pilipino na
may iisang baybay ngunit nagbabago ang kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng tuldik.
A. Diing malumay: Ito a binibigkas nang banayad, ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli.
Ito ay walang tuldik at maaaring magtapos sa patinig o katinig.
Halimbawa: buhay, tunay, aso, kabundukan
B. Diing malumi: Ito ay binibigkas din nang banayad, ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa
huli. Ito ay may impit sa huling pantig at lagging nagtatapos sa patinig. Ito
ay nilalagyan ng tuldik na paiwa (`) sa itaas ng huling patinig.
Halimbawa: pusò, bandilà, luhà, lagì
C. Diing mabilis: Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy at pabunto sa huling pantig. Ito ay nagtatapos
sa patinig o katinig at nilalagyan ng tuldik na pahilis (´) sa itaas ng huling
pantig.
Halimbawa: asó, malusóg, bató, totoó
D. Diing maragsa: Ito rin ay binibigkas nang tuloy-tuloy hanggang sa huling pantig. Ito ay may impit
sa huling pantig at lagging nagtatapos sa patinig. Ito ay nilalagyan ng tuldik ng
pakupya (˄) sa ibabaw ng huling pantig.
Halimbawa: dugô, maputî, napunô, ngitî
Gawain/Unang Awtput
Panuto: Lagyan ng mga sumusunod na diin ang bawat pantig ng pangungusap sa ibaba na nakasalungguhit
kung ito ay diing malumay,malumi (`), mabilis (´), maragsa (˄)
2. Nabasa ang papel na hinahawakan ni Kennedy dahil natapon ang tubig na nasa kanyang paanan.
3. Ang palayna tanim ng kapitbahay ay namumunga na.
4. Talaga ngang napakahusay kumanta ni Bb. Royo kapag walang walang taong nakikinig.
2. Pagbabaybay
Nagkakaroon ng pagbabago ang alpabetong Filipino. Ang dating abakada na binubuo ng 20 titik
ay naging 28 letra na ganito ang pagkakasunud-sunod: a,b,c,d,e.f,g,h,i,j,k,l,m,ng,ñ,o,p,q,r,s,t,u,v,w,x,y,z
Ang mga letra ay tatawagin at bibigkasin tulad ng sa Ingles a (ey), b (bi), c (si), d (di), at iba pa, maliban
sa ñ na bibigkasin at tatawaging enye.
Ang pagbabago ng alpabetong Filipino ay upang madaling maisama o maasimila ang salita sa
iba pang katutubong wika ng Pilipinas. Ang mga letrang f,j,v at iba pa ay wala sa matandang Tagalog.
Sa bagong alpabeto ay may mga letrang kakatawan sa lahat ng tinig na umiiral sa lahat ng katutubong
wika sa Pilipinas.
Ang walang dagdag na letra ay gagamitin sa mga ngalang pantanging ngalan ng tao, lugar o
bagayat mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas, tulad ng cañao, hadji, at vugi.
Ang dating baybay ng mga salitang hiram, na tinanggap na at naasimila na tulad ng kape, dyip,
telepono, tseke, ay mananatili at hindi ibabalik sa orihinal na pinaghiramang café.
Ang pagpapasok ng mga karagdagang letra ay di dapat makalito sa sinuman sapagkat
mananatili ang dating baybay ng salita.
Tinanggap pa rin sa Bagong Paraan sa Ispeling ng wikang Pilipino ang dating dalawang
kaanyuan ng ilang salita tulad ng kapuwa/kapwa, kwento/kuwento at iba pa. ang kailangan lamang ay
ang konsistensi nito sa lahat ng pagkakataon sa isang sulatin o aklat.
Mahalagang Tandaan:
Maaring sundin ang mga sumusunod na paraan sa paghanap ng panumbas sa mga salitang hiram buhat sa
wikang Ingles.
1. Ang unang-unang pagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang
Filipino. Ang leksikon ay talaan ng mga salita ng isang particular na wika na inaayos nang paalpabeto
at may kaukulang kahulugan o depinisyon.
Halimbawa: Salitang Hiram Filipino
Law batas
Skill kasanayan
2. Sa panghihiram ng salita na mayroon sa wikang Espanyol at sa Ingles, unang preperensya ang hiram
sa Espanyol. Iayon sa bigkas ng salitang Espanyol ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa: Ingles Espanyol Filipino
Liquid liquido likido
Check cheque tseke
3. Maaaring gumamit o kumuha ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa: pinapaitan pinakbet imam
4. Kung walang salitang katumbas sa Espanyol o kung mayroon man ngunit maaaring hindi maunawaan
ng nakararami, hiramin ng buo o tuwiran ang salitang Inglesat baybayin ito ayon sa orihinal na alpabeto
ayon sa mga sumusunod na paraan:
a. Ang mga salitang hiram na ang pagbasa at pagbaybay ay pareho sa Filipino ay maaaring hiraming
ganap.
Na CL (asin)
Patitik at hindi papantig ang pagbaybay na pasalita o pagbigka. Paano babaybayin ang salitang lindol?
Ganito: l-i-n-d-o-l. Ganito ang pagbigkas na pagbaybay sa mga sumusunod na mga salita, daglat, akronim,
inisyal at simbolong pang-agham.
Salita: kurso = k-u-r-s-o dangkal = d-a-n-g-k-a-l
Daglat: Bb. (Binibini) = B-b Dr. (Doktor) = D-r
Akronim: UN (Nagkakaisang Bansa) = U-N
DOLE (Departamento ng Paggawa at Trabaho) = D-O-L-E
Pagbabaybay na Pasulat
1. Sinusunod ang simulating kung ano ang bigkas ay gayon din ang baybay sa pagbabaybay ng mga
karaniwang salitang Filipino, hiram man o katutubo.
Katutubo : bata, ina, sulo, tapang
Ingles : basket, organ, test, napkin
Kastila : mesa, gobyerno, military, negosyo
Franses : korte, prinsipe, bodabil, cabaret
Griyego : diploma, drama, helicopter, telegrama
Latin : altar, martir, sermon, ultimatum
1. Pasalaysay-pangungusap na
nagkukuwento o nagsasalaysay
at nagtatapos sa tuldok (.)
2. Patanong-pangungusap na
nagtatanong at nagtatapos sa
Saan ka mag-aaral?
Si Lorenzo Ruiz tandang pananaong (?)
ay isinilang sa 3. Pautos-pangungusap na nag-
pook ng Tondo uutos o nakikiusap o pakiusap.
Tumahimik kayo ay
4. Padamdam-nagsasaad ng
making.
matinding damdamin tulad ng
tuwa, takot o pagkagulat at
nagtatapos sa tandang Naku! Ang bata ay
padamdam (!) nasagasaan.
5. Pakiusap-ginagamitan ng
magalang na salita upang
makiusap. Maaaring nagtatapos
Pakiabot mo nga ng
sa tuldok o tandang panananong
aklat sa akin.
(.) (?)
Uri ng Pangungusap Ayon sa Tungkulin
Ang Panag-uri
Ang panag-uri ng pangungusap ang siyang nagsasabi o bumabanggit sa simuno. Ang panghuling salita
sa isang panag-uri ay maaaring maging pandiwa, pang-uri o kaya’y isang pangngalan.
Karaniwan sa pang-uri ng pangungusap ay pandiwa. Ito ang nangyayari sapagkat ang pandiwa ang
nagpapahayag ng kilos at Gawain ng simuno.
Halimbawa: Kami ay bumibili ng bagong kotse.
Bukod sa pandiwa, ang pang-uri ay madalas ding gamitin na panag-uri. Ang pang-uring ginagamit na
panag-uri ay nagsasaad ng uri ng simuno.
Halimbawa: Ang dalaga ay mahinhin
Ang pangngalan din ay ginagamit na panag-uri. Ang pangngalang ginagamit na panag-uri ay iniuugnay
sa simuno.
Halimbawa: Manggagamot ang ama ni Lucille.
Ang ay ay lantad kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos at laging nagkakatnig o nag-
uugnay sa simuno at panag-uri.
Halimbawa: Si Juan ay naglilinis sa loob ng kanyang kuwarto.
Ang ay ay nawawala kapag ang pangungusap ay nasa kabalikang ayos.
Halimbawa: Naglilinis sa loob ng kuwarto si Juan
ikatlong
Mga Aklat/Sanggunian:
Ducay Irene D. (2017) LET NCBTS ORIENTED FILIPINO/Wika, Linggistika, Panitikan, Pagtuturo ng Wika. 4th
Floor Rm. 409 CMFFI Bldg. R. Papa St. Sampaloc Manila. MET Review Publishing House
Felecitas, Manacsa et al (2005) Sining ng Pakikipagtalastasan. Katha Publishing Co.Inc.
https://www.slideshare.net/almareynaldo/mga-uri-ng-diin
https://www.slideshare.net/nhoellynbinas/pagbaybay-na-pasalita
https://tagisanngtalino.weebly.com/balarila.html
S
I M
N O
PAKIKIPAGTALASTASAN
I D
N Y
G U
L
N
G 3
Ikalawang Yunit
III. Nilalaman
A.
B. Pagganyak
Pagbasa ng isang Teksto
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa binasang teksto ang mga sumusunod na pang-uri o mga salitang naglalarawan sa
isang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari at kung ano ang inilalarawan
1. ___________________ 4. ____________________
2. ___________________ 5. ____________________
3. ___________________
C. Pagtalakay
(Pamagat)
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Ano ang semantika? Ito ang pagbibigay katuturan sa isang bagay. Ito ang
Semantika pagsasama ng impormasyong pambalarila, pang leksikal at ekstra tekstwal.
(Strawson). Ito ang proposisyon o nilalaman ng isang bigkas. Ito rin ang gamit
ng wika ng mga humigit-kumulang na tiyak na katuturan (sense) at may humigit-
kumulang na tinutukoy (reference). (John Austin).
Palatunugan/Ponolohiya Tagapakinig
Palaugnayan/Sintaks
Tagapagsalita
Semantika
Balarila
Palabuuan ng Mga Salita
1.
1. Mga Paraan ng Pagbuo
1.1. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlapi.
may tatlong uri ng panlapi: Unlapi, Gitlapi, Hulapi
2. Panuntunan sa Pagbuo
Sa tulong ng mga panlapi, ang pagbabagong anyo ng mga salita ay nangyayari sa limang paraan.
2.1. Inuunlapian ang salita kung ang panlapi ay sa unahan ng salita ikinakabit
Halimbawa: mabuti -mag-aral -pag-ibig -mapagbiro
2.2. Ginitlapian ang salita, kung ang panlapi’y sa loob ng salita inilalagay.
Halimbawa: sumama -lumuhod -sinaing -ginataan
2.3. Hinuhulapian ang salita kung ang panlapi’y sa hulihan ng salita ikinakabit
Halimbawa: sulatan -basahan -hugasan -samahan
Kapag nagtatapos ang salita sa patinig na banayad o mabilis, ang ginagamit ay han o hin.
Halimbawa: damihan -samahan -hulihin -batuhin
Kung may patinig na kinaltas sa huling salita ang ikinakabit ay han o hin
Halimbawa: dalhan -bilhin -labhan
2.4. Ang salita ay may kabilaang panlapi kung may unlapi at hulapi.
Halimbawa: kagandahan -talasalitaan
pagupitan -pangisdaan
2.5. Ang salita ay may laguhang panlapi kung may unlapi, gitlapi at hulapi.
Halimbawa: magdinuguan -pagsumikapan
Pagsasanay 3
Panuto: Bumuo ng mga salita sa inyong isipan at itala sa ibabang kahon ang bawat salita/salitang-ugat na
mayroong unlapi, gitlapi at hulapi at salunggihutan ang mga panlaping ginamit.
Mga Aklat/Sanggunian:
Ducay Irene D. (2017) LET NCBTS ORIENTED FILIPINO/Wika, Linggistika, Panitikan, Pagtuturo ng Wika. 4th
Floor Rm. 409 CMFFI Bldg. R. Papa St. Sampaloc Manila. MET Review Publishing House
Felecitas, Manacsa et al (2005) Sining ng Pakikipagtalastasan. Katha Publishing Co.Inc.
S
I M
N O
PAKIKIPAGTALASTASAN
I D
N Y Ikalawang Yunit
G U IV.
Nilalaman
Ang tamang paggamit ng mga salita ay ang mga
sumusunod:
L
A. Paggamit ng in o hin
B. Paggamit ng ka – an o han
C. Paggamit ng mag
D. Paggamit ng pa
E. Paggamit ng pa – an o han
N F. Paggamit ng paki
G. Paggamit ng paki – an o han
G
H. Paggamit ng pag
I. Paggamit ng pag – an o han
J. Paggamit ng pagka
4
K. Paggamit ng pala – an o han
L. Panuntunan sa Pagbuo ng Salita
A. Layunin
1. Maunawaan ang kahulugan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paglalarawan
2. Makabuo ng isang sanaysay batay sa paksang tinalakay
3. Nagagamit ng wasto sa pangungusap ang dalawang uri ng pang-uring ginamit sa paglalarawan
o pagsulat
4. Matukoy ang pagkakaiba ng semantika sa balarila
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan
1 3 5
Unang Pagsasanay
Panuto: Alamin ang nais ipakahulugan ng bawat larawan na nasa itaas. Ang sagot ay isulat sa ibabang
bahagi ng modyul na ito at alamin kung ano ang mga panlaping ginamit batay sa mabubuong salita gayundin
ang salitang-ugat.
C. Pagtalakay
In o hin
1. Ang in ay ginagamit na unlapi o gitlapi. Ito’y nagsasaad ng bagay na nagawa na.
Halimbawa: sinaing -inihaw -inaama
2. Kapag ang in ay tinulungan ng an ito’y nangangahulugan ng nilahukan o sinamahan ng sinasabi
ng salitang ugat.
Halimbawa: sinampalukan -ginataan -inasnan
3. Kapag ang in o hin ay hulapi, ito’y nagsasaad ng karaniwang gamit ng isang bagay.
Halimbawa: kakanin -panauhin -inahin
Ka -an o han
1. Ipinahahayag nito ang pagkabasal (abstract) ng sinasabi ng salitang ugat
Halimbawa: kabutihan -kamatayan -katamaran -kayamanan
2. Nagsasaad din ito ng pagkakapisan ng maraming bagay na magkakauri
Halimbawa: kapisanan -kapilipinuhan -kababaihan -katagalugan
3. Nagpapahayag ng panahong kasalukuyan o iginagawa ng isang bagay.
Halimbawa: kabilugan ng buwan -kaarawan kabulaklakan ng rosas
4. Nagsasaad ng karurukan ng isang pook at ng pinakadulo ng isang agwat.
Halimbawa: kabutihan -kalagitnaan -kalunsuran
5. Nangangahulugan din ng gawaing gantihan o tambingan.
Halimbawa: kasunduan -kagalitan kainggitan
6. Nagpapahayag din ng tungkulin, kapangyarihan at ng pook na pinagganapan.
Halimbawa: katungkulan -kagawaran -karapatan
Mag
1. Nagbibigay ng salitang-ugat ng diwa ng pagkakagamitansa isang layon.
Halimbawa: pamagat -palayan -paunawa
2. Nagsasaad ng layon ng pagganap na ginagawa s autos o pakiusap ng iba.
Halimbawa: padala -pabili -patago
3. Nagkakahulugan ng pagpapakilala sa isang kuru-kuro, kautusan o paniniwala.
Halimbawa: palagay -paraan -parusa
Pa -an o han
1. Ito’y nagsasaad ng lunan o pook na pinanggagalingan ng sinasabi ng salitang-ugat.
Halimbawa: paaralan -palamigan -paminggalan
2. Nagsasaad din ng kahulugang tambingang (reciprocal) pagganap o sabay-sabay na
pangyayari.
Halimbawa: pautangan -panangisan -patawaran
3. Nangangahulugan ng pagtitimpalak o pagpapalaluan.
Halimbawa: paligsahan -pagandahan -palakasan
4. Nagsasaad din ng dunong at praan ng paggawa ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat ayon sa
sining ng paggawa.
Halimbawa: pagamutan -pakulutan -pagandahan
5. Nagkakahulugan ng bunga o kinalabasan ng pagganap ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat.
Halimbawa: pahayagan -pamahalaan -patakasan
Paki
1. Ito’y nagsasaad ng pakiusap o pangungutang ng loob.
Halimbawa: pakisabi -pakibigay -pakidala
2. Kapag inuulit ang huling pantig ng paki, nagsasaad ang salita ng pagkakasalukuyan o ng uri at
paraan ng pagganap o pangyayari
Halimbawa: pakikialam -pakikiramay -pakikitanim
Pag
1. Ang pag ay panlaping makangalang-makadiwa (verbal-noun forming affix). Ang nabubuong
salita ay pangalan ng pagganap.
Halimbawa: pagsulat -pagbili -pagkain
2. Kapag ang pandiwa ay sa ma gang anyo ay pag atsalitan-ugat na inuulit ang unang pantig.
Halimbawa: magbasa-pagbabasa
magtanim-pagtatanim
maglaba-paglalaba
3. Kapag ang pandiwa’y sa ma may mga salitang-ugat na inuunlapian lamang ng pag at may
inuunlapian naman ng pagka.
Halimbawa: matulog-pagtulog
mapitas-pagpitas
mahulog-paghulog
Pagka
1. Nagsasaad ng kahulugang kapagkahan (state of being) ng bagay na sinasabi ng salitang ugat.
Halimbawa: pagka-pangulo -pagkatanyag -pagkababae
2. Nagsasaad ng pangyayari sa sauli o sa iba nang di-sinasadya.
PALAYAN
Salitang-ugat:
Panlaping ginamit: (lagyan ng tsek /)
Ikalawang Pagsasanay
Panuto: Maglikha ng sariling larawan (drawing) batay sa nakasulat na pamagat na nasa itaas at tukuyin kung
ano ang salitang ugat at panlaping ginamit (unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan)
Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaishan at may Konsistent, may Hindi ganap ang
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
Paksa ang mga salita salita o islogan sa angkop ang mga mga salita at
(islogan) at larawan larawan ng paksa. salita at larawan sa larawan sa paksa.
sa paksa. paksa
Kabuuang Puntos
Ikatlong Pagsasanay
Panuto: Alamin kung anong uri ng panlapi ang ginamit sa pangungusap sa mga salitang may salungguhit sa
bawat bilang (Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Kabilaan)
1. Inihaw na isda ang dalang ulam ni Maria kay Jose.
2. Wala ibang namumutawi sa isip ni Pedro kundi ang kabutihang ipinakita sa kanya ni Helen noong siya’y
nasa bingit ng kamatayan.
3. Hindi natin dapat kainggitan ang mga taong umaasenso sa buhay, bagkus mas mainam na sila ay
maging inspirasyon sa ating buhay upang makamit natin ang ating minimithi.
4. Pakisabi kay Susan na ako’y maghihintay sa muli niyang pagsagot sa aking mga sulat.
5. Ang isa sa naging palatandaan niya upang matukoy kung aling kahon ang naglalaman ng ginto ay ang
kulay na asul.
Mga Aklat/Sanggunian
Ducay Irene D. (2017) LET NCBTS ORIENTED FILIPINO/Wika, Linggistika, Panitikan, Pagtuturo ng Wika. 4th
Floor Rm. 409 CMFFI Bldg. R. Papa St. Sampaloc Manila. MET Review Publishing House
Felecitas, Manacsa et al (2005) Sining ng Pakikipagtalastasan. Katha Publishing Co.Inc.
https://www.slideshare.net/ReybelDoasales/kayarian-ng-mga-salita-report
https://www.wattpad.com/574708452-wastong-gamit-completed-%A5salitang-inuulit%F0%9F%92%A5
https://www.slideshare.net/mariavictoriaomos/salitang-ugat-at-panlapi
S
I M
N O
PAKIKIPAGTALASTASAN
I D
N Y
G U
L
N
G 5
Note: Ang lahat ng sagot ay ipasa sa edmodo/gmail/messenger Gmail:royomarife835@gmail.com
(soft copy/PDF) Kopyahin ang tanong bago sagutan. Fb account: Marife Ramirez Royo II
GE 113/FIL
1Modyul 5 ANG SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN
A. Layunin
5. Nalalaman ang kahulugan ng pakikipagtalastasan
6. Napahahalagahan ang pakikipagtalastasan
7. Naiisaisa ang apat na paraan ng pagpapahayag
8. Napaghahambing ang retorika at balarila sa pagpapahayag.
Nilalaman ng Kurso
II. Ang Sining ng Pakikipagtalastasan
E. Kahulugan ng pakikipagtalastasan
F. Kahalagahan ng pakikipagtalastasan
G. Mga uri at paraan ng pagpapahayag
H. Ang retorika
B. Pagganyak
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may salungguhit. Pumili ng sagot sa kanang
bahagi ng kahon (letrang B)
A B
1. Kapag ang tao ay nakikimi, siya ay (napipipi, nahihiya, natatakot)
2. Ang matandang babae ay nangangalay (napapagod, namamanhid, nangangawit)
3. Ang kaniyang alindog ay nakakahalina (hinhin, dunong, ganda)
4. Iyan ang matagal na niyang panambitan (panalangin, hinaing, pagnanasa)
5. Narinig kong inusal niya ang kanyang pangarap (binabanggit, binulong, dinasal)
C. Pagtalakay
Tula
Halimbawa ng Tula
PAGKAKAISA
(ni Venancio R. Tumibay)
Venancio R. Tumibay
liwayway Magasin
Hulyo 2, 1990
Blg. 12