RBI-Script-filipino-3rd WEEK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Page 1 of 6

RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT


( APRIL 8, 2021 )
Learning Area: FILIPINO Grade 6 (3RD WEEK)
Title: 104.6 FM Radio Mango
Length: 25 minutes
Scriptwriter: JASMIN C. GALOPE
Objectives: Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat. (F6PT-IIIj-15)
Time TECHNICAL SPIEL
INSTRUCTIONS
1:00-1:25 Sulong Tarlac, Angat Tarlac! Handog ang magandang kinabukasan, gamit ang tinig ng kaalaman. Halina’t sama-sama nating abutin ang
pangarap sa gitna ng pandemyang kinakaharap, upang sama-samang aangat. Edukasyon para sa lahat. Sumasainyo ang 104.6 FM Radyo
Mango! Mangolago Una sa Pagbabago.
BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
/GREETINGS Magandang araw mga masisigasig na mag-aaral ng ikaanim na baitang .

Ako ang inyong Titser Jasmin ang inyong tulay sa pagkatuto para sa asignaturang Filipino ng Ikaanim na baiting. Samahan niyo ako sa
dalawampu’t limang minutong makabuluhang talakayan.
5secs BIZ: MSC UP AND OUT
Bago tayo magsimula sa ating mga gawain para sa araw na ito, mangyari lang na ihanda ang inyong mga Learner’s Activity Sheet, ang
inyong papel at pansulat.

Handa na ba ang mga ito? Mabuti naman kung ganun.

Siguruhing kayo ay nasa tahimik at komportableng lugar kung saan malinaw at maayos na naririnig ang ating broadcast. Kumusta na kayo?
Kumain na ba kayo? (PAUSE) Mabuti kung ganoon nang maging alerto at makapagbahagi sa klase. Alam kong handa na ang inyong mga
ON CAMERA isip upang mas lalong maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

Para makapagbahagi sa ating talakayan ay maari kayo magpadala ng kasagutan sa aking messenger account/ messenger Group Chat para sa
asignaturang Filipino o kaya sa aking numerong 09212525706. Kung sa facebook livestream naman ay maari parin makibahagi sa
pamamagitan ng pagtype ng inyong kasagutan sa comment box.

Paalala lamang sa mga magulang ng mga mag-aaral na nakatutok sa ating livestream ay gabayan ang inyong mga anak sa paglalagay ng
komento dito. Salamat.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ang paksang aralin natin para sa araw na ito ay
-MORE-
Pagbuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.
uulitin ko
Pagbuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.
1|Page
Page 2 of 6

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Bago tayo dumako sa ating aralin ngayon, tayo muna ay magbalik-aral.
Ano ang tekstong argumentatibo?
Ang tekstong argumentibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa, hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng
ON CAMERA
manunulat, batay din ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Ito rin ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro o
pagbibigay ng pananaw patungkol sa isang mahalagang isyu.

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Ating simulan ang aralin sa pagbasa ng isang maikling dayalogo. Napakaikli nito mga bata kaya makinig ng mabuti. Ilabas ang inyong Learning
Activity Sheet nang makasabay at makasunod kayo at upang mas lalo ninyong maunawaan ang inyong aralin.

Isang araw, nagkayayaan ang magkaibigang Arman at Ephraim na magtungo sa bukid. Sa kanilang paglalakad, nakita nilang hitik sa bunga ang
punong mangga.
EPHRAIM : Halika ka na Arman, umakyat tayo sa puno at pitasin ang bunga ng mangga.
ARMAN : Ephraim, magdala ka ng panungkit at basket para pagsisidlan ng bunga

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:


1. Sino ang dalawang magkaibigan sa dayalogo?
-MORE- Sagot: Ephraim at Arman
2. Ano ang puno na aakyatin nina Ephraim at Arman?
Sagot: Puno ng manga
3. Ano ang pinapakuha ni Ephraim kay Arman?
Sagot: Panungkit at basket

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Iyong suriin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Arman at Ephraim. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
1. umakyat = um + akyat
2. pitasin = pitas + in
3. magdala = mag + dala
4. pagsisidlan = pag + sisidlan

Alam mo ba ang tawag sa mga ito? Ang akyat, pitas, dala at sisidlan ay mga salitang ugat.

ano ang Salitang Ugat? Ang salitang-ugat ay ang payak na salitang walang dagdag o salitang buo ang kilos. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-
uri o pandiwa.
Halimbawa:
Pangngalan Pang-uri Pandiwa
babae ganda sulat
hayop sariwa lakad
Ang um-, -in, mag-, at pag- ay mga halimbawa ng mga kataga. Ano naman ang kataga? Kataga ang tawag sa mga titik o pantig na walang kahulugan.
Ikinakabit ang kataga sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Panlapi ang tawag sa mga ito.
2|Page
Page 3 of 6

Ang panlapi ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, sa gitna, hulihan at kabilaan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Maylapi ang salitang-ugat kung ito ay nilalapian o kinakabitan ng kataga sa unahan, gitna, hulihan, o sa magkabilang bahagi nito.
May limang paraan ang paglalapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.
1. Unlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat
tulad ng ma-, um-, na-, pag-, ka- at marami pang iba.
Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat = bagong salita
ma + sipag = masipag
Unlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita
ma- sipag masipag
um- inom uminom
na- basa nabasa
pag- tala pagtala
ka- kanta kakanta
2. Gitlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat tulad ng -um at -in.
Halimbawa:
salitang-ugat + gitlapi = bagong salita
sayaw + um = sumayaw
Gitlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita
-um sayaw sumayaw
-um kanta kumanta
-in putol pinutol
-in katay kinatay
3. Hulapi kung saan ang kataga ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng -an, –han, –in at –hin.
Halimbawa:
salitang-ugat + hulapi = bagong salita
turo + an = turuan
*Pansinin ang salitang-ugat na turo, ang -o na patinig ay pinapalitan ng -u
bago idugtong ang hulaping -an.
Hulapi Salitang-Ugat Nabuong Salita
-an turo turuan
-an dagan daganan
-han laba labahan
-han punta puntahan
-in kagat kagatin
-in nguya nguyain
-hin sabi sabihin
-hin kanta kantahin
4. Kabilaan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. May unlapi at hulapi ang salitang-ugat tulad ng unlaping
nag-, mag, pag at hulaping -an at -han at iba pang maaaring gamitin sa kabilaan.
Halimbawa:
3|Page
Page 4 of 6

unlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita


nag + sayaw + an = nagsayawan
Kabilaan Salitang-Ugat Nabuong Salita
nag- -an sayaw nagsayawan
Nag- -an awit nagawitan
nag- -han kanta nagkantahan
mag- -an tulak magtulakan
mag- -han takbo magtakbuhan

5. Laguhan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. May mga unlapi, gitlapi at hulapi tulad ng
unlaping nag-, mag, pag gitlapi -um, -in at hulaping -an at -han at iba pang maaaring gamitin sa laguhan.
Halimbawa:
unlapi + gitlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita
nag + sa + sayaw + an = nagsasayawan
Laguhan Salitang-Ugat Nabuong Salita
nag- sa-an sayaw nag/sa/sayaw/an
nag- a - an awit nag/a/awit/an
mag- -han kanta mag/ka/kanta/han
mag- ta-han takbo mag/ta/takbo/han

Tandaan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa panlapi o pagbuo ng bagong salita gamit ang mga panlapi at ang paraan ng paglalapi.

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Ngayon ay magkakaroon tayo ng maikling pagsasanay ukol sa natalakay natin ngayon. Ilabas ang inyong Learning Activity Sheet at hanapin ang
Pinatnubayang Pagsasanay Bilang 1.

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Panuto: Bumuo ka ng bagong salita sa tulong ng panlaping ibinigay sa bawat bilang. Sundan ang halimbawa upang mapunan ang tsart. Isulat ang sagot
sa LAS.
Mga Salitang-ugat Panlapi Nabuong Salita
Halimbawa:
-an taniman
tanim
1. bilis ma-
2.salok -um
3.hulog na-
Mga sagot:
1. mabilis
2. sumalok
3. nahulog
5 secs BIZ: MSC UP AND
UNDER

4|Page
Page 5 of 6

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Piliin ang panlaping angkop sa salitang-ugat na nasa loob ng panaklong upang makabuo ng bagong salitang nararapat para sa diwa ng
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong LAS.
________________1. (handog) ng isang magandang awitin para sa mga panauhin ang mga mag-aaral ng Laoag Integrated School.
________________2. Ipinakita ng mga artista sa Teatrong Kagat ang husay nila sa (arte) sa kanilang pagtatanghal.
________________3. Si Ginoong Mike Enriquez ay isang mahusay na (ulat) sa radyo at telebisyon.

KASAGUTAN:
1. Naghandog
2. Pag-arte
3. Taga-ulat
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ating sukatin ang inyong kahusayan sa paglalapi o pagbuo ng bagong salita gamit ang panlapi.

PAGTATAYA:
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa unang hanay. Isulat sa ikalawang hanay ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit. Isulat sa
ikatlong hanay ang panlaping ginamit. Sa ikaapat na hanay, isulat kung saan ang posisyon
ng panlapi. Sundan ang halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Posisyon ng
Pangungusap Salitang-ugat Panlapi
Panlapi
Hal. Nagpalakpakan ang mga
Halimbawa:
manunuod sa sayaw na Nag- -an kabilaan
palakpak
ON CAMERA kanilang pinamalas.
1. Lumipad ang mga ibon
patungo sa gubat.
2. Nagsimba si Diana noong
Linggo.
3. Umani ng ginto si Chris sa
palarong takbuhan.
4. Susuklayin ko ang aking
buhok.
5. Maganda ang mga tanawin
dito sa Zambales.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ating iwasto ang inyong kasagutan. Isang puntos lamang sa bawat aytem.
Salitang Posisyon ng
Panlapi
ugat Panlapi
1. lipad -um gitlapi
2.simba nag- unlapi
3.ani um- unlapi
4.suklay su-, -in kabilaan
5.ganda ma- unlap

5|Page
Page 6 of 6

5 secs BIZ: MSC UP AND OUT


Sa mga nakakuha ng 4 at 5 tama, binabati ko kayo. Kapag nakakuha naman ng 3 pababa ay huwag mag-alala maari pa kayong bumawi. Sa
pamamagitan ng isang karagdagang Gawain na matatagpuan sa huling bahagi ng inyong LAS.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Sa wakas ay natapos na natin ang ikatlong aralin para sa asignaturang Filipino. Nawa ang lahat ng inyong natutunan sa araw na ito ay inyong
maisaulo, maisapuso at maisabuhay.

Siguruhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid 104.6 FM Radyo Mango, tuwing Martes sa ganap na 1:00-1:25 ng hapon para sa
asignaturang Filipino ng ikaanim na baitang.

Hanggang sa muli, ako si Titser Jasmin. Ang inyong guro sa Filipino.

Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas.

Laging tandaan, na ikaw ay ABAKADA – Ako Bibo Kasi Dapat. Paalam!


- END -

6|Page

You might also like