Professional Documents
Culture Documents
PANITIKAN
PANITIKAN
KATIMUGANG TAGALOG
• Dahil sa pagdagsa ng mga pamayanan sa tabi ng mga ilog, lawa, at dagat naging isang
mahalagang tauhan at simbolo ng buhay Tagalog ang mangingisda.
• Para sa mga mangingisda ang ilog ang pinagkukuhanan nila ng lakas na nagbibigay sa
kanila ng panahong magnilay-nilay, at magkaroon ng respeto sa sarili.
• Ang kapatagan ng Luzon ay kakikitaan din ng malalawak na lupaing tinatamnan ng
palay at tubo.
• Ang bigas ay nagpapahayag ng kapangyarihan sa buhay Tagalog.
• Ang bilang ng bigas na inilalagay sa sako ay nangangahulugan ng kasaganahan at
kayamanan nila.
• Para sa mga magsasaka. ang tag-ani ay nagbibigay ng pag-asang umunlad ang
kanilang buhay.
• Para sa pyudal na amo, ito'y nangangahulugan ng kapangyarihan at kasaganahan.
• Para sa mga negosyante. isa na naman itong pagkakataong makapagsamantala at
makalamang.
PANINIWALA
- https://www.youtube.com/watch?v=VJRrlSsOKm8
Prinsesa ng Kumintang
- Teo S. Baylen
- Ang mga larawan ay nakalakip kasama ng handout na ito.
Kabanata 11: Los Baños (Ang Buod ng “El Filibusterismo”)
- https://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-11-los-banos-ang-buod-ng-el-filibusterismo_103.html/page/0/2
Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t
siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril
na ibon o usa ang Kapitan Heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw
iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya
makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.
Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo
ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.
Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya
ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang Kura. Ani
Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay
mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal
(magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga
dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin
lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na
hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang
bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao
nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang
nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa isang taong pipiliin ko
at iba pa.
Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.
Gaya natin, ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.
Ika-11:30 na. Itinigil ng Heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t
manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan.
Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-
paaralan. Ani Padre Sibyla: si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si
Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya
ng Heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani.
Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang lang
daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay
nakatiwangwang lamang.
Pinutol ng Heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng
kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya.
Tinanong ng Heneral ang kawani. Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan.
Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon
kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa
paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita.
Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago
at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra,
ang binata ay bastos. Sa bapor daw ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito.
Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga- tangkilik na isang
kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre
Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam (ngunit wala si Padre
Salvi). Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik.
Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng Heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang
kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio.
- https://www.academia.edu/27966404/Final_Requirement
Sa aking opinyon, Ang kalakasan ng akda ay mauunawaan ng mga mambabasa ang bawat
pahayag ng dalawang panig. Mauunawaan ang bawat pangaral ng mga magulang at maunawaan ng
mambabasa bilang anak ang kanilang mga pagkakamali sa bawat palo ng kanilang mga magulang at
ang rason o dahilan ng mga magulang kung bakit sila gumagamit ng pamalo sa pagdidisiplina ng
kanilang anak. Bawat panig ay naipaliwanag ang kanilang opinyon.
Sa kahinaan naman. Base sa aking pagkakabasa ay hindi sapat para ang paliwanag nang
tagapagsalita ng Pamalo, dahil sa sa aking opinyon ang tamang pag didisiplina ng magulang sa
kanilang anak ay hindi lamang sa dahas idinadaan kundi sa isang masinsinang pag paparangal.
Implikasyon sa:
• Panahon
Ang panahon sa akda ay maaring panahon mula sa nakaraan o kaya naman ay panahon sa
ngayon.
• Lugar
Base sa aking nabasa. Nakikita ko ang lugar ng pinagganapan ng akda ay isang entablado na
kung saan nandoon ang lakandiwa, ang tagapagsalita ng sa pangaral at ang tagapagsalita ng sa
pamalo. Sila ay nakaharap sa maraming mga manonood
• Aral
Ang bawat isa sa tagapagsalita ay nag iiwan ng aral sa mga tagabasa. Ang tagapagsalita ng
pangaral ay nag-iiwan sa atin ng mga aral upang maitama natin ang ating mga pagkakamaling
nagawa bilang anak. Ang tagapagsalita naman ng Pamalo ay nagpapakita at nakapagpapaunawa sa
atin na ang ating ginawa ay mali. Ang sinabi ng panig sa pangaral na “Pag ang bata ay lumaking
suwail at di matino, ang paghampas na panakot ang sa kanya ay bumigo mangyari pa iyang batang
di inaralan nang wasto at sa pamalo mo pinundi ang nahungkag niyang bungo” ay nagsasabi na hindi
dapat laging sa dahas idinadaan ang pagpapangaral ng magulang sa kanyang anak, sapagkat
maaring tumatak sa isipan ng anak na siya ay madalas saktan ng kanyang mga magulang, ito dapat
ay sinasamahan din dapat nang pangaral upang mas maintindihan ng anak ang kanyang
pagkakamali. Ang Pangaral at Pamalo ay parehas na mahalaga sa pagdidisiplina sa mga anak,
sapagkat ang mga paraang ito ang makakapagpatuwid at makakapagtama sa mga pagkakamaling
nagagawa ng mga anak.
• Buod
Ang akda ay tungkol sa isang balagtasan. Ang balagtasan ay tungkol sa mas mainam na
paraan sa pagpapatino ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ito ay nahati sa dalawang panig.
Una ay ang panig ng sa Pamalo at ang ikalawa ay ang Pangaral. Ang bawat panig ay mayroong
isang tagapagsalita upang ipaliwanag ang kanilang panig sa napili nilang paraan sa pagpapatino sa
kanilang mga anak. Sa simula ng panawagan ng bawat panig ay makikita na ang tagapagsalita ng sa
pamalo ay may hawak na pamalo at ang tagapagsalita naman ng pangaral ay may dalang dalawang
aklat. Sa unang tindig pa lamang ng balagtasan ay nagpakitang gilas na ang tagapagsalita ng
pamalo sa pamamagitan nang kanyang pag kuwestiyon sa dalang libro ng tagapagsalita ng pangaral.
Sa kanyang opinyon ay Hindi sapat ang libro sa pagpapatino ng anak sapagkat magmamalabis ang
mga anak kapag winili ito sa pag paparangal na pagtitimpi lamang, Ang kanyang pilosopiya sa
pagpapatino ay ang pagpalo sa anak sa tuwing may pagkakamali itong ginawa, Ang opinyon naman
ng tagapagsalita ng pangaral ay hindi dapat idinadaan sa init ng ulo ang pagpapatino sa kanilang
mga anak, Ito dapat ay idinadaan sa masinsinang pakikipag usap at pagpangaral sa kanilang mga
anak ng sa ganoon ay maunawaan nila ang kanilang pagkakamaling nagawa. Walang nagpatalo sa
magkabilang panig hanggat nagsalita na ang lakandiwa na parehas na kailangan ang pamalo at
pangaral. Patas ang naging husga sa magkabilang panig at ang tunay na nanalo ay ang
tagapagpakinig sa balagtasan
• Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang Lakandiwa ng balagtasan na si Fernando Monleon, Ang
makata ng Laguna, Tagapagsalita sa panig ng Pangaral na si Emilio Mar. Antonio,ang makata ng
Bulakan at ang tagapagsalita sa panig ng Pamalo na si Teo S. Baylen, Ang makata ng Kabite
KABANATA 8: PANITIKAN SA BIKOL
Panimula
- https://www.youtube.com/watch?v=Z0LVWBFM3Ss
BIKOL
- Salawikain - Awit
- Bugtong - Kuwentong-bayan
- Komedya (1800)
- Zarzuela (1892)
- Bodabil (1930)
• MGA BIKOLANONG MANUNULAT SA PANAHONG KONTEMPORARYO
- https://steemit.com/pilipinas/@ellamielle/ang-alamat-ni-magayon-or-bicolano-folkore
Tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ni Pagtuga upang ipaubaya ang kaniyang sarili kapalit
ang kalayaan ng kaniyang ama. Naabot ang balita kay Panganoron. Tinipon niya ang kanyang hukbo
upang sagipin si Datu Makusog at ang kaniyang irog na si Magayon.
Pagkatapos ng engkwentro, iniuwi ni Datu Makusog ang mga labi nina Magayon at
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magsing-irog.
Makalipas ang mga araw, nakita ng mga tao sa kanayunan na ang pungtod ay tumataas.
Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis tatsulok. Tinawag ito ng mga taong bayan na "Mayon"
mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon. Pinaniniwalaan ng mga tao na ang
pagdagundong at paglindol ay simbolo ng pagmamahalan nina Magayon at Panganoron."
Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang lakas ng pananampalataya ng mga katolikong
Pilipino sa Naga at ang kanilang panatang debosyon sa Nuestra Senora De Penafrancia o kung
tawagin ay ina.Naipapakita din dito ang pagkakaisa ng mga tao sa kanilang paghahanda para sa
kapistahan ng kanilang patron,mula sa alkalde ng naga hanggang sa mga taong bahay ay nakikiisa
sa nalalapit kaganapan.Ang pagsasama sama ng mga pamilyang nasa malayo sa pagsapit ng pista.
Ang kahinaan ng Akda ay ang pag gastos ng mga tao sa naga sa kanilang kapistahan,Maaari
naman itong ipagdiwang sa isang simpleng paraan ngunit ito ay talagang pinagkakagastusan taon
taon.
Implikasyon sa:
• Panahon
Ang panahon sa Akda ay parehas na panahon mula sa nakaraan at ang panahon sa ngayon
dahil nakasaad sa akda ang mga tradisyon na kanilang ginagawa sa pagsapit ng pista mula noon
hanggang sa ngayon.Masasabi ko na ito ay mula sa nakaraan sapagkat ang Birhen ng Penafrancia
ay mahigit limang daang (500) taon nang nasa naga,ibig sabihin mahigit limang daanng taon na din
ipinapagdiwang ang pista ng penafrancia.
• Lugar
Ang lugar ng pinaganapan sa akda ay sa Visayas sa bayan ng Naga kung saan nandoon ang
kanilang patron sa si Inang Penafrancia.
• Aral
Ang aral sa akda ay ang pakikipag isa ng mga tao.Ang pagbabayanihan at pakikibaka nating
mga Pilipino sa ating kapwa.
• Buod
Buwan pa lamang ng Hunyo,Unti unti nang pinaplano ang pagdiriwang ng kapistahan. Ang mga
bikolano ay nag iipon ng pera para sa maramihang gastusan sa pagsapit ng pista.Sa mga pamilya
namang nakapagaaral, uuwi ang mga anak,kapatid o ama na sa maynila nagtratrabaho.Ang plano
para sa palabas sa pista ng Penafrancia ay isinasagawa ng local na gobyerno ng naga na
pinangungunahan ng alkalde at ng kanyang bise.Susunod naman dito ay ang mga patimpalak para
sa pagpili sa Ginoo at Ginang Penafrancia ng taon at iba pang mga masasayang programa.
Sa ikalawang sabado ng setyempre ginaganap ang translacion na kung saan iprurpusisyon ang
birhen ng Penafrancia sa magmumula sa basisica minore na kung saan doon ito nakalagak patungo
sa metropolitan katedral ng arsidiyosesis kung saan dito isasagawa ang mga vigil.Ang prusisyon ay
pinangungunahan ng Divino Rostro, ang imahen ng birheng maria hawak hawak ang panyong
ipinunas kay kristo ng siyay pinahirapan ng mga hudyo.Ang Inang Penafrancia ay nasa huling bahagi
ng prusisyon na pinagtutulungang pasanin ng mga lalaking iisang kulay ang damit na suot.
Sa mismong araw ng kapistahan ay isinasagwa ang Fluvial Procession, isang prusisyong tubig
upang isauli ang birhen ng Penafrancia sa tahanan nito sa basilica minore.Sa bikol river idinadaan
ang prusisyon kung saan may malaking Bangka na sakay sakay ang mga lalaki.Hindi pwede isakay
ang mga babae dahil paniniwala ng mga matatanda na kapag nagsakay ng babae sa bangka ay
lulubog ito.Maraming deboto ang nag aabang sa daanan ng birhenng Penafrancia na may hawak na
kandila at nagwawagayway ng putting panyo.
Labis na pagpapasalamat ng sumulat ng akda sa kapistahan sapagkat dito niya nakilala ang
kanyang asawa.
• Kultura
Ang kultura sa akda ay ang kultura sa naga,ipinapakita dito ang kanilang kultura at tradisyon sa
paghahanda at pagdiriwang sa araw ng kapistahan.Una ay ang pakikisama ng bawat tao sa
paghahanda,Ikalawa ay ang Translacion at fluvial procession na ilang taon nang tradisyon ng
Arsidiyosesis ng Caceres.
- https://www.academia.edu/27966404/Final_Requirement
• Kalakasan at Kahinaan
Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang pagiging masunurin ng mga bata sa mga
nakakatanda sa kanila.Ang kahinaan naman nang akda ay ang paaglinlang Mang Punying kay pising
at ang kanyang pagsasamantalang ginawa dito,sa murang edad ni pising ay masasabi natin na siyay
inosente at walang kamuwang muwang . Nang dahil sa ginawang pagsasamantala ni mang punying
sa kanya ay nabahiran na ng dungis ang kanyang kainosentehan.
Implikasyon sa:
• Lugar
Ang lugar sa akda ay nasasalamin ko na ito ay sa isang nayon na kakaunti lamang ang mga
taong naninirahan
• Aral
• Buod
Isang mainit na tanghali habang naglalaro ang magkaibigan na si Pising at si Ilu nang sitsitan
siya nang isang matandang lalaki na hindi naman niya kakilala, Sinabihan siya nito na naghahanap
daw ito ng mabibigyan ng pera .Napagkasunduan nila na sa bawat uban na mabubunot ni pising
mula sa matanda ay bibigyan siya nito nang dalawamput limang sentimos.Lahat nang binubunot na
uban ni pising ay inilalagay niya sa palad ni mang punying upang mabilang ang mga ito.Nang
pagsapit ng dilim ay umuwi na si pising sa kanilang bahay,pinababalik siya ni mang punying
kinabukasan upang bunutan ito muli ng uban.Napag alaman ni pising na Mang Punying ang
pangalan noong matanda na ang trabaho ay manaid ng palay sa linang pagkatapos ng anihan at
tagabantay sa bilaran ng palay.
Kinabukasan,bumalik si pising sa matanda upang kunin nito ang kanyang perang bayad sa
kanya ngunit sinabihan siya nito na kutuhan muna siya bilang dagdag sa kanyang bayad.Napagod si
pising sa pag kuto sa matanda at siyay pinagpahinga sa kubo kubo ni mang punying at siya ay
tinabihan nito at nakatulog.Nang magising si pising,mabigat at pakiramdam niya,parang binugbog
ang buo niyang katawan.sa kanyang pagbangon ay napansin niya na wala siyang suot na salawal at
may dugo sa kanyang puwit.Sabi ni mang punying hinubadan daw siya ng isang tikbalang at
ipinagtanggol daw siya ni mang punying mula dito.Nanghihina si pising na umuwi sa kanilang bahay
at nakausap ang kanyang lola.Sinabi ng kanyang lola na mabisa daw ang asido na panlaban sa
tikbalang.
Kinabukasan bumalik si pising kay mang punying na may dala dalang baril barilan na ang
laman ay gaas, Muli pinatulog na naman siya sa kubo kubo at may ipinainom sa kanya.Sa kanyang
paghiga ay nag panggap lamang siya na siyay natutulog.Maya maya ay may naramdaman siya na
kumakapkap sa kanyang salawal at humahaplos sa kanyang binti at may pumaibabaw sa
kanya.Kinapkap niya ang kanyang baril barilan at binaril ang tikbalang at sinilaban ito at kumaripas
ng takbo papauwi.Nagising nalang si pising ng nanay niya na aalis sapagkat nalapnos daw ang
mukha ni mang punying.
• Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay sina Pising na isang batang babae,ang kanyang kaibigan at
kalaro na si Ilu,Ang nanay at lola ni pising at ang matanda at tikbalang na si Mang Punying
Panimula
- https://www.youtube.com/watch?v=YaohvsiBNHA&pbjreload=101
- May ipapasa rin akong larawan galing sa libro. Kapag napanood na itong nasa link, basahin
ang nasa larawan at malalaman ninyo ang kunting pinagkaiba ng dalawang kwento.
Labaw Dongon
Implikasyon sa:
• Lugar
• Aral
Ang aral mula sa akda ay ang pagkakaisa natin bilang isang pamilya,ang kahalagahan nito sa
ating buhay at pagmamahal ng anak sa kanilang mga magulang.Sa ating pamilya ay dapat tayo
nagtutulungan sapagkat tayo ay iisa lamang.Ipagtanggol ang mga kapamilya na inaapi,Tulungan ang
nangangailangan ng tulong, Itayo ito mula sa pagkakadapa sa buhay at tulungang bumangon muli at
mahalin ang bawat isa .Matuto tayong magmalasakit sa ating mga kapamilya na nangangailangan ng
tulong sapagkat wala silang ibang masasandalan kundi tayo na kanilang sariling pamilya.
• Buod
Si Buyuung Panabari at Labaw Donggon ay mayroong tatlong supling at isa doon si Labaw
dongon. Si Labaw Dongon ay may kagilas gilas na katauhan dahil pagkapanganak pa lamang nito ay
agad itong lumaki,natutong magsalita,naging matalino at lumaking napakalakas.Isang araw
nagpaalam si Labaw Donggon sa kanyang ina upang hanapin si Anggoy Ginbitinan at nahanap niya
nga ito at pinakasalan.Hindi pa nagtatagal ang kanilang pagsasama ay muling umalis si Labaw
Donggon upang suyuin ang dalagang si Anggoy Doroonan na kanyang pinakasalan din ito. Hindi
kalaunan nabalita ang kagandahan ng babaeng si Nagmalitong Yawa kaya agad umalis si Labaw
Donggon upang suyuin ang magandang babae ngunit sa kasamaang palad ay may asawa na si
Nagmalitong Yawa,si Buyong Saragnayan.Hindi ito pumayag na ibigay ang kanyang asawa kay
Labaw Donggon kayat sila ay naglaban.Tumagal ng ilang taon ang labanan ng dalawang lalaki dahil
parehas silang malakas.Inilublob ni Labaw Donggon si Buyong sa ilog at ito ay tumagal ng pitong
taon.Itinali siya nito at ikinulong sa silong ng kanyang bahay.
Umalis sina Baranugan at Asu manga upang hanapin ang dalawa pang kapatid ni
Nagmalitong Yawa.
• Kultura
Mapapansin sa Akda ang agad na paglaki at pagigng malakas ni Labaw Donggon mula sa
kanyang pagkakapanganak at pag aasawa ng marami ni Labaw Donggon na higit pa sa isa,maari
itong isa sa mga kultura nila at mapapansin din ang tagal nang paglalaban nina Labaw Donggon at
Buyong na tumagal nang maraming taon ito ay parte din ng kultura
• Tauhan
Ang mga tauhan sa Akda ay sina Diwata Abyang Alunsina at Buyung Panbari na magulang ni
Labaw Donggon. Sina Anggoy Ginbitinan at Anggoy Doroonan na mga asawa ni Labaw Donggon.Si
Buyong Saragnayan na nakalaban ni Labaw Donggon at Nagmalitong Yawa na asawa ni Buyong.
Sina Baranugan at Asu Mangga na anak ni Labaw Donggon at ang pangunahing tauhan na si
Labawv Donggon
Kumposo Sang Natabo Marso 29: Marcopa, Kabanlakan, Negros Occidental (Kumposo Hinggil sa
Pangyayari Noong Ika-29 ng Marso: Marcopa, Kabanlakan, Negros Occidental)
Ipinapakita sa Akda ang buhay ng mga tagabukid mula sa pagsapit ng umaga,Ipinapakita dito
ang mga bagay na ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya bilang isang taga bukid.Ang kalakasan
ng akda ay ipinapakita rito ang kasimplehan ng buhay sa bukid. Kung gaano kapursigido ang mga
magulang magtrabaho para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ang kahinaan naman nang akda ay
ang hirap sa ng buhay sa bukid, kung gaano nagpapakahirap ang magulang magtabaho at magbanat
ng buto para lamang mabuhay ang kanilang sampung anak
• Lugar
Ang Lugar sa Akda ay sa Kabukiran kung saan doon nakatira ang Tiyo ang Tatay at Nanay at
ang kanilang sampung anak.
• Aral
Ang aral sa akda ay makuntento tayo sa kung anu man ang meron satin dahil hindi natin alam
kung gaano tayo kaswerte sa buhay kung ikukumpara sa iba na halos lahat ay gawin para lamang
maitawid at may mapakain sa pamilya. Matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang ating
natatanggap at ipamahagi natin ito.Pasalamatan natin an gating mga magulang na naghihirap para
sa ating mga anak sa ating mga gusto at pangangailangan.
• Buod
Ang akda ay nagsimula sa pag sasalarawan sa buhay ng mga taga bukid,Ito ay pinamulan ng
buhay ng Tiyo na nakangiti sapagkat nakuha na niya ang kanyang pursyento kay tatang
Berto.Kanyang ipinugal nang mabuti ang kalabaw pagkatapos noon ay lumibot silang mga
manggagawa sa gitna ng deharyo at na umiinom ng serbesa at naninigarilyo.
Ikalawa naman ay ang buhay na nanay na kung saan sa pagtilaok ng manok ay babangon
agad ang nanay mula sa kanyang pagtulog at maghahanap ng bigas pasa sa almusal na
pagsasaluhan nila ng kanyang pamilya.Nagmamadali itong magpakain ng mga baboy upang tuloy
tuloy ang kanyang gawain.Pagsikat ng araw ay makikita ito na gumagapas ng palay, nagpapakahirap
para sa kanyang sampung anak habang ang kanyang asawa naman ay nagmamaniobra ng manibela
para sa miryenda at pabneharyo.
Ang huli naman ay ang buhay ng taga bukid sa kanyang pag tulog na nakahanay na parang
mga sardinas kayakap ang maitim itim na unan at kumot na katsa na puro sulsi ang kanilang sahig ay
kawayan.Di alintana ang paa na puno ng putik na hindi pa nahuhugasan at patuloy ito sa pag tulog
upang may lakas sa susunod na araw.
• Kultura
Ang kultura sa akda ay ang kultura sa bukid,ang maagang pag gising upang makapagtrabaho
ang pagsasaya sa gabi pagkatapos ng trabaho,ang pag gapas ng palay sa umaga at ang pag tulog
sa sahig.
• Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang tagapagsalaysay,ang tiyo,ang nanay at tatay at ang iba pang
mga taga bukid.
- https://www.youtube.com/watch?v=UUkEXoOkJZU
Amoral
- https://www.academia.edu/27966404/Final_Requirement
KABANATA 10: PANITIKAN SA MINDANAO
Panimula https://www.scribd.com/document/485999832/PANITIKANG-REHIYONAL-MODYUL-08-1
LITERATURA SA MINDANAO
Ang Mindanao ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa, Cagayan de
Tawi-Tawi; mga Iranon ng Cotabato; mga Kaagan ng Davao del Norte, Davao del Sur at Davao
Oriental; mga Kalibugan ng Zamboanga; mga Maguindanao ng Maguindanao; mga Maranao ng
Marawi; mga Palawanon at Molbog ng Palawan; mga Sama ng Tawi-Tawi; mga Sangil ng
Sarangani, mga Tausug ng Sulu; mga Yakan ng Basilan, at ang mga Bangingi ng Tongkil at
Zamboanga.
Ang grupo ng mga isla sa Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang
Kapuluang Sulu sa timog-kanluran. Ang grupong ito ay nahahati sa anim na rehiyon, na nahahati
naman sa 25 mga probinsiya.
Ang mga grupong etniko sa Mindanao ay may sariling katutubong literatura kung saan
naipapakita ang identidad nila bilang grupong etnolinggwistiko. Ang mga pagkakaiba na ito ang
nagpapakilala sa kakayahan ng bawat grupo. Ang nag-uugnay lamang sa kanila ay ay ang kanilang
pananampalataya sa Islam na kapansinpansin sa kanilang mga katutubong literatura.
Ang mga katutubong literatura sa Muslim Mindanao, tulad din ng sa ibang bahagi ng bansa,
ay karaniwang oral ang tradisyon. Ibig sabihin, karamihan sa kanila ay hindi nakasulat at
sinasalinlahi sa pamamagitan ng pagtatanghal o pagbibigkas nito sa iba. Ang mga katutubong
kwentong ito ay partisipatori ang katangian. Matapos makinig ng mga manonood, magbibigay siya
ng kanyang reaksyon bago niya ito ikwentong muli sa iba. Ang komunidad ang nagmamay-ari ng
akda at hindi iisang tao lamang.
Mula Marawi hanggang Tawi-Tawi, ang bawat Pilipinong Muslim ay may narinig nang
kwentong-bayan na naisalin sa kanila ng nakakatandang myembro ng pamilya, kapitbahay o
kaibigan. Maliban sa pagbibigay-aliw, ang mga kwentong-bayan na ito ay maaaring magbigay ng aral
o magmungkahi.
Isang araw ng biyernes ipinatawag niya ang ang kanyang mga tagapayo sa torogan dahil nais
niyang hingan sila ng payo hinggil sa kanyang balak na gumawa ng lamin o ng tore ng prinsesa
para sa kanyang mga anak na babae. Ipinaliwanag niya na nag ang mga anak niyang ito ay may
sapat na gulang upang malaman ang pamantayan ng kabutihang asal at katatapos lang nilang
mapag-aralan ang relihiyong Islamic. Ibig niyang maipatayo ang lamin upang malaman ng daigdig
na siya’y may apat na anak na babae.
Bilang pagsunod sa utos, apat na tore ang naipatayo sa tabi ng lugar-sanayan. Mahusay ang
pagkakatayo at ang bawat prinsesa ay binigyan ng kani-kanilang dama at mga alipin. Samantala,
sa kalapit-bayan, pagbabalik ni Mama Kakowak (lalaking Uwak) mula sa mahabang paglalakbay ay
natagpuan niyang patay ang kanyang asawang si Odang (hipon) sa tabing dagat. Siya’y naging
masakitin at namatay s amatinding pag-iisip na ang kanyang asawa’y umalis upang mamasyal at
manligaw sa iba. Kinuha ng wak ang kanyang asawa sa pamamagitan ng kanyang tuka at lumipad.
Naghahanap siya ng kanyang mga kaibigang makatutulong sa kanya upang mailibing ang kanyang
asawa ngunit ni isa ay walang dumating upang siya’y tulungan. Lumipad siya nang lumipad
hanggang sa marating niya ang bayan ng Agamaniyog. Nalalaman niyang siya’y tutulungan ng sultan
nang buong makakaya nito.
Dumapo ang uwak sa bintana ng tore ng panganay na anak na babae ng sultan, si Prinsesa
Potri Bonso. Inilagay ng uwak ang kanyang asawa sa sahig ng tore at sumigaw na humuhingi ng
tulong. Ngunit nang maamoy ni Potri Bonso ang mabahong amoy ng patay na asawa ng uwak,
pagalit na pinaalis niya ang uwak.
Lumipad nang malayo ang uwak na dala ang katawan ng asawa. Pumasok siya sa tore ng
ikalawang anak na babae ng sultan, si Potri Intan Tihaya, at katulad noong una pinalayas siya ng
prinsesa. Sumunod dito, pumasok ang uwak sa tore ng ikatlong anak na babae ng sultan, si Tingting
a Bolawan. Dito’y humingi siya ng tulong ngunit katulad ng mga nauna siay’y pinalayas din. Lubhang
nalungkot ang uwak at nakadama ng kawalang pag-asa sa paglipad niya sa huling tore. Nang siya’y
makita ng alipin ni Anak, tumakbo ito sa prinsesa at ibinalita ang kanyang pagdating.
Naawa si Anak sa uwak at ipinagkaloob niya ang kanyang bakuran. Pagkalibing sa asawa,
pinasalamatan ng uwak ang prinsesa dahil sa kanyang kabutihan at mabuting pagtanggap. Sinabi sa
kanya ng uwak na balang araw ay magagantimpalaan siya dahil sa kanyang kabutihan. At siya’y
lumipad nang papalayo.
Pagkaraan ng pitong araw, naglalakad si Anak sa kanyang bakuran nang magulat siya dahil
nakakita siya ng isang bagong halamang tumubo rito. Nasiyahan siya nang matuklasan niyang
ang halaman ay puno ng dalanghita na tinatawag na Montay a Balogo, ang dalanghitang
ginagamit para sa pagpapaitim ng mga ngipin.
Tumaas araw-araw ang tumutubong halamn at pagkaraan ng maraming araw ay namunga ito
nang marami. Ipinasyaniyang hintayinang pagkahinog ngmga prutas bago pitasin ang ilan upang
ibigay sa kanyang ina. Ngunit ng mahinog ang mga prutas, dumating ang kanyang mga kapatid
na babae at kinuhang lahat ang mga prutas nang hindi nagsabi sa kanya. Nalungkot si Anak
nang may makita siyang isang naiwang bunga na nakakakubli sa mga dahon. Kinuha niya ang
prutas at itinago ito sa loob ng bilolang o sisidlang yari sa kahoy.
Sa loob ng pitong araw, ang dalanghita’y nakatago sa kahon hanggang sa maalala niya ito at
ipinasyang ibigay ito sa kanyang ina. Tinawag niya ang kanyang alipin upang pabuksan ang sisidlang
yaris sa kahoy at kunin dito ang dalanghita. Binuksan ng alipin ang sisidlang kahoy ngunit siya’y
nabigla nang matuklasan niyang wala roon ang dalanghita. Sa halip ay naroon sa loob ng isang
prinsipeng may magandang mukha, na may liwanag na nakasilaw sa kanya. Tumakbo ang alipin
at ibinalita sa prinsesa ang kanyang natuklasan. Sinabi niya ang ganito:
at natatakot
Dahil hindi naaangkop
Ay hindi makasisilay.
Pinuntahan n iAnak ang sisidlang yari sa kahoy upang kanyang makita ang ibinalita ng alipin.
Nasilaw siya sa liwanag ng lalaking may magandang mukha na nadadamitan ng kumikislap na
kasuotan. Nasilaw ang prinsesa at nanatili na lamang na nakatayo. Yumukod sa kanya ang lalaki at
sinabi sa kanyang huwag matakot. Ipinakilala niya ang sarili bilang si Somesan sa Alongan na
kilala bilang tagapaghinto ng mga Sinag ng Araw. Sinabi niyang siya’y naparito upang pakasalan
ang prinsesa at ibigay ang ano mang kanyang nais hingin.
Narinig ng sultan ang mungkahi ng lalaki. Hiningi niya ang payo ng kanyang wasir tungkol sa
bagay na ito. Nang maisaayos na ang lahat idinaos ang marangyang kasal. Kinainggitan ng mga
nakatatandang kapatid na babae ni Anak ang magandang kapalaran ng kanilang bunsong kapatid.
DARANGAN (EPIKO)
Ang Darangan ay tulang pasalaysay ng mga Moro hinggil sa kabayanihan ng mga tao sa
Magindanaw, mhga kahanga-hangang gawain at kabayanihan at kagitingan ng mga
mandirigmang Moro na hindi sukat paniwalaan. Maraming epiko ang ang Darangan ng mga
Muslim ngunit tatlo lamang ang kilalang-kilala sa mga ito: ang Bantugan, ang Indarapatra at
Sulayman at ang Bidasari. Isasama rin natin ang Daramoke-a-Babay bilang pang-apat.
BANTUGAN
Pinagpulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang gagawin. Subalit isang loro ang
biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakburol ay si Prinsepe Bantugan, ang mabunyi
ang balitang Prinsepe ng Bumbaran. Pagkatapos iabalita ng loro ang tungkol kay prinsepe Bantugan,
bumalik namn siya sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali na kanyan kapatid ang pagkamatay
ni Prinsepe Bantugan. Nang malaman ni Haring Madali ang nangyari kay Prinsepe Bantugan ay
nanaig ang pagmamahal niya rito at naalis ang kinikimkim niyang inggit sa kapatid. Kaya agad
na lumipad sa langit ang hari na kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni
Prinsepe Bantugan. Samantala’y ang bangkay ni Bantugan ay dinala naman ni Prinsepe
Datimbang sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pilit na isinauli ang kaluluwa ni Bantugan
sa kanyang katwan at muling nabuhay si Prinsepe Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik
ang dating mabuting pagtitinginan ng magkapatid.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali, na si Bantugan ay
namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na sandatahan upang salakayin ang Bumbaran.
Nang sumalakay sina Haring Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay
ni Prinsepe Bantugan.
Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya sila nagkaroon ng pagdiriwang.
Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban. Pumailanlang sa himpapawid si
Bantugan at sa pamamagitan ng kanyang kampila ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang
na lumaban si si Prinsepe Bantugan ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling lang niya sa
kamatayan, kaya siya ay nabihag. Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang kanyang lakas,
nilagot niya nag gapos at siya’y nakawala. Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa mapuksa
ang mga kaaway.
INDARAPATRA AT SULAYMAN
Ang unang halimaw na may katangi-tanging lakas at maraming paa ay si Kurita. Sandali
lamang niyang kainin at ubusin ang limang tao. Ang ikalawang halimaw ay si Tarabusaw na
nakatira sa bundok Matutum. Napakapangit niya at wala siyang awa sa taong kanyang
binibiktima. Si Pah ang ikatlong halimaw ay ibong may pitong ulo at may pitong pares ng mga
mata kaya’t nakikita nito ang lahat ng bagay at walang sinumang taong nakakaligtas sa kanya.
Unang pinuntahan ni Sulayman si Kurita sa bundok Kababalan. Nang hanapin niya ang
halimaw, nayanig ang buong kabundukan at lumitaw si Kurita. Naglaban ang dalawa hanggang sa
natalo niya ang halimaw.
Nalaman ni Haring Indarapatra ang kasawian ng kapatid dahil nalanta ang ibinitin niya sa
bintana. Sinabi niya na ipaghihiganti niya ang sinapit ng kapatid. Sumugod si Haring Indarapatra sa
bundok at inalis ang pakpak ng ibong nakadagan sa katawan ng kapatid. Luray-luray ang katawan ni
Sulayman. Nanalangin si Indarapatra sa Bathala at ipinakita sa kanya ang tubig na nang ibuhos
niya ito kay Sulayman ay nabuhay ito. Sa malaking tuwa ay nagyakap ang magkapatid.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman at si Indarapatra na ang nagtungo sa Bundok
Kurayan upang makipaglaban sa halimaw na may pitong ulo. Lumabas ang halimaw ngunit wala
itong laban sa espada ng hari. Pagkatapos ng kanyang tagumpay ay may isang diwatang
napakaganda ang nagpasalamat sa kanya. Ang buong nayon ay nagsipagdiwang din.
Pagkatapos nito’y nawala ang tubig sa karagatan at lumitaw ang kapaligiran. Dito na
nanirahan si Indarapatra sa pulo ng Mindanao.
BIDASARI
Labis na naligayahan ang sultan ng Kembayat nang malamang ang mahal na sultana ay
nagdadalantao. Ang lahat ay maligaya sa magandang balitang iyon nang biglang sumalakay ang
itinuturing na salot ng kaharian, ang higanteng ibong si Garuda. Nang sila’y lusubin nito,
nagsitakas at nagsipagtago ang mga tao at iniwan nila ang kaharian. Napahiwalay ang mag-
asawang sultan at sultana sa karamihan. Inabot ng panganganak ang sultana sa tabi ng ilog.
Iniwan nila sa bangka ang sanggol at sila ay nagpatuloy sa pagtakas.
Si Sultan Mogindra ang sultan ng Indrapura. May dalawang taon na siyang kasal kay Lila
Sari. Masyado siyang mapanibughuin kahit makailang ulit sabihin ng sultan sa kanya na mahal na
mahal siya nito. Ipagpapalit lamang siya kung may matatagpuang babae ang sultan na higit sa
kagandahan ng asawa. Nag-alala si Lila Sari kaya naisipan niyang utusan ang kanyang kawal upang
hanapin ang babaeng higit na maganda kaysa sa kanya.
Nagkakilala ang magkapatid at ipinakilala si Sinapati kay Sultan Mogindra. Naging masaya
ang lahat sapagkat tunay na prinsesa pala si Bidasari.
SI MEBUYAN
Long ago Lumabat and his sister (tube') had a quarrel because Lumabat had said, "You shall
go with me up into heaven." And his sister had replied, "No, I don't like to do that."
Then they began to fight each other. Soon the woman sat down on the big rice mortar, and
said to Lumabat, "Now I am going down below the earth, down to Gimokudan. Down there I shall
begin to shake the lemon-tree. Whenever I shake it, somebody up on the earth will die. If the fruit
shaken down be ripe, then an old person will die on the earth; but if the fruit fall green, the one to die
will be young."
Then she took a bowl filled with pounded rice, and poured the rice into the mortar for a sign
that the people should die and go down to Gimokudan. Presently the mortar began to turn round and
round while the woman was sitting upon it. All the while, as the mortar was revolving, it was slowly
sinking into the earth. But just as it began to settle in the ground, the woman dropped handfuls of the
pounded rice upon the earth, with the words: "See! I let fall this rice. This makes many people die,
dropping down just like grains of rice. Thus hundreds of people go down; but none go up into
heaven."
Straightway the mortar kept on turning round, and kept on going lower down, until it
disappeared in the earth, with Lumabat's sister still sitting on it. After this, she came to be known as
Mebu'yan. Before she went down below the earth, she was known only as Tube' ka Lumabat ("sister
of Lumabat").
Mebu'yan is now chief of a town called Banua Mebu'yan ("Mebu'yan's town"), where she
takes care of all dead babies, and gives them milk from her Breasts. Mebu'yan is ugly to look at, for
her whole body is covered with nipples. All nursing children who still want the milk, go directly,
when they die, to Banua Mebu'yan, instead of to Gimokudan, and remain there with Mebu'yan until
they stop taking milk from her breast. Then they go to their own families in Gimokudan, where they
can get rice, and "live" very well.
All the spirits stop at Mebu'yan's town, on their way to Gimokudan. There the spirits wash all
their joints in the black river that runs through Banua Mebu'yan, and they wash the tops of their heads
too. This bathing (pamalugu) is for the purpose of making the spirits feel at home, so that they will
not run away and go back to their own bodies. If the spirit could return to its body, the body would get
up and be alive again.
PAG-ISLAM
NAKALBO ANG DATU
REYNANG MATAPAT
• Lugar
Ang lugar na pinaganapan ng akda ay sa kaharian ng Agamaniyog kung saan doon nakatira
at namamahala ang Sultan kasama ang kanyang asawa na si Bai at ang apat nilang anak na sina
Potri Bonso,Potri Intan Tihaya,Tingtinga Bolawan at si Anak.
• Aral
Sa kalapit bayan ay naglalakbay si mama kawokak na isang uwak dala dala ang kanyang
asawang hipon na namatay dahil sa pag aalala na hindi na siya babalikan ng asawa.Ito ay nag
hahanap ng mapaglilibingin nang kanyang asawa at napadpad ito sa apat na tore kung saan nakatira
ang apat na prinsesa. Una itong pumunta sa bintana ni potri bonso inilagay ng uwak ang kanyang
patay na asawa sa sahig ng tore kayat umalingasaw ang amoy nito,nang dahil dito ay nagalit si potri
bonso at pinaalis ang uwak sa kanyang tore,pinuntahan niya ang ikalawang tore ngunit pinaalis siya
ni potri intan tihaya gayod din ni tingtinga bolawan.Nagbaka sakali pa din ang uwak sa huling tore at
malugod itong tinanggap ni anak at doon inilibing si odang.
Matapos ang pitong araw may tumubong halaman na puno ng dalanghita sa kanyang
bakuran.Hinintay niya itong mahinog ngunit inunahan siya ng kanyang mga kapatid sa pag pitas ng
bunga,may isang natirang bunga at Ito ay inilagay niya sa baul at di kalaunan ay naging isang lalaki
ito at ito ay ang naging asawa ni anak.
• Kultura
• Panahon
Ang panahon sa akda ay ang panahon kung saan May kaharian na pinamumunuan nang hari
at panahon kung saan nakakapagsalita ang mga hayop at may asawa.Sa madaling sabi ang akda ay
kathang isip lamang.
• Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang sultan,ang kanyang asawa na si Ba’I , ang magkakapatid na
sina Potri Bonso, Potri intan Tihaya, Tingtinga Bolawan , ang mga tagapayo ng sultan na sina
Paladan Montri,Sabandar,Mang Gomi at Bala sa Inged, ang Uwak na si Mama Kawokak at ang
kanyang asawang Hipon na si Odang,Si somesan at ang pangunahing tauhan na si Anak na
bunsong anak ng sultan
BANTUGAN
• Lugar
Ang lugar sa akda ay sa kaharian ng Bumbaran kung saan namumuno si Haring madali at ang
kanyang kapatid na si prinsipe bantugan.Isa din sa lugar ay ang pagitan ng dalawang dagat kung
saan binawian ng buhay si prinsipe bantugan.
• Aral
Ang aral sa kwento ay mahalin natin an gating mga kapatid,may ma pagkakataon na hindi
natin nauunawaan ang isat isa na nagiging sanhi ng pag aaway ngunit kahit anong gawin natin ay
kapatid pa din natin sila,sila lang ang meron tayo at tayo lang din ang meron sila.Dapat damayan
natin sila sa kanilang mga problema, Itama ang kanilang mga pagkakamaling nagagawa at mahalin
sila.
• Buod
Nang malamn ito nang hari ay nanaig ang kanyang pagmamahal kay prinsipe bantigan at
ibinalik ang kaluluwa niya sa walang buhay na katawan ni prinsipe bantugan.Muling nabuhay ang
prinsepe at nagdiwang ang buong kaharian at naibalik na ang dating relasyon ng
magkapatid.Samantala sa ibang kaharian kung saan namumuno si Haring miskoyaw ay nabalitaan
na namatay na si prinsepe bantugan kayat naisipan nitong lusubin ang bumbaran sapagkat patay na
ang pinakamalakas nitong mandirigma. Lingid sa kaalaman ni Haring Miskoyaw na muling nabuhay si
prinsepe bantugan.Natigil ang pagdiriwang nang lusubin sila ng mga tauhan ni hating miskoyaw
ngunit buong tapang at bangis silang nilabanan ni prinsepe bantugan sa simula ay nanghihina si
prinsepe bantugan sapagkat siya lang ay kabubuhay pa lamang ngunit ilang sandal pa ay bumalik
muli ang kanyang lakas at siya ay nagtagumpay.Pagkatapos niyang matalo ang mga kalaban ay
dinalaw ang mga kaharian na karatig ng bumbaran at pinakasalan lahat ng prinsesa nitong katipan at
iniuwi sila sa bumbaran at sinalubong sila ni haring madali na nagpatawag ng bagong
pagdiriwang.Ang buhay ni prinsepe bantugan ay naging maligaya hanggang sa hulng sandali
• Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay sina prinsesa datimbang at ang kanyang kapatid na hari, Ang loro
na nagpahayag ng masamang balta, si Haring miskoyaw na kalaban ni Prinsepe Bantugan, Si haring
Madali at ang pangunahing tauhan na si Prinsepe Bantigan.