Professional Documents
Culture Documents
Altheria School of Alchemy
Altheria School of Alchemy
by Penguin20
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Prologue
Magical creatures, powers, elements, alchemy. Ilan lamang iyan sa mga bagay na
parating ikinukwento sa akin ng aking lolo nung ako'y bata pa. Mga kwento niya na
hindi ko kinakasawaan pakinggan dahil pakiramdam ko ay napakalapit ng loob ko sa
mga bagay na iyon.
"Basta parati mong tatandaan Jasmin na ang mabuting puso mo ang magdadala sa'yo
sa pinakamagandang mahika na iyong matatamasa." Muling paalala sa akin ni Lolo at
napangiti naman ako sa kanyang turan.
Ang parating paalala sa akin ng lolo ko ay maging mabait sa lahat ng
pagkakataon. Kahit gaano pa kalaki ang nagawang kasalanan sa iyo ng isang tao ay
huwag kang magsawa na paulit-ulit na magpatawad.
"Opo lolo! Parati ko pong isasapuso ang inyong mga sinasabi sa akin." Masigla
kong sabi at ngumiti kahit kulang-kulang ang ngipin ko sa harap dahil sa murang
edad.
"Huwag mo lang isapuso, apo, ito rin ay iyong isabuhay."
Parati kaming naiiwang dalawa ni lolo dito sa bahay dahil maagang umaalis ang
aking papa dahil sa kanyang trabaho. Ang mama ko naman ay namatay na nung ako'y
kanyang isilang.
"Lolo! Gusto ko rin maging katulad ng iyong kinukwento! Isang magiting
alchemist! Gusto kong maging isang ganoon!" Masaya kong sabi.
Nagbuntong hininga si lolo at ngumiti sa akin, "Mukhang ito na ang tamang
panahon upang ipasa sa iyo, apo, ang aking kakayahan."
Napakunot ang aking mata dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni lolo.
Bagkus na ituloy ni lolo ang kanyang sinasabi ay itinapat niya ang kanyang palad sa
aking dibdib—sa kanang dibdib.
Nagliwanag ang kamay ni lolo at may kung ano akong naramdaman na para bang
ipinapasok sa aking puso. Makirot. Masakit. "Sa oras na tumuntong ka sa wastong
gulang at dumating ang araw na kakailanganin mo ang tulong nito... kusang gigising
ang magi na iyan upang ika'y tulungan."
Nawala ang liwanag sa kamay ni lolo at naghabol ako ng hininga dahil parang may
isang malakas na puwersa na nilagay si lolo sa aking dibdib.
Mas ikinabigla ko ang biglaang pagyuko ng ulo ni lolo, pagbagsak ng kanyang
kamay, at pagpikit ng kanyang mata.
"Lolo?" Mahina ko pang tinapik-tapik ang kanyang braso.
"Lolo! Huwag po muna kayong matulog, maaga pa po! Maglaro pa po tayo!" Muli ko
siyang tinapik ngunit wala na akong tugon na nakuha.
Umiiyak kong dinampot ang telepono n gaming bahay at tinawagan si papa.
Pagdating ni papa ay doon niya kinumpirma na wala na ang lolo ko. Ang lolo ko na
matiyagang nag-alaga sa akin at nagkwento patungkol sa magagandang bagay.
Taon ang lumipas mula nung mamatay si lolo, nunguna ay hindi ko pa iniintindi
ang bagay na kumislap habang nagliliwanag angkanyang kamay... ngunit pagtuntong ko
sa ikawalong taong gulang ko—doon nanagbago ang takbo ng aking buhay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
JASMIN
Nandito ako sa loob ng kotse at pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin.
Sabi ni papa ay ililipat niya na ako ng paaralan lalo na't tumuntong na ako sa
senior year ko. "'Pa saan ba kasi tayo pupunta?" Ilang beses ko ng tinatanong iyan
ngunit tanging ngiti lang ang isinasagot ni papa.
"Ito na ang itinakdang araw Jasmin upang tuparin mo ang pangako mo sa iyong
lolo." Nakangiting sabi sa akin ni papa habang ako ay napakunot ng noo sa kanyang
sinasabi. Sampung taon na ang lumipas magmula nung mawala si lolo at hindi ko na
matandaan kung ano ba ang pangako ang sinasabi ni papa.
"Papa naman, bakit mo pa kailangan ipaalala ang tungkol kay lolo, eh, alam mo
naman na sobrang close ko sa kanya." Kunwaring nagdadrama kong tugon kay papa at
tumawa naman siya ng malakas.
"Ngayon na ang takdang oras anak para malaman mo ang tungkol sa mga alchemist."
Napatango-tango naman ako dahil naalala ko na, nung bata ako ay ipinangako ko
kay lolo na magiging isa akong magiting na alchemist. "'Pa! Binibiro mo na naman
ako. Nung bata ako ay paniwalang-paniwala ako sa mga Alchemist na 'yan dahil sa
kwento ni lolo pero papa, seventeen years old na ako, isa na lang iyon na kwentong
pambata para sa akin na pampaaliw sa bata."
Ngumiti lang si papa at hindi na ako pinansin bagkus ay nagpokus siya sa pagda-
drive.
"Hindi ka na ligtas sa lugar natin anak. Kailangan mo ng mga taong huhubog sa
iyong kakayahan upang maprotektahan mo ang iyong sarili dahil naniniwala akong
maraming maghahangad diyan sa kung anong mayroon ka." Mahabang litana ni papa.
Imbes na pansinin siya ay iniba ko na lamang ang usapan dahil hindi na ako
pamilyar sa lugar na aming dinadaanan.
"Papa sigurado ka na tama 'tong, sure ka ba na hindi tayo naliligaw?"
Pagtatanong ko muli habang namimili ng magandang istasyon na papakinggan sa radyo.
"Malapit na tayo anak, sa lugar na iyon nababagay ang tulad mo. Poprotektahan
ka nila at huhubugin ang kakayahan na nakatago sa iyong katawan." Pagpapaliwanag ni
papa, hindi ko siya maintindihan. Parang nagbibigay ng babala sa akin si papa.
Weird.
Dala ko ngayon ang lahat ng gamit ko dahil magdo-dorm daw ako sa school na
paglilipatan ko sabi ni papa. Malayo rin daw iyon kaya bihira lang makakabisita sa
akin ang aking ama. Naiintindihan ko naman pero hindi ko naiintindihan ang
sandamakmak na babala sa akin ni papa na para bang nasa panganib ang aking buhay.
Huminto kami sa gitna ng kakahuyan at may malawak na field dito. Bumaba kami ng
kotse, "'Pa akala ko sa schoo tayo pupunta? Hindi naman ako na-inform na magpi-
picnic pala tayo," Tanging malawak na damuhan ang aking nakikita sa gitna ng
kakahuyan na ito.
Ngumiti sa akin si papa, umupo si papa sa damuhan at humawak sa lupa. May mga
salita siyang binigkas ngunit hindi ko ito maintindihan.
Biglang nagkaroon ng pabilog na liwanag at napaupo na lamang ako sa damuhan.
Napakaliwanag ng aking nakikita at kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang
nangyayari.
Habang umiilaw ang buong paligid ay unti-unting may lumilitaw na isang pataas
na daan galing doon sa malawak na damuhan. Isang pabilog na daan na pataas ng
pataas, hindi ko makita ang tuktok nito dahil natatakpan ito ng mga kalangitan.
"'Pa anong nangyayari?" May takot sa aking boses. Gusto kong kumalma kaso ay
hindi ko magawa lalo na sa mga nangyayari ngayon.
"Makakarating ka na sa mundo kung saan ka nababagay, anak." Biglang sabi ni
papa. Muli siyang sumakay ng kotse at sumunod naman kami.
Hindi ko alam kung paano nangyari na ang malawak na damuhan na aming natatanaw
kanina ay nagkaroon ng isang daan patungo sa langit. Pinagpatuloy ni papa ang
pagmamaneho patungo doon sa daan na lumitaw.
Pinagmamasdan ko lang ang paligid habang unti-unti kaming umaangat, natatanaw
ko ang buong lugar na aming dinaanan namin kanina.
Halos isang oras ding nagmaneho si papa patungo sa lugar na aming pupuntahan
hanggang makarating kami sa tapat ng isang school
Binasa ko ang malaking pangalan nito. "Altheria: School of Alchemy"
Napapaligiran ang school na ito na nagtataasang pader at gano'n na rin ang gate
nito.
Dire-diretso namang naglakad si papa papasok ng school, sumunod naman ako at
napahawak sa laylayan ng damit ng aking papa. Hindi ko alam pero pakiramdamko ay
wala kami sa Dire-diretso namang naglakad si papa papasok ng school, sumunod naman
ako at napahawak sa laylayan ng damit ng aking papa. Hindi ko alam pero
pakiramdamko ay wala kami sa pangkaraniwang lugar. Pakiramdam ko ay nasa magical
place kami, yung katulad sa mga nababasa kong libro.
Naglakad lang si papa na parang alam ang kanyang dadaanan. May mga estudyante
kaming nakikita sa lugar at napapatingin sila sa akin. Iilan pa lang ang
estudyanteng naririto dahil next week pa naman ang simula ng klase, pero dahil dorm
school 'to... kailangan mo manatili rito once na pumasok ka.
Pumasok kami sa Principal's office ng paaralang ito, napalingon ang principal
at binasa ko naman ang pangalan niya na nasa name card na nakapatong sa desk niya.
Mrs. Evelyn Ramos.
"Oh Ramon! Ang tagal nating hindi nagkita!" Nakipag-kamay ang principal sa papa
ko. Mukhang close talaga sila. Napatingin sa akin si Mrs. Evelyn, sa tingin ko ay
nasa mid-forty na ang edad na ito dahil kilala niya ang papa ko. Ang bata ng
hitsura niya. "Eto na ba si Jasmin? Ang laki na niya,"
"Oo, ang sabi ko sa sarili dati ay palalakihin ko bilang normal na bata itong
si Jasmin ngunit alam ko naman na dadating ang araw na kinakailangan niyang tuparin
ang pangako niya sa kanyang lolo. Tiwala ako sa paaralan mo aking kaibigan na
mapoprotektahan mo ang aking anak at matutulungan siya na mahasa ang kanyang
kakayahan."
Napaupo na lamang ako sa isang couch habang pinapakinggan ang pinag-uusapan
nila ni papa. Wala akong maintindihan kahit isa pero umiikot ang paningin ko sa
buong lugar at natutuwa dahil sa ganda ng office na ito.
Pinagmasdan ako ni Mrs Evelyn tapos ay humarap siya kay papa, "May nakatagong
magi sa katawan niya. Hindi mapagkakaila na anak siya ng isang magaling na
Alchemist na tulad mo."
"Ikaw na ang bahala sa anak ko, tiwala ako na mapo-protektahan niyo ang anak
ko," Pagsasalita ni Papa.
"Mataas ang seguridad dito sa Altheria Academy. Makakaasa kang walang
masasamang Alchemist ang makakapasok dito." Pagkumpirma ni Mrs. Evelyn.
Naglakad sa direksyon ko si papa at nagbuntong hininga. "Paano anak, iiwan na
kita rito"
"Opo 'pa." Nakangiti kong sagot. Ayos lang naman na panandalian akong mahiwalay
sa papa ko dahil ilang beses na naming pinag-usapan 'to at ilang beses niya na rin
naman itong ipinaliwanag sa akin.
Naglakad patungo sa direksyon ko si Mrs. Evelyn at ngumiti. "Jasmin Fernando...
welcome to Atlheria Academy.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Ang sakit ng katawan ko!" Halos gumapang kaming dalawa ni Bea no'ng sumunod na
araw dahil sa sobrang sakit ng katawan naming dalawa. Akala ko ba Magic school 'to?
Hindi naman ako na-inform na military training pala 'tong pinasok naming dalawa.
Pagkarating naming dalawa sa classroom ay pare-parehas iniinda ng mga kaklase
ko ang sakit ng katawan ng bawat isa.
Pare-parehas kaming hindi makatayo sa aming inuupuan habang hinihintay namin
ang aming unang klase namin.
Habang nakaupo ako ay saglit akong nag-unat at hindi ko naman sinasadyang
masipa ang nasa katabi kong desk. Yung lalaking gwapo kanina yung nakaupo roon,
nakadukdok siya sa desk at mukhang natutulog.
"Sorry," sabi ko pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumingon sa akin at
pinukulan ako ng masamang titig.
Nagulat ako ng malakas niyang kinalampag ang desk niya. Napatahimik at
napatingin sa amin ang aming mga kaklase. "Nakita mo ng masakit ang katawan ko
tapos maninipa ka pa ng desk! Nanadya ka ba?"
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw at parang umakyat ang dugo ko sa aking
ulo. "Kaya nga ako nag-sorry 'diba, hindi ko naman sinasadya eh!" Malakas ko ring
sigaw.
"Sorry? Anong magaga—"
"Silent, class!" Biglang sumigaw ang isang boses at napatingin kaming lahat sa
pinanggalingan no'n. Iyon na siguro marahil an gaming guro. Nakasuot ito ng lab
gown at mahaba ang kanyang buhok. "Ang bago-bago niyo palang sa Altheria pero kung
makapagsigawan kayo!"
Napayuko na lamang ako. "Sorry ma'am." sabay naming bigkas nung lalaki.
Nagkatinginan kami at sabay na umirap sa isa't isa.
"Please be seated everyone," Umupo naman kaming lahat. "I will be your white
magic teacher. I'm Ms. Melanie Lorryale."
"Good morning ma'am," walang kasigla-sigla na bati sa kanya ng buong klase.
Napakasakit pa rin kasi ng katawan namin at hirap pa rin kaming gumalaw.
"Oh ba't ganyan ang reaksyon niyo? Hindi ba kayo Masaya na ako ang isa sa mga
teacher niyo?" Pagtatanong ni Ma'am Melanie.
"Masakit po ang katawan namin ma'am! Pinatakbo po kami ni Sir Ernie kahapon sa
Quadrangle ng ilang ulit. Nakaka-beastmode nga po eh!" pagsusumbong ng isa naming
kaklase na si Sarah.
Lumapit si Ma'am Melanie sa isa naming kaklase at hinawakan ang hita nito
dahilan upang mapasigaw ang kaklase namin sa sakit. "Mukhang nabigla ang katawan
niyo sa biglaang physical activity na ipinagawa sa inyo ni Sir Ernie. Hindi iyan
ang huling beses na gagawin niyo ang training na iyon lalo na't ginigising natin
ang mga magi na nakatago sa inyong katawan,"
Maya-maya pa ay ngumiti sa amin si Ma'am Melanie. "Okay guys! Ipatong niyo sa
desk ang inyong mga kamay at pagmasdan ang aking gagawin."
Nagulat kami ng biglang may malakas na umilaw na kulay puti sa kamay ni Ma'am
Melanie. Hinawak niya ang kanyang kamay sa may sahig ng aming room.
Nabalutan ng puting liwanag ang aming buong silid, may parang bituin na
kumukuti-kutitap sa buong paligid.
Habang nasa loob ako ng puting liwanag na iyon ay pakiramdam ko'y unti-unting
gumagaan ang aking pakiramdam. Kasabay ng pagkawala ng puting liwanag ay ang
pagkawala ng sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.
"Hindi na masakit yung katawan ko!" Malakas na sigaw ng mga kaklase ko at
nagtawanan naman kaming lahat.
"That's what you called white magic. We're using white magics to help somebody
and keeping each person in good shape. Hindi ito katulad ng ibang mahika na
ginagamit upang makasakit ng ibang tao, white magician is a support and a backline
member in each party."pagpapaliwanag sa amin ni ma'am Melanie.
Lahat kami ay pokus na pokus sa kanyang ipinapaliwanag at lahat kami ay nabuhay
ang kuryosidad. Kung si Sir Ernie kanina ay nagpapalipad ng mga gamit sa ere, si
Ma'am Melanie naman ay nanggagamot gamit ang mahika. It was pretty awesome!
"Sa ngayon ay hindi pa kayo pwedeng gumamit ng mahika dahil mahina pa ang
physically and mentally. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na kayo pwede
makagawa ng white magic" Nagsigawan naman kaming lahat dahil lahat kami ay excited
sa paggamit ng mahika.
"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng assignment na ipapasa niyo sa akin sa biyernes.
May tatlong araw kayo para gawin ang assignment na 'to. Kailangan niyong makagawa
ng Healing potion."
"Ma'am ano po ang mga ingredients?"
"There's a library here at our Academy, mag-research kayo. Hindi lahat ng bagay
ay kailangan i-spoonfeed sa bawat isa sa inyo," pagpapaliwanag ni Ma'am. "Dahil nga
wala pa kayong family, ang bawat grupo ay dapat may tatlong miyembro."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bea. "Grupo tayo ah." bulong ko sa kanya at
naghagikhikan kaming dalawa.
"Sino yung kaninang nag-away?" pagtatanong ni Ma'am.
"Si Red tsaka si Jasmin," In chorus na sagot ng mga kaklase ko na parang mga
elementary, alam niyo 'yon? Yung mga pinapahaba yung words.
"Kailangan niyong mag-partner na dalawa bilang parusa sa hindi magandang asal
na ipinakita niyo pagkapasok ko sa classroom niyo." wika ni Ma'am.
"Aw sayang! Gusto ko pa naman ka-partner ni Red! Ang swerte naman ni Jasmin"
Kung ano-ano pa ang mga sinabi ng mga kaklase kong babae, mga tag-landi. Kung
sila gusto ka-partner si Red, puwes ako ayoko! Matapos ba naman akong sigawan
kanina, major turn off.
"Ma'am ka-partner ko na po si Bea,"
"Then kayong tatlo ang magkakasama." nakangiting sabi ni Ma'am Melanie,
nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga at tinanggap na lang ang sinabi niya. At
least magkasama pa rin kami ni Bea and that's a good thing.
Nag-ngitian kaming dalawa ni Bea tapos napalingon ako sa lalaking katabi ko.
Ang sama ng tingin sa akin. As if naman na gusto ko siyang ka-grupo, huwag nga
siyang feelingero na parang lugi pa siya.
"Okay class dismissed! Don't forget to pass your assignment on Monday."
naglabasan na kaming lahat sa room at may free time kaming dalawang oras bago ang
susunod naming klase.
"Pag-usapan muna natin kung kailan tayo magri-research about sa paggawa ng
Healing potion," Pagsasalita ko kay bea, "Tawagin mo yung Red na 'yon." nalaman ko
yung pangalan niya nung nagsigawan yung mga classmate namin kanina.
Nakita kong naglalakad na si Red sa direksyon namin, akmang tatawagin ko na
siya ng bigla niya lamang kaming lampasan kasabay ng paghagis ng kapirasong papel,
"Here."
"Aba't wala talagang modo 'to." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis,
pinulot ni Bea ang papel.
"Uy Jasmin, eto na pala ang lahat ng ingredients eh nakalista na. Salt, Clear
water, Blue petal of rose, Spinachherb," pagbabasa ni Bea sa mga nakalista sa
papel, "Matalino naman pala si Red eh."
"Matalino nga, saksakan naman ng sungit," umirap pa ako sa ere. "Tara na nga
kumain na lang tayo at h'wag pansinin 'yang lalaking 'yan,"
"Isasama mo ba 'yan sa paggawa natin ng assignment?"
"Pag-iisipan ko pa." Bwisit, mukhang kasisimula pa lang ng klase ay nahanap ko
na ang magiging kaaway ko sa buong pananatili ko sa Altheria Academy.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dumating ang araw ng huwebes at iyon ang bakanteng araw para sa amin, wala
kaming klase sa araw na iyon at maglilibot-libot lamang kami sa buong school.
Nasa may malawak na soccer field kami ni Bea habang hinihintay si Red.
"Napakatagal naman nung lalaking iyon, dapat talaga hindi na natin siya sinama Bea
eh," napapakamot ako ng ulo dahil sa inip.
"Ano ka ba siya na nga nagbigay sa atin ng mga listahan ng ingredients na
gagamitin para sa Synthesization na gagawin para makabuo ng Healing potion eh."
pagsusumbat sa akin ni Bea. Pilit naman niya akong kinokonsenya patungkol sa
kabutihan daw ni Red bla. Bla. Bla. Kapag pogi mabait sa paningin niya.
"Huwag na natin siyang hintayin Bea tutal lahat naman ng ingredients na
kailangan natin eh makikita lang natin sa loob ng Altheria Academy," unti-unting
sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa evil plan na aking naisip.
"Hindi man lang marunong tumanggap ng utang na loob, masama pa ang takbo ng
utak." Biglang may lalaking dumaan sa tapat namin at sinabi iyan. Nawala agad ang
mga ngiti sa aking labi ng makita ko ang kanyang mukha—Si Red.
"Paimportante ka kasi" napairap ako ng wala sa oras dahil sa inis na bigla kong
naramdaman no'ng dumating siya.
"Importante naman talaga ako," sumunod na kaming dalawa kay Red.
Nagtungo kami sa school garden at habang tumatagal kami sa academy na ito ay
may isang bagay akong napapansin. "Bakit puro freshmen lang yata ang nakikita ko sa
paligid? Akala ko ba may mga senior year din na nag-aaral dito?"
"Stupid." biglang nagsalita si Red at masamang titig na naman ang ipinukol ko
sa kanya. Ewan ko ba kay ma'am Melanie at pinilit akong makipag-grupo sa lalaking
ito. Eh wala man lang kabait-bait sa katawan.
"Ah alam mo kasi Jasmin, nahahati sa tatlong division itong Astheria Academy.
Ang unang division ay ang Marsham o freshmen division, nandito lahat ng first year
student na nagte-training gumamit ng magi at inaalam pa lang ang specialty ng
kanilang kapangyarihan. The second division is Wanester or Junior division, dito
naman tine-training ka na kung paano palalakasin ang special magic mo at itinuturo
na ang pagkontrol sa magi. The last division is Exemena or Senior division, sila
yung mga estudyanteng marunong ng gumamit ng Magi ng maayos at pinapadala na sa
kung saan-saang misyon." Mahabang pagpapaliwanag sa akin ni Bea.
"Bakit naman kailangan pa nilang hatiin 'tong school sa tatlong division? Ba't
hindi na lang pagsama-samahin lahat ng estudyante?"
"Hindi pwede, kapag kasi natuto ng gumamit ng magi ang ibang estudyante... may
tendency na bully-hin nila ang lower year and ang paggamit ng magi para sa walang
katuturang bagay ay dangerous at maaaring maging sanhi ng gulo." napatango-tango na
lamang ako nung maintindihan ko na ang nais niyang iparating.
"We're here." biglang nagsalita si Red no'ng marating namin ang school garden.
As expected marami sa mga kaklase namin ang nandito upang kumuha ng mga
kailangan, hindi rin boring dahil marami akong nakakausap.
Kumuha ako ng tatlong pirasong Blue petal ng rosas, at malinis na tubig na
nanggagaling sa pond. Yung asin naman... may nabibili sa school cafeteria namin.
"Okay na ba 'tong spinachherb na kinuha ko?" pagtatanong sa akin ni Bea at
ipinakita ang maraming yakap-yakap niya na Spinachherb.
"Uy baliw ka! Ibalik mo yung iba, napakarami niyan. Sobrang aksayado mo naman,"
"Nakuha niyo na?" pagtatanong sa amin ni Red at tumango naman kaming dalawa.
"Halika na sa synthesization hall, baka mawalan tayo ng gagamitin na silid."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dumating ang araw kung kailan na namin ipapasa ang assignment namin. Halos
alas-onse na nang gabi kami natapos pero it's a relief na natapos namin ito.
Parehas kaming inaantok ni Bea na pumasok sa classroom, napansin ko si Red na
nakaupo na naman malapit sa bintana. No'ng nakita niya ako ay balak ko sanang
batiin siya ng 'good morning' ngunit isang irap ang natanggap ko sa kanya at
nagbaling na muli ng tingin sa may labas.
"Inaantok pa ako Jasmin," humihikab na sabi ni Bea. Pagkaupo pa lamang namin sa
may pwesto namin ay agad niyang idinukdok ang kanyang ulo sa may desk.
Pinagmamasdan ko lamang ang ginawa naming healing potion, hindi ko alam kung
epektibo ba itong gamitin dahil hindi naman namin siya sinubukan kagabi. Hindi ko
lang kung naging maganda ang pagkakagawa namin dito, inaantok na kami pare-parehas
nung ginawa namin ito.
"Okay class, oras na para ilabas ang mga assignment niyo." pagkapasok pa lamang
ni Ma'am Melanie ay iyan agad ang bungad sa amin.
Napaayos ako ng upo at inilabas ang notebook at ballpen ko, agad ko rin
ginising si Bea dahil ayokong mapagalitan siya ni Ma'am Melanie. "Ma'am ipapasa na
po ba namin?" pagtatanong ng isa sa mga kaklase ko.
"You will perform it," nakangiting sabi ni Ma'am Melanie, "Kayo lang ang
makakapagpatunay kung successful nga ba talaga ang mga ginawa niyong Healing
potion, ang bawat grupo ay magkakaroon ng representative and you will use the
healing potion."
"But how?" mataray na tanong ng isa sa mga kambal kong kaklase—Si Charmaine at
ang kakambal niya naman ay si Charly. Ito ang unang beses na magkaroon ng kambal na
kaklase pero hindi sila magkamukha at magkaugali pero may isang bagay na
magkaparehas sila... They both love playing pranks on other.
"You will use this knife Ms. Charmaine at susugatan ang inyong sarili, if the
bleeding stop. Then it is successful." sabi ni Ma'am Melanie.
"Red ikaw na lang ul—"
"No, ikaw ang gagawa," sabi ni Red na para bang inuutusan ako.
"Ako? Ayoko nga! Baka—"
"Ayaw mo? Sasabihin ko kay ma'am na natulog ka lang habang ginagawa namin yung
healing potion." nagbitaw ako ng buntong hininga as a sign of forfeit. Well it was
quite true, nakatulog ako bago pa man namin matapos ang paggawa ng healing potion.
Marami sa mga kaklase ko ang nag-perform, may mga pumasa at naging effective
ang ginawa nilang potion and mayroon din naman akong ilang estudyante na isinugod
na sa school clinic dahil sa pagkakapalpak ng kanilang potion.
"Group# 07." pagtatawag ni Ma'am at naglakad na ako papunta sa harap ng
classroom habang hawak ang healing potion na aming gawa. Karamihan sa mga kaklase
ko ay nakatingin sa akin.
Kinakabahan man ako ay kampante naman ako sa ginawa naming healing potion.
Tumingin sa akin si Ma'am Melanie na parang sinasabi na gawin ko na.
Kinuha ko na ang matalim na kutsilyo na nakapatong sa lamesa, hinampas-hampas
ko muna saglit ang aking braso to lessen the pain. Pumikit ako at hiniwa ang aking
braso, naramdaman ko ang hapdi at nagsimulang dumaloy ang pulang dugo mula rito.
Mabilis kong binuksan ang healing potion na aming ginawa at ininom ito. Habang
iniinom ko ito ay unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko mula sa aking
braso at tumigil na rin ang pagdaloy ng dugo.
Hindi nawala ang sugat pero pakiramdam ko ay nasa good shape pa rin naman ang
braso ko. "Very good." nakangiting sabi ni Ma'am Melanie at bumalik na ako sa aking
puwesto.
"Okay ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Bea, "Ang daming dugo ang lumabas
sa'yo kanina."
"Yeah okay na ako, effective ang ginawa nating potion." nag-apir pa kami ni
Bea. Makikipag-apir din sana ako kay Red kaso tinitigan niya lang ang kamay ko at
dinedma ito. Tch! Wala talagang kabait-bait sa katawan.
In-announce ni Ma'am Melanie ang aming grades at kami lang ang bukod tanging
nakakuha ng "A" na grade. It was all thanks to Red and his idea to go in Polto's
Forest.
Pagkatapos ng aming klase kay ma'am Melanie ay agad kaming umalis ng classroom
upang pumunta sa school field para sa sunod naming klase.
Naka-indian sit kaming nakaupo habang pinapakinggan ang sinasabi ni Sir Steven.
"Kailangan niyo lang tumingin sa mansanas na 'to," ipinatong ni Sir ang mansanas sa
lamesa.
"Magpokus lang kayo ng tingin sa mansanas and keep your body calm."
pagpapaliwanag ni Sir.
Buong klase ay pinagmasdan lang namin ang mansanas at muntikan na nga akong
makatulog. I swear, that's the most boring 2 hours class of my life. Nakaupo lang
ako at tinititigan ang mansanas.
"Saan tayo?" Pagtatanong ko kay Bea. Wala na kasi kaming klase ngayong araw.
"Tara sa Vaefonia Hall!" pag-aaya sa akin ni Bea at kinaladkad ako. Sa Vaefonia
hall kasi makikita ang mga school announcement, events, or news. Katabi lang din ng
Vaefonia Hall ang cafeteria kaya sumama na ako.
Nasa labas palang kami ay naririnig na namin ang ibang usapan ng ibang
estudyante. "Start na daw ng Family recruitment! Tara tignan natin kung ano ang
magandang salihan." naririnig naming sabi at nagtatakbuhan ang mga estudyante
papasok sa Vaefonia hall.
Dahil nga na-curious kaming dalawa ay nakipagsiksikan kami ni Bea sa maraming
tao na nasa tapat ng announcement board. "Excuse me. Excuse me..." Ilang minuto rin
ang lumipas bago kami napunta ni Bea sa pinaka-unahan.
Binasa naming dalawa ang nakapaskil. Nakita namin ang mga listahan ng mga
families na nagre-recruit ng mga bagong members.
Green Armies Family
Yellow Angels Family
Blue Marines Family
White Soldiers Family
Red Rebels Family
Iyan ang mga family na nangangailangan ng mga bagong members. Naalala ko tuloy
ang sinabi sa amin ni Kuya Carlo na kung wala pa raw kaming family ay sumali raw
kami sa White soldier.
Napaupo kami sa isang bench. "Ang hirap naman mamili ng sasalihang family."
sabi ni Bea.
"Naku ang swerte siguro ng mga estudyanteng makakapasok sa White soldiers
family. Iilan lang ang mga nakakapasok sa family na 'yon eh."
Naririnig kong usapan ng ibang mga estudyante. "Tara sa White soldiers tayo
sumali!" Pag-aaya ko kay Bea. "Nandoon si Kuya Carlo tsaka in-invite niya na rin
naman tayo kagabi eh."
Pumunta kami sa may tapat ng counter at kumuha ng application form para sa
white soldiers family. Sinagutan namin ang mga kailangan sagutan sa form then
hinulog namin siya sa ballot box na may logo ng White soldiers Family.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Yes sir!"
Malakas na ipinito ni sir ang pito niya at nagsimula na kaming tumakbo.
"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat na mga bibe..."
Habang kinakanta namin iyon ay pinagmamasdan kami ng ibang estudyante at
napapangisi nalang sila at halatang nagpipigil ng tawa. Super thank you talaga kay
Sir Ernie, inilagay niya na naman sa panibagong kahihiyan ang section namin...
please, take note about the sarcasm here.
Mas mahirap ang ginagawa naming pagtakbo ngayon dahil naghahabol din kami ng
hininga para makakanta and trust me, it's very tiring.
Nakaka-apat na laps na kami pero ramdama ko na ang pagod sa katawan ko at
nagsisimula na ring mamanhid ang hita't binti ko. Karamihan sa amin ay tumatagaktak
na ang pawis pero hindi namin hinahayaan na humina ang kanta namin dahil ayaw namin
na madagdagan ng ilan pang laps ang ginagawa naming pagtakbo.
Habang tumatakbo kami ay biglang nakaramdam ako ng matinding panmamanhid sa
aking paa. Bigla akong na-out of balance at tuluyan na nadapa sa lapag.
"Okay ka lang?" pagtatanong sa akin ni Bea habang patuloy ang iba naming
kaklase na tumatakbo.
"Okay lang ako," pinagmasdan ko ang sugat sa aking tuhod. "Kaunting galos lang
'to. Sige na tumakbo ka na."
"Sure ka?"
"Yup, ke'sa naman mapagalitan ka rin." ngumiti ako kay Bea at nagpatuloy na
siya sa pagtakbo.
"Lampa!" biglang sabi ni Charmaine nung madaaanan niya ako. Bwisit na kambal
'to, ang sarap nilang kaladkarin parehas habang tumatakbo.
Tumayo ako at nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking paa, mukhang na-sprain
pa ang paa ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tiniis ang sakit habang pilit na
inihahakbang ang aking paa.
Nagulat na lamang ako ng bigla akong umangat sa lupa at may dalawang kamay na
bumuhat sa akin na parang pang-kasal. "Stupid and clumsy." Narinig kong tinig.
Napakapit naman ako sa kanyang leeg upang hindi ma-out of balance. It's Red,
ang unexpected dahil sa lahat ng kaklase namin... hindi ko inaasahan na siya pa ang
tutulong sa akin.
Maraming estudyante ang nakatingin sa amin dahil sa aming posisyon. Nasa gitna
pa kami ng Quadrangle kaya takaw pansin kaming dalawa. Isa pa, sikat si Red sa
Altheria Academy kaya paniguradong may mga makakakilala sa kanya. "Ibaba mo na 'ko,
ang daming tao na nakatingin sa atin oh."
Hindi ako pinansin ni Red bagkus ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa
akin at hinatid ako sa may clinic.
This is the first time na babawiin ko ang sinabi ko... May bait naman pala sa
katawan 'tong Red na 'to.
***
3rd Person
Ilang oras ang lumipas matapos ang klase nina Jasmin ay nagkaroon ng
pagtitipon-tipon ang bawat guro at committee ng Altheria Academy.
"Mukhang nagsisimula ng magising ang magi sa katawan ni Jasmin." Pagre-report
ni Sir Ernie sa principal ng paaralan na si Mrs. Evelyn
"That's a good thing dahil mapapabilis ang pagte-train natin kay Jasmin," sagot
ng isa pang guro.
"It's not a good thing," sabi ni Sir Ernie, "Kung magising man ang magi ni
Jasmin. Hindi pa rin handa ang pisikal niyang katawan at mental na kaisipan. Kung
magtuloy-tuloy iyon, maaaring kontrolin si Jasmin ng Magi."
"Kailangan nating doblehin ang pag-e-ensayo ng section nila." sabi ni Mrs.
Evelyn at napasinghap ang lahat ng guro.
"Pero Madam, Masyado ng advance ang mga pinapagawa natin sa kanila. Baka
makahalata ang ibang section dito sa Marsham division," Pagsasalita ni Sir Ernie,
"We're pushing our students into their limits."
"Wala tayong choice, kailangan natin bilisan ang pagtuturo kay Jasmin bago pa
man siya makuha ng Raven Clan." sabi ni Mrs. Evelyn, napayuko ang mga ibang guro at
miyembro ng committee.
"May tawag po kayo mrs. Evelyn," pagsasalita ng secretary nito at iniabot sa
kanya ang telepono.
"Hello Evelyn!" Sa boses pa lang nito ay kilala niya na ang nasa kabilang
linya.
"Ramon napatawag ka? May problema ba?"
"Parami na nang parami ang mga miyembro ng Raven Clan ang pumupunta sa bahay
namin. Hindi magtatagal ay malalaman na nila na nasa Altheria si Jasmin"
Biglang kinabahan si Mrs. Evelyn sa sinabi ni Ramon. Mataas ang kalidad ng
seguridad sa paaralang iyon pero hindi niya alam kung sasapat iyon para pigilan ang
pagpasok ng Raven Clan.
"Po-protektahan namin ang anak mo sa abot ng aming makakaya." pagsasalita ni
Mrs. Evelyn at pinatay na ang tawag nito.
Tumingin siya sa bawat miyembro ng committee at mga guro ng Altheria.
"Kailangan nating dagdagan ang seguridad ng Altheria."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 8: Raven
Natapos ang araw na 'yon at hindi na ako naka-attend sa mga sumunod kong klase
dahil bilin ng nurse na magpahinga na lang muna raw ako.
Naalala ko pa ang ginawa ng nurse sa paa ko kanina,hinawakan niya lamang ito at
nawala na bigla ang sakit na nararamdaman ko, parang sa isang iglap ay naging
maayos na muli ang aking nararamdaman.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nagugulat kapag nakakakita ako ng
mahika, siguro ay tuluyan na akong nakapag-adapt sa environment dito sa Altheria
Academy.
Habang naglalakad kami ni Bea ay pansin ko ang school committee na nasa tapat
ng mataas na pader ng Altheria at mukhang may spell siya na ginagawa rito dahil
nagliliwanag ang pader sa tuwing kinukumpas niya ang kanyang kamay.
"Anong ginagawa nila?" pagtatanong ko kay Bea habang nakaupo kami sa isang
bench na naliliman ng isang mataas na puno. Hindi rin pumasok si Bea dahil nag-
aalala raw siya para sa akin.
"Siguro ay tinataasan ang security level ng pader. Malapit na kasi ang unang
event dito sa Altheria, baka sinisigurado lang nila na magiging safe ang lahat ng
estudyante," napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Bea.
"Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Wala na rin naman tayong gagawin dito at
bandang hapon na rin naman." Inaya ko na siyang bumalik dahil masyado akong
napagod.
"Hindi mo man lang ba pinasalamatan si Red?" pagtatanong ni Bea kaya napatigil
ako panandalian sa paglalakad.
"Nakalimutan ko, masyado kasi akong nakapokus sa sakit na nararamdaman ko
kanina. Nung hinatid niya naman ako sa clinic eh agad din naman siyang umalis kaya
nakalimutan ko nang mag-thank you sa kanya."
"Ano ba 'yan! Kapag nagkita kayo mag-thank you ka para sa kabutihang ginawa
sa'yo ni Red" pangongonsensya sa akin ni Bea. Nakarating kami sa may Dorm room
namin at kumain kami ng hapunan.
"Nakakapagtaka yung sinabi ni Charly kanina 'no?" pagbubukas na topic ni Bea.
"Paano niya kayang nasabi na kumislap 'yang kwintas mo? Totoo bang nagigising na
yung magi mo sa katawan?"
"Kung nagigising yung Magi ko, paniguradong mararamdaman ko naman 'yon. Kaso
wala naman akong unusual na naramdaman," pagkukwento ko sa kanya at napatango-tango
naman siya. "Baka nasinagan lang ng araw ang kwintas ko kaninang umaga kaya akala
niya kumislap."
"Sa bagay, hindi naman pwedeng maging advance ka kasi sabay-sabay lang naman
tayong nagpa-practice tsaka parehas tayong hindi nag-e-excel sa bawat subject."
natawa naman ako sa sinabi ni Bea.
Tumatakbo sa isip ko kung totoo yung sinabi ni Charly, sabi ng utak ko ay
nagsisinungaling lang si Charly pero base sa kanyang ikinilos niya kanina... parang
gusto ko ng maniwala.
Dumating ang gabi at hirap pa rin akong makatulog, Si Bea naman ay mahimbing ng
natutulog na nasa aking tabi. Bumangon ako panandalian at napatingin sa bintana sa
labas.
Nakikita ko pa rin ang mga Committee na patuloy na ginagawa ang pader ng
Altheria, napangiti ako dahil nakakatuwang pagmasdan ang mahikang kanilang
ginagawa. Parang sumasayaw sa saliw ng musika ang pader dahil umiilaw ito at
napapaligiran ng maliliit na bituin sa paligid.
Habang nakatingin ako sa labas ay napansin ko ang isang uwak na nakadapo sa
isang malaking puno. Napatitig ako maigi sa uwak na ito at para bang may sariling
isip ito dahil nakatingin lamang ang uwak sa akin. Ilang Segundo tumagal ang
pagtitig nito sa akin bago lumipad palayo. Weird.
Sa pagtingin ko sa pader ay dinapuan na ako ng antok kaya naman natulog na ako.
"Jasmin gumising ka na," naramdaman ko ang kamay na mahinang tinatapik ang
aking pisngi. "Bilisan mo, male-late ka sa klase ni Ms. Melanie kapag hindi ka pa
bumangon."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagbalik ko sa dorm ay excited kong ibinalita kay Bea na natanggap ako sa white
soldiers family. Naging usap-usapan sa Altheria ang pagpasa namin ni Red sa White
Soldiers family dahil ito raw ang unang beses na tumanggap ng freshmen ang white
soldiers. Sikat ang white soldiers dahil nasa kanila ang magagaling na Alchemist sa
buong Altheria.
"Bea! Nakapasok ako sa white soldiers!" Pagbabalita ko sa kanya pagkapasok ko
palang sa room namin. Walang kalagyan ang tuwang nararamdaman ko ngayon, para akong
nakapasa sa isang napakahirap na exam.
"I am about to tell you the same thing," ipinakita niya sa akin ang papel na
tungkol sa White Soldier, napayakap kami sa isa't isa at nagtatalon, "Alam mo ba
apat na freshmen ang tinanggap ng White Soldier ngayon. Ang imposible ng nangyari
kasi ngayon lang daw tumanggap ng freshmen ang White soldiers"
"Basta maging Masaya lang tayo kasi nagawa natin makapasok doon, panigurado
naman na tinulungan tayo ni kuya Carlo eh." Masaya kong sabi ko sa kanya, "By the
way, bakit ka nga pala wala kanina? Hindi mo tuloy alam yung mga sinabi sa amin ni
Ms. Melanie,"
"Nagkaroon kasi kami nang meeting about sa gaganaping event this month. Bawal
ko pa kasi sabihin yung details kasi pwede pang mabago pero maraming magagandang
mangyayari Jasmin!" Humahagikhik na sabi sa akin ni Bea, "Ano ba ang tinuro sa inyo
ngayon ni Ms. Melanie?"
"About sa mga cure potions and effects nito."
"Alam mo Jasmin, parang ang advance ng klase natin ke'sa sa ibang section.
Nakausap ko yung taga-ibang section ang sabi nila ngayon palang sila gagawa ng
healing potion then hindi naman sila pinapatakbo sa quadrangle ng sampung ikot."
Sabi ni Bea.
"Pabayaan mo na, baka sa'tin lang talaga napunta yung mga terror, strict, pero
magagaling magturo na mga teachers" Pagmamayabang ko at nagkibit balikat na lamang
siya bilang pagsang-ayon. "Uy! Tayo-tayo ulit nila Red ang magkakagrupo ah" Sabi ko
sa kanya.
Sige para maka-A ulit tayo." Natatawa niyang sagot.
Maaga muling natulog si Bea dahil napagod daw siya sa meeting nila kanina
samantalang ako ay napatitig muna sa labas at pinagmasdan ang mga bituin, mas
makikinang at mas makikita mo maigi ang mga bituin sa Altheria Academy ke'sa sa
normal na mundo. Mula sa mga tao hanggang sa mga bagay na nakapaligid ay punong-
puno ng mahika.
Napadako muli ang tingin ko ro'n sa may puno malapit sa room namin, nakita ko
na naman muli ang uwak. Nakatitig ito sa akin, "Binabantayan mo ba ako?"
Pagtatanong ko kahit hindi niya ako naririnig.
Biglang lumipad palayo ang uwak nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko na may pagka-weird yung uwak na 'yon.
Natulog na lamang ako para palipasin ang araw na ito.
Pagkagising ko ay agad ibinalita sa akin ni Bea na wala raw kaming klase ngayon
buong araw dahil may meeting daw ang lahat ng teachers at pinag-uusapan ang event
na mangyayari this month. Isang magandang balita iyon para sa akin dahil hanggang
ngayon ay medyo masakit pa rin yung katawan ko sa pagpapatakbo sa amin ni Sir
Ernie.
"Talaga walang klase? Matutulog na lang ulit ako" Muli ko na sanang
itatalukbong ang kumot ko sa akin ng biglang hilahin muli ito ni Bea. "Ba't ba?"
"May naghihintay sa'yo sa labas ng dorm," Wika niya.
Napakamot ako ng ulo, "Sino naman 'yan?" Hinila na ako ni Bea patayo.
Pinagkatulakan niya ako palabas ng room at sinara niya no'ng makalabas na ako.
Argh! Sino ba 'tong istorbo na 'to? As far as I know ay wala naman dapat naghahanap
sa akin ngayong araw, hindi naman ako busy na tao.
Pagkalabas ko ay napatingin agad ako sa mukha ng tao na nakasandal sa dingding
ng room namin. He's just wearing a plain black V-neck shirt at medyo fitted jeans.
"Anong ginagawa mo rito?" Bulalas ko kay Red.
Napalingon siya sa akin nung mapansin niya ang prisensya, Tinignan niya ako
mula ulo hanggang paa, na-conscious naman ako sa hitsura ko dahil sa ginawa niya.
I'm wearing a pink pajama and red shirt na may design na snow white, hindi pa rin
ako nakakapag-ayos ng sarili ko dahil agad akong hinatak ni Bea palabas.
"We will do our research tungkol sa cure potion, hindi mo ba ako narinig
kahapon? Masyado ka kasing na-overwhelmed sa pagkapasok mo sa White Soldiers kaya
hindi mo na inintindi ang sinabi ko sa'yo. Tsk." He scanned me again for the second
time. "Anong akala mo cute ka d'yan sa suot mo? Magbihis ka na, isama mo yung
bestfriend mo."
Napairap na lang ako as a sign of forfeiting then nagmartsa papasok muli ng
room namin. "Hindi mo naman sinabi na si Red ang pupunta rito!" Sabi ko kay Bea na
ikinatawa niya na lang.
"Bakit? Na-conscious ka ba bigla sa hitsura mo? Si Red lang 'yan, kaklase
natin. Puwera na lang kung..." Nagkaroon ng malaking ngisi sa mukha ni Bea.
Bigla akong kinilabutan sa ini-imagine niya, "Tigil-tigilan mo ko sa ganyan
Bea, mandiri ka nga. Magbihis na raw tayo dahil magri-research tayo about sa cure
potion,"
"Kayo lang dalawa ang magri-research. Pinapatawag kami dahil may urgent meeting
lahat ng class president. Bye."
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi makakasama si Bea. Ini-imagine ko
palang yung ideya na maiiwan ako kasama si Red, grabe! Paniguradong puro bangayan
lamang ang mangyayari sa aming dalawa.
Ilang minuto rin ang itinagal ng aking pagbibihis at naglakad na kaming dalawa
patungo sa school library. Pagkarating namin sa library, I decided na basagin ang
katahimikan sa aming dalawa. "Thank you nga pala sa pagliligtas mo sa akin kahapon
ah."
He just stare at me at itinuro ang sign na nasa gilid.
"Keep the silence inside the library"
Napa-ismid na lamang ako, wala talagang kabait-bait. Ilang beses na kaming
nagkakasama pero arogante pa rin siya tulad no'ng unang beses kaming magkausap.
"I didn't do it para sa'yo. Ginawa ko 'yon para sa klase dahil baka mapatakbo
kami ng ilan pang laps kapag pinabayaan lang kitang nakaupo at iika-ika ro'n." He
said without paying attention to me. Nakapokus lang siya sa librong binabasa niya
at nagsusulat siya sa maliit niyang notebook.
Napatahimik na lang ako at kunwaring nagbabasa ng libro pero wala rin naman
akong naiintindihan.
Inilapit sa akin ni Red ang upuan niya. "Oh bakit ka lumalapit?" Crush yata ako
ng lalaking 'to, galawang breezy 'to ah!
"Bawal ang maingay so magbubulungan lang tayo ng pag-uusap. Bakit may ini-
imagine ka ba?" Okay. Medyo assumerang froglet ako kanina. "Don't worry, hindi ako
pumapatol sa stupid and clumsy,"
"So here's the ingredients of cure potion, kunwari ka pang nagbasa pero wala ka
ring naitulong. Nectar, Black Powder, Flour, Snake Venom."
Napa-ismid ako at napairap sa kanya. "Oh lahat ng ingredients na 'yan makikita
lang dito sa loob ng Altheria then pwede naman tayong manghingi ng snake venom doon
sa clinic. Keri na 'yan."
"Pero kung dito lang tayo kukuha sa school ng mga gagamitin. It might be na
makakuha tayo ng 'B' o 'C' na grade. I want to aim for 'A'" Wika niya sa akin.
Grade conscious din pala 'tong isa na 'to kagaya ko.
Saglit akong nag-isip at nasimulan ko ng malaman ang gusto niyang iparating.
"Huwag mong sabihin na lalabas ulit tayo ng school?"
"We will."
"Ayoko nga!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko at sabay-sabay nag-'Shhh' yung
ibang estudyante. "Sorry."
"Ayoko nga, nakalimutan mo na ba? Muntik ng may mangyaring masama sa atin nung
last time na lumabas tayo," Sabi ko sa kanya.
"It will never happen again.Tsaka 'diba gusto mong mapasok sa Marsham top 10
Alchemist?" Napalagok ako ng aking laway dahil alam na alam niya ang mga bagay na
magtutulak sa akin na pumayag sa kanyang gusto.
"Paano naman tayo makakalabas?"
"Nakalimutan mo na ba? Miyembro na tayo ng White Soldiers Family. Hihingi tayo
ng tulong kay Carlo," Napabuntong hininga na lang ako as a sign of forfeit. Hindi
ko naman alam na gano'n ka-eager si Red na makakuha ng "A".
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
JASMIN
Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang namumuong tensyon sa pagitan ni Carlo
at miyembro ng Raven Clan na nagpakilala bilang si Klein.
"Anong kailangan mo kay Jasmin?" Pagtatanong ni Carlo habang matalim na titig
ang ibinibigay niya kay Klein. Nasa loob pa rin kami ng mga ugat na ginawa ni Carlo
na nagsisilbing protekta sa amin, sumisilip lamang ako upang makita ang nangyayari.
"Hindi mo na kailangan malaman." Ikinumpas ni Klein ang kanyang kamay at may
dalawang lobo na lumabas sa magkabila niyang gilid.
"A-ano ba ang nangyayari?" Natatakot na tanong ni Bea at napayakap na lamang
ako sa kanya.
CARLO
Hindi ko alam ang nangyayari o kung ano ang kailangan nila kay Jasmin, pero
hindi ako makakapayag na galawin nila ang kahit sino na miyembro ng White Soldier.
Ilang beses na kaming binabalaan ng aming mga guro sa Altheria na kung may
grupo raw ng tao na dapat kaming iwasan, iyon ang Raven Clan. Grupo ito ng
masasamang alchemist at para malaman kung isa silang miyembro ng Raven Clan, iyon
ay ang tattoo na parang singsing sa kanilang palasingsingan na daliri.
Sinugod ako ng dalawang lobo at agad kong binuksan ang libro kong hawak at
nagbigkas ng spell.
May mga malalaki at matutulis na ugat ang humabol sa mga lobo ngunit masyadong
matulin ang dalawang ito. "Kaasar." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Kung nasa isang normal na labanan lang ako ay malaya akong makakatakbo upang
magtago o ipahinga ang magi ko, pero hindi ako pwedeng lumayo kanila Jasmin sa
pagkakataong ito. Si Jasmin ang habol ng lalaki na 'to at kailangan ko siyang
protektahan.
Sinugod ako ng isa sa mga lobo at agad kong iwinasiwas ang aking kaliwang kamay
at may sanga ng puno na biglang sumangga sa ginawang atake ng lobo.
Pinagmasdan ako ni Klein, "Hindi na masama para sa Wanester student na kagaya
mo." Sabi niya sa akin.
"Hindi ako naging miyembro ng white clan para sa wala lang." Inilagay ko sa
likod ang aking kaliwang kamay at patagong iwinasiwas ito upang gumawa ng spell.
Nagulat na lamang siya ng may biglang mga ugat na kumapit sa kanyang mga paa
dahilan upang hindi siya makagalaw.
Ipinitik niya ang daliri niya at nasunog ang mga ugat na nakakapit sa kanyang
paa.
Hindi maaari, kung apoy ang specialty niya, may disadvantage ako lalo na't
nature ang kino-control ko.
Napasigaw na lamang ako sa sakit ng biglang may matatalim na pangil ang bumaon
sa aking binti. Masyado akong nagpokus kay Klein at nakalimutan ko ng may dalawang
lobo pa nga pala ang nandito.
"Carlo!" Malakas na sigaw ni Jasmin.
Akmang lalabas siya sa proteksyon kong ginawa sa kanila, "Huwag! Sa oras na
lumabas ka, kukuhanin ka niya! Manatili ka lang d'yan!" Malakas kong sigaw. Habang
tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa aking binti.
Kung may Priest o illusionist lang sana akong kasama sa laban na 'to ay
paniguradong matatalo ko siya eh. Kaasar. Pride ng White Soldiers ang nakataya
rito.
"Kalikasan ipahiram mo sa akin ang iyong lakas!" Malakas kong sigaw at
nagkaroon ng liwanag sa aking tapat, unti-unting lumabas dito ang isang espada na
napapalibutan ng tinik.
Eto na lang ang huli kong pag-asa. Hindi ko alam kung kakayanin ito ng katawan
ko dahil malaking puryento ng magi ang aking kailangang ilabas habang ginagamit ko
ang espada.
Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking hita at agad sinugod ang isa sa
mga lobo, hiniwa ko ito gamit ang espada at nawala na parang abo ang isa sa mga
lobo.
Napalingon ako ng biglang may isang fireball na papunta sa direksyon nina
Jasmin, agad akong nag-cast ng spell at nagpatubo ng isang malaking puno upang
sanggahan ang fireball, lumikha ito ng malaking pagsabog.
Napaluhod ako bigla sa damuhan dahil sa nararamdaman kong panghihina, ito ang
unang beses na magamit ko ang lahat ng magi ko.
"Bago ko kuhanin ang batang may kakaibang lakas, uunahin muna kitang
pakialamero ka." Ibinuka niya ang kanyang kamay at may maliit na baga ng apoy ang
lumabas rito.
Habang papalapit siya ng papalapit sa akin ay unti-unting lumalaki ang apoy na
nasa kanyang kamay at masama akong tinititigan. "Katapusan mo na at makukuha na rin
namin ang babaeng may kakaibang mahika na taglay."
Habang lumalakad siya papalapit ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib.
Sinubukan kong tumayo ngunit maraming dugo na ang nawawala sa akin dahil sa kagat
ng lobo kanina. Mahina na rin ang katawan ko dahil nagamit ko na ang magi sa aking
katawan, baka kung magpapatuloy pa ako ay hindi ko na makontrol ang magi na lalabas
sa aking katawan na magiging sanhi ng aking pagkamatay.
Akmang ibabato niya na sa akin ang fire ball ngunit may isang tao na tumunggo
sa kanya kaya naman napigil ang mahika na kanyang ginagawa.
"R-Red!?" Malakas kong sigaw, "Anong ginagawa mo? Tumakas na kayo!" Hindi ko
alam kung paano siya nakalabas sa mga ugat na ginawa ko... pero lubhang delikado
ito para sa kanya dahil hindi pa niya gumamit ng mahika.
"Hindi! Po-protektahan kita! Ako ang may kasalanan kung ba't tayo nandito!"
This is the reason why Red was chosen to be part of White soldiers. He's a risk
taker.
"Ang lakas ng loob mong bata ka!" Malakas na sinuntok ni Klein si Red dahilan
upang mapasubsob ito sa damuhan. Gusto sanang lumapit sa amin ni Jasmin pero mabuti
na lamang at pinipigilan siya ng kaibigan niyang si Bea.
Dahan-dahan na tumayo si Red, sinubukan ko pang mag-cast ng spell pero hindi na
talaga sapat ang aking lakas. "Tumakbo na kayo Red! Itakas niyo si Jasmin dito!"
Unti-unting lumapit kay Red ang isa pang lobo. "Red tumakbo na kayo!"
"Po-protektahan ko kayo!" Malakas na sigaw ni Red at biglang may liwanag na
lumabas sa kanyang kwintas.
Hindi maaari... Unti-unti ng nagigising ang magi ni Red. Red is a very special
student, ngayon lang ako nakakita ng estudyante na nagising ang kanyang magi in
just a month. Unti-unting nagkakulay ang loob ng kanyang kwintas, kulay pula.
Lumakas ang ihip ng hangin at unti-unting may namuong buhawi sa kinalalagyan
namin, napapikit na lang ako sa aking kinauupuan. Red is an Magic Swordsman at kaya
niyang kontrolin ang hangin... base iyon sa biglang pag-ilaw ng kanyang kamay.
Palakas ng palakas ang hangin at naglaho na ang lobo. I don't know what will
happen next, pero masama ito... hindi pa alam ni Red kung paano kokontrolin ang
magi niya kaya naman at this rate... hindi pa kakayanin ng katawan niya. "Pigilan
niyo siya!" Malakas kong sigaw ngunit dahil sa lakas ng hangin ay imposible naman
na marinig nila ako.
Unti-unting nawala ang hangin at bumagsak na lamang ang katawan ni Red sa lupa.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil unti-unti na akong nawalan ng malay
dahil sa hina ng aking katawan.
JASMIN
Halos mapahagulgol ako sa iyak ng makita ang nakabulagtang katawan nina Red at
Carlo sa damuhan. Napayakap kami ni Bea sa isa't-isa at parehas nanginginig ang buo
naming katawan.
"Ngayon, sumama ka na sa akin Jasmin kung ayaw mong madamay pati ang kaibiga—"
"Sinong nandiyan!?" Malakas na tinig na narinig namin sa hindi kalayuan. Si Sir
Steven at si Sir Ernie, parehas silang mabilis na tumakbo no'ng makita ang
kalagayan namin.
"Masuwerte ka Jasmin, pero sisiguraduhin ko sa'yong magkikita pa tayong muli."
Tumakbo palayo si Klein at unti-unting nagbagong anyo bilang uwak, lumipad ito
palayo.
"Ayos lang ba kayo?" Pagtatanong sa amin ni Sir Ernie habang si Sir Steven
naman ay tumakbo tungo kanila Carlo at Klein.
Unti-unti akong nawalan ng malay dahil sa pagod. Sana ay ayos lang sila.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nagising na lamang ako na nasa loob ako ng clinic, "Uy Jasmin okay ka na ba?"
Nag-aalalang tanong ni Bea na nakaupo sa tabi ko at parang binantayan ako hanggang
sa magising ako.
"Oo, medyo masakit lang yung mga galos ko," Isinandal ko ang aking likod sa
headboard ng clinic. "Ikaw okay ka na ba?"
"Oo kahapon pa. Grabe ka! Hindi naman ikaw yung nakipaglaban pero naunahan ka
pa nila magising." Natatawang tugon sa akin ni Bea, base sa ekspresyon niya
ngayon... she's really in a good shape at okay na okay na siya.
"Anong balita sa kanila?"
"Kausap nilang dalawa ngayon ang school principal, hindi ko alam kung bakit. Si
Carlo, baka bisitahin ka raw niya mamaya ewan ko lang kay Red." Mahaba niyang
litana at nagbabalat siya ng mansanas.
Naalala ko na naman ang nangyaring labanan sa Polto's Forest, kung hindi pa
dumating sina Sir Ernie at sir Steven ay baka isang malamig na bangkay na kaming
apat. Nakakaasar din dahil nakatakas ang Klein na 'yon... pero ano ang bagay na
kailangan niya sa akin?
"Kumusta nga pala yung assignment natin?" Pagtatanong ko bigla, importante sa
akin ang grades ko kaya dapat lang na itanong ko 'yan.
Saglit na tumahimik si Bea at nagbuntong hininga, "Nakakuha tayo ng 'F' na
grade"
Nanlumo naman ako bigla, kapag kasi nakakuha ka ng F ay ibig sabihin lamang
nito na maliit na ang chance mo na makapasok sa Marsham top 10 student... which is
pangarap ko.
"Bakit daw?"
"Lumabag tayo sa school rule na bawal lumabas ng Altheria kapag first year
palang, nagkaroon ng malaking gulo at nasangkot tayong apat, naka-istorbo tayo sa
mga teacher lalo na kanila sir Ernie at sir Steven, nasira ang mga ingredients nat
—"
"Hindi mo na kailangan ituloy Bea, naintindihan ko na. Deserved natin ang 'F'
sa daming nangyari," Napahawak ako sa aking braso na may galos, "Ba't may sugat
ako? Hindi ba 'to ginamitan ng healing powers para mawala yung sakit?"
"That's our punishment. Hindi nila gagamitan ng kahit anong healing spell ang
mga sugat natin, kailangan daw nitong gumaling sa normal na paraan." Ipinakita rin
ni Bea ang galos niya sa kanyang balikat. Napabuntong hininga na lamang ako, hindi
ko naman alam na ganito katindi ang punishment dito sa Altheria.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at nakarinig kami ng isang boses, "Ano ba
bitawan mo nga ako! Wala akong balak bisitahin ang babaeng 'yan!"
Pumasok bigla si Carlo habang kinakaladkad niya papasok si Red, puro galos ang
kanilang katawan pero Masaya pa ring nakangiti sa amin si Carlo. "Oh gising ka na
pala Jasmin! Akala ko balak mong matulog hanggang matapos ang semester eh,"
"Ba't ka nandito? Akala ko ba bawal ang taga-Wanester Division dito sa
Marsham?" tanong ko.
"I have an excuse. Sabi ko bibisitahin ko lang ang kaibigan ko na nasa
malubhang kalagayan," Wow, galos lang ang natamo ko pero para sa kanya ay malubha
na ito? "Tsaka isang linggo akong suspended dahil sa nangyari."
Inagaw ni Carlo ang binabalatang mansanas ni Bea. "Hoy akin na 'yan! Para kay
Jasmin 'yan."
"Wala ng bawian tsaka ako ang pinakanapuruhan kaya hindi kailangan ni Jasmin ng
mansanas," Napalingon-lingon siya sa paligid, "Asan si Red? Oy Red halika nga rito!
Nahihiya ka ba!?" Hinatak niya si Red.
"Ako mahihiya? Ba't naman ako mahihiya? Ayoko lang makita ang pagmumukha ng
babaeng 'yan"
"Hoy! As if naman na gusto kitang makita!" Nagsimula na naman kaming dalawa sa
nonsense naming pagtatalo habang yung dalawa ay tumatawa lamang. Seems everything
back to normal... I guess.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nitong mga nakaraang araw ay mas naging busy kami, napagdesisyunan kasi ng
seksyon namin na magkaroon kami ng isang simpleng food stand para naman mas ma-feel
namin ang gaganaping Unity Festival. Gagamitin namin ang kikitaing pera as a class
fund namin.
"Jasmin, inilista kita sa mga maglalaro sa mga games ah," Pagsasabi sa akin ni
Bea. Sa aming seksyon ay nasa kanya ang pinakamabibigat na trabaho pero parati pa
rin siyang nakangiti at ini-enjoy ang kanyang ginagawa.
"Ha? Wala naman akong alam gawin do'n 'wag na lang ako. Tsaka mahina ako sa mga
physical activities, remember?" Nag-aalala kong sabi, medyo mahiyain kasi ako sa
harap ng maraming tao kaya naman kinakabahan ako sa paglista ni Bea sa aking
pangalan.
"Wala na naipasa ko na yung papel sa committee," Napasampal na lamang ako ng
aking palad sa aking mukha, malas. "Tsaka okay na 'yon, ang purpose naman ng
activities na 'yon eh para mag-enjoy hindi para mamahiya ng Marsham student."
"Pero baka mapahiya lang ako,"
"Ano ka ba! Hindi 'yan!"
"Hoy ano ba kayong dalawa? Mag-uusap na lang kayo d'yan? Ang dami pang gagawin
oh," Biglang umepal si Charmaine at umirap sa aming dalawa, "Class president pa man
din, siya pa ang numero unong nakatanga."
"Oh sige, mamaya na tayo mag-usap tutulong muna ako." Sabi ni Bea at pumunta sa
mga kaklase ko na gumagawa ng mga banners at bandiritas. Naiwan na ako ngayong mag-
isa na nakaupo sa bench, kakatapos lang kasi ng shift ko sa paggawa. By shifting
kasi ang ginagawa namin para less hassle at para masigurado ni Bea na lahat sa
seksyon namin ay tumutulong.
Habang wala pa akong ginagawa ay napalingon naman ako bigla sa boses na aking
narinig— Si Harly. "Jasmin tulungan mo naman akong dalhin 'tong mga potion sa
faculty ni Ma'am Melanie."
Tumakbo ako sa kanyang direksyon at tinulungan siyang buhatin ang ilan sa
kanyang mga dala. "Salamat ah, pasensya na sa abala kahit alam kong pahinga mo
ngayon,"
"Okay lang 'yon." Sagot ko sa kanya.
Habang naglalakad kami sa corridor ng ikalawang palapag ng Vaefonia Hall ay
bigla akong napalingon sa may bintana. Nakita ko si Red na nagpa-practice mag-isa.
Napapalibutan ang katawan niya ng mga dahon na umiikot sa kanya dahil sa hangin,
hindi rin nagtagal ay agad itong bumagsak sa lupa at napasipa na lamang sa damuhan
si Red.
"Uy Jasmin tara na, sino ba ang tinitignan mo d'yan?" Bigla ring lumingon si
Harly. "Bihira na lang pumapasok si Red sa klase natin 'no? Kahit kasi ang mga
teachers ay gustong i-prioritize ni Red ang pagkontrol sa kanyang magi,"
"Ibang klase talaga si Red."
"Gusto mo ba si Red?" Biglang pagtatanong sa akin ni Harly at tinignan ako ng
mata sa mata.
"Ha? Hindi, humahanga lang ako kasi sobrang espesyal na estudyante ni Red. Ang
tulin niya kasing napailaw ang kwintas niya," Pagsasabi ko sa kanya at napatango-
tango siya habang unti-unting lumalaki ang ngiti sa kanyang labi. "Bakit ka ganyan
makangiti?"
"Wala. Wala. Cute mo haha!" Medyo weird din 'tong si Harly, hindi ko
maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "Tara na, baka hinahanap na ni
Ma'am Melanie yung potion."
Pinagpatuloy na naming dalawa ni Harly ang paglalakad tungo sa faculty ni Ma'am
Melanie. I gazed my eyes kay Red na nagpa-practice at hindi ko inaasahan na
nakatingin siya sa direksyon na ito, our eyes met. Dahil sa nangyari ay mas
binilisan ko ang paglalakad.
"Uy Jasmin, wait." Sumusunod na sabi sa akin ni Harly.
Hindi ko maipagkakaila na si Red ang top student here at Altheria. Madalas
siyang pag-usapan ng mga teachers at imposibleng hindi siya kilala ng mga
estudyante rito. Minsan lang din siyang pumapasok but he almost perfect the quizzes
and exams.
Wait, Do I overthink about Red? Ay jusko! Hindi tama 'to.
Nagpatuloy lang ko sa paglalakad, "Jasmin lagpas ka na! Dito ang faculty ni
Ma'am Melanie."
Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko.
Kakatok na dapat ako pero hindi ko muna itinuloy dahil may naririnig akong
usapan sa faculty.
"Sa tingin ko ay dapat ay huwag muna tayong magpapasok ng mga taga-Alkhemia sa
Altheria ngayong Unity Festival," Naririnig kong tinig at mukhang si Sir Steven
iyon. "Nagkalat ang mga miyembro ng Raven Clan sa paligid, mas malaking gulo kapag
nakapasok sila rito."
Alkhemia? Sa pagkakatanda ko sa aking nabasa, iyon daw ay isang bayan na
malapit sa Altheria.
"Huy Jasmin! Buksan mo na yung pinto, nabibigatan na 'ko sa dala ko." Wika ni
Harly.
Pinihit ko ang door knob ng pinto ng faculty. Para namang nagulat ang mga guro
no'ng makita nila ako at napatigil sa pag-uusap. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
Parang hindi naman, hindi naman ako peymus. 12 Likes nga lang profile picture ko sa
facebook eh.
"Anong ginagawa mo rito Jasmin? Hindi ka ba marunong kumatok?" Masungit na sabi
ni Sir Steven.
"Sir kumatok po ako, busy lang po kayo sa pag-uusap niyo kaya hindi niyo
napansin," Sabi ko. "Ibibigay lang po namin 'tong mga potion kay ma'am Melanie."
Itinaas ni Harly ang kanyang mga bitbit para mapansin ni Sir.
"Sige ipatong niyo na lang sa desk ko then you may go." Sabi ni Ma'am Melanie
at ginawa naman namin ito.
Papalabas na kami ng may bigla akong nais sabihin, "Ma'am masaya po kapag
maaaring pumunta ang karamihan sa Unity festival, dagdagan na lang po natin ang mga
guards na nagbabantay." Suhestiyon ko at tuluyan na akong lumabas.
Pagkalabas ko ay tinignan ako ni Harly. "Baliw ka talaga, dapat ay hindi ka
nakikialam sa usapan ng mga teachers."
Naglakad kami ni Harly palabas ng Vaefonia Hall. Pinagmasdan ko ang maraming
estudyante na busy na busy sa pag-aayos ng kanya-kanya nilang booth. "Ang sasaya
nila 'no? Pagkatapos naman ng Unity Festival ay midterm exams na."
Tanging ngiti lang ang itinugon ko kay Harly at nagpatuloy na kami sa
paglalakad pabalik sa ginagawa naming booth. Biglang bumuhos ang maliliit na butil
ng ulan at nagsimulang mag-panic ang mga estudyante dahil nagmamadali silang
sumilong.
"Jasmin tara na!" Biglang kinuha ni Harly ang kamay ni Jasmin at tumakbo sila
papunta sa kanilang booth.
***
3rd Person
"Mrs. Evelyn hindi na dapat natin papasukin ang mga taga-Alkhemia sa ating
paaralan lalo na't alam na ng mga Raven Clan na kasalukuyang nag-aaral sa paaralan
natin ang apo ni Lucas," Suhestiyon ni Sir Steven habang nag-uusap silang lahat na
mga guro.
"Pero hindi rin natin pwedeng baliwalain ang samahan ng ating paaralan at ang
bayan ng Alhemia, kung hindi natin sila papayagan na makapasok n gating paaralan ay
baka kung ano na lamang ang kanilang isipin." Pagtututol ni Sir Ernie.
"Pangalan ng paaralan at kaligtasan ng mga estudyante ang nakataya rito sir
Ernie," Tugon ni Sir Steven sa mainit na pagtatalo nilang dalawa. "Naalala mo pa
nung natagpuan natin sila sa Polto's Forest, muntik ng mamatay ang ilan sa mga
estudyante natin."
"Hindi rin natin dapat balewalain ang taga-Alkhemia, sa kanila tayo kumukuha ng
supplies ng mga ginagamit natin para sa pagtuturo natin sa Altheria," Napatango-
tango ang ilang members ng committee at mga guro bilang pagsang-ayon. "At tsaka
hindi naman susugod dito ang mga taga-Raven Clan lalo na't alam nilang maraming
magagaling na alchemist ang nasa loob ng ating paaralan."
"Pero-"
"No more but's." Kinalampag ni Mrs. Evelyn ang kanyang desk, "Sang-ayon ako sa
sinabi ni Ernie. We will allow outsiders inside our Academy. At isa pa, may mga
inatasan akong magbantay kay Jasmin."
"Okay ma'am, aayusin ko na rin po ang mga events na magaganap sa Altheria."
Sabi ni Ms. Melanie at tumango naman si Mrs. Evelyn.
Napatingin sa bintana si Mrs. Evelyn habang pinagmamasdan ang ulan. 'Sana
maging ayos ang lahat. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ang anak mo Ramon.'
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dumating ang araw ng festival at napuno ng kulay ang buong Altheria Academy,
ang bawat daan ay may makikita kang banderitas na kumukuti-kutitap. Habang
naglalakad ako ay kung anu-anong klaseng nilalang ang aking nadadaanan, mayroong
mga maliliit na tao na may pakpak na mas kilala natin bilang sa tawag na Fairies.
Nagkalat ang mga booth dito sa loob ng school. "Oh ba't hindi ka tumutulong
do'n sa booth?" Pagtatanong sa akin ni Harly. Nasa tabi ko na pala siya, hindi ko
siya napansin dahil aliw na aliw ang aking mata na tignan ang mga magagandang bagay
na nakikita ko ngayon sa paligid.
"Ayaw ako patulungin ni Charmaine at Charly, bwisit na kambal 'yon," Medyo asar
kong sabi sa kanya. Pinaalis kasi ako ng kambal sa booth namin kanina kasi raw may
balat daw ako sa puwet, baka raw may mapahamak ulit kapag nandoon ako.
"Grabe naman yung pambu-bully nila sa'yo haha!"
"Okay na rin 'yon atleast nakakapag-ikot-ikot ako ngayon sa buong Altheria at
nararamdaman ko ang Unity Festival."
Naglalakad kaming dalawa at napatingin ako sa mga ilang estudyante na inaaliw
ang mga mamamayan ng Alkhemia. Nakakatuwang pagmasdan na nagkakaisa ang mga tao sa
mundong ito. "Yuko!" Malakas na sigaw ni Harly at hinawakan niya ang ulo ko upang
makayuko.
Nakaramdam ako ng malakas na hangin sa aking batok na parang may dumaan,
pagtingin ko sa itaas ay may mga estudyante na nakasakay sa board na naglalaro sa
kalangitan. Ibang klase talaga ang mundong ito, walang bagay na imposible.
"Ayos ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Harly, "Gagong estudyante 'yon ah,
muntik pang magpahamak ng ibang tao."
Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Carlo,
nakaipit sa kanyang braso ang ulo ni Red. "Ano ba! Sinabi ko naman sa'yong
pakawalan mo ako eh,"
"Oh Carlo ikaw pala, anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko.
"Binibisita ko lang ang mga freshmen na alaga ng aming club. Actually gusto na
nga kayong ma-meet ng ibang members eh. Tara na!" Sabi niya.
Tinignan ko si Harly at nangusap ang aking mata kung pwede ba akong sumama sa
kanila. "Sige lang sumama ka na, kailangan ko na rin naman bumalik sa booth eh,"
Naglakad na siya palayo sa amin. "Sige, bye!"
"Sasama na ako! Pakawalan mo na yung leeg ko." Kumawala si Red sa pagkakahawak
sa kanya ni Carlo.
"Kung hindi pa kita pipilitin eh hindi ka pa sasama," Pagsesermon ni Carlo,
"Huwag ka puro training Red. Matuto ka ring mag-enjoy, huwag mong i-pressure ang
sarili mo. Sayang naman 'tong Unity festival kung hindi ka magsasaya."
Pagpapaliwanag ni Carlo. Well, may punto naman siya. Ginawa ang festival na ito
para sa mga estudyante at mamamayan ng Alkhemia.
"Ba't ka nandito Carlo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Well malaya akong makakagalaw sa buong Altheria dahil binuksan nila ang lahat
ng gate ng Marsham, Wanester, at Exemena." Oo nga pala, nasabi sa akin ni Bea na
Malaya ang bawat year level na makapag-ikot-ikot sa buong Altheria Academy sa loob
ng tatlong araw. "Ano, tara na? Excited na silang makita ka"
Tutal ay wala naman akong gagawin ay sumama na lamang ako kay Carlo, gano'n pa
rin si Carlo, sobrang bubbly ng personality at puring-puri pa rin niya ang kanyang
sarili.
Katabi ko si Red habang naglalakad, sa tagal naming hindi nagkasama... hindi ko
alam ang sasabihin ko sa kanya. Ang huli naming pag-uusap ay yung nandoon pa ako sa
school hospital. Nakakapanibago, parang back to strangers kaming dalawa.
"Gusto niyo ba?" Pagtatanong sa amin ni Carlo habang itinuturo ang cotton candy
na itinitinda sa isang stall. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kinakabahan ako
baka hindi normal na cotton candy 'yon, wala naman yatang normal sa lugar na ito.
"Don't worry, edible 'yan. Normal na pagkain lang din 'yan"
Bumili si Carlo para sa amin at tama siya, normal lang iyon.
Habang naglalakad kami ay ang dami kong nakikitang mga bagay, tulad na lamang
na mga sirena na lumalangoy sa may lawa sa loob ng Marsham Division, mga maliliit
na fairies, mga goblins na gumagawa ng mga prank sa ibang estudyante, at mga
duwende na naglalaro sa may gardenn gaming school.
"Anong mga ganap kapag Unity festival, Carlo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Usually sa unang araw ay opening ceremony, may mga booths, and kung ano-anong
magic shows. Tapos sa second day ay may mga athletic games. Sa third day ay may
live band, fireworks display, at closing ceremony." Sabi ni Carlo. Ang dami niya
pang bagay na ikinuwento sa amin, napasarap din ang kwentuhan namin kaya hindi ko
napansin na nasa harapan na pala kami ng workshop.
"Ano handa ka na bang makilala sila Jasmin?" Ngumiti muna sa akin si Carlo bago
tuluyang binuksan ang pinto. Sa totoo lang ay mas nangingibabaw sa akin ngayon ang
kaba dahil hindi ko naman alam kung magugustuhan ako ng ibang members ng white
soldiers.
Pagpasok sa workshop ay nandoon na nga ang ibang members, wala naman akong
namumukhaan sa kanila dahil sa palagay ko ay higher year silang lahat sa aming
dalawa ni Red.
"Oh Red ikaw pala!" Pagbati ng isang lalaki at nakipag-apir pa siya kay Red.
Agaw pansin ang kulay abo nitong buhok pati na rin ang asul na kanyang mata. "Ano
nagagawa mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo?"
"Hindi pa rin Hades. Pero hindi naman ako tumitigil sa pag-e-ensayo,"
"Tama lang 'yan makokontrol mo rin 'yan tulad ng pagkontrol ko sa tubig."
Pinaangat nito ang tubig sa isang baso gamit lamang ang isang kumpas ng kamay.
"Oy! Guys, eto nga pala si Jasmin," Biglang naglingunan sa aking direksyon ang
ibang mga tao sa loob ng workshop. Okay, medyo nakaramdam naman ako ng hiya. "Siya
yung isang freshman din na nakapasok sa family natin." Pagpapatuloy pa ni Carlo.
Isa-isa silang lumapit sa akin at nagpakilala. Kagaya ng ini-expect ko, hindi
masyado marami ang members ng White Soldiers dahil sobrang sinasala ang mga
nakakapasok dito.
Habang nanatili ako kasama nila ay nararamdaman ko na isang pamilya ang turing
nila sa akin. Nakilala ko na ang mga members na bumubuo rito. Sina Hades, Carlo,
Rhian, Jester, Marie, Lucas, King, si Bea, si Red, at ako. Kahit mas matanda ang
ibang miyembro sa akin ay ayaw nilang nagpapatawag ng kuya o ate.
Marami silang ikinukwento sa akin at nag-e-enjoy akong kasama sila. "Halika
Jasmin, samahan ka namin maglibot sa Wanester Division." Hinatak ako nina Rhian at
Marie at naglakad na kami palabas ng workshop.
Isinama nila ako sa Wanester Division at mas nakakamangha ang mga nakikita rito
dahil mas makulay ang Division nila ke'sa sa Marsham.
Mayroon akong namamataang mga estudyante na nag-aanyong hayop o kaya naman ay
nanggagaya ng mga sikat na personalidad. Mayroon din namang nagpapagalingan sa
paggamit ng mahika.
"Maganda ba?" Pagtatanong sa akin ni Rhian kaya naman napatango ako.
"Hayaan mo, sa oras na mapailaw mo ang kwintas mo... kami mismong dalawa ang
magtuturo sa'yo na gamitin ang kapangyarihan mo." Sabi naman ni Marie. Mas lalo
tuloy akong na-excite na magkaroon na ng ilaw ang kwintas ko.
May biglang malakas na tugtog ang dumagundong sa Wanester Division at nagsayaw
ang marami sa mga estudyante. Talagang nag-e-enjoy ang lahat sa festival na ito.
Hinatak ni Rhian at Jasmin ang aking kamay at sumabay kami sa maraming tao at
nakiindak sa saliw ng musika. May ilang estudyante na gumamit ng mahika upang
magkaroon ng effects ang kasiyahang nagaganap. May mga nagpapailaw ng daan upang
magmukhang dance floor, May ilan na naglalabas ng kung ano-anong kulay sa paligid.
Wala man akong ideya sa mundong pinasok ko o bakit ako nandito. Marami pa ring
tanong sa utak ko na patuloy gumugulo sa akin pero sa ngayon... masasabi kong
Masaya ako na dito ako sa Altheria nag-aral dahil sa kakaibang karanasan na
ibinibigay ng paaralan na ito at sa mga bagong kaibigan na aking nakikilala.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang tulin ng mga pangyayari at last day na agad ng Unity Festival. Sobrang
nakaka-enjoy ang festival na 'to lalo na't ang dami kong nakakasalamuhang ibang
tao.
"Sa wakas ay libre na rin akong makakapag-ikot sa Altheria Academy,"
Nakangiting sabi sa akin ni Bea. Naging busy si Bea nitong mga nakaraang araw at
hindi kami masyadong nagkakasama. Isa kasi siya sa mga organizer ng mga naunang
events at kailangan siya para mag-assist sa ibang tao. "Tara mag-ikot tayo Jasmin."
Isang simpleng tango na lang ang aking naitugon sa aking kaibigan. Ngayon na
nga lang kami magkakasama, nakakahiya naman kung hindi ko siya pagbibigyan.
Naglakad na kaming dalawa palabas ng aming dorm at sinimulang mag-ikot sa Marsham
Division.
"Ano, nag-enjoy ka naman kahapon Jasmin?" Pagtatanong sa akin ni Bea. Ang
tinutukoy niya ay yung nangyaring athletic games.
"Nag-enjoy naman ako kaso natalo tayo dahil sa akin," Medyo naging malungkot
ang tono ng aking boses. Mas Masaya sana kung nanalo kami.
"Okay lang 'yon, ano ka ba!" Hinampas ni Bea ang aking balikat, "Ganoon naman
talaga sa laro eh, may nanalo at may natatalo. Tsaka hindi naman manalo ang goal ng
section natin eh, ang gusto ko lang ay mag-enjoy ang buong klase natin."
Pagpapaliwanag niya.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit na-elect bilang class president si Bea dahil
magaling at maganda ang leadership niya. She have a great mind set at hindi siya
nansisisi ng ibang tao kapag nagkakamali... Mahaba rin ang kanyang pasensya.
Nag-ikot kaming dalawa ni Bea at naglaro sa kug saan-saang booth. Habang
naglalakad kami sa ground ng Altheria ay may biglang umilaw na liwanag sa inaapakan
kong damuhan. "Hala anong nangyayari Bea!"
"'Wag kang mag-panic. Trap lang 'yan."
Biglang may duwende ang biglang lumabas sa kung saan. "May nahuli sa patibong!
May nahuli sa patibong!" Paulit-ulit nitong bigkas. Imbes na mainis ako ay natuwa
pa nga ako dahil sa ka-cute-an nung duwende. Hanggang tuhod ko lang kasi ang laki
niya at nakasuot ito ng makulay na damit, agaw pansin din ang mahaba nitong tenga
at maputing kulay ng balat.
May lumapit sa amin na ibang first year. "Jail booth!" Sabi nila at hinatak na
nila ako.
***
"Bea, tulungan mo naman akong makawala rito," Sabi ko habang nakadungaw ako sa
kanya sa bintana. Ikinulong kasi nila ako sa isang lumang classroom.
"Wala akong dalang pera eh, naiwan ko ang wallet ko." Kinapkap pa ni Bea ang
kanyang bulsa.
Napaupo na lamang ako sa lapag at wala pa akong limang minuto sa jail booth ay
sabi nila na laya na raw agad ako.
"Makakalabas na ako? Sino ang nagbayad?" Tanong ko sa nagbabantay na ogre pero
masamang tingin lang ang ipinukol nito sa akin. Okay, bugnutin nga pala ang mga
ganitong klaseng creature. Lumabas ako ng classroom at agad sumalubong sa akin si
Bea.
"Buti naman nakalabas ka na." Yumakap pa ito sa akin.
"O.A. mo naman," Natatawa kong tugon sa kanya, "Para namang totoo akong
nakulong. By the way, sino ang nagbayad?"
"Ako." Nakangiting sabi nung lalaki— Si Harly lang pala. "Nakita ko kasi kayong
ipinasok dito so naisip ko na baka kailangan niyo ng tulong."
"Hu! Great timing ka talaga Harly." Nakipag-apir pa kami sa kanya at tinignan
naman kaming dalawa ni Bea.
"Aba! Kailan pa kayo naging close?" Nagtataka niyang tanong.
"Ah neto lang, naging busy ka kasi sa pag-o-organize sa event kaya lagi akong
naiiwan mag-isa. Lagi akong sinasamahan ni Harly that time kaya medyo naging close
na kaming dalawa." Pagpapaliwanag ko kay Bea at napatango-tango na lamang siya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Iminulat ko ang aking mata habang tumitingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko
no'ng manpansin kong nakakulong ako sa isang kahon. Mukhang nakasakay ako sa isang
karwahe dahil sa naririnig kong tunog mula sa kabayo.
Pilit kong inalala ang mga nangyari. Sino ba ang gumawa ng pagdukot na ito!? Si
Klein na naman ba? Ano bang kailangan sa akin ng Raven Clan!?
Tumayo ako at malakas na kinakalampag ang bawat sulok ng karwahe. "Pakawalan
ninyo ako! Sino ba kayo! Pakawalan ninyo ako!"
Parang wala lang silang narinig at patuloy lamang pinaandar ang karwahe habang
palayo kami ng palayo sa Altheria Academy. Bigla na lang napatulo ang luha galing
sa aking mata. Sino ang tutulong sa akin sa pagkakataong ito?
Ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng saklolo ngunit habang umaandar ang
karwahe na aking sinasakyan ay mas lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil nalalayo
ako sa Altheria Academy, kung nasaan ang mga taong tutulong sa akin.
Napaupo na lamang ako sa isang sulok at napapikit ng aking mata. Hindi ko alam
kung saan ako makakarating, hindi pa naman ako pamilyar sa mga lugar na nasa labas
ng Altheria... hindi ko alam kung makakauwi pa ako.
Halos isang oras ang tinagal ng pag-andar ng karwahe. No'ng maramdaman kong
huminto na ito ay muli akong napatayo. "Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Bumukas ang pinto ng karwahe at nasilaw ang aking mata sa liwanag na nagmumula
sa labas. "Labas." Malaki ang boses na nagwika nito. Lumabas ako ng karwahe at
napunta ako sa isang nakakatakot na lugar. Liblib ito at nasa sulok ng mga
eskinita.
"Bilisan mo sabi eh!" Malakas nitong hinatak ang aking kamay dahilan upang
mapasubsob ako sa sahig at magasgasan ang aking tuhod. Napaluha ako dahil sa ginawa
nung lalaki. Takot ang nangingibabaw sa akin ngayon.
Ako lang mag-isa ngayon. "Pumasok ka!" Malakas na sigaw nung lalaki habang
itinuturo ang pinto ng isang lumang bahay.
"Larry! Ano ba! Huwag mo ngang sigawan ang bata." May isang matandang babae ang
lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Base hitsura nito ay nasa mid-60's na
ito dahil na rin sa konting puti na hibla sa kanyang buhok at medyo kulubot na
mukha. Tinulungan niya akong maglakad papasok sa lumang bahay.
"Pasensya ka na sa inasal ng asawa ko ah." Hinimas-himas nito ang buhok ko at
mabilis ko namang itinapik ang kamay nito palayo sa akin. Wala akong ideya kung
sino sila, dinukot nila ako kaya paniguradong hindi sila mapagkakatiwalaan.
"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" Nangangatog at natatakot kong
tanong sa kanila.
"Pasensya ka na kung ginawa namin ang bagay na ito, nautusan lang kami. Wala
naman kaming planong saktan ka,"!Wika sa akin nung matandang babae. "Ako nga pala
si Lena" Wika nito sa akin.
Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pakay niya sa akin pero
nakaramdam ako ng sinseridad sa bawat salita niyang binitawan, may parte sa akin na
gusto ko siyang pagkatiwalaan pero mas nakakaangat yung pakiramdam na kailangan
kong mag-ingat sa kanila.
"B-bakit niyo po ako kinuha?"
"Kinakailangan naming gawin 'yon dahil utos ng ama mo-Si Ramon," Nagulat ako
nung banggitin niya ang pangalan ng ama ko. "Noong gabi na iyon habang ginaganap
ang Unity Festival, may mga taong gustong dumakip sa'yo, sinabi sa amin ni Ramon na
pansamantala ka naming ilayo sa Altheria Academy."
May mga gustong dumukot sa akin? Biglang pumasok sa isip ko ang Raven clan,
paulit-ulit sa amin sinabi ni Klein na gusto akong kuhanin ng Raven Clan. "A-ang
Raven Clan po ba ang tinutukoy niyo?"
Tanging ngiti lamang ang itinugon sa akin ni Aling Lena. "Halika, gamutin muna
natin 'yang sugat mo."
Alam kong iniiwasan niyang pag-usapan ang bagay na 'yon, kahit kapag
nagtatanong ako sa mga guro sa Altheria kung ano ba talaga ang pakay sa akin ng
Raven Clan ay ipinapasawalang bahala nila ito at ililipat sa ibang topic.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Iminulat ko ang aking mata dahil parang may tao na nag-aalog sa akin. Ano ba
'to! Ang aga-aga akong ginigising ni Bea. "Ate Jasmin, gising na po kayo. Handa na
raw po ang almusal sabi ni Nanay Lena," Isang tinig ng batang lalaki ang narinig.
Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang aking mata. Oo nga pala, nasa bahay
pa nga pala ako ni Nanay Lena. "Eto ate Jasmin." Iniabot sa akin ni Galope ang
isang damit, plain red na long sleeve lamang ito. "Magpalit ka raw po muna ng damit
sabi ni Nanay, kahapon niyo pa po suot 'yang uniporme niyo." Sabi niya sa akin at
tumakbo na siya palabas.
"Salamat dito, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdan." paalala ko sa kanya.
"Opoooo!" Sigaw niya sa akin sa mahabang tono. Ang cute talaga ng mga bata.
Kahit umaga na ay madilim pa rin sa labas, siguro marahil ay nasa liblib talaga
kami na lugar. Mamaya lamang ay paniguradong susunduin na kami ng Committee sa
Altheria. Agad naman akong naligo at inayos ang aking sarili upang maging
presentable sa harap ng ibang tao.
Pinagmasdan ko sa salamin pulang long sleeve na ipinahiram sa akin ni Nanay
Lena. "Bagay naman pala sa akin ito, medyo may kahabaan nga lang." Pagmo-monologue
ko sa harap ng salamin. Sinuklay ko ang aking buhok sa huling beses bago lumabas ng
silid.
Lumabas ako ng silid at hindi ko inaasahan na kasabay kong magbubukas ng pinto
ang kabilang kwarto. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Red at parehas namilog ang
aming mata ng makita na parehas ng disenyo ang suot naming damit.
"Plano mo 'to 'no!?" Pagtatanong sa akin ni Red at naglakad papalapit sa akin
at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Excuse me!?" Umarte pa ako na naduduwal, umagang-umaga pero nasira na agad ang
umaga ko. "Bakit ko naman gagayahin 'yang suot mo? Iniabot lang naman sa akin 'to
ni Galope kanina." Pagdadahilan ko.
"Eh iniabot naman sa akin ni Wei 'tong damit na 'to," Napakagat siya sa ibabang
labi niya sa inis, "Napagkaisahan tayo nung mga batang 'yon." Tumakbo siya pababa
ng hagdan at wala na akong magawa kun'di sundan siya.
"Hoy Wei! Galope! Bumalik kayo rito!" Malakas na sigaw ni Red habang nag-
iikutan sila sa loob ng sala at malakas na halakhak ng mga bata ang aking
naririnig.
"Uuuuy! Parang mag-asawa lang sina kuya Red at ate Jasmin," Panunukso sa akin
ng pinakabata na si Shin.
"Uuuuy! Makakabugbog ako ng batang mahilig mang-asar kapag nagpatuloy ka pa."
Panggagaya ko sa boses niya at nakipaghabulan,
Nabalot ng malakas na halakhakan ang lumang bahay na ito ngayong umaga.
"Naku kayong mga bata talaga kayo, bagay na bagay talaga kayo." Sabi ni Nanay
Lena habang naghahain ng pagkain sa lamesa.
"'Nay pati ba naman ikaw?" Medyo nagtatampo kong sabi ngunit tinawanan niya na
lamang ako.
"Oh sige na. Kumain muna tayo dahil maya-maya lamang ay dadating na ang inyong
sundo." Sabi ni Nanay Lena at napatigil kaming lahat sa paghaharutan. Tumingin ako
sa mga bata at tanging ngisi lamang ang ibinigay nilang tugon na para bang inaasar
pa kaming dalawa ni Red.
Umupo kaming lahat sa tapat ng hapag kainan at pinagmasdan ang masasarap na
niluto ni Nanay Lena. "Ang dami naman po nitong niluto niyo 'nay." Mangha at
curious na pagtatanong ni Fritz.
"Kailangan na maraming laman ang tiyan ni Ate Jasmin at kuya Red niyo dahil
mahaba-haba ang biyahe na kanilang gagawin pabalik ng Altheria," Sabi naman ni
tatay Larry.
Biglang lumungkot ang mga mukha ng mga bata at parang nadismaya sa sinabi ni
Tatay Larry. "Aalis na po kayo agad?" Pagtatanong ni Galope sa akin at hindi
nawawala ang lungkot sa kaniyang mukha. Malungkot din sina Fritz, Wei, Shin, at
Ella
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hindi ko alam kung anong pakay sa akin ng Raven Clan. Noong nasa lupa at normal
na mundo pa ako ay wala namang nababanggit sa akin si Papa tungkol dito sa Raven
Clan. Hindi ako ganoong Katanga upang hindi mapansin na may kailangan sa akin ang
Raven Clan, hindi sila paulit-ulit na pupunta sa Altheria Academy para lang sa
wala.
"Red sa likod mo!" Malakas kong sigaw no'ng makita ko na may mabilis na bolang
apoy ang lumilipad papunta kay Red.
Agad na lumingon si Red at lumipad pataas. Nagtataka naman ako kung bakit panay
iwas lang ang ginagawa ni Red. Apat kaming nandito, yung isang guwardiya ang nag-
aayos sa nasirang Karwahe samantalang nagpapalitan naman sa pakikipaglaban si Kuya
Ronnel at Red.
Ako? Eto, para akong tanga na nanunuod lang sa mga nangyayari at nagdarasal na
wala sanang masaktan sa amin. Bakit ba ang dalas kong masangkot sa mga ganitong
klaseng problema pero wala naman akong silbe.
"Palit tayo!" Sigaw ni Kuya Ronnel, agad na umatras si Red at si kuya Ronnel
naman ang sumugod.
"Kung ako sa inyo ay ibibigay ko na lang si Jasmin ke'sa pagsisihan niyo ang
mga susunod na mangyayari." Wika ni Klein habang napapalibutan siya ng bolang apoy.
Humihingal si Red noong umatras siya at napaupo. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka
lang?"
"Mukha ba akong ayos sa'yo?" Inis niyang sagot sa akin habang hinahabol ang
kanyang hininga.
"Bakit ba puro iwas lang ang ginagawa mo? Ba't hindi ka lumaban?" Inis ko ring
bigkas sa kanya at inabutan siya ng tubig.
Tumingin sa akin ng matagal si Red at mahinang binatukan ang aking ulo, "Sira
ka talaga. Apoy ang kapangyarihan niya at kung gagamitin ko ang hangin bilang
panlaban, lalo lang lalakas ang apoy. Kakalat lang ang apoy sa Polto's forest kapag
lumaban ako... Magkakaroon lang ng forest fire," Pagpapaliwanag niya sa akin at
agad naman akong na-enlighten sa sinabi niya. "Ang kailangan lang natin ay oras at
kapag ayos na ang karwahe, umalis na kayo rito."
Malakas na pagsabog an gaming narinig kaya napabaling ang tingin naming dalawa
sa malawak na field sa Polto's forest. Kanina ay puro puno ito ngunit dahil sa
paglalaban ng mahika ay nasisira ang mga puno kaya naging parang open-space siya.
Pinapaulanan ni Klein ng apoy si Kuya Ronnel habang si Kuya Ronnel ay nakatago
sa malaking shield na kanyang hawak. Hindi ko alam kung gaano katibay ang panangga
na iyon pero isa lang ang masasabi ko... hindi ito basta-basta isang panangga
lamang.
"Bata! Ihagis mo sa ere yung isang gallon ng tubig!" Malakas na sigaw ni Kuya
Ronnel. Ang tagal niya na kaming pinapagalitan pero hindi niya pala alam ang
pangalan namin.
Mabilis na tumayo si Red at kinuha sa likod ng sirang karwahe ang tubig.
Inihagis niya ito sa ere, hindi ko alam kung bakit niya iyon pinagawa.
Noong ginawa iyon ni Red ay nagulat ako dahil gumalaw ang tubig tungo sa
direksyon ni Kuya Ronnel. So, ibig sabihin lamang nito na Aegis knight siya at ang
nakokontrol niya ay ang tubig. "Tapusin na natin 'tong laro na 'to, batang apoy."
Wika ni Kuya Ronnel at pinaglaruan sa kanyang kamay ang tubig.
"Astig," Wika ko na lamang.
"Sa mga oras ka pa talaga na 'to namangha imbis na mag-alala ka. Tsk, idiot."
Wika ni Red na nasa aking tabi. Ang K.J. naman nito.
"Ang astig, 'diba ang tubig ang nakakatalo sa apoy? Ibig sabihin lamang nito na
malaki na ang tiyansa natin na manalo." Nakangiti kong sabi sa kanya
Seryoso lamang na nakatingin si Red sa dalawang naglalaban, hindi ko alam ang
kanyang iniisip o tumatakbo sa utak niya. "Hindi rin, depende na 'yan sa taktikang
gagamitin at depende rin 'yan sa teknik na kayang gawin."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 22: Amnesia
"Huy Jasmin! Mag-review ka na nga, malapit na ang midterm," sabi sa akin ni Bea
habang tulala kong pinagmamasdan ang ball pen na aking hawak. Kahit naman mag-
review ako ay hindi ko naman din maiintindihan masyado ito dahil puro formulas ito
sa kung paano makakabuo ng isang item. Crafting, iyan ang isa sa pinakamahirap at
pinakakinaaayawan kong subject namin.
"Naisip ko lang kasi, tatlong araw ng hindi tumatawag sa telepono sa akin si
Papa, noong makauwi naman ako galing sa Alkhemia ay sinusubukan ko siyang tawagan
kaso hindi niya sinasagot." sabi ko at pinagulong-gulong sa lamesa ang ballpen kong
hawak.
Sa school kasi na ito ay bawal ang cellphone so confiscated at sinunog lahat ng
gadgets namin. Nakakatawag lang kami sa telepono na nasa Vaefonia Hall pero hindi
ko naman ma-reach si papa.
"Baka busy lang 'yon 'no!" sabi ni Bea at binato ako sa mukha ng pop corn
niyang kinakain. "Huwag ka nang sumimalmal d'yan, ako nga tatlong linggo ng hindi
tinatawagan ng parents ko eh."
"Talaga? Hindi mo man lang ba sila nami-miss?"
"Nami-miss, pero pagtapos naman ng midterm exam eh may three days vacation tayo
sa normal na mundo kaya maybe next week ay makauwi na rin tayo sa normal world,"
sabi sa akin ni Bea at umupo sa tabi ko at nagsimulang magbuklat ng mga review.
"Pero siguraduhin mo na maipapasa mo lahat ng exams mo dahil kapag may bagsak ka...
hindi ka papayagan ng committee na lumabas ng school at mag-aaral kayo sa library
in three days."
Sinimulan kong imagine-in na nag-aaral ako sa library. Grrr! Napakagat ako sa
ibabang labi ko dahil nakakasawa na ring mag-aral at gusto ko ng magbakasyon. "Kaya
mag-aral kang mabuti Jasmin para makita mo na ang papa mo soon."
Tama! Tama! Kailangan kong mag-aral, nami-miss ko na rin yung mga kaibigan ko
sa normal na mundo eh.
"By the way kamusta na yung si Klein?" Pagtatanong sa akin ni Bea at
napabuntong hininga na lamang ako.
"Ayon, hanggang ngayon hindi pa rin nagigising at nasa infirmary pa rin.
Napalakas yata yung ginawang spell ni Red kaya tatlong araw ng tulog."
Pagpapaliwanag ko habang nagha-hilights ako ng mga words sa binabasa kong libro.
Dumakot si Bea ng pop corn, "Pero infairness guwapo rin pala 'yon," sabi niya
at bumungisngis. Seriously, puro guwapo na lang ba ang nakikita ng ka-roommate ko
na 'to at wala ng pangit sa kanyang paningin?
"Pero masama ang ugali."
"Pero guwapo pa rin, aminin mo?" Sabi niya at binato muli ako ng isang pirasong
pop corn.
"Oo na." Malakas na halakhak ang pinakawalan naming dalawa.
Ang sabi namin ay magre-review kami ngayong Sunday pero nauwi lang yata sa
pagkukuwentuhan naming dalawa at wala kaming na-review kahit isa.
"Jasmin! Bea!" Biglang malakas na katok ang aming narinig galing sa labas
dahilan upang mapatigil kaming dalawa ni Bea sa paghaharutan.
"Sino 'yan!?" Sigaw ko.
"Si Harly 'to!" sigaw niyang muli, "Labas na kayo bilis! Gising na raw si
Klein!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bea at lumabas na kami ng aming silid.
Pagkalabas namin ay hinatak agad kami ni Harly patungo sa Infirmary. Actually hindi
naman ako natatakot sa pagkakataong ito kay Klein dahil maraming guro ang nandito
sa Altheria at hindi siya makakakilos ng masama.
May lahing tsismoso rin pala 'tong si Harly dahil agad-agad niyang nabalitaan
ang tungkol sa pagkagising ni Klein.
Pagkapasok namin sa infirmary ay naririnig namin ang boses ng Principal namin
na si Mrs. Evelyn, "Anong balak niyong taga-Raven Clan kay Jasmin?" narinig naming
tanong ni Mrs. Evelyn, napatingin naman sa akin sina Harly at Bea, nagkibit balikat
na lamang ako.