Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 39 - ANG PRUSISYON

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na


ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni
Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa
bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng
pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan
Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si
Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang
mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay
may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang
kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco,
Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing
may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas.
Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang
prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-
awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre
Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang
mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang
palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan
ang pagkawala nina Basilio at Crispin.

MGA TAUHAN:

1. Maria clara-umawit ng AVE MARIA na sinaliwan niya ng kanyang sariling piano.


2. Kapitan heneral-inanyayahan si Ibarra na saluhan siya sa pagkain upang pag-usapan ang mga nawawalang
bata.
3. Crisostomo Ibarra- nalungkot at kinilabutan ng marinig ang tinig ni maria clara.

1. Padre salvi 9. San juan bautista


2. Maria clara 10. Santa maria magdalena
3. Alcalde 11.kapitan tiyago
4. Kapitan heneral 12. San fransisco
5. Alperes 13. San Diego De Alcala
6. Ibarra
7. Tatlong sacristan
8. Basilio at crispin
BUOD:
“Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon.
Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong
sina san juan Bautista, san fransisco, santa maria,Magdalena,san diego de alcala at ang karo ni san diego
ay hinihila ng anim na hermano tercero.”

“magkakasamang naglalakad ang kapitan heneral, mga kagawad, kapitan tiyago, alkalde, alperes at Ibarra.
Ang huli ay napilitang sumama dahil na rin sap ag-imita ng heneral. Sa harap ng bahay ni kapitan tiyago ay
may isang ukol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.”

Mensahe :

Ipinapakita sa kabanatang ito kung gaano kahigpit ang prusisyon noon. Nagsasaad ito na talagang magarbo ang ating
mga piyesta noon.
BUOD:

Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang


gawain ng Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na
pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa
ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga
santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De
Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng
anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga
kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama
dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may
isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng
bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na sinusundan
naman ng mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang
maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng
kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago
inihinto ang mga karo at andas ng mga santo. Isang batang lalaking may pakpak,
nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas upang simulan ang
pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni
maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang
pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon
ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan
nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.

You might also like