Activity-Sheet-in-AP 5 Based On LMS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF SANTA ROSA CITY
CAINGIN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 3, Barangay Caingin, Santa Rosa City

ARALING PANLIPUNAN - GRADE 5

Name of Learner_____________________________ Date: _________________________

Grade & Section: ____________________________ Teacher: _______________________

LEARNING ACTIVITY SHEETS


QUARTER 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bansa ang matatagpuan sa timog na bahagi ng bansa?

a. Taiwan b. Vietnam c. Indonesia d. Malaysia

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng lokasyon ng bansa sa


paghubog ng kasaysayan nito

a. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya.

b. Tinaguriang ‘Pintuan ng Asya’ ang Pilipinas.

c. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ay impluwensya ng mga Tsino dahil sa

istratehikong lokasyon ng bansa na malapit sa China.

d. Dahil sa napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas.

3. Pinakamalaking anyong tubig ang Karagatang Pasipiko, saang bahagi ito ng bansa
matatagpuan?

a. Hilaga b. Silangan c. Kanluran d. Timog

4. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga anyong tubig na nakapaligid sa isang bansa.

Caingin Elementary School


Purok 3, Barangay Caingin, City of Santa Rosa Laguna
Tel No. 508-2318
cainginelemschoolgmail.com
a. Bisinal b. Kritikal c. Insular d. Absoluto

5. Ito ay pagtukoy sa lokasyon ng bansa gamit ang longhitud at latitud.

a. Bisinal b. Absuluto c. Insular d. Relatibo

6. Ang sumusunod ay kasalukuyan at naging hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa mga


hanapbuhay ang luminang ng pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang
Pilipino sa mga dayuhan?
a. Pagsasaka c. Paghahabi
b. Pangingisda d. Pakikipagkalakalan
7. Ang sumusunod ay mga kagamitang panghanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa kagamitang
ito ang naging bunga ng pagkamalikhain at ginamit sa paglalakbay ng mga sinaunang
Pilipino?
a. Sibat b. Bangka c. Pana d. Salakab
8. Ang mga sinaunang mangingisda ay gumamit ng mga kagamitang makatutulong sa
kanilang paghahanapbuhay. Alin sa sumusunod ang kagamitang hindi nila ginamit?
a. Itak b. Lambat c. Bingwit d. Salakab
9. Gumawa ng mga kagamitang yari sa bakal ang mga sinaunang Pilipino na nakatulong
upang maiangkop nila ang sarili sa kapaligiran at hanapbuhay. Alin sa sumusunod na
kagamitang yari sa bakal ang ginamit ng ating mga ninuno sa pagkakaingin?
a. Bato b. Sibat c. Gulok d. Balisong
10. Ang mga ninuno ay nakagawa ng mga palamuti sa katawan mula sa mga karagatan.
Anong bagay mula sa karagatan ang nalikha at naikalakal ng ating mga ninuno sa mga
dayuhan?
a. Hikaw c. Singsing
b. Pulseras d. Kwintas yari sa perlas

Caingin Elementary School


Purok 3, Barangay Caingin, City of Santa Rosa Laguna
Tel No. 508-2318
cainginelemschoolgmail.com

You might also like