Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TABACO COLLEGE

Tabaco City
Unang Kabanata
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
PANIMUA
Mabisa at Masining na Pagpapahayag
Sining ng mabisa at masining na pagpapahayag ang retorika. Makaugnay ito sa maraming sangkap ng
pagsulat, pananalita, himig, estruktura, at kalinawan ng pagpapahayag. Isinasaalang-alang nito ang tamang
gamit ng wika, kaya saklaw din ang mga tuntunin ng balarila. Hindi kinaliligtaan ng retorika ang balarila sa mga
aspektong may kinalaman sa wastong gamit, kabuuan at kaanyuan. Magkalangkap ang dalawa sa paglinang
ng iba’t ibang kasanayan – sa pasalita at pasulat, kailangang may control sa wastong paggamit ng wika ng
epektibong salita.
Masusukat kung mabisa o epektibo ang pagpapahayag kung nakapaghatid ito ng maliwanag na
impormasyon, nakapagpahayag ng makabuluhang kaalaman, at nakapagkintal ng mga kaalaman sa isipan ng
mambabasa o tagapakinig. Masusukat kung masining ang pagpapahayag kung ang mga salitang ginamit ay
nagsaalang-alang sa himig o tono, sa ritmo, at sa talinghaga.
Tandaang masining at mabisa ang pahayag kung nakapupukaw at nakapagpapasidhi ng isipan, kung
nakaaantig ng damdamin, at kung nakatutulong ang iba’t ibang estruktura sa masining, maganda, at malinaw
na pagpapahayag (Bisa 1992).
May mga batayang simulain o prinsipyong kailangan para sa mahusay na pagsulat. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Katapatan – maging matapat; huwag tangkaing baguhin ang iyong mga ideya.
2. Kalinawan – huwag lituhin ang iyong mambabasa.
3. Katiyakan o katipiran sa pagsasabi – maging tiyak at matipid sa sasabihin: huwag sayangin ang
panahon ng iyong mambabasa.
4. Pagkakaiba-iba ng paraan – magsikap na mapagiba-iba ang paraan ng pagpapahayag; pag-
iba-ibahin ang haba ng mga pangungusap; subuking mapasigla ang paraan.

Ang Pormal at Di-pormal na pagsulat


Kalian pormal ang pagsulat? Kalian di-pormal? Narito ang mga kasagutan para sa iyong mga tanong.
Karaniwang ginagamit ang pormal na pagsulat sa mga teksto ng aklat, sa mga ulat ng sinaliksik, sa mga
tanging artikulo, sa mga taunang ulat, sa mga ulat na teknikal at sa mga kauri nito. Sa mga ganitong
pagkakataon, dapat maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin.
May iba pang pagkakataon na nangangailangan din ng pormal na pagsulat. Halimbawa ay sa pagbuo
ng mga liham pangangalakal, sa pagliham sa editor at sa mga taong iginagalang, tulad ng inyong guro at mga
opisyal ng unibersidad, o iba pang taong may hinahawakang mahalagang tungkulin.
Sa kabilang dako, maaaring gamitin ang mga di-pormal na pagpapahayag sa maraming pagkakataong
gumagamit ng diskursong pasalita. Halimbawa ay sa pagsulat sa kaibigan at malapit na kamag-anak.
Maaaring sa pagbuo ng mga patalastas sa mga karaniwan, pamilyar, at pang-araw-araw na pagsulat at
pagsassalita. Sa ganitong diskursong pasalita at pasulat, magagamit mo ang kolokyal na mga salita tulad ng
tena, miting, pera, iskul, opisina, iboto, titser, boss, syempre. Kahit sa mga lalawiganin, maaaring may salita sa
inyong lalawigan na karaniwang ginagamit nang di namamalayan. Magagamit mo kahit ang isang o balbal –
jologs, japorms, bebot, nang-aasar, at maging ang mga dinaglat ng mga salita – lang, buti pa, tsaka, ‘ka ko,
‘pre, utol at iba pa – at mga kauri. Maging ang tono mo ay parang nakikipag-usap. Gayunpaman, ang salitang
ito ay iniaayon sa uri ng magiging kausap o mambabasa.
Tandaan rin, na ang paggamit ng mga salitang pormal at di-pormal ay naaayon sa estilo ng manunulat.
Kahit ang mga kolumnista sa mga pahayagan at mga tagapagbalita sa radio at telebisyon ay maaaring maging
pormal o di-pormal, ayon sa kanilang hangad na maging bilingguwal ang tagapagbalita, at ang
kinakapanayam, kung bahagi ng janyang pagbabalita. Ngunit kung ang kakapanayamin ay isang senador,
kongresman, at mga awtoridad ng iba’t ibang disiplina pormal pa rin ang pahayag.
Samantala ang mga talk show, na may kahalo ring pakikipanayam sa mga artista, gayundin ang mga
kolum na pampelikula sa dyaryo, ay karaniwang gumagamit ng di-pormal na pagpapahayag. Kapansin-pansin
din ang paggamit ng Taglish (magkahalong Tagalog at Ingles), kung hindi man code-switching ng mga
nakakapanayam sa mga ganitong uri ng programa at telebisyon. Ang mga ganitong pagpapahayag ay mauuri
mong di-pormal.
Mapapansin din ang mga di-pormal na pahayag sa ilang tagpo sa mga akda, halimbawa’y sa diyalogo,
kapag ipakita ng awtor ang uri ng pagkatao ng mga nag-uusap na tauhan.

Kaugnay ng Wika sa Isipan at Damdamin


Sa pagmamasid sa mga nagaganap sa paligid , sa pakikinig sa iba, sa pagbabasa, gayundin sa
paggunita sa mga karanasan, naiisip ang mga bagay na natutuhan sa mga ganitong pagkakataon. Malimit na
ang damdamin at napupukaw o ginigising ng napatanghal na mga tagpo sapagkat binibigyang-hugis ito ng
wika at pinasigla ng paraan ng pagsasalita.
Damdamin marahil ang nag-uudyok para ihayag ang nabuong kaisipan o ang kabaligtaran niyon.
Maaaring may nangingibabaw kaagad na kaisipan. Sa anumang kalagayan, ginagamit ang wika para
mabigyang-hugis ang damdamin o ang kaisipan.
Sa mga pagkakataong nakasasaksi ng isang madulang tagpong tumatawag ng iyong pansin, ano ba
talaga ang nauuna – damdaming napukaw kaugnay ng tagpo o katotohanang pumasok agad sa iyong isipan
dahil sa nasaksihang pangyayari? Maari kayang magkasabay na lumangkap sa iyong pagkatao ang
damdamin at kaispan?
Kaugnay nito, may awtor na nagsabi na hindi lamang tayo nag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay;
nararamdaman din natin ang mga ito. Ang iniisip natin ay nababago, nagiging damdamin. Gayundin ang
damdamin na nagiging laman ng sisip. Ang ibig sabihin, ang damdamin ang nag-uudyok sa isipan. Hindi
hiwalay ang damdamin natin sa ating karanasan. Ang isang taong ang desisyon ay kabaligtaran ng kanyang
damdamin ay siguradong mapapahamak, kaya’t kailangan ang isang pinagkaisang katauhan. Para magkaroon
ng ganitog katauhan, kailangan ang tamang pag-iisip at ang pag-unawa sa damdamin.
Sa pagsisikap na maliwanagan an gating damdamin at maintindihan ito, lumilitaw ang isa pang
pangangailanagn: ang gamit ng wika. Sa pagpapahayag n gating sariling kaisipan at damdamin, mahalagang
binubuksan ng retorikal ang mga posibilidad ng ekspresyon sa komunikasyon (Young 1970)

You might also like