Professional Documents
Culture Documents
Kompan Modyul5 Week 6-7
Kompan Modyul5 Week 6-7
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)
SURIIN
Sa bahaging ito, kakailanganin ang gamit ng teknolohiya at social media. Gamit ang social media
gumawa ng sariling post ayon sa hinihinging katanungan at mga sitwasyon na nasa pahina 7-8.
Tandaan: Gabayan ang mag-aaral sa paggamit ng social media. Ipaalala ang mga dapat isaalang –
alang sa paggamit nito.
PAGYAMANIN
Higit na mabibigyan na lalim ang pag – unawa sa konseptong pangwika. Mula sa 10 gawaing
nakatala sa pahina 9-10, pumili lamang ng tatlong gawaing nais bigyang – pansin. Maaring
gumamit ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng tahanan.
Tandaan: Siguraduhing gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng bawat Gawain dahil ito ay
nangangailangan ng maingat at maayos na pagsasagawa.
ISAISIP
Mula sa mga sumusunod na kaban ng kalam na nasa pahina 11, pumili ng tatlo at ipaliwanag ang
isinasaad nitong kabuluhan. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na magbigay ng sariling pagpapaliwanag. Bigyang patnubay ang
mag-aaral kung lahat ng aytem na pinili ay nasagutan.
ISAGAWA
Pasagutan sa bata ang gawain sa pahina 12.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na makapag – isip at magnilay hinggil sa kanyang obserbasyon at
karanasan upang mailapat sa gawain.
TAYAHIN
Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na
nasa pahina 13-14.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 15 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa hiwalay na
papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.