Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

WEEKLY School: Quarter: Quarter 1

HOME
LEARNING Teacher: Week: Week 4
PLAN
Subject: Date: APRIL 22, 2021

Day and
Learning Area Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery
Time
7:00–8:00 Wake up, eat breakfast and get ready for the scheduled lessons.
8:00-9:30 Doing other activities before the start of the lesson. (exercising, taking a bath, changing clothes)
Thursday MAPEH MELC 4 Ang guro ay maaaring
10:00-10:45 (HEALTH) Describe the general makipag-ugnayan sa
On Screen effects of the use and PANIMULA mga bata sa
10:45-11:30 abuse of caffeine, *Pagpapakilala ng aralin sa mag-aaral. pamamagitan ng ibat
Off Screen tobacco and alcohol *Pagpapakita ng pinakamahalagang pamantayan sa ibang online platform at
Synchronous (H5SU-llld-10) pagkatuto(MELC) na dapat matutunan. maaring magtanong
/ para mas maintindihan
Asynchronou Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung ng mga bata ang mga
s Activities ano ang magiging epekto nito sa katawan ng tao. Gawain.

-Teacher can
communicate to his/her
pupils through the
different online platform
and do oral questioning
and assessment to the
pupil.

Magpasa ng mga
outputs sa
Google
Classroom na ginawa
ng guro o kahit anong
online platforms
PAGPAPAUNLAD rekomendado ng
Linangin at talakayin ang aralin tungkol sa paaralan.
pangkalahatang epekto ng paggamit at pag-abuso ng
tobacco, caffeine at alcohol.

A. Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-aabuso


sa Tobacco
Ang paninigarilyo ay matagal ng problema ng
iba't ibang mga bansa. Sa panahon ngayon, hindi malabo
na makita natin na pati ang mga bata at mga teenager ay
marunong ng manigarilyo. Ang tobacco ang isa sa mga
nangungunang risk factor ng mga sakit na hindi
nakakahawa na nagiging sanhi ng pagkamatay ng
sampung Pilipino bawat oras. Ayon sa survey na ginawa
ng Global Youth Tobacco Survey noong 2015, 12% ng
mga estudyante na may edad 13 hanggang 15 ay
naninigarilyo na. Tatlo sa sampung Pinoy adults ay
smokers.
Ang paninigarilyo ay maraming masamang dulot
sa katawan, kaya’t mahalagang bawasan o tuluyan nang
iwasan ito. Mahalaga rin na pigilan ang mga kabataan na
subukan ito. Ang pinakamagandang magagawa natin sa
problemang ito ay edukasyon at suporta sa mga taong
nalululong sa sigarilyo.
Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo
1. COPD
Ang COPD o Chronic Obstructive Pulmonary
Disease ay isang karamdaman kung saan ang pasyente ay
nahihirapang huminga. Ang taong may COPD ay
kadalasang maagang namamatay. Habang tumatagal, mas
nahihirapan ang pasyente huminga, at umaabot pa sa
pagkakataon kung saan kahit ang pag-akyat ng hagdan ay
hindi na magagawa ng pasyente. Dalawang karamdaman
ang kabilang sa COPD:
a. Emphysema
Ang sakit na ito ay unti-unting sinisira ang
air sacs ng baga. Ang pasyente ay may progresibong hirap
ng paghinga.
b. Chronic Bronchitis
Ang sakit na ito ay ang pamamaga ng
bronchial tubes, at pagdami ng plema.
2. Asthma
Magandang ideya para sa mga taong may hika na
umiwas sa paninigarilyo dahil maaari nitong mapalala at
mapadalalas ang atake ng sakit na ito.
3. Lung Cancer
Ang pinaka karaniwang uri ng cancer na nadudulot
ng paninigarilyo ay ang lung cancer o kanser sa baga.
Ayon sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay
nakakapagdulot din ng cancer sa iba't ibang bahagi ng
katawan, kasama na dito ang cancer sa bato, sa atay at
sikmura (stomach cancer).
4. Nakaaapekto ito sa Reproductive System
Ang mga lalaki at babaeng naninigarilyo ay
maaring mahirapang makabuo ng bata. Maari ding
maapektuhan ang kalusugan ng bata kapag ang kanyang
ina ay naninigarilyo habang siya ay nasa sinapupunan
nito.

Ang pagakakaroon ng bisyo tulad ng paninigarilyo


ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng
tao, sa kapaligiran at sa pamayanan. Ang pag-aabuso sa
paggamit nito ay maaari ring ikamatay ng tao.
Iwasan at itigil na ang bisyo tulad ng
paninigarilyo. Iligtas ang ating buhay sapagkat iisa lamang
ito.
Narito ang ilang mga tips na makakatulong sa
pag-iwas sa paninigarilyo.
1. Maghanap ng magandang dahilan.
2. Maghanap ng magandang libangan.
3. Umiwas sa stress.
4. Pag-eehersisyo
5. Maghanap ng mga kaibigan na maaaring maging
mabuting impluwensya sa iyo.

B. Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-aabuso


ng Caffeine
Ang caffeine ay matatagpuan sa kape, tea,
chocolates, soft drinks, energy drinks at pain relievers. Ito
ay nakapagpapasigla sa tibok ng puso at central nervous
system. Bukod dito ang caffeine ay nakatutulong sa
mahusay na performance ng utak, nagpapasigla sa output
ng acid sa sikmura, tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at
pinalalaki ang daanan ng hangin patungo sa baga.
Bagamat may kabutihan mayroon din namang
masamang epekto ang caffeine sa katawan katulad ng:
 Insomnia o hirap sa pagtulog
 Pagiging nerbyoso
 Hindi mapakali
 Pagiging irritable/madaling magalit
 Paghilab ng tiyan
 Mabilis na pagtibok ng puso
 Panginginig ng kalamnan

C. Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-


aabuso sa Alcohol
Hindi na bago sa pandinig ang pagkakaroon ng
masasamang epekto ng sobrang pag-inom ng alak. Taon-
taon, libo-libo ang namamatay sa buong mundo dahil sa
karamdaman sa atay na dulot ng sobrang alak sa katawan.
Marami din ang napapabalitang namatay dahil sa mga
aksidente na may koneksyon pa rin sa alak. Ngunit kung
inaakala niyo na sakit sa atay at aksidente lamang ang
masamang naidudulot ng sobrang alak, nagkakamali kayo.
Sa katunayan, mayroong halos 60 na uri ng sakit ang may
kaugnayan sa maabusong pag-inom ng alak.
Ilan sa mga Karamdaman na Maaaring
Makuha mula sa Sobrang Pag-Inom ng Alak:
1. Anemia
Ang sobrang alak sa katawan ay maaaring
makaapekto sa dugo. At kung ito ay magpapatuloy,
maaaring humantong ito sa sakit na anemia. Bumababa
kasi ang lebel ng oxygen sa dugo kung madalas na
umiinom ng alak, at dito nagsisimula ang sakit na
anemia. Kaugnay ng sakit na ito, maaaring maranasan
ang madalas na pagkahilo, hirap sa paghinga at madaling
pagkapagod.
2. Cancer
Ang madalas din na pag-inom ng alak ay maaaring
maiugnay sa pagkakaroon ng kanser ayon sa pag-aaral
ng mga dalubhasa. Dahil ito sa kemikal na acetaldehyde
na isang carcinogen na nakukuha kapag umiinom ng
alak. Ang mga bahaging nanganganib na pagsimulan ng
kanser ay sa bibig, lalamunan, atay, bituka, suso, at sa
tumbong.
3. Cardivascular Disease
Mas tumataas din ang panganib ng pagkakaroon
ng sakit sa daluyan ng dugo (cardiovascular) dahil sa
madalas na pag-inom ng alak. Kabilang sa mga sakit na
tinutukoy dito ay stroke at atake sa puso na parehong
nakamamatay. Naaapektuhan kasi ng alak ang mga
platelets sa dugo na kung magpapatuloy ay maaaring
humantong sa pamumuo ng dugo sa isang bahagi ng ugat
na daluyan. Nanghihina rin ang mga kalamnan ng puso
kung mapapasobra ang alak sa dugo.
4. Pagkasira ng atay (Cirrhosis)
Ang pinakakilalang masamang epekto ng alak sa
kalusugan ay ang pagkasira ng laman ng atay o cirrhosis.
Sinisipsip kasi ng atay ang sobrang alak sa dugo na siya
namang lumalason dito at humamantong sa pagkasira ng
mga laman nito. Ang malalang kondisyon ng cirrhosis ay
hindi na malulunasan pa ng mga gamot. Kakailanganing
mapalitan ang nasirang atay sa pamamagitan ng
transplantasyon.
5. Pagkalimot (Dementia)
Ang talas ng pag-iisip ay natural na nababawasan
sa pagtanda ng bawat tao. Ngunit sa taong madalas na
umiinom ng alak, doble o triple ang bilis ng pagkasira ng
mga cells sa utak kaya’t mapapaaga ang kanilang pagiging
malilimutin.
6. Nerve damage
Apektado din ng sobrang alak ang mga nerves sa
ilang bahagi katawan. Tinatawag na alcoholic neuropathy
ang kondisyon na pagkasirang ito. Dahil dito, maaring
dumanas ng pamamanhid sa ilang bahagi ng katawan,
constipation at maging panghihina ng ari ng lalaki o
erectile dysfunction.
7. Gout
Ang gout ay isang hindi komportableng
karamdaman na nagdudulot ng matinding pananakit sa
mga kasukasuan. Ito ay dahil sa pamumuo ng mga uric
acid crystal sa mga kasukasuan. Ang sakit na ito ay
kadalasang namamana o hereditary, ngunit napatunayan
ng mga eksperto na maaaring mas tumindi ang kondisyon
kung madalas na umiinom ng alak.
8. Altrapesyon (High Blood)
Tinatawag na altapresyon o high blood pressure ang
kondisyon ng pagtaas ng presyon ng dugo. At isa sa mga
kilalang nakakapagpataas nito ay ang pag-inom ng alak.
Dapat alalahanin na mataas ang panganib ng stroke at
atake sa puso kung madalas na dumadanas ng altapresyon.
9. Impeksyon sa katawan
Isa rin sa masasamang epekto ng alak sa katawan
ay ang pagpapahina nito sa resistensya ng katawan laban
sa mga mikrobyong nagdudulot ng mga sakit. Mas mataas
ang panganib ng pagkakahawa sa mga sakit kung madalas
na umiinom ng alak.
10. Pagkasira ng Pancreas (Pancreatitis)
Hindi lamang ang tiyan (stomach) at atay (liver)
ang apektado ng tuloy-tuloy na paginom ng alak. Maging
ang lapay o pancreas ay nanghihina rin ng pagkakaroon
ng alkohol sa katawan. Kung masisira ang pancreas,
maaaring dumanas ng madalas na pananakit ng tiyan at
pagtatae.
Ang pagakakaroon ng bisyo tulad ng pag-inom ng
alak ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa
kalusugan ng tao, sa kapaligiran at sa pamayanan. Ang
pag-aabuso gamit ang mga ito ay maaari ring ikamatay ng
tao.
Maging ang pagkahilig sa mga produktong may
sangkap na caffeine ay nagkakaroon rin ng masamang
epekto sa kalusugan ng tao. Kung kaya’t nararapat lamang
na habang maaga pa ay iwasan na maparami sa mga
produktong ito. Ugaliin ang pagkain ng masusustansyang
pagkain upang lumaking malusog ang pangangatawan.
Iwasan at itigil na ang bisyo tulad ng paninigarilyo
at pagkalulong sa alak. Iligtas ang ating buhay sapagkat
iisa lamang ito.

PAGPAPALIHAN

Panuto: Bilang isang bata ay mayroon kang kakayahan na


mahikayat ang ibang mga kabataang katulad mo na
mailayo sa pagbibisyo katulad ng pag-inom ng alak at
paninigarilyo. Gumawa ka ng isang slogan tungkol dito.
Gawin mo ito sa isang long bond paper/white cartolina.
Sundin ang Rubriks sa ibaba.
Rubriks sa Paggawa ng Slogan
10 7 4 1
Content Ang mensahe aymabisang naipakita Di-gaanong naipakita ang mensahe Medyo magulo ang mensahe Walang mensaheng
naipakita

Creativity Napakaganda at napakalinaw Maganda at malinaw ang Maganda ngunit di-gaanong Di-maganda at
ng pagkakasulat ng mga titik pagkakasulat ng mga titik malinaw ang pagkakasulat malabo ang pagkakasulat
ng mga titik

Relevance May malaking kaugnayan Di-gaanong may kaugnayan Kaunti lang nag kaugnayan Walang kaugnayan sa
sa paksa ang islogan sa paksa ang islogan sa paksa ang islogan paksa ang islogan

Kalinisan Malinis na malinis ang pagkakabuo Malinis ang pagkakabuo Di-gaanong malinis ang pagkakabuo Marumi ang pagkakabuo

Panuto: Buuin ang graphic organizer sa ibaba.

Mga Sakit na
Maaring Makuha
sa Paninigarilyo
ASIMILASYON
Panuto: Tukuyin kung anong sakit ang tinutukoy sa bawat
pahayag.Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon.

Altrapesyon Dementia
Cirrhosis Pancreatitis
Gout

_____1. Ito ay ang pagtaas ng presyon ng dugo dulot ng


sobrang pag-inom ng alak.
_____2. Ito ang pagkasira ng atay sanhi ng sobrang pag-
inom ng alak.
_____3. Ito ay doble o tripleng bilis ng pagkasira ng mga
cells sa utak kaya’t mapapaaga ang pagiging malilimutin
ng taong sobrang umiinom ng alak.
_____4. Ito ay isang hindi komportableng karamdaman na
nagdudulot ng matinding pananakit sa mga kasukasuan.
_____5. Ito ay ang panghihina ng pancreas dahil sa labis
na alcohol sa katawan.

You might also like