Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA

University Road, Poblacion Muntinlupa City


College of Teacher Education
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2
I. LAYUNIN
a. Malaman at mainitindihan kung sino sino ang namumuno sa komunidad.
b. Maunawaan ang kahalagahan ng mga namumuno sa komunidad.
c. Natutukoy at nailalarawan ang ibat-ibang namumuno sa komunidad.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin : Pinuno at Pamumuno sa komunidad
B. Balangkas ng Aralin
1. Tungkulin ng mga pinuno sa komunidad
2. Mabuting katangian ng mga pinuno sa komunidad
C. Sanggunian: Del Rosario, Glenda P. et al, (2018). Araling Panlipunan 2: Ang
Aking Komunidad, Noon at Ngayon: MArilao, Bulacan, Philippines
D. Kagamitan: Instructional Materials, Ibat ibang litrato, Whiteboard Marker at
Visual Aids.

III. PAMAMARAAN
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagsassa-ayos ng silid aralan
4. Pagtala ng lumiban
5. Pagbabalik Aral

Panuto: Kumpletuhin ang Graphic Oraganizer gamit ang mga salita na


nasa kabilang parte ng pisara.

PANGINGISDA PAGSASAKA PAGKAKARPENTERO

PANADERO PAGTUTURO
PANANAHI

IV. PAGLINANG NG ARALIN

HANAPBUHAY SA AKING
KOMUNIDAD
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
University Road, Poblacion Muntinlupa City
College of Teacher Education
A. PAGGANYAK
Ang guro ay may nilagay na ibat ibang larawan sa iilang ilalim ng upuan
ng kanyang mag aaral. Kukunin nila ito at hahayaan ang mag aaral na
ilarawan ang nasa litrato.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
University Road, Poblacion Muntinlupa City
College of Teacher Education

Gabay na tanong:
1. Ano-ano kaya ang mga nasa
larawan?
2. Sinu-sino kaya ang maaring
Makita sa mga lugar na ito?

B. Pagtatalakay
 Tatalakayin ng guro ang “Pinuno at Pamumuno sa Komunidad”, kanilang mga tungkulin
at katangian.
Mga gabay na tanong:
1. Sinu-sino ang kilala niyong pinuno?
2. Ano-ano ang kanilang tungkulin na ginagampanan?
3. Ano-ano ang mga mabubuting katangian ng pinunong iyong kilala?
4. Bakit mahalaga na ang isang pinuno ay may mabuting katangian?

C. Paglalapat
Pangkatang Gawain
 Hahatiin ng guro ang klase sa adalwang pangkat.
 Panuto: Gaganap ang mga mag-aaral bilang oinuno o taong bayan sa dula-dulaan.
Meron lamang 15minutos upang gumawa ng dula-dulaan.
 Layunin: Makapagsagawa ng dula-dulaang nagpapakita ng mabuti at magling na
pinuno sa komunidad.

Rubrik para sa Dula-dulaan

PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. Malinaw na naiparating ang mensaheng “ang mabuting pinuno ng
komunidad”
2. Malinaw na naipahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogong
nagsasaad ng pinakamahalagangg mensahe ng palabas.
3. May props na ginamit para mabisang maipahayag ang aral ng
inihandang dula-dulaan.
4. Nagpapakita ng pagtutulungan ang bawat kasapi para maisagawa
nang malinaw at maayos ang dula-dulaan.
5. Naisagawa ang dula-dulaan sa itinakdang oras.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
University Road, Poblacion Muntinlupa City
College of Teacher Education
V. Paglalahat
 Ang guro ay magtatanong sa kanyang mga mag aaral kung ano ang kanilang
natutunan sa paksang tinalakay.

VI. Pagatataya

Sagutin kung Tama O Mali ang bawat pangungusap. Iguhit ang malungkot na mukha
 kung ang pangungusap ay mali at masayang mukha  kung ang pangungusap ay
tama.

1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang kusa at hindi naghihintay ng ano


mang kapalit.
2. Hindi isinasaalang-alang ng namumuno ang damdamin ng mga mamamayan na
kaniyang nasasakupan.
3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng isang pinuno sa pagpapabuti ng
pamumuhay sa komunidad.
4. Kailangan ang pagtutulungan ng pinuno at mga kasapi ng pangkat upang
magtagumpay sa kanilang layunin.
5. Kung hindi maayos ang pamumuno, maaring magkawatak-watak ang mga tao sa
isang komunidad.
6.
VII. KASUNDUAN

Takdang aralin:

1. Magsagawa ng panayam sa sinumang pinuno sa inyong komunidad.


 Alamin ang kaniyang tungkulin sa komunidad
 Itanong sa mga tao sa barangay ang katangian ng piniling pinuno.
 Itala ang impormasyon sa sagutang papel.
2. Iulat sa klase ang resulta ng panyam. Gamitin ang tsart sa ibaba.

Mga Pinuno Katangian Tungkulin sa


komunidad

You might also like