AP Qtr2 Worksheets 5 A

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aurora A.

Quezon Elementary School


Grade 4 - ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – WORKSHEET # 5 - A
Pangalan:______________________________________ Petsa: _______________
Pangkat: ______________________________________ Marka: _______________

KAHALAGAHAN AT KAUGNAYAN NG MGA SAGISAG AT PAGKAKAKILANLANG


PILIPINO

“PAMBANSANG SAGISAG: PILIPINAS AY TANYAG”

ANG PAMBANSANG AWIT


“Lupang Hinirang” ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinasalaysay
ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa Kalayaan. Ipinahahayag din nito
ang pagmamahal sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito sa anumang
pagkakataon. Ang himig ng pambansang awit ng Pilipinas ay ginawa ng piyanistang si
Julian Felipe sa kahilingan ni Hen. Emilio Aguinaldo.
Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina
Magdalo.” Tinugtog niya ito sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng
kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na nagkaisang aprobahan ito.
Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad
sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo
sa Cavite. Pinalitan ng Marcha Nacional Filipino ang pamagat ng awit nito at agad na
nagging pambansang awit, kahit wala pa itong liriko.
Nang sumunod na taon, isang tula na may pamagat na “Filipinas” na bumagay
sa komposisyon ni Felipe ang isunulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito
ang ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit.
Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr. Kalihim ng Edukasyon, ay bumuo ng
komite para baguhin ang mga liriko ng pambang awit. Nagawa ang bagong bersiyon na
pinamagatang “LUPANG HINIRANG.” Nagkaroon lamang ito ng kaunting pagbabago
noong 1962. Sa bisa ng isang batas sa mga Bagong Pambansang Sagisag ng Pilipinas
noong 1998, nakumpirma ang bersyong Filipino ng pambansang awit. Ayon sa batas ,
tanging ang bersyong Filipino ng pambansang awit ang dapat gamitin ngayon.

GAWAIN 1: PANUTO: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.
_____ 1. Ang may-akda ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas.
A. Juan Luna C. Julian Felipe
B. Jose Palma D. Apolinario Mabini
_____ 2. Ang pinakaunang pamagat ng ating pambansang awit.
A. Marcha Filipina Magdalo C. Filipinas
B. Marcha Nacional Filipina D. Lupang Hinirang
_____ 3. Unang araw ng pagpapatugtog ng pambansang awit ng Pilipinas.
A. Hulyo 4, 1946 C. Nobyembre 30,1898
B. Hunyo 12, 1898 D. Desyembre 30, 1896
_____ 4. Isang batang sundalo na sumulat ng liriko ng Lupang Hinirang.
A. Juan Luna C. Julian Felipe
B. Jose Palma D. Apolinario Mabini
_____ 5. Isang tula na ginawang opisyal naliriko ng pambansang awit.
A. Filipino C. Ang Pilipinas
B. Ang Bayan Ko D. Filipinas
GAWAIN 2: PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga liriko ng Lupang Hinirang ayon sa
wastong ayos nito gamit ang bilang 1-4. Isulat ang sagot sa hugis na nasa
unahan.

1. Alab ng Puso

Perlas ng Silanganan

Sa dibdib mo’y buhay

Bayang Magiliw

2. Duyan ka ng magiting

Di ka pasisiil

Lupang Hinirang

Sa manlulupig

3. Ang kislap ng watawat mo’y

May dilag ang tula

Tagumpay na nagniningning

At awit sa paglayang minamahal

4.
Kailan pa ma’y di magdidilim

Buhay ay langit sa piling

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta

Ang bituin at araw niya

5. Sa manlulupig

Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok

Sa simoy at sa langit mong bughaw

You might also like