Filipino 10 Kwarter 3 Lagumang Pagsusulit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

IKATLONG MARKAHAN

I. PANUTO: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga taong nakinig sa kaniya ay nagulumihanan.


a. nalito b .nawala c. nainis d. naniwala
2. Bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay.
a. nakatakas b. nakaluhod c. nakatingala d. nakatakbo
3. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili
dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.
a. bayani b. mayaman c. nakatataas d. nangingibabaw
4. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
a. mangangalakal b. mandirigma c. tagapagligtas d. pinuno
5. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya. – napahiya
a. nagulat b. napahiya c. natawa d. naguluhan

II. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
6. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban,
kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang
nilikha.
a. alamat b. epiko c. mito/mitolohiya d. parabula
7. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin.
a. Pagkiklino b. pagpapakahulugan c. pagsasaling-wika d. pagsusuring-wika
8. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung
ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
a. alamat b. anekdota c. pabula d. parabola
9. Ito ay isang uri ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtud?
a. Talumpati b. dula c. sanaysay d. tula
10. May malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
a. matatalinghagang pahayag b. idyoma c. tayutay d. simbolismo
11. Naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at
metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.
a. matatalinghagang pahayag b. idyoma c. tayutay d. simbolismo
12. Nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahalagang pangyayari.
a. maikling kuwento b. anekdota c. pabula d. parabola
13. Anong uri ng panitikan ang salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y
supernatural?
a. Alamat b. mito c. epiko d. tula
14. Marami tayong nababasa at naririnig na mga impormasyon. Ang ____ ay maaaaring hindi tuwirang
banggitin sa teksto at napalulutang lamang sa tulong ng mga detalye.
a. Pangunahin na detalye c. Pantulong sa paksa/ideya
b. Pangunahing paksa/ideya d. Pantulong na detalye
15. Ang mga ____ ay mga impormasyon may kaugnayan sa pangunahing paksa/ideya.
a. detalye b. kaisipan c. paksa d. paglalarawan
16. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Anong kaisipan ang nilalaman
ng mga pahayag na ito?
a. Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo.
b. Karayom lamang ang makapapatay kay Liongo.
c. Si Liongo ay may kakayahang mabuhay magpakailanman.
d. Lahat ng nilalang, gaano man ang taglay na lakas at kapangyarihan, ay may sariling kahinaan
17. Alin sa mga sumusunod ang naging motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdota na may pinamagatang
“Mullah Nassredin”?
a. mag-iwan ng takot sa mambabasa
b. maging positibo sa lahat ng bagay
c. magbigay kawilihan at aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan.
d. magsilbing gabay sa paglalakbay
18. Ano ang bisang pangkaisipan ang nakapaloob sa tulang ”Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay?”
a. Ang tanging hangad ng ina para sa kaniyang anak ay kabutihan.
b. Hindi matitiis ng ina ang anak.
c. Anak ang bubuhay sa magulang
d. Suklian ang magandang ginawa ng magulang.
19. Ang maikling kuwentong “Ang Alaga” ay nagpapakita ng
a. pagmamahal ng tao sa kaniyang alaga c. pangangalaga ng tao sa kalikasan
b. pang-aabuso ng tao sa kaniyang alaga d. tamang paraan ng pag-aalaga sa baboy
20. Aral na nais ipamulat sa atin sa kwento ng Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali?
a. lahat ng anak ay dapat tratuhin ng patas ng magulang
b. iwasan nating maging mapanlait
c. hindi hadalang ang kapansanan upang gumawa ng kabutihan
d. huwag pansinin ang mga mapanlait dahil may balik ito sa kanila
21. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.
Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na ________.
a. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya
b. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya
c. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo
d. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
22. Kahit hindi maunawaan ng mga tao si Mullah Nassreddin at paulit-ulit siyang umaalis, ay patuloy siyang
iniimbita at inaabangan ng mga tao, nangangahulugan ito na
a. nais masilayan ng mga tao ang kaniyang kakisigan
b. hangad ng mga tao na mapalapit sa kaniya
c. namamangha ang mga tao sa taglay niyang katalinuhan
d. nais ng mga tao na malaman ang sagot sa kaniyang katanungan
23. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at kaniyang napatunayan ang
kawalan ng kaayusan ng taong pumalit sa kaniya. Ipinahihiwatig ng pahayag na______.
a. mapanghusga si Kibuka sa ibang tao
b. masinop si Kibuka at hindi siya sanay na makalat sa kaniyang pinagtatrabahuhan
c. palapansin si Kibuka sa kilos at gawi ng iba
d. metikuloso si Kibuka
24. Bakit inaalipusta ni Reyna Sassouma ang batang Sundiata?
a. Sapagkat pangalawang pamilya lamang si Sundiata c. sapagkat may kapansanan si Sundiata
b. sapagkat mas mahal ng hari si Sogolon d. sapagkat pangit ang ina ni Sundiata at kuba
25. Isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. pagtula d. pakikipagtalastasan
26. Ang mga sumusunod ay mga salitang ginagamit sa paglalahad ng opinyon MALIBAN sa isa.
a. Sa tingin ko b. habang c. siguro d. maaaring
27. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. kalimutan b. itago c. ilibing d. magpatawad
28. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”.
a. Ang malusog ay mayaman. c. Ang kalusugan ay kayamanan.
b. Daig ng malusog ang mayaman. d. Mas mahalaga ang yaman kaysa kalusugan.
29. Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na, “Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”.
a. What you sow is what you reap. c. Plant today and you will harvest later.
b. If you plant a seed, it will grow to a tree. d. If you plant a tomato, you will harvest a tomato.
30. Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito
ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting kagamitan sa bawat tagpuan. Isinulat ito
upang itanghal.
a. maikling kuwento b. dulang pandulaan c. tulang pasalaysay d. alamat

III. PANUTO: Tukuyin kung ang sumusunod ay ANGKOP NA SALIN o LITERAL NA SALIN ang mga sumusunod.
Isulat ang AS para sa angkop na salin at LS para sa literal na salin.

31. To remember Itaga mo sa bato 36. To cut on stone


32. To list on the water Ilista sa tubig 37. Debt that will not be paid anymore

33. To become angry Magdilim ang paningin 38. Darken the eyesight

34. To kill Umutang ng buhay 39. To borrow a life


35. To make the head round Bilugin ang ulo 40. To fool

You might also like