Las Komunikasyon Q1 W1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Komunikasyon at Pananalisik sa Wika at

Kulturang Pilipino

QUARTER 1
Week No. 1

NAME: _____________________________ SECTION: ________________

TOPIC: “Ang Wika”


MELC: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam. F11PN – Ia – 86
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
F11PT – Ia – 85

Susi sa Konsepto
Ang Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginaganmit sa araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.

Ang wikang panturo ay Filipino. Ito rin ang wikang pambansa na itinadhana ng batas
bilang Wikang Panturo. Upang mas maging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang
Filipino.
Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-
batas ng 1987 ng Pilipinas, kaugnay ng wikang panturo. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino.

ALAMIN
Kahulugan ng konseptong pangwika mula kina Gleason, Sapiro at Hemphill.
TUKUYIN
Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula kina Sapiro at
Hemphill. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel o notbuk. (Natutukoy
ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay
ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika.
(F11PT – Ia – 85.)

Hal: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay may tuntunin o
Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang pagbubuo ng
pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may Sistema tama o angkop na
pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap.

Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag

Sapiro

Hemphill

PAGYAMANIN
Basahin ang Dekalogo ng Wikang Filipino. Na isinusulat ni Jose Ladera Santos. Ang
kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa
pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos.
Dekalogo ng Wikang Filipino
(Jose Ladera Santos)

I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng
Diyos ng kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.
II.
Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod pa sa panghihiram sa mga
banyagang wika.

III.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang Ama
ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay katuparan ng pangarap na wikang panlahat.
IV.
Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinagyayaman at pinatatag ng lahat ng wikang
ginagamit sa Pilipinas.

V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa
Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.
Panuto: Gumawa ng talahanayan sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba. Sa unang
kolum, isulat ang tatlong (3) konseptong pangwikang inyong natutunan mula sa
modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang kaukulang bilang ng
Dekalogo kung saan nakapaloob ang konseptong ito at sa ikatlong kolum, magbigay ng
maikling paliwanag. (Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga
panayam F11PN – Ia – 86)
KONSEPTONG PANGWIKA BILANG NG PALIWANAG
DEKALOGO

Hal: Tinatawag na Wikang Opisyal Filipino ang opisyal na wika ng


ang prinsipal na wikang ginagamit sa III bansang Pilipinas upang ang lahat ay
edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, magkakaintindihan.
sa komersiyo at industriya. Ipinahayag
naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng
Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa
mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa
Pilipinas ay Filipino
Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa ilang yugto ng
pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang sagutin ang mga
tanong na ibibigay sa iyo sa gawain 3.
Panuto: Gumawa ng hugis puso at kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba
Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan sa modyul na ito.

Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika

Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika


(Maaari ring sabihing paano mapahahalagahan ang mga konseptong
pangwikang natutunan)
1.
2.
3.
4.
5.
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

_________1. Sino ang nagpahayag na ang wika ay masistemang balangkas ng mga


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura?
a. Sapiro
b. Hemphill
c. Gleason
d. Hutch

_________2. Ano ang wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon?


a. Wikang Panturo
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Pambansa
d. Wikang Pandaigdig

_________3. Sino ang nagsabing na ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika
ay may tuntunin o Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika”?
a. Sapiro
b. Hemphill
c. Hutch
d. Gleason

_________4. Sino ang sumulat ng “Dekalogo ng Wikang Filipino”?


a. Jose Ladera Santos
b. Jose Dela Cruz Santos
c. Gleason Hemphill
d. Sapiro Gleason

________5. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang


Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya
b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Kastila
d. Ingles at Filipino

SUSI SA PAGWAWASTO

Huling Pagtataya

1. c

2. a

3. d
REFERENCE:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 1


Sinulat ni Piolen C. Petalver

Prepared by:

LEOFOLD L. MANGUBAT

Quality assured:

DONNA MIE C. BERMUDEZ

Reviewed by:

GLENDA P. MARTINEZ

For inquiries or comments, write or call:

Department of Education – MIMAROPA Region


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like