Q1 Filipino Las 1B Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

6
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BARCELONA NORTH DISTRICT

FILIPINO
Kwarter 1- Linggo 1B
GAWAING PAGKATUTO
Pangalan:____________________________________________________Petsa:___________________
I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang mga impormasyon nabasa at napakinggan ay walang silbi kung ito ay hindi lubusang
naunawaan. Mahalagang naiintindihan mo ang mga ito. Makatutulong ang pagsagot sa tanong na “Bakit” at
“Paano” upang mas lumawak pa ang iyong kaalaman sa binasa o napakinggang teksto.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nasasagot ang tanong na bakit at paano (F6PB-If-3.2.1)

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo
Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
__________1. Ang mahusay na pagbasa ay may kasamang malalim na pag-unawa sa binasang teksto.
__________2. Mas magandang hanapin na lamang sa Google ang sagot kaysa basahin ang buong
kuwento.
__________3. Walang silbi ang magbasa at makinig ng mga tekstong pang-impormasyon dahil
nakakabagot ito.
__________4. Makatutulong ang paggamit ng imahinasyon upang lalong maintindihan at masayahan sa
binabasang kwento.
__________5. Dapat ay tahimik at kumportable ang lugar na pagbabasahan mo.

B. Pag-aralan Mo
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento.

1
Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang mapangarapin. Umaga o tanghali man
ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman
nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si
Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya. Nagpagawa
siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa
ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya
ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At
kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong
araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
Inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang
itlog. Isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.

Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang
dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at
saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG! Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang
itlog na kanyang sunung-sunong.
Mga tanong:
1. Bakit tinawag si Maria na “Mariang Mapangarapin”?
Sagot: Dahil siya ay laging nakatingin sa malayo at nangangarap ng gising.
2. Bakit tuwang-tuwa si Maria sa natanggap na mga alagang manok?
Sagot: Mangyari ay bigay ito ng kaniyang nag-iisang manliligaw kaya sobrang natuwa si Maria.
3. Paano inalagaan ni Maria ang mga inahin?
Sagot: Nagpagawa siya ng kulungan para sa kanyang mga manok. Higit sa karaniwang pag-aalaga
ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.
4. Paano maglakad si Maria papuntang Bayan?
Sagot: Pakendeng-kendeng siyang naglakad papunta sa Bayan habang nangangarap ng gising.
5. Bakit nabasag ang mga itlog ni Maria?
Sagot: Kasi pakendeng-kendeng maglakad si Maria kaya nahulog ang mga itlog at nabasag. Hindi na
tuloy niya matutupad ang pangarap niyang pagbili ng tela na gagawing bistida.

2
Kung mapapansin mo, ang mga katanungan sa taas ay karaniwang nagsisimula sa tanong na
“Bakit” at “Paano”. Ang mga katanungang ito ay ilan lamang sa makakatulong upang lalong
maintindihan ang binasang kuwento.
Sa pagsagot sa tanong na “Bakit” laging tandaan na ito ay humhingi ng “dahilan ng pangyayari”
at “paliwanag”. Karaniwang nagsisimula ang sagot sa mga salitang “dahil sa”, “kasi”, at “mangyari”.
Halimbawa ay ang mga tanong kwentong “Si Mariang Mapangarapin”, ang mga sagot sa tanong na “bakit”
ay nagsisimula sa “dahil sa”, “mangyari” at “kasi”.
Sa pagsagot naman sa tanong na “Paano” pakatandaan na ito ay nagpapatungkol sa karagdagang
paliwanag sa komplikadong proseso. Sa madaling sabi, ang sagot sa tanong na “Paano” ay humihingi ng
“Paraan kung paano ginawa o nangyari ang isang bagay o sitwasyon.” Maari mong simulan ang sagot
mo sa salitang “Sa pamamagitan” o “Sa paraang” at maari rin namang direkta mong ipaliwanag kung
paano ginawa o nangyari ang kilos o sitwasyon.
C. Pagsanayan Mo
Panuto: Basahin ang pabula at subukang sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Halaman ng Pagmamahal
Isinulat ni L. Salvador
Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng duhat. Sa lilim nito
sila’y nagkukwentuhan. Sa tabi ng puno may isang balon na yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon
ay halos pantay sa lupa. Bawal sa mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito.
Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat. Kumikintab ang
maitim na balat ng mga hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar upang pagdating ni Rosa ay may
ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na duhat sa dulo ng maliliit na mga sanga. Sa pagnanasa ni
Malvar na mapitas iyon, napayapak siya sa isang sangang marupok. Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon.
Nawalan siya ng malay tao. Kaya, kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon, si Malvar ay nalunod.
Di nagtagal dumating si Rosa. Dati-rati ay dinaratnan niya si Malvar na laging nauuna sa kanya.
Bakit ngayon ay wala pa siya? Nakita niya ang maraming duhat na nakakalat sa lupa. Mukhang bagong
pitas. Tumingala siya. Wala namang nakaakyat.
“Pupulutin ko nga,” ang sabi ni Rosa sa sarili. “Makatas ito at matatamis.”
Kumuha muna siya ng dahon ng saging. Kapag puno na ang kanyang mga kamay, inilalagay niya ang
mga duhat sa dahon ng saging. May mga duhat na nahulog sa tabi ng balon. Lumapit doon si Rosa.
Nang yumuko siya upang damputin ang mga bunga napansin niya ang tao sa ilalim ng balon.
“Panginoon ko!” ang sigaw niya, “Si Malvar! Si Malvar!” Hinimatay siya. Sa kasamaang palad, sa
bunganga ng balon pa bumagsak ang katawan ni Rosa.
Nang hindi umuwi ang dalawa, naghanap ang kanilang kamag-anak at mga kapitbahay.
Kinabukasan natuklasan ang mga bangkay. Doon na rin sa balon sila inilibing. Pinuno ng lupa ang balon.
Pagkaraan ng may isang taon may tumubong halaman sa ibabaw ng balon. Walang bulaklak
ngunit napakabango ng mga dahon.
“Nabuhay na muli sina Malvar at Rosa,” ang sabi ng mga taong nakakaalam sa mga nangyari,
“Sila’y naging isang halaman.”
Ang halaman ay tinatawag nilang Malvarosa. Ang mabangong dahon nito ay isinasama sa rosas
na isinasabit sa kasuotan ng mga dalaga.
Mga tanong:
1. Bakit umakyat ng puno si Malvar?
________________________________________________________________________________
2. Bakit nahulog sa puno ng duhat si Malvar?
________________________________________________________________________________
3. Paano nahanap ni Rosa si Malvar ?
________________________________________________________________________________
4. Paano namatay si Rosa?
3
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, bakit kaya hindi inilipat ng libingan ang dalawa?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

D. Tandaan Mo.

Sa pagsagot sa tanong na “Bakit” at “Paano” kailangan mo lamang basahin at


unawaing mabuti ang kwento. Ang sagot sa mga katanungang ito ay napapaloob lamang sa
teksto. Ang “Bakit” ay sinasagot ng “dahilan” at ang “Paano” naman ay sinasagot ng
“paraan”.

E. Gawin Mo
Panuto: Basahi ang tekstong pang-impormasyon sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Maghugas ng Iyong mga Kamay
Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman ay dapat iwasan na
malantad (o mailantad sa iba) sa virus na ito. Una, magsanay ng simpleng kalinisan. Regular na
maghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na pagkatapos
ng pagpunta sa banyo, bago kumain, at pagkatapos ma-ubo, pagbahing, o pagsinga. Alamin kung
paano maghugas ang iyong mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus at iba pang mga
karamdaman.
Kung walang maaaring magagamit na sabon at tubig, inirerekumenda ng Centers for Disease
Control and Prevention na gumamit ang mga konsumer ng mga sanitizer na nakabatay sa alkohol na
naglalaman ng hindi bababa sa 60% porsyento ng etanol (kilala rin bilang ethyl alkohol).
Patuloy na binalaan ng FDA ang mga konsumer tungkol sa mga hand sanitizer na naglalaman
ng methanol, na tinatawag din na wood alkohol. Ang methanol ay nakakalason at hindi dapat gamitin
sa hand sanitizer. Kapag nasipsip ito ng balat o nalunok, ang methanol ay maaaring maging sanhi ng
malubhang problema sa kalusugan, tulad ng seizure at pagkabulag, o kahit kamatayan/pagkamatay.
Bago ka bumili ng hand sanitizer o gumamit ng mayroon ka na sa bahay, suriin ang listahang
ito upang makita kung ang hand sanitizer ay posibleng may methanol. Karamihan sa mga hand
sanitizer
ay napagalaman na naglalaman ng methanol at hindi ito nakalista bilang isang sangkap sa label (dahil
hindi ito katanggap-tanggap na sangkap sa produkto), kaya't mahalagang suriin ang listahan ng FDA
upang malaman kung kasama ang kumpanya o produkto. Magpatuloy na suriin ang listahang ito nang
madalas, dahil regular itong ina-update.
Pinalawak din ang listahan ng FDA upang isama ang mga hand sanitizer na naglalaman ng iba
pang mga mapanganib na sangkap at produkto na may mas mababa sa kinakailangang halaga ng
aktibong sangkap.
Pinayuhan ng FDA ang mga konsumer na huwag gumamit ng mga hand sanitizer na ginawa ng
mga tagagawa na nakilala sa listahan. Alamin kung paano hanapin ang iyong hand sanitizer sa listahan
at kung paano ang ligtas na paggamit ng hand sanitizer.
(Sipi mula sa: Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong
Pamilya)
Mga tanong:
1. Bakit importanteng maghugas ng kamay?
_________________________________________________________________________________
2. Paano mo mapapatay ang virus kung wala kang sabon at tubig ?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4
3. Bakit kailangang mag-ingat sa pagbili ng sanitizer?
_________________________________________________________________________________
4. Paano nakakaapekto sa ating katawan ang methanol?
_________________________________________________________________________________
5. Paano mo masisigurong ligtas ang binibili mong sanitizer?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

F. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang pabula. Sagutin ng mahusay ang mga tanong sa ibaba.
Ang Mayabang na Pulang Tandang
Minsan may isang napakayabang na pulang Tandang na tinitingala at kinatatakutan sa isang
komunidad. Pinakamalaki at pinakamataba siya sa lahat ng manok na naroroon.
Lagi at laging kinatatakutan ito sapagkat mapalapit lang dito ang alinmang manok ay ginigirian na
nito at hinahabol ng tuka. Kapag lumalapit na ito ay nagkakaripasan ng takbo ang ibang matatakuting
tandang, inahin at mga sisiw.
Walang makatatalo sa Tandang na ito. Pinakamagarbo itong tumindig, pinakamalakas tumilaok,
pinakamabilis tumakbo at pinakamataas lumipad. Walang ibang tandang na naglakas loob na lumaban dito.
Lagi at laging nanginginig ang tumbong nila iniisip pa lamang nilang hamunin ito.
Lagi nitong pinaiiral ang pananakot kaya ang lahat ng mga biyaya ay napupunta rito.
Ang pulang Tandang ang nagpapasasa sa mga butil ng palay na unang nakikita ng iba pang tandang sa
mga pilapil.
Ito ang tumutuka sa mga butil ng mais na unang nahahanap ng mga inahin sa mga lansangan.
Ito rin ang umaagaw sa mga bulateng nakakahig ng mga sisiw sa mga bakuran.
Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa pagtilaok kapag sumikat na ang araw sa umaga.
Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa pag-ikut-ikot nito sa kabukiran, sa kagubatan, sa mga
lansangan at sa mga bakuran matapos makapananghalian.
Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa paglipad sa pinakamagandang sanga kapag humahapon na.
Ang pulang Tandang ang Hari ng lahat, lumiwanag o dumilim man ang kapaligiran.

Isang umaga ay nanakot na naman ang pulang Tandang. Itiningkayad nito ang mahahabang mga
paa sa kinatatayuang sanga. Sinipat nito ang mababang puno na kinaroroonan ng nangakapikit pang mga
tandang, inahin at sisiw. Nang mapansing siya pa lang ang gising ay lalo nitong pinakatuwid-tuwid ang
pagkakatindig at parang torotot ng haring rumapido ng pagtilaok sa kaitaasan.

"Ko... ko... ro... kok!" tilaok nito.


Nangagising ang lahat na napatingala. Nagulat ang mga tandang, inahin at sisiw nang matanawan
sa kalawakan ang isang malaking Lawin na dumagit sa pulang Tandang.
Inilipad paitaas ang mayabang na pulang Tandang na walang nagawa kundi magkakawag. Nang
mataas na mataas na ang nalilipad ay binitawan ng higanteng Lawin ang biktima.
Nagkabali-bali ang mga buto ng masibang Tandang nang bumagsak sa lupa. Magmula
noon, matahimik na nabuhay sa komunidad ang mga tandang, inahin at sisiw.
Wala na ang mayabang na pulang Tandang. Naglaho na ang naghahari-harian.
Mga Tanong:
1. Bakit kinatatakutan ang Tandang sa kanilang komunidad?
_________________________________________________________________________________
2. Paano inilarawan ng may-akda ang Tandang?

5
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Bakit kaya gustong-gusto ng Tandang na siya ang laging nauuna sa lahat ng bagay?
_________________________________________________________________________________
4. Paano natapos ang paghahari-harian ng Tandang?
_________________________________________________________________________________
5. Bakit kaya ang Tandang ang dinagit ng Lawin?
_________________________________________________________________________________
IV. RUBRIKS
V. SUSI SA PAGWAWASTO
Pamantayan 5 4 3 2 1
Nasasagot ng tama ang tanong na “Bakit” at “Paano”
Nakabuo ng pangungusap ng may wastong pagbabaybay

VI. SANGGUNIAN
Maikling Kwento Halimbawa at Kahulugan | Proud Pinoy
Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya | FDA
Ang Mayabang na Pulang Tandang - Mga Pabula - Pinoy Edition

Manunulat: JAYZYL M. ESPINOCILLA


Posisyon: Teacher I
Tagasuri:

ALELI F. ESPINEDA – ESP-IJOSE L. TRIÑANES JR.- ESHT III SHIRLEY E. HAPA – MT-II

GLORIA E. REYMUNDO
OIC-PSDS/QAT CHAIRPERSON

You might also like