q1 Filipino Las 2a Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
6
BARCELONA NORTH DISTRICT

FILIPINO
Kwarter 1- Linggo 2A
GAWAING PAGKATUTO
Pangalan:____________________________________________________Petsa:_______

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang Pabula ay mga kuwentong ang tauhan ay mga nagsasalitang
hayop at kumikilos na parang tao. Upang lalong maunawaan ang kwento,
lilinangin natin sa araling ito ang kakayahan mong bigyang kahulugan ang
kilos at pahayag ng mga tauhan sa pabulang napakinggan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula (F6PN-Ic-19)

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo
Panuto: Punan ng tamang panghalip at pangngalan ang mga patlang
upang mabuo ang pangungusap.

Noli: Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani, ____ rin ang
sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nonie: Oo nga, may mga kabataang bayani pa kaya ngayong
maitutulad sa _______?
Noli: Meron, may mga ___________ na bagama’t hindi sila manunulat
pero may kabayanihan silang ginagawa.
Nonie: Ang mga frontliner ngayong panahon ng pandemya, _____ay
matatawag ding bayani.
Noli: Marami tayong maituturing na talagang ____________ ngayon.

B. Pag-aralan Mo
Panuto: Ipabasa sa nakatatanda o sa kaibigan ang pabula sa ibaba.
Makinig nang mabuti habang binabasa ang kuwento.

Ang Madaldal na Pagong


Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang
magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa.
Nagkuwentuhan sila at ‘di nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.

1
“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni
Pagong Daldal.
“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka
makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.
“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot. “Teka,
may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung susunod ka
sa aking sasabihin.”
“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika
ni Pagong Daldal.
“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing
Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan
mo. Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at
lalagpak sa lupa.
“O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting
Gansa.
“Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag
nakabitaw ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa.”
“Hindi ako magsasalita”, pangakong muli ni Pagong Daldal.
Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay
kinagat naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.
Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga
punongkahoy! Waring nakaakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.
Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong.
Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!
“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nagalit si Pagong Daldal. “Mga batang_______”
Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuloy-tuloy siyang
bumagsak sa lupa.
“Kaawa-awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing
Gansa.

Sa pagbibigay kahulugan sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa


napakinggang pabula kailangang suriin at unawain kung paano ito
nagpakita ng naging reaksyon ng tauhan sa bawat sitwasyon na inilahad sa
pabula.

2
Upang lubos na maunawaan, subukan nating unawain ang nais
ipabatid ng mga kilos at pahayag sa kuwentong “Ang Madaldal na Pagong”.
Mga Pahayag Kahulugan
“Isama naman ninyo ako sa Nakikiusap na isama.
inyong tirahan sa kabilang ilog”
“Salamat. Ipinangangako kong Nagpapasalamat sa tuwa at
susunod ako sa ipag-uutos ninyo” nangangakong susunod siya sa utos nina
Gansa.
“Tandaan mo, huwag kang Nagpapaalala at nagmamalasakit.
magsasalita. Wala kang pakpak at
kapag nakabitaw ka, tiyak na
lalagpak ka sa lupa.”
“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Nangungutya at pinagkakatuwaan ang
Lumilipad! pagong.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
“Kaawa-awang Pagong!” Naaawa sa sinapit ng pagong.

C. Pagsanayan Mo
Panuto: Basahin ang pabula at subukang sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon
upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang
kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa
balon at narining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?”
tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman
ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon.
At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo.
“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong
naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.” Wika ng lobo.
“Papaano?” tanong ng kambing.
Ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang
lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako
nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong
pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng
malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.” At malungkot na naiwanan ang kambing sa
malalim na balon.

Panuto: Basahin ang mga kilos at pahayag na nakalahad. Hanapin sa


kahon ang kahulugan ng mga pahayag. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

3
a. Nagbibitaw ng pangako. c. Madaling magtiwala
b. Tinatakot ang kambing. d. Nangungutya at natutuwa sa
hindi magandang sinapit ng kapwa.
e. Nagmumungkahi ng pagtutulungan.
_____1. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa
balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
_____2. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng
lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
_____3. “Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong
naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.” Wika ng lobo
_____4. . “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita
hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
_____5. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit
noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa
ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.”

D. Tandaan Mo.

Ang pag-unawa sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa pabula ay


isang mabisang paraan upang lalong maunawaan ang kwento.
Kailangang bigyan pansin kung paano isinagawa ang kilos at kung
paano sinabi ang pahayag.

E. Gawin Mo

4
Panuto: Basahing mabuti ang Pabula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang Sinungaling na Lobo
Isang umaga, si Lou, isang lobo ay nakakita ng isda sa may lawa. Agad
niya itong sinagpang. Samantala, habang kinakain niya ito sa ilalim ng puno,
isang munting tinik ang tumusok sa kanyang lalamunan. Hindi niya ito maalis-
alis. Naging napakasakit nito. Sa tindi ng sakit at paghihinagpis, siya ay
umatungal nang malakas.
Maghapong naglakad si Lou sa gubat. Naghanap siya ng maaaring
makapag-alis ng tinik sa kanyang lalamunan. Isa man sa kanyang nilapitan ay
walang makatulong sa kanya dahil natatakot ang mga ito sa kanya. Alas tres na
ng hapon nang makausap niya si Candy, isang uri ng ibon, na nasa ilalim ng
puno ng akasya. Si Candy ay may mahabang tuka at alam ni Lou na siya rin ay
mabait.
Paluhod pang nangako si Lou na kung aalisin lamang ni Candy ang tinik
sa kaniyang lalamunan ay ibibigay niyang lahat ng kaniyang ari-arian. Madali
namang nahabag si Candy at sinabing susubukan niyang alisin ang tinik na
nagpapahirap sa Lobo.
Sumampa si Lou sa may batuhan at ibinuka niya nang husto ang kanyang
bibig. Dahan-dahan namang ipinasok ni Candy ang kanyang mahabang tuka at
pati na ang kaniyang ulo upang maabot ang maliit na tinik sa lalamunan ni Lou.
Nang maalis ang tinik sa lalamunan ni Lou, hiningi ni Candy ang kanyang
gantimpala. Humalakhak lamang si Lou nang malakas at inilabas ang kanyang
matatalim na pangil at sinabi ang ganito, "Magpasalamat ka at hindi kita
nang ipasok mo ang iyong maliit na ulo sa aking bibig. Nakapasok at
nakalabas nang wala mang bahid ng gasgas ang iyong ulo at ika'y hindi
napahamak."
Nabigla si Candy at sinabing "Walanghiya! Walang utang na loob!
Kanina lamang ay naglulumuhod kang lumapit sa akin at nagmamakaawa,
pagkatapos ay ako pa ngayon ang may utang na loob sa iyo? Kahanga-
hanga ka naman. Pagkatapos iligtas ay ikaw pa ang hihingi ng pasasalamat.
Ay, naku! Ang sinumang nasa kagipitan nga naman, ang sumpa't pangako'y
walang katapusan.”

Panuto: Punan ang patlang ng mga hinihinging datus mula sa


napakinggang pabula. Isulat ang pahayag nina Lou at Candy sa patlang at
subuking bigyan ng kahulugan ang kanilang pahayag at kilos.

Pamagat ng
Pabula

5
______________________________________________

F. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang pabula. Sagutin ng mahusay ang mga
tanong sa ibaba.

6
Ang Mag-anak na Langgam
Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na
langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang
pinagtataguan.
“Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may
gawing kaliwa ay may munting kanal.” sabi ni Tatay Langgam.
“Hindi po kami lalayo.” sabi ni Unang Munting Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi
nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
“Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Matagal pa naman
ang tag-ulan ay naghahanda na kami.” sabi sa sarili ng Bunsong Langgam.
“Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.”
Walang ano-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit sa kanal na
ipinagbabawal puntahan ng kaniyang ama.
“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan
kong kukunin ang kendi.”
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang
munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa kaya nawalan siya ng
panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang
kaniyang Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y
hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin
niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na, “Iyan ang
napapala ng mga anak na matigas ang ulo.”

Panuto: Bilugan ang letra ng nais ipakahulugan ng inilahad na kilos at


pahayag ng mga tauhan sa pabula.
1. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa
may gawing kaliwa ay may munting kanal”
a. Nagpapaalala ng dapat gawin.
b. Nagagalit sa mga anak.
c. Nakikiusap sa mga anak.
2. “Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Matagal pa
naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami.”
a. Nagpapasalamat sa kapatid.
b. Nagsusumbong sa ama.
c. Nagrereklamo sa sarili.
3. “Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-
dahan kong kukunin ang kendi.”
a. Nagsasabi ng sariling pag-aakala
b. Nagtatakot
c. Nawawalan ng tiwala sa sarili
4. Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang
kaniyang Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis

7
upang ito’y hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa
ipinagbabawal na pook.
a. Natutuwa ang ama
b. Nagalit ang ama sa pasaway na anak.
c. Nag-alala ang ama kaya’t hinanap ang anak.
5. Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na,
“Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo.”
a. Nagalit ang ama sa anak.
b. Nalungkot ang ama sa sinapit ng anak.
c. Nagtiwala ang ama sa anak.

IV. RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS


Pamantayan 5 4 3 2 1
Naibibigay ang kahulugan ng pahayag ng
tauhan
Nakabuo ng pangungusap ng may wastong
pagbabaybay

V. SUSI SA PAGWAWASTO

VI. SANGGUNIAN

8
Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6 para sa Baitang Anim.Quezon City:
Dane Publishing House, Inc. 1999
The Wonder World of Children‟s Literature (bahagi ng compilation na
isinalin ng writer sa Tagalog)
Sanchez, Marcelito E. Philippine Journal of Education Vol. LXXIX No. 10,
March 2001

Manunulat: JAYZYL M. ESPINOCILLA


Posisyon: Teacher I
Tagasuri:

ALELI F. ESPINEDA – ESP-IJOSE L. TRIÑANES JR.- ESHT III SHIRLEY E. HAPA – MT-II

GLORIA E. REYMUNDO
OIC-PSDS/QAT CHAIRPERSON

You might also like