Fil.3 Week 6-91

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts and Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 6
Panahon ng Propaganda

Intentions
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malaman kung sinu-sino ang mga mununulat at ang kanilang mga akda na nagpapakita o
nagtatanggol sa kani-kanilang mga karapatan.
2. Maunawaan ang mga mensahe na napapaloob sa bawat akda ng mga kilalang propagandista.

Introduction
Sinu-sino kaya ang mga manunulat o repormista na nagsisulat ng mga akda na ukol sa
pakikipaglaban ng kani-kanilang mga karapatan, paghiling ng kalayaan, pagtatanggol sa bayan,
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan ng iba't-ibang mananakop sa ating bansang Pilipinas. Anu-ano
ang mga akda na nagbigay liwanag at pag-asa sa lahat ng mamamayan na makipaglaban at maghangad
ng kanilang sariling kalayaan sa kamay ng mga mapanirang puring mga Kastila. Sa tulong at gabay ng
modyuls na ito ay malalaman at mauunawaan natin ang lahat na makakapagbigay ng malaking kaalaman
at bukas na isip sa mga itinuturing nating mga bayani, ang iba't-ibang makata o manunulat.

Inputs:
A. Tibag
Ang pagsasadula ng paghahanap ng krus sa pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe
Constantino. Ang dulang ito'y ginaganap kung buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng Bulakan,
Nueva Ecija, Bataan, Rizal at nanggaling sa pagtibag ng mga bundok sa paghahanap ng krus ni
Reyna Elena at Prinsipe Constantino.
B. Panunuluyan
Isang prusisyong ginaganap kung bisperas ng pasko. Isinasadula dito ang paghahanap ng bahay
na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa kanyang nalalapit na panganganak kay Hesus. Ang mga
gumaganap na San Jose at Birheng Maria ay magagandang tonight sapagkat ang usapan ay
paawit.
C. Panubong
Isang mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang may
kaarawan. Ito ay laganap sa Marinduque. Ang panubong ay salitang pamutong sa Tagalog na ang
kahulugan ay lalagyan ng putong o korona ng mga bulaklak ang dalagang may kaarawan.
D. Karilyo
Ito'y isang dulang ang mga nagsisipagganap ay mga tau-tauhang karton. Pinagagalaw ang mga
ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.
E. Cenakulo
Isang dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkabuhay ng ating
panginoong Hesukristo. Ito rin ay pasyon, kaya lamang ang pasyon ay inaawit ang cenakulo'y
itinatanghal sa tanghalan. Ang usapan ay patula at may dalawang uri ito, isa ay hablada na ang
usapan ay hindi inaawit kundi patula at pinapalabas ng isa gabi lamang. Ang isa ay cantada,
inaawit tulad ng pasyon na ipinalalabas na inaabot ng 3 gabi.
F. Moro-Moro
Ipinalalagay na nagimula noong ika-17 daang taon, nang ang mga Pilipinong Kristiyano at mga
Pilipinong Muslim ay madalas magsagupa sa paglalaban. Noong 1637 ang simula ng pagsulat ng
Moro-moro na naganap sa Kabite ng bigyang parangal si Don Sebastian de Corcuera dahil sa
kanyang matapang at mapanganib na puno ng mga Muslim.
-Teatro Cornico(1790) Tondo Teatro at Primitivo teatro sa daang Arroceros, Maynila. Unang
teatro na naitatag.
-Jose de la Cruz(Juseng Sisiw) unang sumulat ng moro-moro. Sinulat niya ang “La Guerra Civil de
Granada, Hernandes at Galisandra, Reyna Encantada o Casamiento por Fluerga at Rodrigo de
Vivar.
-Honorato de Vera, “Doña Ines Cuello de Garga y el Principe Nicanot”.
-Juan Crisostomo Sotto(Crisot) na taga pampanga. Sumulat ng “Ang Sultana”(The Sultan),
“Perla” at Zafiro at Rubi”.
-Padre Jorge Fajardo(Ama ng Panitikang Pampanga) sumulat ng “Vida de Ganzalo de Cordova”
na itinanghal noong Pebrero 1881 sa Pampanga.
G. Zarzuela
Isang dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag-
ibig, paninibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba't-iba pang masisidhing damdamin. Ito'y
naglalarawan din ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ang mga kasuutan ay damit Pilipino sa
halip na kasuutang Europeo.
Isa sa magadang halimbawa ng Zarzuela ay “Walang Sugat” na sinulat ni Severino Reyes.

H. Panahon ng Propaganda
Ang kilusang propaganda ay naglalayon ng mga pagbabago gaya ng mga sumusunod:
a. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Filipino sa Kortes ng Espanya.
b. Pagkakapantay-pantay ng mga Filipino at Kastila sa ilalim ng batas.
c. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
d. Sekularisasyon ng mga parokya sa Kapuluan.
e. Kalayaan ng mga mamamayang Filipino sa pamamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing.

I. Mga repormista na bumuo sa Kilusang Propaganda.


1. Jose Rizal
Noli Me Tangere at El Filibusterismo- Sa layong gisingin ang natutulog na
damdamin ng mga Filipino ay inihandog niya sa kaniyang bayan itong 2
nobelang ito sa 3 pari: Gomez, Burgos at Zamora.
“Mi Ultimo Adios” Kahuli-hulihang tula ni Rizal. Ang tulang ito'y may mga salin
sa iba't-ibang wika sa daigdig, sa Ingles, Aleman, Italyano, Pranses, Ruso,
Bahasa at ipa pa. Ang Pilipinong unang nagsalin sa Tagalog ay si Andres
Bonifacio.
“Sa mga Kababaihang Taga-Malolos” Isang sulat na bumabati sa mga
kababaihang taga-Malolos dahil sa kanilang paninindigan at pagnanais na
matuto.
“Hinggil sa Katamaran ng mga Filipino”. Sanaysay na napalathala sa La
Solidaridad, ang pahayagan ng Kilusang Propaganda.
“Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon”. Ito'y isang pagpapauna sa haharapin ng
Pilipinas, ngunit panghuhulang batay sa mga pangyayaring naganap at
nagaganap sa loob at labas ng bansa.

2. Marcelo H. Del Pilar


Isang manananggol at mamamahayag ay napatangyag sa bansag na “Plaridel”.
Itinatag niya at pinamatnugutan ang Diyaryong Tagalog”, isang pahayagang
pampulitiko na pinaglathalaan niya at ng mga kasamang manunulat ng mga
akdang pambayan, ng mga hinaing ng naapi at mga pagtuligsa sa pamahalaan
at simbahan.
“Caiigat Cayo”. Libritong ikinalat ni Del Pilar na nagtanggol sa Noli Me Tangere
ni Rizal. Ito'y sagot sa “Caiingat Cayo” ni Padre Jose Rodriguez.
“Dasalan at Tuksuhan” Isang parodyang gumagagad sa nilalaman ng aklat-
dasalan.
“Ang Cadaquilaan nang Diyos”. Sanaysay na tumuligsa sa mga Prayle at
nagpapaliwanag kaniyang sariling pagkilala sa kadakilaan ng Diyos.
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. Salin sa Tagalog ng sanaynay ni Rizal “Amor
Patrio” na inilathala sa Diyaryong Tagalog at La Solidaridad. Tulang may 82
taludtud. Naglalayong humingi ng pagbabago ngunit ipinahahayag na di
makapagkakaloob ng anumang tulong ang Espanya.
“Ang Kalayaan”. Bahagi ng kabanata ng aklat na nais niyang sulatin upang
maging huling habilin, ngunit di na natapos pagkat binawian na siya ng buhay
ng Maykapal.

3. Graciano Lopez Jaena


Ipinagmamalaking anak ng Jaro, si Lopez-Jaena ay isang dakilang orador at
walang takot na mamamahayag. Siya ang naging unang patnugot ng La
Solidaridad at tagapag-abulo'y ng mga lathalain sa iba't-ibang pahayagan gaya
ng Los Dos Mundos.
“ Fray Botod” Isang paglalarawang tumuligsa sa kabalayan; kamangmangan at
pagmamalabis ng mga prayle. Ang “botod” sa Hiligaynon ay nangangahulugan
ng malaking tiyan. Nakita ng mga prayle ang kanilang mga sarili sa
paglalarawan ng may-akda kay Fray Botod.
“Ang Dangal ng Filipinas” Isang talumpating nagbunyi sa tatlong Pilipinong
nagkamit ng gantimpala sa eksposisyon sa Paris, sina Juan Luna at Felix
Resurreccion Hidalgo (mga pintor) at Joaquin Padro de Tavera (iskultor).

4. Mariano Ponce
Ang tagapamahalaang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda, ay nagkubli sa mga sagisag na Tikbalang, Kalipulako at
Naning.
“Mga Alamat ng Bulakan” katipunan ng mga alamat at kwentong-bayan ng
kaniyang lalawigang silangan.
“Patnugot kay Longino”. Isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng
Malolos, Bulakan.
5. Antonio Luna
Sa ilalim ng sagisag na Taga-ilog si Antonio Luna, isang parmasyotikong dinakip
at ipinatapon sa Espanya ay sumanib sa Kilusang Propaganda at nag-ambag ng
kaniyang mga sinulat sa La Solidaridad. Karamihan sa paksa sa kanyang akda
ay tungkol sa kaugalian ng mga Pilipino at ang iba'y tumutuligsa sa
pamamalakad ng Kastila.
“Noche Buena” isang akdang naglalarawan ng aktual na buhay Filipino.
“La Tertulia Pilipina” (Ang Piging na Filipino) Nagsasaad ng kahigtan at
kabutihan ng kaugaliang Filipino kaysa Kastila.
“La maestra de Mi Pueblo” Pumipintas sa sistema ng edukasyon para sa mga
kababaihan.
“Todo Por El Estomago” tumutuligsa sa patakaran sa pagbubuwis.
“Impresiones” Paglalarawan sa ibayong kahirapang dinarans ng isang mag-
anak na naulila sa amang kawal.

6. Dr. Pedro Paterno


Isang iskolar, mananaliksik, dramaturgo at nobelista ng pangkat ay sumapi na
rin sa kapatiran ng mga Mason at sa Association Hinpani-Filipino upang
itaguyod ang layunin ng mga repormista. Karamihan sa sinulat niya ay tungkol
sa paksang panrelihiyon at panlipunan.
“A Mi Madre” (Sa Aking Ina) Nagpapahayag ng kalungkutan kung wla ang ina
na kaniya itong hinahanap-hanap.
“Ninay” Kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng
isang Pilipino.

7. Pascual Poblete
Isang nobelista, makata mananalaysay at “Ama ng Pahayagan”. Nagtatag at
namatnugot sa pahayagang “El Rumen” pagkatapos na magkahiwalay sila ni
Marcelo H. Del Pilar sa pagsulat ng Diyaryong Tagalog. Tinuligsa niya ang mga
pang-aapi at katiwaliang ginawa ng mga maykapangyarihang Kastila kaya't
siyay ipinatapon sa Aprika. Nakabalik ng Pilipinas noong dumating ang
Amerikano at siya'y nagtatag ng pahayagang “El Grito del Pueblo” at Ang Tinig
ng Bayan. Siya ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni
Rizal.

8. Jose Maria Panganiban


Tagapag-ambag ng mga sanaysay at lathalain sa pahayagan ng mga
propagandista, sa ilalim ng sagisag na Jomapa. Kilala sa pagkakaroon ng
“Memoria Fotograpika”. Ang man yang mga naisulat na tula ay “A Nuestro
Obispo, Noche de Mambulao, Ang Lupang Tinubuan at Sa aking Buhay. Ang
kanyang mga sanaysay, “El Pensamiento, La Universidad de Manila, Su Plan de
Estudio at marami pang iba na pawang paglalahad ng kahalagahan ng
edukasyon, nagtatanggol sa mga Filipino at huminhingi ng kalayaan sa
pahayagan.

9. Pedro Serano Laktaw


Isa sa mga pangunahing Mason na kasama ni Antonio Lunang umuwi sa
Pilipinas upang bumuo ng Masonarya. Ang lohiyang “Nilad” ang kaniyang
itinatag. Siya ang sumulat ng “Diccionario Hispano-Tagala” na nalathala noong
1889. Ang kaniyang “Estudios Gramaticales” at Sobre La Lengua Tagala na
pinagbatayan ni Lope K. Santos ng Balarika ng Wikang Pambansa.

10. Isabelo Delos Reyes


Isang manananggol, mamamahayag, manunulat at “Iglesia Filipina
Independente”. Napabilang sa tatlong panahon ng panitikang Filipino,
panahon ng Propaganda, Himagsikan at Amerikano. Nagtamo ng gantimpala
sa Exposisyon sa Mandrid, sa sinulat na “El Folklore Filipino”. Ang iba pa
niyang isinulat ay ang mga sumusunod; “Las slas Bisayas en la Epoca de la
Conquista, Historia de Ilocos at “La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion
Filipina”.

Activity 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang paglalarawan sa Hanay A.

1. Pedro Paterno 8. La Solidaridad


2. Tikbalang, Kalipulako, at Naning 9. Isabelo Delos Reyes
3. Antonio Luna 10. Diyaryong Tagalog
4. Mi Ultimo Adios
5. Graciano Lopez Jaena
6. Plaridel A. Kahuli-hulihang tula
7. Kilala sa pagkakaroon ng Memoria ni Rizal.
Fotografika B. Pedro Serano Laktaw
C. Isang pahayagang H. Pahayagang itinatag
pampulitiko na ng mga
pinaglathalaan ng propagandista na
iba't-ibang akdang tumuligsa sa
pambayan, ng mga pamahalaan,
hinaing ng inaapi at simbahan at
mga pagtuligsa sa pagtatanggol sa
pamahalaan at paninirang-puri ng
simbahan. mga banyaga.
D. Jose Maria I. Jose Rizal
Panganiban J. Marcelo H. Del Pilar
E. “Ang Lupang K. “Fray Botod”
Tinubuan” L. Mariano Ponce
F. “A Mi Madre” M. Taga-ilog
G. Nagtamo ng
gantimpala sa
exposisyon sa
Madrid.

Activity 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan bago ito sagutan.
1. Anu-ano ang layunin ng Kilusang Propagandista?
2. Bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere? Ipaliwanag ng maayos.
3. Anu-ano ang sanhi o mga pangyayaring nagbunsod sa paglaganap ng damdaming makabayan?

Intervention:
Panuto: Hanapin ang sulat ni Rizal sa mga “Kababaihang Taga-Malolos” at isa-isahin ang mga payo ni
Rizal sa mga kababaihan.

Reference:
Panitikang Filipino Obdulia L. Atienza
Pangatlong Edisyon Maria S. Ramos
Nina: Lucila A. Salazar Anita R. Nazal

Colegio De La Purisima Concepcion


The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas City

College of Arts and Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 7
Panahon ng Himagsikan
Intentions
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makilala ang mga taong naghimagsik laban sa mga Kastila.
2. Malaman ang mga pahayagan na naitatag upang maihayag ang kahilingan at mithiin ng ilang
mga Pilipino.

Introduction
Bakit kaya nagkaroon ng himagsikan laban sa mga mananakop na Kastila? Anong grupo o samahan kaya
ang kanilang nabuo? Sinu-sino ang mga manananggol na nabibilang sa paghihimagsikan? Anung mga
pahayagan ang itinatag para sa pagpapalaganap ng mithiin, kahilingan at pagtatanggol ng makabayang
Pilipino? Sa pamamagitan ng modyuls na ito ay malalaman natin ang mga pangyayaring naganap sa
panahon ng himagsikan at magkakaroon tayo ng kaalaman at mabigyan ng kahalagahan at papuri ang
mga tao o manunuligsa na nagsilaban para sa ating kalayaan.

Inputs
Naging bingi ang pamahalaan sa hinihinging pagbabago ng mga repormador. Nasasalungat at
naisasantabi ng mga prayle ang anumang mabuting balak ng Inang Espanya para sa bansa. Patuloy ang
pagdusta, pang-aapi, pagsasamantala at ibayong paghihigpit sa mga Pilipino ng pamahalaan at
simbahan.

Dahil dito, lalong naghimagsik ang kalooban ng mga taong bayan. Ang naging laman ng panitikan ay
pawang pagtuligsa sa mga may makapangyarihan at pagnanasang matamo ang kasarinlan. Dumami ang
naniniwalang hindi nila makakamit sa mapayapang paraan ang mga hinihinging pagbabago, lalo na ng
ipadakip si Rizal at ipatapon sa Dapitan.

Dahil sa pangyayaring ito, si Bonifacio at ang iba pa niyang mga makasama sa La Liga ay patuloy na
umaasa ng pagbabago. Nagtatag sila ng isang samahan, Ang Kataastasan, Kagalanggalang ng mga Anak
ng Bayan (KKK).

A. Andres Bonifacio
Ang nagtatag ng Katipunan, isang karaniwan nguni't magiting at dakilang mamamayan ng
bansang Pilipino, ay nagkubli sa mga sagisag. Ang kanyang mga sinulat ay malinaw na
nagpapahayag ng kaniyang adhikain para sa bayan. “Katapusang Hikbi ng Pilipinas” isang tulang
nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa. “Ang Dapat Mabatid ng
mga Tagalog” isang panawagan sa kaniyang mga kababayan upang buksan ang isip at hanapin
ang katwiran. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” isang tula sa pag-ibig sa bayan. Walang kailangang
mamatay kung ang dahilan ay ang pagtatanggol sa kalayaan.

B. Katungkulang Gagawin ng mga Z, LL, B” ( Z, LL, B ay nangangahulugang “anak ng Bayan”)


Inihanda niya ito upang maging kautusan ng mga kaanib sa katipunan, ngunit dahil sa pagbibigay
at paggalang kay Jacinto ay ang kartilyang ginawa ng huli ang isinaalang-alang:
1. Sumampalataya sa Maykapal ng taimtim sa puso.
2. Gunamgunamin sa sarili twina na ang matapat na pagsampalataya ss kanya ay ang pag-
ibig sa lupang tinubuan sapagkat ito ang tunay na pag-ibig sa kapwa.
3. Ikintal sa puso ang pag-asa sa malabis na kapurihan at kapalaran na kung ikamamatay na
tao'y magbubuhat sa pagliligtas sa kaalipinan ng bayan.
4. Sa kalamigan ng loob, katigasan,katiisan at pag-asa, ano mang gagawin magbubuhat at
ikagaganap ng mabuting ninanais.
5. kaingat-ingatan gaya ng puri ang mga bilin at balak ng K.K.K.
6. Sa isang nasa sa panganib sa pagtupad ng kanyang tungkulin, idadamay ng lahat ang
buhay at yaman upang maligtas yaon.
7. Hangarin ang kalagayan ng isa't-isa, maging huwaran ng kaniyang kapwa sa mabuting
pagpapasunod at pagtupad ng kaniyang tungkulin.
8. Bahagian ng makakaya ang alinmang nagdaralita.
9. Ang kasipagan sa paghahanapbuhay ay pagmamahal din sa sarili, kapwa, sa asawa, anak
at kapatid o kababayan.
10. Lubos na pagsasampalataya sa parusang inilaan sa balang suwail at magtaksil, gayon din
sa pala na kakamtan ukol sa mabuting gawa. Sampalatayanan din naman ang mga
layong tinutungo ng K.K.K. ay kaloob ng Maykapal, samaktwid ang hangad ng bayan ay
hangad din Niya.
C. Emilio Jacinto
Ang utak ng katipunan ay siya ring patnugot ng Kalayaan, pahayagan ng nasabing samahan. Ito'y
naglalaman ng mga pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan sa mga Pilipino upang
magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o manipesto upang ipaglaban ang kalayaan at
mga tulang naghahandog ng buhay para sa bayan. Kaniyang sinulat sa sagisag ay “Dimas-Ilaw”.
“Sa may nasang Makisanib sa Katipunang ito” sinulat upang maging pamantayan ng mga dapat
ugaliin ng mga sasapi sa Katipunan. “Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N. B.” “Ang Ningning at
ang Liwanag”. “Pahayag”.

D. Apolinario Mabini
Ang dating kasapi sa La Liga na palihim na gumagawa upang magkaroon ng pagbabago sa
pamahalaan, ay siyang naging “Utak ng Himagsikan” at pinakakanang kamay ni Hen. Emilio
Aguinaldo za ikalawang bugso ng himagsikan. Ang marami sa kanyang sinulat ay tungkol sa
pulitika, pamahalaan at sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan.
“Programa Constitucional de la Republica Filipina”. Ito'y palatuntunang pansaligang-batas ng
Republika ng Pilipinas. Naglalaman ng mga balak sa pamahalaan at edukasyon ng bansa.
“Ang tunay na Sampung Utos ng Diyos”. Salin niya sa Tahalog ng kaniyang “El Verdadero
Decalogo”.

E. Jose Palma
Mag-aaral sa Ateneo at kaibigan ni Gregorio del Pilar. Kasama sa paghihimagsik laban sa mga
Amerikano. Tagalibang sa mga kasamang kawal sa pamamagitan ng kaniyang mga kundiman.
“Melencholias”(Mga Panimdim) Pamagat ng aklat na pinatipunan niya ng kaniyang tula.
“De Mi Jardin” isang tulang nagpapahiwatig ng pangngulila sa minamahal; tulad ng bulaklak na
naluluoy kapag nawalay sa kaniyang mga sanga at dahon.
“Himno Nacional Filipina” (Pambansang Awit ng Pilipinas) ang mga titik nito ang pinakadakila
niyang ambag sa ating panitikan. Ito'y nilapatan ng musika ni Julian Felipe.
F. Iba pang manunulat ng Awit :
Julian Felipe- Biak na Bato
Pedro Paterno- “Himno de Revolucion”
Lucino Buenaventura- Liwayway
Domingo Enrile- “El Anillo De la Dalaga de Marmol”
Joaquin Chico- “Pepita” at “Jocelynang Baliwag”.
G. Mga Pahayagan sa panahon ng Himagsikan
Ang pamahalaang Panghimagsikan ay nagtatag ng sariling pahayagan upang maipaabot sa
daigdig ang kanilang mga kahililingan at mithiin para sa bayan. Ito'y tinatawag nilang “Heraldo
de la Revolucion”. Nang malaon ay iniba ang pangalan at ginawang Heraldo de Pilipino,
pagkatapos ay Indice Official hanggang maging Gaceta de Filipinas. Ang pahayagang ito ang
naglathala ng mga decreto ng pamahalaang mapaghimasik, mga balita at mga akda sa Tagalog
na pawang gumigising sa damdaming makabayan. “La Independencia” pahayagang ari ng
pribdong Filipino na pinamatnugutan ng mga kilalang manunulat na Filipino sa Kastila: Jose
Palma, Rafael Palma, Fernando Ma. Guerero, Epifanio delos Santos, Cecilio Apostol, Jose Abreu,
Rosa Sevilla at iba pa.

Ang ibang pahayagan ay ang “La Republica Filipina na itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. “La
Libertad” na pinamatnugutan ni Clemente Zulueta, ang Kaibigan ng Bayan, ang La Oprtunidad at
La Revolucion. Maikli ang panahong itinagal ng mga pahayagang ito ngunit lahat ay naglalayon
ng pagsasarili ng Filipinas.

Activity 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Pagkatapos ay sagutan ito ng ayon sa inyong
pagkakaunawa at pagkakaalam.

1. Sino si Andres Bonifacio? Ano ang kanyang malaking naiambag sa Panitikang Pilipino?

2. Anu-ano ang nilalaman ng Kartilya ni Bonifacio?

3. Bakit nagkaroon ng himagsikan?


4. Anu-ano ang mga layunin ng Katipunan?

5. Ano ang pinakalayunin ng mga pahayagan noong panahon ng himagsikan?

Intervention
Panuto: Hanapin ang mga sinulat ng mga kilalang manunulat sa Pilipino sa Kastila na sina Jose at Rafael
Palma, Fernando Ma. Guerero, Cecilio Apostol at Rosa Sevilla.

Reference:
Panitikang Filipino
Pangatlong Edisyon
Nina: Lucila A. Salazar
Obdulia L. Atienza
Maria S. Ramos
Anita R. Nazal

Colegio De La Purisima Concepcion


The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas City

College of Arts and Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 8
Panahon ng Amerikano

Intentions
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makilala ang mga manunulat sa wikang banyaga.
2. Matalakay ang mga akda na sinulat ng iba't-ibang manunulat.
IIntroduction
Sinu-sino ang mga manunulat na nagpalamas ng kanilang kagalingan sa pagsulat ng mga akda gamit
ang wikang banyaga? Anu-ano kaya ang mga akda na kanilang naisulat? Tungkol saan ang mga paksa
na napapaloob sa kanilang sulatin? Anong damdamin ang makikita sa bawat akda na ating
tatalakayin? Lahat ng mga katanungang ito ay ating masasagot sa tulong ng pagtalakay sa mga
sumusunod na topiko. Halina't sabay nating tuklasin.

Inputs

A. Ang kasaysayan ng panitikan sa panahon ng Amerikano ay malalagom sa sumusunod:


1. Ang paghihimagsik ng mga Filipino noong 1896-1899 ay nakapagmulat sa pambansang
kamalayan sa mga mamamayan.
2. Ang pagkakaisa ng mga Filipino'y nakatulong sa paggamit ng Tagalog bilang pambansang wika ng
Republika ng Pilipinas.
3. Nabigyan din ng kalayaan ang mga manunulat na kumawala sa dating paraan ng pagsulat.

B. Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano


1. Pagdami ng mga babasahin sa ating panitikan
2. Pag-unlad at pagdami ng mga samahang pampanitikan.
3. Pagkakaroon ng madadali at romantikong paksa.
4. Paglitaw ng mga makatotohanang panitikan. Ang moro-moro na dala ng mga kastila ay
pinapanghina ng sarsuela. Ang sarsuela nama'y naigupo ng mga bodabil, “Burleque” at
sine na dala naman ng mga Amerikano.

C. Mga nagsisulat sa Kastila sa panahon ng Amerikano


1. Cecilio Apostol (1877-1936) Manananggol at makata sa wikang Kastila. Siya ang unang
nananalo ng unang gantimpala sa tula niyang “Mi Raza”. Karamihan sa kanyang naisulat
ay nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan. Ito ang kadluan niya ng inspirasyon. Siya
ang sumulat ng tulang-handog kina Gat. Jose Rizal, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini at
sa lahat ng mga bayaning Filipino.
2. Fernando Maria Guerrero (1873-1899) Isang guro, manananggol, mamamahayag at
pintor. Siya'y nagkaroon ng inspirasyon sa bayan at mga bayani tulad ni Rizal. Ang
pinalalagay na magaling na tula ni Fernando G.ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang
“Crisalidas” (Mga Higad).
3. Jesus Balmori (1860-1948) ang unang aklat ng tula niyang pinamagatang “Rimas
Malaya” ay lumabas sa palimbagan sa Maynila noong 1904 nang siya'y labimpitong
taong gulang lamang. Malawak ang sakop ng kanyang panulaan, halili niyang pinag-
ukulan ang Pilipinas at Espanya bukod sa tulang pampag-ibig at panglipunan.
4. Manuel Bernanbe- mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa Kastila at Latin.
Ang kanyang mga tula ay tinipon at ipinaaklat at pinamagatang “Cantos del Tropico”
(Mga Awit ng Tropiko)
5. Claro M. Recto (1890-1960) isang matalinong mambabatas, manananggol, makata,
manunulat at pulitiko. Bilang manunulat, nakapaglabas siya ng mga aklat sa batas, sa
tula at daan-daang mga talumpati ng kung sinu-sinong malalaking tao. Anino at Pag-iisa
ni Claro M. Recto.

D. Mga manunulat sa Wikang Ingles


Ang mga manunulat sa wikang Ingles noong una'y nahirapan ng kaunti sapagka't kulang
pa sila sa wikang ito kaya't kung minsan ay gumagamit ng salitang kastila.
Hindi naglaon, mabilis na umunlad ang pagsulat sa Ingles dahil sa pagbibigay ng lingguhan,
buwanan at taunang paligsahan ng mga pamahayagan. Ang mga manunulat ay higit na nag-ukol
sa pagsusulat ng mga sanaysay, maikling kwento at mga tula.

Ilan sa mga nagsisulat sa Ingles ay sina Jorge Bacobo, Francisco Benitez, Zoilo M. Galang,
Marcelo de Garcia Concepcion, Rafael Zulueta de Costa, Luis Dato, Vicente L. Del Fierro, Virgilio
Floresca, Anjela Manalang Gloria, Jose Ma. Hernandez, Aurelio Sevilla Alvero, Aurelio Tolintino,
Jose Garcia Villa at marami pang iba.
Activity 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Sagutan ito ng may sapat na kaalaman
at pang-unawa.

1. Noong panahon ng Kastila, ang naging paksa ng mga iniakda ay panrelihiyon. Ano naman ang
naging paksa noong panahon ng Amerikano? Ibigay ang sanhi nito.

2. Tungkol sa buod ng dula.


a. Ano ang dahilan ng pagkakabilanggo ni Tagailog? Bakit ayaw niyang magbigay ng
handog?

b. Patunayan na si Halimaw ay mapag-imbot. Sa panahon ngayon, nangyayari pa ba ang


ginawa ni Halimaw kay Tagailog? Magbigay ng halimbawa.

c. May katwiran ba si Tagailog upang maghiganti sa kataksilan ni Dahunpalay? Bakit?

d. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakalibing ng buhay kay Inang-Bayan? Nang siya'y


makuha ni Tagailog sa libingan, natuluyan ba siyang mamatay o mawalan ng pag-asa?
Patunayan ang kasagutan.

3. Kung ibabatay sa kasaysayan ng bansa ang akda, ito ba ay may kawastuhan? Pangatwiranan.

Intervention
Panuto: Magsaliksik ng iba pang akda ng mga makabayang manunulat noong panahon ng pananakop ng
mga Amerikano. Basahin at igawa ng sinopsis o buod. Ibahagi sa klase at ipasa pagkatapos.

Reference:
Ikatlong Taon
SANGWIKAAN
Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan

You might also like