Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dagatan Family Farm School

Araling Panlipunan 10
Unang Markahang Pagsusulit Puntos: ______

Pangalan: _______________________ Petsa: __________


Year/Batch: ______________________

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___1. Ang Kontemporaryong isyu ay hango sa latin na contemporarius ano ang ibig
sabihin nito?
a. Kasama sa b. Magkaiba c. Magkatulad d. Magkasalungat
___ 2. Ang salitang Isyu ay tumutukoy sa __________.
a. Paksa b. Pagkabahala c. Pangyayari d. Problema
___ 3. Ang kontemporaryong Daigdig ay naglalarawan ng _________.
a. Sa panahon ng mula ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
b. Sa panahon bago ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
c. Sa panahon mula sa pagitan ng ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
d. Sa panahon pagkatapos ng ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
___ 4. Ang Kontemporaryong Kasaysayan ay naglalarawan ng________.
a. Sa panahon ng mula ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
b. Sa panahon bago ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
c. Sa panahon mula sa pagitan ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
d. Sa panahon pagkatapos ika 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
___ 5. Ang COVID19 ay naglalarawan sa Isyung may kaugnayan sa______.
a. Pang- Edukasyon b. Pang- Ekonomiya c. Pang- Kalusugan
d. Pang- Kapaligiran
___ 6. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit
anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
a. Kontemporaryong Daigdig b. Kontemporaryong Kasaysayan
c. Isyung Pangkapaligiran d. Kontemporaryong Isyu
___ 7. Ito ang akmang termino sa wastong pangungolekta, paglilipat, pagtatapon o
paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng mga tao.
a. Deforestation b. Waste Management c. Quarrying d. Mining
___ 8. Ito ay maaaring muling pakinabangan o gamitin ang mga gamit kaysa sa itapon
o kaya naman, ibigay o ipasa sa iba.
a. Reduce b. Recycle c. Refuse d. Reuse
___ 9. Ito ay may simpleng panuntunan: Huwag itapon ang mga bagay o gamit na
maaari pang i-recycle.
a. Reduce b. Recycle c. Refuse d. Reuse
___ 10. Isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang materyales sa
pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.
a. Deforestation b. Waste Management c. Quarrying d. Mining

Panuto: Isulat sa patlang ang kasagutan


_____________11. Tumutukoy sa pagpuputol ng mga puno, pagtatabas ng mga damo.
_____________12. Sa paraang ito pinuputol nang walang habas ang mga puno sa
anumang kadahilanan.
_____________13. Sa paraang ito ay tinatabas at sinusunog ang mga puno sa
kagubatan upang pagtaniman.
_____________14. Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang o
lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity.
_____________15. Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya
naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa.
_____________16. Isa ito sa mga organismong lumilitaw kapag marami ang marine
planktons na lumilitaw sa tubig-tabang.
_____________17. Isa itong kemikal na inilalabas ng mga Dinoflagellates sa tubig na
kapag sapat ang dami ay maaring makapatay ng iba pang organismo.
_____________18. Tumutukoy sa pagdami o pagdadagdag ng banlik na dala ng
umaagos na tubig sa isang lugar.
_____________19. Tumutukoy sa malalayong lugar sa urbanisadong lugar ngunit
apektatdo ng pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod.
_____________20. Ito ay sanhi Algal Blooms ng mga organismo na umaabot ng
milyon sa dami sa isang mililitro ng tubig.

Panuto: Ipaliwanag ang hinihinging kasagutan ng mga katanungan. (2pts)


21. Kailan maituturing na suliranin ang isang Kontemporaryong Isyu?
22. Bakit madalas na nagiging sanhi ng diskusyon ang ilang Kontemporaryong Isyu sa
bansa?
23. Sa pagsusuri ng mga Kontemporaryong Isyu, ano ang dapat maging batayan ng
mga datos?
24. Bakit dapat nating suriin ang mga uri ng pahayag sa ating mga sanggunian?
25. Bakit mahalaga ang balanseng pagapapahayag ng mga Kontemporaryong Isyu?

You might also like