Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Message of

PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR


Chief of the Philippine National Police
Barangayanihan
SCPPO Covered Court, Brgy. Morales, City of Koronadal, South Cotabato
August 22-24, 2021

Isang masaganang umaga/hapon po sa inyong


lahat na nandirito; sa ating mga pinakamamahal na
mga bisita; sa ating mga napiling recepients; at
syempre sa mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang
grupo ng adbokasiya na nandirito ngayon upang
magbigay ng suporta sa ating programa, ang
BARANGAYANihan (Bayanihan sa Barangay) na
sabay-sabay nang inilunsad sa iba’t ibang bahagi
ng Pilipinas.

Kung hindi nyo po naitatanong, ang


inisyatibang ito ay ipinapakita ang likas na pagiging
matulungin ng mga PIlipino lalo na sa panahon ng
pandemya. Mahalaga ang proyektong ito upang
makatulong sa mga nawalan ng trabaho at
pagkakakitaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ako ay higit na nagagalak na dahil sa


proyektong ito, ang hanay ng kapulisan, kasama

1
ang ating mga stakeholders, ay nagtutulungan at
nagkakaisa. Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa,
mas lalong lumalakas ang ating samahan laban sa
ano mang sakuna, kriminalidad at katiwalian.

Sakop ng BARANGAYanihan ang lahat ng


police-community relations support activities upang
pag-ibayuhin ang Bayanihan spirit ng kapulisan at
mamamayan.

Sa katunayan, matagal nang isinasagawa ang


BARANGAYanihan tulad ng Kapwa Ko, Sagot Ko,
Community Feeding Program; Adopt-a-Family
Program; PNP Food Bank at iba pang support
services ng mga nakaraang administrasyon.

Ang proyektong din ito ang magpapalawak at


magpapatibay ng ugnayan ng ating mga kababayan
sa komunidad para labanan ang pandemya at
gayundin ang krimen, terorismo, at droga.

2
Kaya naman po ang Philippine National Police
ay patuloy at di magsasawang magbigay ng buo at
tapat na serbisyo sa sambayanang Pilipino. Sa
bawat sandali ng aming paglilingkod, ang ating
Kapulisan ay nagsusumikap upang ang antas ng
aming serbisyo ay mapabuti.

Sa mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang


Advocacy Groups, ipagpatuloy lang po natin na
palakasin ang ating ugnayan tungo sa iisang
hangarin na magkaroon ng ligtas at maunlad na
pamayanan.

Maraming salamat po sa pagtangkilik sa aming


napakahalagang programa at nawa’y ang mga
mumunting tulong na ito ay makapagbigay ng saya
sa inyong araw.

Mag-ingat po tayo palagi. May God bless us all!

You might also like