Pansamantala Lamang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pansamantala lamang

“Haaay buhay! Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan kasabay ng pagbigkas ng mga katagang ito
habang ako ay nakatulala at nasa malalim na pag-iisip. Isa lang naman ang nag-udyok sa akin upang
humantong sa ganito – mga problema ng buhay ng tao. Hindi madali ang pagharap sa buhay at ang
pakikipagnegosasyon nito. Komplikado kasi. Aking napapansin sa aking paligid ay may mga taong
nasasaktan dahil napag-iwanan, mayroong naloko at nagpaloko, mayroon ring mga taong takot, takot
sumugal at sumubok dahil baka sa huli ay masaktan. Haaay buhay nga naman! Puro na lang ba
pagdurusa, pasakit, away, pagluha at problema?

Habang ako ay patuloy na nagmumuni-muni at nakatulala, isang bote… Oo, bote! Ang nakaagaw ng
aking pansin. Ito ay nasa isang sulok, walang takip at nangangalawang, unti-unti ng nabubura ang kulay
at mga salitang nakasulat nito. Ito ay dinadaanan lamang ng mga tao at minsan ay nagagalaw dahil
natatabigan ng kanilang mga paa, “kawawang bote.” Halatang ilang araw na itong naka-istambay sa
isang sulok at marami ng napagdaanan.

Ang boteng ito ay ang naging dahilan ng kasiyahan at kalangkutan ng isang tao. Kasiyahan? Oo,
kasiyahan. Kasiyahang dulot ng isang bote ng alak o ng softdrinks. Maraming tao ang sumasandal sa
isang bote ng alak upang mapawi ang mga ipinapasang mabibigat na problema o di kaya ay ang pag-
inom ng mga softdrinks upang maibsan ang labis na nararamdamang uhaw at init. Ngunit, kapag naubos
na ang laman, balik na naman sa dating kalungkutan at pagkauhaw dahil pansamantala lamang ito.

Kalungkutan? Ito ang naging dahilan kung bakit labis ang paghihinagpis ng mga mahal nila sa buhay
habang nakaharap sa taong nakahimlay dahil sa sakit na idinulot nga mga laman ng boteng ito. May
malaking epekto sa buhay ng tao ang pag-inom ng alak o ng mga softdrinks. Ang pag-inom ng mga ito ay
nakapagdudulot ng pansamantalang kasiyahan lamang dahil lahat ay may katapusan at hantungan tulad
na lamang ng isang bote.

Dahil sa isang bagay, aking napagtanto at nakitaan ng pag-asa na sa buhay, hindi lamang puro pagdurusa
kundi may bahid ring kasiyahang nadarama. Habang ang aking mga mata ay nakatitig sa iisang bote.
Napansin kong may malalaking yabag ng paa ang paparating sa kinaroroonan ng bote na naging dahilan
paglikha nito ng tunog at pagkatumba. Nabasag ang bote at may malalaki ang maliliit na bubog ang
nakakalat. Isang senyales ng pagwawakas ng buhay ng isang bote. Tulad ng bote, pansamantala lamang
ang lahat. “Haay buhay!”

You might also like