Professional Documents
Culture Documents
Sikolohiyang Filipino
Sikolohiyang Filipino
Sikolohiyang Filipino
Ang pag-usbong ng Sikolohiyang Pilipino ang siyang patunay na ang bansang Pilipinas
ay natatangi dahil may sarili itong pagkakakilanlan. Ito ay nakaugat sa ating kasaysayan at hindi
mabubuo ang sikolohiyang unibersal kung hindi mapag-aaralan ang sikolohiya ng iba’t-ibang
tao sa iba’t-ibang bansa. Bagaman gumagamit tayo ng banyagang konsepto tulad ng mga
teyorya ng mga kilalang personalidad sa larangan ng sikolohiya, malaking bagay pa rin ang
pagkakaroon ng sikolohiya na naaayon sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Ito rin ang
magsisilbing aydentidad ng mga Pilipino bilang parte ng Pilipinas. Talaga nga namang mas
mainam pag-aralan ang mga teyorya na mauunawaan ng komunidad at mga bagay na
nasasalamin sa reyalidad na nagaganap sa loob ng bansa at hindi lamang limitado sa
karanasan ng mga dayuhan.
Mga Sanggunian: