Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 3

Learning Area: FILIPINO Module No: 1 Week: 1 Date:


MELCs:
 Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Layunin:
1. Nakagagamit ng pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid.
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang konseptong nalalaman mo
tungkol sa mga pangngalan at magbigay ng mga halimbawa nito.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 2.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang panuto gayundin ang
mga pamimiliang sagot kung ang iyong anak ay hindi pa masyadong matatas sa pagbabasa.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang pagbabalik-
aral sa kanyang kaalamang natutuhan na nakaraang baitang. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga
katanungan.
Tandaan: Hayaang ang bata ang magbigay ng sagot. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at
alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o natalakay na noon.
TUKLASIN
 Isang talata ang kailangang punan ng angkop na pangngalan upang ito ay mabuo. Gamiting gabay ang
mga larawan.
Tandaan: Ang mga patlang ay mapupunan kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng talata. Habang
binabasa ang talata ay maaari ka nang magtanong sa bata upang masiguradong nauunawaan niya ang
kanyang binabasa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin nito ang nilalaman
ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawain ang dalawang uri ng Pangngalang mababasa sa pahina 5.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang dalawang uri ng Pangngalan para sa malinaw na
pagkaunawa sa mga araling ito. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong
anak.
PAGYAMANIN
 Sa bahaging ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Mayroong
dalawang pagsasanay (Gawain A at B) ang kanyang dapat sagutan sa pahina 6.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay. Sundin
nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 7.
Kinakailangang nilang kumpletuhin ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Maaaring gabayan ang bata kung siya ay nahihirapan sa pagtukoy ng tamang sagot.
ISAGAWA
 Sa bahaging ito, gamitin ang bawat larawan na makikita sa pahina 8-9 upang makasulat ng isang
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat ng
pangungusap gamit ang larawan. Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina
10-11.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 12-13 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang
papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

_______________________________ _____________________________
Guro I Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like