Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 3

Learning Area: FILIPINO Module No: 2 Week: 2 Date:


MELCs:
 Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Layunin:
1. Nakagagamit ng naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang konseptong nalalaman mo
tungkol sa mga pangngalan at magbigay ng mga halimbawa nito.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 2. Kilalanin ang mga taong tinutukoy sa bawat
bilang batay sa iyong naunang kaalaman o karanasan sa pamilya. Piliin mula sa kahon ang tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang panuto gayundin ang
mga pamimiliang sagot kung ang iyong anak ay hindi pa masyadong matatas sa pagbabasa.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang pagbabalik-
aral sa kaniyang kaalamang natutuhan sa nakaraang aralin. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga
katanungan sa pahina 3.
Tandaan: Hayaang ang bata ang pumili ng letra ng kanyang sagot. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip
ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o natalakay na noon.
TUKLASIN
 Basahin ang teksto na makikita sa pahina 11 o di kaya ay i-play ang naka-record na tekstong binasa ng
guro na may pamagat “Ang Pamilyang Nagkakaisa” na isinulat ni Helen A. Bustamante. Matapos nito
ay may mga pamprosesong tanong na sasagutin ang iyong anak tungkol sa teksto na makikita sa
pahina 4.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng teksto.
Habang binabasa ang teksto ay maaari ka nang magtanong sa bata upang masiguradong nauunawaan
niya ang kanyang binabasa.

SURIIN
 Sa bahaging ito, mas mauunawaan mo ang ideya nito kung iyong gagamitin ang naunang kaalaman at
karanasan mo.
Tandaan: Tiyaking maayos na mababasa ang teksto at masusuri ito para sa malinaw na pagkaunawa sa
mga aralin. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
 Sa bahaging ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Basahin
ang teksto na makikita sa pahina 12 na may pamagat “CoVid-19” na isinulat ni Helen A. Bustamante at
sagutan ang mga tanong tungkol dito na makikita sa pahina 5-6.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay. Sundin
nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 7.
Kinakailangang punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Maaaring gabayan ang bata kung siya ay nahihirapan sa pagtukoy ng tamang sagot.
ISAGAWA
 Basahin sa pahina 11 ang tekstong may pamagat “Tungkulin sa Tahanan” na isinulat ni Helen A.
Bustamante. Sagutin ang mga katanungan sa pahina 7-8 matapos basahin ang teksto. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa
bawat katanungan. Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Sa bahaging ito ay masusukat kung naunawaan ba ng bata ang aralin sa tulong ng tekstong babasahin sa
pahina 12 “Ang Kahalagahan ng Tubig” na isinulat ni Helen A. Bustamante. Sagutin ang mga
katanungan sa pahina 9 matapos basahin ang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahaging ito subalit napakahalaga na ang
sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Basahin ang teksto sa pahina 12 “Pangarap ni Raprap” isinuluat ni Helen A.
Bustamante at sagutan ang bawat tanong na makikita sa pahina 10 ng modyul. Ang sagot ay isusulat sa
sagutang papel.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

_______________________________ ________________________
Guro I Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like