Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FILIPINO 3

FILIPINO 3
(MODYUL 3)
Unang Hakbang, LINGGO 3
“Alamat ng Makahiya” at “Pamantayan sa pagbabaybay”

_________________________ _________________________ ___________


PANGALAN PIRMA NG MAGULANG PUNTOS

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 1
FILIPINO 3

TALAAN NG NILALAMAN
I- LAYUNIN...........................................................................................................................3
II- PANIMULANG PAGSASANAY....................................................................................3
III- PAGTATALAKAY...........................................................................................................4
Pamantayan sa Pagbabaybay..............................................................................................4
Ang Alamat ng Makahiya....................................................................................................4
IV- MGA PAGSASANAY.......................................................................................................7
V- PAGSUSURI......................................................................................................................9

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 2
FILIPINO 3

I- LAYUNIN

Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam na sa araling ito ay matututunan ang


Alamat ng makahiya at atin rin tatalakayin ang Pamantayan sa pagbabaybay. May
mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol
dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makagagamit ng unang


kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng nabasang teksto. Ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

A. naaalala ang mga impormasyon at mga detalye ng binasa,

B. nagagamit ang kaalaman sa pagbabaybay, at

C. natutukoy ang mga pamantayan sa pagbabaybay.

II- PANIMULANG PAGSASANAY

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang bilog na nagsasabi ng pagigig kaibigan ng


kalikasan.

1. Pumitas ng mga dahon at bulaklak at gamitin ang mga ito sa inyong

paglalaro.

2. Tumulong sa pagdidilig ng inyong halaman.

3. Magtanim pa ng mas maraming puno at halaman.

4. Sawayin o pagbawalan ang mga batang naninira ng halaman.

5. Manghuli ng mga paruparo at ikulong sa garapong walang laman.

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 3
FILIPINO 3

III- PAGTATALAKAY

ARALIN 3:

“Alamat ng Makahiya”

Pamantayan sa Pagbabaybay

ALAMIN NATIN!

Ang Alamat ng Makahiya


Nakakita ka na ba ng makahiya? Ito ay halamang may pinong dahon at halos
nakadikit sa lupa. Madali mong makikilala ang halamang ito dahil kapag nasanggi ay
ititiklop nito ang mga dahon. Ang alamat na babasahin mo ay magsasabi kung saan
nagmula ang halamang ito. Halika, simulan na natin ang pagbasa.

Noong unang panahon, sa isang malayong bayan ay may nakatirang dalagang


nagngangalang Maria. Maliban sa pagiging maganda ay kilala rin si Maria sa dalawa
pang katangian. Una, siya ay sobrang mahiyain at pangalawa, siya ay mapagmahal sa
mga halaman.

Hindi umaalis ng bahay si Maria. Kung lumabas man ay sa bakuran lang para
alagaan ang kanyang mga halaman. "Iyang si Maria ay maganda at masipag ngunit
napakamahiyain," sabi ng kapitbahay na si Aling Trining.

"00 nga. Nang minsang madaanan ko at batiin ay biglang nagtago sa loob ng


bahay," sang-ayon naman ni Aling Delia.

Walang naging kaibigan si Maria dahil hindi siya nakikipag-usap ngunit silå ng
kanyang mga halaman ay tila nagkakaintindihan. Napakagaganda lagi ng mga bulaklak
sa kanyang hardin. Minsan, may ilang malilikot na batang pumasok sa kanyang
bakuran at nanira ng mga halaman. Sa unang pagkakataon ay sumigaw si Maria.
Ayaw na ayaw niyang may sumisira sa kanyahg halaman. Pagkatapos nito'y naglagay

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 4
FILIPINO 3

siya ng mga tinik sa paligid ng bakuran para mapigilang pumasok ang mga batang
malilikot.

Isang araw ay hindi nakita ng mga kapitbahay si Maria sa hardin. Sa ikalawa


at ikatlong araw ay nag-alala na ang mga kapitbahay. "Bakit kaya hindi na lumalabas
si Maria? Hindi kaya siya ay nagkasakit?" tanungan ng mga ito sa isa't isa.

Dahil sa pag-aalala ay pumasok ang mga kapitbahay sa bakuran ni Maria.

"Maria! Maria! Nasaan ka ba?" sigaw nina Aling Trining at Aling Delia. Walang
sumasagot kaya't pumasok sila sa loob ng kubo. Maliit lang ang kubo at makikita
kaagad kung may tao sa loob o wala. Maayos ang loob nito ngunit wala si Maria.

Lumabas sila sa hardin nang biglang mapasigaw si Aling Trining.

"Aray! Ang sakit naman ng tinik na ito? Ano ba ito?" sabi niya sabay yuko
upang tingnan ang natinik na paa, Napayuko rin ang iba niyang kasamahan at nagulat
sila sa nakita. Isang halamang halos nakadikit sa lupa at may pinumpinong dahon ang
kanilang nakita. May pinong tinik din ito na nakapalibot sa kanyang mga sanga. Nang
madikit ang paa ni Aling Trining ay biglang tumiklop ang mga dahon ng halaman.

"Ngayon lang akö nakakita ng ganitong uring halaman. Napakamahiyain naman


nito. Nasanggi ko lang ay tumiklop na. At parang ayaw palapitin ang mga tao sa mga
halaman dahil sa mga tinik nito, Parang si Maria," sabi ni Aling Trining.

Hindi na uli nakita sa nayon si Maria. Ang mahiyaing halamang tumubo sa


palibot ng kanyang halamanan ay lumago pa kaya lalong naniwala ang mga kapitbahay
na ito na nga si Maria.

Pinangalanan nilang makahiya ang halamang ito mula sa unang pantig ng


pangalang Maria at idinugtong ang salitang kahiya dahil sa kanyang sobrang
pagkamahiyain.

Pamantayan sa Pagbabaybay

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 5
FILIPINO 3

A. PASALITANG PAGBAYBAY

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibigsabihin ay isa-


isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo
ng isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, at
iba pa.

Halimbawa: Pasulat Pabigkas

Bata /bi-ey-ti-ey/

Pedro /kapita pi-i-di-ar-o/

B. PASULAT NA PAGBAYBAY

1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng salitang mula sa ibang katutubong wika


sa Pilipinas.

Halimbawa: cabalen, salitang pampango na ang ibig sabihin ay kababayan

Layok, salitang maranao na ang ibig sabihin ay kaibigan

2. sa pagbabaybay ng mga hiram na salita mula sa banyagang wika, panatilihin


ang orihinal nitong anyo.

Halimbawa: bouquet, pizza, French fries, samurai

3. Sa pagbabaybay ng mga salitang mula sa Espanyol. Baybayin ito ayon sa


ABAKADA.

Halimbawa: pamilya hindi familia makina hindi maquina

tseke hindi cheque

4. Sa pag-uulit ng salitang nagtatapos sa e, hindi ito dapat palitan ng


letrang i.

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 6
FILIPINO 3

Halimbawa: berde - berdeng-berde

libre - libreng-libre

5. Sa pag-uulit ng letrang nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng


letrang u.

Halimbawa: ano - ano-ano

sino - sino-sino

IV- MGA PAGSASANAY

GAWIN NATIN!

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na tanong.

1. Ano pa ang isang katangian ni Maria maliban sa pagiging labis na mahiyain?

a. Siya ay palakaibigan.

b. Siya ay mapagmahal sa halaman.

c. Siya ay malakas at matapang.

2. Ano ang ginawa ni Maria nang minsang batiin siya ng mga kapitbahay?

a. Binati niya rin sila. c. Sumigaw siya.

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 7
FILIPINO 3

b. Nagtago siya.

3. Bakit nagpunta ang mga bata sa halamanan ni Maria?

a. Gusto nilang humingi ng halaman.

b. Gusto nilang sirain ang mga halaman.

c. Gusto nilang magtanim din ng halaman.

4. Paano ipinakita ni Maria na ayaw niya ang ginawa ng mga bata?

a. Sinigawan niya ang mga bata.

b. Binato niya ang mga bata.

c. Isinumbong niya sa mga pulis ang mga bata.

5. Bakit nagtaka ang mga tao isang araw?

a. Biglang naging palabati na si Maria.

b. Lumalabas na lagi ng bahay si Maria.

c. Hindi na nila nakitang lumabas ng bahay si Maria.

V- PAGSUSURI

TINGNAN KUNG NAINTINDIHAN!

Palawakin!
D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 8
FILIPINO 3

Panuto: Magbigay ng salita na halimbawa ng tamang pagbabaybay. Pasalitang


pagbabay man o pasulat na pagbaybay.

1. _______________________________

2. _______________________________

3. _______________________________

4. _______________________________

5. _______________________________

D H A Y F U L L A H I S L A M I C I N S T I T U T E F O U N D A T I O N, I N C. 9

You might also like