Copy of Modyul 2 AP10 Ikatlong Markahan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 2: Gender Roles sa Iba’ t
ibang Bahagi ng Daigdig
Modyul Gender Roles sa Iba’t ibang
2 Bahagi ng Daigdig

Ikalawang Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at


hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

Kakayahan:

Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa


iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Paksa: Gender Roles sa iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Subukin

Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan


ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti na
sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya ukol sa
kung ano ang paksang nakapaloob sa modyul na ito.

PAALALA: Pag-aralang mabuti ang bawat gawain sa ibaba at bigyang-halaga


ang mga aralin. Gayundin, maging matapat sa pagtugon ng mga tanong
kaugnay dito.

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Anong bansa sa Africa ang unang nabigyan ng karapatang makaboto ang


mga kababaihan?
A. Algeria B. Sudan C. Egypt D. Libya

2. Sino sa mga sumusunod ang nakakaranas ng paghihigpit ng lipunan sa


mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
A. lalaki B. matanda C. bata D. babae at LGBTQ+

3. Anong organisasyon ang nagsabi na walang benepisyong medikal ang


makukuha sa pagsasagawa ng FGM?
A. UNO B. UNICEF C. WHO D. IATF

2
4. Isang pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na kapwa matapang at
bayolente ang mga lalaki at babae
A. Mundugumor B. Tchambuli C. Arapesh D. Bantu

5. Ang mga pangkulturang pangkat na Arapesh, Mundugumor at Tchambuli


ay matatagpuan sa bansang ito…
A. Saudi Arabia B. South Africa C. Papaua New Guinea D. Senegal

6. Ano ang pinaka-unang bansa sa Kanlurang Asya ang nabigyan ng


karapatang makaboto ang mga kababaihan?
A. Syria B. Yemen C. Oman D. Iraq

7. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan na walang benepisyong


medikal
A. Foot binding C. Female Genital Mutilation
B. Tubal ligation D. Cervical Pap Smear

8. Ano ang ginagawa sa mga lesbian sa bahagi ng South Africa para mabago
ang kanilang oryentasyong seksuwal?
A. ipapakulong C. ipa gang rape
B. ihuhulog sa bangin D. wala sa pagpipili-an

9. Bahagi ng kultura ng bansang ito ang pagbabawal sa kababaihan na


magmaneho na walang pahintulot mula sa pamilya o kamag-anak
A. Papua New Guinea C. South Africa
B. Cameroon D. Saudi Arabia

10. Sa pag-aaral na ginawa ng mag-asawang antropologo na Mead at Fortune,


ano ang kanilang natuklasan ukol sa pangkat ng mga Arapesh?
A. may disenteng kasuotan C. mahilig sa digmaan
B. walang pangalan ang tao D. nakatira sa mga kuweba

11. Ayon sa inilabas na datos ng World Health Organization (2016), gaano


karami ang biktima ng FGM sa mga bansa sa Africa, Asya at Middle East?
A. lampas 200M C. lampas 500M
B. lampas 300M D. lampas 400M

12. Ano ang pangunahing layunin sa pagsasagawa ng female genital


mutilation?
A. pagsunod sa kultura at paniniwala
B. upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay makasal

13. Ano ang naganap sa ikalawang bahagi ng ika-2 siglo sa mga bansa ng
Africa at Kanlurang Asya?
A. payagan ang mga babae na makaboto
B. payagan ang mga babae na makapaglakbay
C. payagan ang mga babae na makapagtrabaho
D. payagan ang mga babae na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan

3
14. Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Mead at Fortune ukol sa pangkulturang
pangkat, ano ang kinagigiliwang gawin ng mga kalalakihan sa pangkat ng
mga Tchambuli?
A. Mahilig maghanap ng pagkain.
B. Mahilig pumunta sa ibang lugar.
C. Mahilig mag-ayos sa sarili at magkwento.
D. Mahilig makipagdigmaan sa ibang pangkat.

15. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagiging dominante ng mga


kababaihan sa pangkat ng Tchambuli ayon sa pag-aaral nina Mead at
Fortune?
A. sila ay nagbibigay ng anak
B. sila ang pinuno ng pangkat
C. sila ay mga mukhang lalaki
D. sila ang naghahanap ng pagkain

Aralin 1: Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Alamin

Malugod na pagbati mga mahal kong estudyante, muli natin tuklasin


ang mga bagong kaalaman na nakapaloob sa modyul na ito. Simulan na natin
ang paglalakbay.

Matutunghayan mo sa araling ito ang paksang gender roles sa iba’t


ibang bahagi ng daigdig. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto
kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. nasusuri ang mga gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig;


2. naihahambing ang iba’t ibang pangkulturang pangkat; at
3. napahahalagahan ang kaalaman ukol sa gender roles sa iba’t ibang
lipunan sa mundo.

4
Panimulang Gawain

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba at basahin ang gabay na tanong
na nasa loob ng bote upang mabuo ang mga ginulong titik (jumbled letter).
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

PGAAMAMOHEN BGAOPTO MFG

1. Ang ipinagbabawal 1. Pinayagan na


sa mga kababaihan sa 1. Isang proseso ng
makasali ang mga
Saudi Arabia pagbabago sa ari ng
kababaihan sa Africa at
kababaihan sa mga
Kanlurang Asya noong
bansa sa Africa at
ikalawang bahagi ng
Kanlurang Asya.
ika 2 siglo
Kasagutan:
Kasagutan: Kasagutan:
___________________
__________________ __________________

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang mga salita ang iyong nabuo?


2. Ano ang epekto ng mga sitwasyon na ito sa mga kababaihan at sa
lipunan?

Tuklasin at Suriin

Sa nakaraang aralin, natutuhan ninyo ang konsepto ng kasarian. Sa


aralin na ito matutunghayan ninyo ang mga gampanin ng mga kababaihan,
kalalakihan at LGBTQ+ sa lipunan na kanilang ginagalawan. Tara ! tuklasin
at suriin ang mga ito.

5
GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO

Africa at Kanlurang Asya

Sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya, mahigpit ang lipunan para


sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+. Matagal
ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-2-
siglo nang payagan ng ibang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae
na makaboto. Nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga
kababaihan. Noong Disyembre2015 ay pinayagan na makaboto ang mga
kababaihan sa Saudi Arabia.

Talahanayan 2.1 Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa


Kababaihan

Kanlurang Asya Africa


Lebanon 1952 Egypt 1956
Syria 1949 , 1953 Tunisia 1959
Yemen 1967 Mauritania 1961
Iraq 1980 Algeria 1962
Oman 1994 Morocco 1963
Kuwait 1985, 2005 Libya 1964
Sudan 1964

1. Ano ang ipinapakita ng talahanayan?


2. Anong bansa sa Africa ang unang nabigyan ng karapatang
bumoto ang mga kababaihan?
3. Ano ang implikasyon sa pagbibigay ng karapatang bumoto ng
mga kababaihan sa Kanlurang Asya at Africa?
4. Naging pantay ba ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
sa Kanlurang Asya at Africa?
5. Kung ikaw ang nasa katayauan ng mga mamamayan sa
Kanlurang Asya at Africa, makatarungan ba ang pagbibigay ng
karapatang makaboto ang kababaihan? Ipaliwanag.

Bukod sa hindi pagboto, may


pagbabawal din sa mga babae na
magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag-anak na lalaki
(asawa, magulang o kapatid). Ang
paglalakbay rin ng mga babae ay
napipigilan
sapagkat may iilang bansa na hindi
pinapayagan ang mga babae na
maglakbay na mag-isa dahil sa
nahaharap sa malaking banta ng
pang-aabuso (seksuwal at pisikal)

6
Ayon sa datos ng World Health
Organization (WHO), “more than 200 million
girls and women alive today have been cut in the
30 countries in Africa, Asia and the Middle East
where FGM is concentrated (2016)”.

Ang Female Genital Mutilation ay


isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda). Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Napatunayan
ng WHO na walang benepisyong medikal
ang FGM sa mga babae na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at
maging kamatayan. Ngunit patuloy pa rin
ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang
kanilang ginagalawan. Ang ganitong
gawain ay maitututring paglabag sa
karapatang pantao ng kababaihan.

Sa bahagi ng South Africa may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Ayon
sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong 2011 may
mga kaso ng karahasan na nagmumula mismo sa pamilya ng mga miyembro
ng LGBTQ+.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


Sa Papua New Guinea nakatagpo ng pangkulturang pangkat ang mag-
asawang antropologo na sina Margaret Mead at Reo Fortune. Ang mga
pangkat na ito ay ang Arapesh, Mundugumor at Tchambuli.

Sa pag-aaral na kanilang ginawa napag-


alaman nilang walang mga pangalan ang
mga tao sa Arapesh (kilala din sa tawag na
“Tao”) at napansin nilang mapag-aruga sa
kanilang mga anak, matulungin, mapayapa
at kooperatibo sa kanilang pamilya at
pangkat ang mga babae at lalaki.

7
Ang mga Mundugumor (kilala din sa tawag na
“Biwat”) ay kapwa agresibo, matapang, bayolente at
naghahangad ng kapangyarihan ang lalaki at babae
sa kanilang pangkat.

Ang Tchambuli (kilala


din sa tawag na “Chambri”) may magkaibang
gampanin ang lalaki at babae, dominante ang
mga kababaihan sa dahilan na sila ang
naghahanap ng makakain para sa pamilya
habang abala naman sa pag-aayos sa kanilang
sarili at mahilig sa kwento ang kalalakihan.

Isagawa/Pagyamanin

Panuto: Punan ng kaukulang impormasyon ukol sa gampanin ng mga


kababaihan at kalalakihan sa panlipunang pangkat ng Papua New
Guinea ang mga bote at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba sa inyong sagutang papel.

ARAPESH MUNDUGUMOR TCHAMBULI

Gampanin ng Babae at Lalaki Gampanin ng Babae at Lalaki Gampanin ng Babae at Lalaki

Pamprosesong Tanong:

1. May pagkakatulad ba ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa


mga panlipunang pangkat na nabanggit? Patunayan.
2. Pantay ba ang gampanin ng mga lalaki at babae sa panlipunang pangkat ng
Papua New Guinea? Ipaliwanag.

8
Isaisip

Panuto: Punan ng mga kaukulang salita upang mabuo ang mga konseptong
nakapaloob at sagutin ang mga tanong sa ibaba sa inyong sagutang
papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon
kalalakihan LGBTQ+ kababaihan 200M
proseso sikolohikal pagboto medikal

Mahigpit ang lipunan para sa mga babae at lesbian sa mga rehiyon ng


Africa at Kanlurang Asya. Matagal na panahon ang hinintay ng mga __________
para makalahok sa proseso ng __________.
Ang Female Genital Mutilation ay isang __________ sa pagbabago sa ari
ng kababaihan. Napatunayan ng World Health Organization na walang
benepisyong __________ sa mga babae. May lampas __________ kababaihan ang
biktima ng Female Genital Mutilation sa 30 na bansa sa Africa, Asya at Middle
East.

Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan at lesbian sa mga
rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
2. Makatarungan ba ang paghihigpit na nararanasan nila? Ipaliwanag
3. May kabutihan bang naidudulot sa mga kababaihan ang female genital
mutilation?

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang ibang katawagan para sa mga Arapesh?


A. Biwat B. Liwat C. Chambri D. Tao

2. Ano ang naidudulot ng female genital mutilation sa mga kababaihan sa


Africa?
A. walang medical na benepisyo C. nagdudulot ng impeksyon
B. nagdudulot ng pagdurugo D. lahat ng nabanggit

3. May mga kaso na ipinapagahasa ang mga lesbian sa bahagi ng bansang ito,
aling bansa ang tinutukoy?
A. Jamaica B. Saudi Arabia C. South Africa D. Sierra Leone

4. Anong uri ng pakikitungo ang nararanasan ng mga kababaihan at


miyembro ng LGBTQ+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
A. maganda B. matiwasay C. maayos D. mahigpit
9
5. Ang Arapesh, Mundugumur at Tchambuli ay mga pangkulturang pangkat
sa Papua New Guinea, ano ang ibang katawagan sa pangkat ng
Mundugumor?
A. Biwat B. Liwat C. Chambri D. Tao

6. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pangkulturang pangkat na


Arapesh maliban sa:
A. mapag-aruga sa mga anak C. matulungin sa pamilya
B. matapang ang lalaki at babae D. matulungin sa pangkat

7. Bakit may mga bansa pa rin na nagpapatuloy sa pagsasagawa ng female


genital mutilation?
A. impluwensiya ng tradisyon C. implwensiya ng medisina
B. impluwensiya ng paniniwala D. wala sa pagpipilian

8. Ano ang dahilan sa pagiging dominante ng mga kababaihan sa pangkat ng


Tchambuli?
A. sila ang nagbibigay ng anak C. sila ay mukhang mga lalaki
B. sila ang pinuno ng pangkat D. sila ang naghahanap ng pagkain

9. Sa anong dahilan isinasagawa ang female genital mutilation?


A. pagsunod sa kultura at paniniwala
B. upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay makasal

10. Ano ang iginawad sa mga kababaihan sa bansang Lebanon noong 1952?
A. karapatang makapaglakbay sa ibang bansa
B. karapatang makapag-asawa ng dayuhan
C. karapatang makasali sa mga pamamalakad sa lipunan
D. karapatang makasali sa pagboto ng mga pinuno ng bansa.

11. Ano ang kinagigiliwang gawin ng mga kalalakihan sa pangkat ng mga


Tchambuli?
A. pag-aayos sa sarili
B. paghahanap ng pagkain
C. paghahanap ng mga alipin
D. pakikipagdigmaan sa ibang pangkat

12. May mga kaso sa iilang bansa kung saan ipinagagahasa ang mga lesbian,
bakit kaya isinasagawa ito?
A. dahil sa kanilang kultura
B. dahil sa kanilang paniniwala
C. upang dumami ang kanilang populasyon
D. paniniwalang mabago ang oryentasyong sekswal

13. Ano ang sinabi ng World Health Organization ukol sa female genital
mutilation na nagaganap sa Africa, Asya at Middle East?
A. nakapagpapababa sa populasyon ng bansa
B. nakapagpapabago sa oryentasyong seksuwal
C. walang makukuhang medikal na benipisyo ito
D. nakapagbibigay ng takot sa mga kabataan at matatanda

10
14. Ano ang dahilan sa pagiging matapang, agresibo at dominante ng mga
kababaihan at kalalakihan sa pangkat ng mga Mundugumor?
A. dahil kapwa sila naghahanap ng pagkain
B. dahil kapwa sila nagpapaligsahan sa posisyon
C. dahil kapwa sila naghahangad ng kapangyarihan
D. wala sa pagpipilian

15. May mga bansa na nagbabawal sa mga kababaihan na magmaneho ng


sasakyan, alin sa mga sumusunod ang dahilan nito?
A. maiwasan ang sakuna sa kalye
B. maiwasan ang banta ng pang-aabuso
C. maiwasan ang pagkakaroon ng kakilala
D. maiwasan ang pagkikita sa mga lalaki

Karagdagang Gawain

Sa pagtatapos, ibahagi ang iyong saloobin tungkol sa aralin at sagutin


ang bawat sitwasyon gamit ang pormat sa ibaba.

Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon at ibigay ang iyong saloobin

Nakatulong o Hindi
Mga Sitwasyon Paliwanag
Nakatulong
1. Pagtatrabaho ng mga
babae sa mga trabahong
panlalaki.
2. Pagkakaroon ng mga
pinunong babae sa ating
lipunan
3. Pagbibigay ng karapatang
makaboto ang mga
kababaihan
4. Pagpapatuloy ng female
genital mutilation
5. Pagpapagahasa sa mga
lesbian para mabago ang
oryentasyong seksuwal

11
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Gawain: ISAISIP:


Pamprosesong Tanong 1. kababaihan
1. PAGMAMANEHO 2. pagboto
2. PAGBOTO 3. proseso
3. FGM 4. medikal
5. 200M

Sanggunian

 Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon


City: Rex Printing Company Inc.

 Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

Mga larawan:
 https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2017/09/D-
1.jpg?fit=1152%2C648&ssl=1
 https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSW0i_co8cvs9EfblkFV-
zPzJV6vFS9ir5QqA&usqp=CAU
 https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2013/05/Mary-Anne-
Granada_last-person-to-cast-vote_Angel-Tesorero.jpg
 https://girlsglobe.files.wordpress.com/2013/02/fgm.jpg
 https://i2.wp.com/www.healthnews.ng/wp-
content/uploads/2019/12/FGM.jpg?fit=1024%2C575
 https://i2.wp.com/newspeakonline.com/wp-content/uploads/2018/11/image-
34.jpg?fit=450%2C325&ssl=1

12

You might also like