Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 5: Mga Isyu ng Karahasan
at Diskriminasyon
Modyul Mga Isyu ng Karahasan at
5 Diskriminasyon

Ikalimang Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at


hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

Kakayahan:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.

Paksa: Mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Subukin

Isa na namang makabuluhang linggo sa inyo mga butihin kong


estudyante. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at handa na namang
matuto. Pero bago natin umpisahan ang paglalakbay sa aralin ay subuking
sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Ooooppps! isang paalala: huwag
munang buksan ang mga bahagi ng modyul. Mangyari maging tapat sa sarili
at pahalagahan ang pag-aaral.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ayon sa ulat ng The Philippines LGBT Hate Crime Watch, sa anong paraan
ang ikinasawi ng mga miyembro ng LGBT?
A. pagbaril B. pananaksak C. panggugulpi D. pagbibigti

2. Sino sa mga sumusunod ang nakararanas ng karahasan?


A. kababaihan C. LGBTQ+
B. kalalakihan D. lahat ng pagpipilian

3. Ayon kay Hillary Clinton ang mga LGBT ay kabilang sa…


A. invisible minority C. visible minority
B. invisible majority D. visible majority

4. Ang mga sumusunod ay kabilang sa seven deadly sins against women


maliban sa
A. pananakit C. incest
B. pagnanasa D. sexual harassment

2
5. Ang hindi pagpapahintulot na makapagtrabaho ang isang babae ng walang
sapat na dahilan ay isang uri ng karahasan…
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

6. Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,


Leadership and Action ay kilala bilang…
A. Samahan ng Kababaihan C. Karapatan ng Kababaihan
B. GABRIELA D. Women’s Rights

7. Ano ang samahan sa Pilipinas na nangangalaga sa mga kababaihan laban


sa karahasan.
A. CHR C. GABRIELA
B. Rainbow Connection D. LUNATICS

8. Tinutukan ng baril ni Ginoong Fred ang kanyang maybahay. Ito ay isang


uri ng karahasang…
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

9. Nag-away ang mag-asawa at nagbabanta ang lalaki na ipagkakait


ang kanilang anak, anong uri ito ng karahasan?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

10. Napapanood sa telebisyon ang mga balitang may mga babae na biktima ng
panghahalay. Anong uri ng karahasan ang kanilang nararanasan?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

11. Ang pamboboso ay isang uri ng karahasan. Alin sa mga sumusunod


kabilang ito?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

12. Ito ang tawag sa sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o


kapangyarihan na maaaring isang pagbabanta o tinotoo at maaaring laban
sa sarili at sa kapwa.
A. Karahasan C. Kriminalidad
B. Diskriminasyon D. Panghahalay

13. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawang Fely at Ramon,


dahil sa matinding galit ay nasampal ni Ramon ang kanyang maybahay.
Anong karahasan ang nararanasan ni Fely?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

14. Ano ang layunin sa pagkakabuo ng The Philippine LGBT Hate Crime
Watch?
A. mapatawan ng kaukulang parusa ang mga gumagawa ng krimen
B. mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga biktimang homoseksuwal
C. masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mga
homoseksuwal
D. wala sa pagpipilian

3
15. Ang mga sumusunod ay istatisdika ukol sa karahasan ng mga kababaihan
maliban sa
A. 36 na porsyento ang nakaranas na pananakit na pisikal.
B. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
C. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal simula edad 15,
D. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas
ng emosyonal, pisikal at pananakit na seksuwal mula sa kanilang
mga asawa.

Aralin 1: Mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Alamin

Malugod na pagbati mga mahal kong mag-aaral, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang ating sisimulan sa linggong ito.

Sa pagkakataong ito isa na namang makabuluhang paksa ang pag-


uusapan natin at ito ay patungkol sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto kayo ay
inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang kahulugan ng karahasan;


2. Nasusuri ang iba’t ibang karahasan na nararanasan ng mga
kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+; at
3. Napahahalagahan ang epekto ng mga karahasan at diskriminasyon.

4
Panimulang Gawain

LARAWAN SURI: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga
pamprosesong tanong na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong mga kasarian ang nasa larawan?


2. Ano ang mga nararanasan nila?
3. Masasabi mo ba na ang karahasan ay walang pinipili na kasarian?
Bakit?

Tuklasin at Suriin

Sa nakaraang modyul pinag-uusapan natin ang patungkol sa mga teorya


at salik na naging dahilan sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa kalalakihan,
kababaihan at LGBTQ+ at nakilala rin ninyo ang mga personalidad na
nakaranas ng diskriminasyon. Bilang pagpapatuloy, sa linggong ito mapag-
uusapan natin ang mga isyu na may kinalaman sa karahasan at
diskriminasyon. Handa ka na ba?

5
Sa halos araw-araw na panonood ng telebisyon at sa
ilang buwan na pamamalagi sa loob ng bahay dahil sa Covid
19 akala ko matatapos na ang mga matutunghayan kong
balita ukol sa karahasan. Ngayon lamang, headlines ang
karahasan sa pagitan ng mga sundalo at pulis na naging
resulta sa pagkasawi ng mga sundalo na kasapi sa
Intelligence Force. Tila hindi natatapos ang mga karahasan
na nagaganap sa paligid. May mga karahasan na nagaganap
sa loob ng bahay mismo at naging biktima ang isa sa iyong
mahal sa buhay. Maaaring ang ina mo ay biktima ng
karahasan mula sa sarili mong ama…o di kaya kabaligtaran
na minsan hindi sasagi sa iyong isipan na magaganap…ang
ama mo ang nagiging under de saya ng nanay mo. Hindi
lamang sila ang maaaring biktima ng karahasan may mga
taong kabilang sa tinatawag na invisible minority ayon kay
Hillary Clinton. Sino ba ang mga taong kabilang sa invisible
minority? Sila ay ang mga tao na kabilang sa ikatlong
kasarian. Si Dodong na gustong maging si Inday…at si Inday
na gustong maging Dodong..nakakalito ano? Pero kahit sino
pa sila sa lipunan at ano man ang kanilang katayuan at
kasarian, nararapat lamang sila na respetuhin at ilayo o di
kaya huwag gawan ng karahasan… Ano nga ba ang
karahasan?

Karahasan ang tawag sa sinasadyang paggamit ng


lakas o puwersang pisikal o kapangyarihan na maaaring isang
pagbabanta o tinotoo at maaaring laban sa sarili, sa kapwa o
laban sa isang pangkat o kaya pamayanan na maaaring
kalabasan ng may mataas na kalamangan ng pagreresulta sa
kapinsalaan, kamatayan, kapahamakang pangsikolohiya o
depribasyon.

Mga Kaso ng Krimen na ang Nagiging Biktima ay LGBT

Ang The Philippine LGBT Hate Crime Watch ay isang samahang binuo ng
mga miyembro ng LGBT upang masubaybayan ang mga krimen na nagyayari
sa mga homoseksuwal. Subalit makikita sa kanilang pagsusuri na ang krimen
ay tumataas taon-taon.

6
Mga Biktimang Lesbian

Sa kabuuang ulat ng The Philippines LGBT Hate Crime Watch, 25% ng


pagpatay ay ginawa sa pamamagitan ng stab wounds at 15% naman ay
pagbaril. Ang madalas maging biktima ay 60% nasa edad na 25 hanggang 44
taong gulang. Taong 2011, anim sa 16 na lesbian ang napatay sa mga lugar sa
Mindanao. Makikita sa datos na ang Mindanao ang mapanganib na lugar para
sa mga lesbian.

mula sa ulat ng The Philippine LGBT Hate Crime Watch 2011

Mga Biktimang Gay

Maraming bilang ng krimen na ang biktima ay mga gay ang naiulat na


nangyari sa mga lugar sa Maynila. Kadalasang pinatay sa pamamagitan ng
saksak. Sa taong 2010 naiulat na may 26 na bakla ang napatay at 17 noong
2011. Nasa edad 25 hanggang 44 taon ang biktima ayon sa ulat ng The
Philippine LGBT Hate Crime Watch.

mula sa ulat ng The Philippine LGBT Hate Crime Watch 2011

7
Mga Biktimang Bisexual

Sa taong 2011, naiulat na dalawa sa apat na biktimang bisexuals ang


pinatay sa pamamagitan ng mga saksak at pawang sa Metro Manila nagaganap
ang mga krimen. (The Philippine LGBT Hate Crime Watch)

Mga Biktimang Transgender

Tinatayang 12 sa 26 na mga biktimang transgender ang naiulat na


nasawi sa kalakhang Maynila kung saan 6 sa 12 ito ay naging biktima ng
multiple stab wounds. (The Philippine LGBT Hate Crime Watch, 2011)

Seven Deadly Sins Against Women

Inilabas ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,


Integrity, Equality, Leadership and Action) isang samahan sa PIlipinas na laban
sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan.

1. Pambubugbog/pananakit
2. Panggagahasa
3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health
7. Sex trafficking at prostitusyon

Mga Uri ng Karahasan sa Kababaihan

halimbawa: pananakot ng pagpapakamatay,


Emosyonal o pinapahiya, sobrang pang-iinsulto, madalas na
Sikolohikal na pagmumura, stalking, paninigaw at iba pang mapang-
Pang-aabuso abusong pananalita, paninira ng gamit, panunutok ng
baril, pagkulong sa bahay, pagbabanta o aktwal ng
pagkait sa babae ng kanyang anak o pagbabanta na
saktan ang anak o magulang, pananakot

Ekonomik o halimbawa: di pinapayagang magtrabaho ang babae ng


Pinansiyal na walang sapat na dahilan; di sinusuportahan ang babae
Pang-aabuso at mga anak

halimbawa: pamimilit gumawa ng mga sekswal na


Sekswal na bagay, pamboboso, pambabastos, panghahalay,
Pang-aabuso pamimilit manood ng mga x-rated na pelikula,
pambubugaw sa asawa

Pisikal na halimbawa: pambubugbog, pananakit, pananampal,


Pang-aabuso panununtok, panggugulpi, paninipa, pag-untog

8
Istadistika ng Karahasan sa Kababaihan

 Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng


pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas
na pananakit na pisikal
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga
asawa
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National Statistics Office)

Tandaan! Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na


nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima rin. Ayon sa ulat na inilabas ng Mayo Clinic, hindi
madaling makita o makilala ang ganitong uri ng karahasan sa kalalakihan.
Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pang-aabuso.

Nakararanas ka ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang


tao, ininsulto ka;
 pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
sinisubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
 nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
 pinagbabantaan ka na sasaktan;
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak;
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang
sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.

Isagawa/Pagyamanin

Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba at sa paksang tinalakay, sumulat


ng isang sanaysay ukol sa iyong saloobin tungkol sa Karahasan.
Isulat ito sa sagutang papel. Mamarkahan ito gamit ang rubrik sa
ibaba.

9
Rubrik sa Sanaysay
Nangangailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman pa ng Kasanayan
(5) (4) (3) (2)
Napakahusay ng Mahusay ang May kahusayan
pagkabuo ng pagkabuo ng ang pagkakabuo Maligoy ang
talata. Malawak talata. Malinaw ng talata. Tiyak talata. Nakalilito
Nilalaman at marami ang at tiyak ang mga ang mga at hindi tiyak ang
mga impormasyon at impormasyon at mga
impormasyon at paliwanag. paliwanag. impormasyon
elaborasyon
May
Pagtatalakay Masusi ang May ilang tiyak pagtatangkang Hindi natatalakay
pagkakatalakay na pagtalakay sa talakayin ang ang paksa.
ng mga paksa. paksa. paksa.
May mahusay na Hindi gaanong Malabo ang
Organisasyon organisasyon at May malinaw ang organisasyon
pokus sa paksa. organisasyon organisasyon. kung mayroon
man.
Karamihan sa Hindi gaanong Hindi gumamit
Angkop ang mga mga salita at angkp ang mga ng tiyak na
Paglalahad salita at pangungusap ay salita at salitang angkop
pangungusap sa angkop sa paksa pangungusap sa sa mga
paksa at at mambabasa. paksa at pangungusap,
mambabasa. mambabasa. paksa at
mambabasa.

Isaisip

Ang kababaihan sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay


nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay
na pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa
kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigidg. Ganito rin ang kinahinatnan ng mga kapatid
nating napabilang sa lipunan ng LGBTQ+ na habang pilit nating
kilalanin sila bilang minorya ng ating lipunan, marami pa rin sa
kanila ang nasasadlak sa matinding pang-aabuso, panghuhusga at
pangungutya. Sa kabilang banda, ang ating bansa ay kinikitaan pa
rin sa paniniwalang patriarkiya kung saan mas malakas ang
impluwensya ng mga kalalakihan sa lipunan, ngunit may
pagkakataon din na sila ay naging biktima rin sa karahasang hatid
ng pagkamakasarili, kasakiman at panghuhusga ng lipunan.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ganito na lamang ang turing ng lipunan sa mga kababaihan?
2. Makatarungan ba ang ganitong pagtrato sa mga kababaihan at
LGBTQ+? Ipaliwanag.
3. May pagbabago bang naganap sa pagtrato ng mga kababaihan at
LGBTQ+ sa Pilipinas sa kasalukuyan? Patunayan.

10
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ayon sa ulat ng The Philippines LGBT Hate Crime Watch, sa anong paraan
ang ikinasawi ng mga miyembro ng LGBTQ+?
A. pagbibigti B. pagbaril C. pananaksak D. pangugulpi

2. Ayon sa istadistika ng karahasan sa kababihan, ilang bahagdan ang


nakaranas ng pananakit na pisikal sa edad 15?
A. 6% B. 10% C. 20% D. 36%

Para sa bilang #3-6 gawing gabay ang mga larawan sa ibaba.

A C
B D

3. Ang karahasan ay nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at


LGBTQ+. Sino ang biktima ng karahasan sa larawan B?
A. lalaki B. lesbian C. babae D. gay

4. Anong uri ng karahasan ang nararanasan ng babae sa larawan A?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

5. Anong uri ng karahasan ang nararanasan ni mister sa larawan C?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

6. Ano ang uri ng karahasan ang ipinpakita ng larawan D?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

7. Sino sa mga sumusunod ang nakakaranas ng karahasan?


A. kababaihan C. LGBTQ+
B. kalalakihan D. lahat ng pagpipilian

8. Ayon kay Hillary Clinton ang mga LGBT ay kabilang sa.


A. invisible minority C. visible minority
B. invisible majority D. visible majority

9. Ang pamboboso ay isang uri ng karahasan. Alin sa mga sumusunod


kabilang ito?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

11
10. Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership and Action ay kilala bilang…
A. Samahan ng Kababaihan C. Karapatan ng Kababaihan
B. GABRIELA D. Women’s Rights

11. Nakikita sa telebisyon ang mga balitang may mga babae na biktima ng
panghahalay. Anong uri ng karahasan ang kanilang nararanasan?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

12. Ito tawag sa sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o


kapangyarihan na maaaring isang pagbabanta o tinotoo at maaaring laban
sa sarili, sa kapwa
A. Kriminalidad C. Karahasan
B. Diskriminasyon D. Panghahalay

13. Nais ni Merlyn na magtrabaho bilang kahera sa isang department store


para makatulong sa mga gastusin sa bahay, humingi siya ng permiso sa
kanyang asawa subalit hindi siya pinayagan nito.
A. Ekonomiko o Pinansiyal C. Emosyonal o Sikolohikal
B. Pisikal na Pang-aabuso D. Seksuwal na Pang-aabuso

14. Ano ang layunin sa pagkakabuo ng The Philippine LGBT Hate Crime
Watch?
A. mapatawan ng kaukulang parusa ang mga gumagawa ng krimen
B. mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga biktimang homoseksuwal
C. masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mga
homoseksuwal
D. wala sa pagpipilian

15. Ang isang indibidwal ay nakaranas ng domestic violence kung naranasan


niya ang mga sumusunod maliban sa
A. pinagbabantaan ka na sasaktan
B. pinipigilan ka sa pagpasaok sa trabaho.
C. pinipigilan ka na makipagkita sa iyong pamilya o kaibigan
D. hinahayaan ka sa kung ano ang iyong isusuot at saan ka magpunta

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagtutol sa karahasan
laban sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+. Gumamit ng isang short size na
bond paper at lagyan ng kaukulang margins. Mamarkahan ang iyong gawain
gamit ang rubrik sa ibaba.

12
Rubrik para sa pagmamarka ng slogan

Kailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman Dagdag ng
Pamantayan (4) (3) (2) Pagsasanay
(1)
Malinaw na Hindi gaanong May kalabuan Malabo ang
Paglalahad nailahad ang malinaw ang ang mensahe mensahe
mensahe mensahe
Wasto ang May isa o May mga mali Mali ang
Kawastuhan detalye ng dalawang mali sa mga detalye mensahe
mensahe ang detalye ng ng mensahe
mensahe
Kompleto ang May isang May ilang Maraming
Kompleto detalye ng kulang sa kulang sa kulang sa
mensahe detalye ng detalye ng detalye ng
mensahe mensahe mensahe
Napakamasining Masining ang Ordinaro ang Magulo ang
Pagkakagawa ang pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
pagkakagawa
Lubhang Nakahihikayat Di gaanong Hindi
Hikayat nakakahikayat ang mensahe nakahihikayat nakahihikayat
ang mensahe ang mensahe ang mensahe

Susi sa Pagwawasto

Panimulang Gawain:

1. Lalaki, Babae, Gay o Bakla

13
Sanggunian

Mga Aklat:
 Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon
City: Rex Printing Company Inc.

 Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

Mga larawan:
 www.slideshare.com
 https://img.lovepik.com/element/40044/3071.png_860.png
 https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSkyQ7G2asgfIRNpFjvMImKgvR-
Exc4hgZLOQ&usqp=CAU
 https://i.ytimg.com/vi/ZFGocQSqbus/maxresdefault.jpg
 http://images.gmanews.tv/webpics/2018/10/640_hinagpis_ni_adan_(1)
_2018_10_11_13_24_23.jpg
 https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTX6Mp7sk4z6gA7rQQ_AB0APtR
OWtytCccqnA&usqp=CAU
 https://rizalatsinene.files.wordpress.com/2016/05/abused_woman_124
2331876.jpg?w=620

14

You might also like