Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KASULATAN NG BILIHANG TULUYAN

Hayag sa Sinumang Makababasa:

Na ako, Maria Duran Abayari, may asawa at anak, may sapat na taon gulang at
kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Kabulusan sa Pakil, Laguna, Filipino, ay buong
kasiyahang tinatanggap ang halagang Tatlong Libo (3,000) kuwartang Filipino sa aking
pamangkin Rolante Duran Reyes, Filipino na nasa hustong gulang at kasalukuyang
naninirahan sa No. 37 Estaca – Brgy. Burgos sa Pakil, Laguna ay aking isinusulit at inililipat
bilang Tuluyang Bilihan o Deed of Sale sa kaniyang anak o magiging tagapagmana ang
isang lagay ng lupang tirikan ng bahay na kinalalagyang laki, mga hangganan at bilang
pagkakilanlan ay itong mga sumusunod:

Sa Norte – Virgilio D. Antiola

Sa Sur – Daan patungong highway

Sa Este – Tomasina Mendoza

Sa Weste – Rebecca B. Duran

Ang isang lagay ng lupang tirikan ng bahay na nakatayo ay matatagpuan sa Estaca


Street sakop ng Brgy. Burgos – Pakil, Lguna na may sukat at laki na 28 metro kuadrado.

Na ang gambit na lupang ito ay ako ang siyang tunay na may-ari at kasalukuyang
namumusisyon ng hayag, patuloy at walang ligalig sa loob ng mahabang panahon.

Na ito ay kawas at ligtas sa lahat ng uri ng sagutin ay mayroon akong lubos na


kapangyarihang makapagpagawa ng pagbibing ito at aking ipinapangako na mula ngayon at
panahong haharapin ay aking ipagtatanggol itong bumili laban sa sinumang tao na
magtatangkang maghabol o manggulo.

Na aming 30 araw bago naming isinagawa ang kasulatang ito ay aming


pinatalastasan ang mga kahangganan subalit silang lahat ay nanatiling tahimik, walang
interest at di maghahabol.

Sa katunayan nito’y lumagda ako ng aking pangalan sa kasulatang ito ngayong ika-
30 ng Oktubre, 1978 dito sa bayan ng Pakil, Laguna.

MARIA DURAN ABAYARI

You might also like