Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan:_SHERLYN-ANNE AMBULARIO _

Pangkat:__GRADE-10 AGUADO
Gawain 1: Suriin natin!

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ng kilos
ang ipinapakita at ipaliwanag kung paano mo ito natukoy.

Si Franklin ay naglingkod bilang COMELEC


member para sa lokal na halalan. Sinabihan
siya ng kaniyang chairman na tulungan ang
isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-
bawas.” Alam niyang ito ay ipinagbabawal at
taliwas sa kanilang moral na tungkulin kaya
hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa pa
rin niya ang hiling na hinihingi dahil baka
matanggal siya bilang miyembro kung hindi niya ito gagawin bagaman labag ito sa
kaniyang kalooban.

Uri ng Kilos Paliwanag


Di-kusang loob Kung ating susuriin ang tekstong binasa,
makikita natin dito ang sapilitang pag-payag
upang hindi siya matanggal bilang isang
miyembro ng COMELEC. Labag ito sa kanyang
kalooban, na nagpapakita na ang kilos na ito ay
Di-kusang loob.

May hindi pangkaraniwang ekspresyon si


Migz sa kaniyang mukha. Madalas ang
pagkindat ng kaniyang kanang mata.
Mapapansin ang manerismong ito sa
kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon.
Minsan sa kaniyang paggala ay may lumapit na babae at nagalit sa kaniyang
pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi
intensiyon ang babae. Hindi humingi ng paumanhin si Migz dahil ito ay kanyang
manerismo.
Uri ng Kilos Paliwanag
Walang kusang loob Makikita sa teksto na manerismo ni Migz ang
pagkindat ng kanyang mga mata kahit hindi
naman ito sinasadya. Sa puntong ito, makikita
na natin na ang teksto ay ginagamitan ng
Walang kusang loob.

Si Miriam, isang titser sa sekondarya ay


gumaganap ng kaniyang tungkulin.
Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa
pagtuturo para sa kaniyang klase. Bumubuo
rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang
preparasyon sa kaniyang araw-araw na
pagtuturo. Naghahanda siya ng mga angkop at
kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang
mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na
pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.
Uri ng Kilos Paliwanag
Kusang Loob Makikita natin sa teksto na sadyang lantad ang
pagpapakita ng pagkukusang loob ni Ma’am
Miriam, sa pamamagitan ng paggawa niya ng
kanyang mga tungkulin bilang isang titser,
makikita din natin dito ang ‘salitang, hindi labag
sa kalooban’, na ang ibig sabihin ay hindi labag
sa kanyang kalooban ang paggawa ng kanyang
mga tngkulin bilang isang titser. Kaya’t ito’y
Kusang loob.

You might also like