Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 59
PAANO BA GINAWA? 19 A KASANAYAN: — Paggamit ng salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos (WIKA) camp - Assisted Project UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAMME BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION Department of Education, Culture and Sports Pasig City, Metro Manila ag —~_ (GES we Panimula Ang Modyul na ito ay bahagi ng isang serye ng mga Modyul sa English, Filipino at Mathematics. Inihanda ito ng Sangay sa Pagpapaunlad ng Kurikulum (Curriculum Development Division) ng Kawanihan ng Edukasyong Elementarya sa pagtataguyod ng United Nations Development Programme (UNDP) sa ilalim ng proyektong PHI/93/011 - Support Programme for the Universalization of Quality Primary Education (UQPE) Through Strengthening of Multigrade Program in Philippine Education. Ang mga kagamitang ito ay sadyang inihanda upang matulungan ang mga guro at mag-aaral para sa lubusang pagkatuto ng mga kasanayan, gayundin upang maragdagan at mapayaman ang mga batayang aklat, Ang bawat modyul ay may kabuuang pamaraan ng pagtuturo at magagamit ito hindi lamang sa pagpapatibay o pagpapayaman ng kaalaman kung hindi maaari ring gamitin sa paglinang ng bagong aralin. Ang mga kagamitang ito na may iba’t ibang antas ay iminumungkahing gamitin sa mga paaralang elementarya ng bansa, Mga Manunulat: Elizabeth J. Escaio - Chairman Merlita A. Nolido Irene C, de Robles Nancy G. Almario Federico L. Reyno Josefina V. Lacuna Zenaida Z. Tolentino Mga Kasangguni: Mga Tagapag-ugnay ng Proyekto: Dr. Marcelina M. Miguel Ms, Corazon L. Galang. Dr. Lydia Lalunio Ms. Merlita N. Nolido Dr. Teresita G. Inciong Dr. Lit ila M. Luis-Santos Director III Director 1V Bureau of Elementary Education Bureau of Elementary Education, Ano ™g pag- aavelavi notin? 7 Mga salitang, nagsesa bi Kuve, paano 57dw4, Ginagawa o 99qwIn ang kilos: Handa ka na ba? Buksan mo sa kabilang pahina [oy LIN Napag-aralan mo ang mga salitang-kilos o pandiwa Tingnan natin kung gaano ang iyong natutuhan Pagsasanay A Panuto Sabihin ang kilos na ipinakikita ng bawat larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel Halimbawa: 1. naglalangoy nangingisda naglalaro Sagot Magsimula rito: 1, nagtatanim naglitinis nagdidilig 2. umaawit kumakain sumasayaw 3. naglalakad nagsasayaw nagluluto 4. tumatawa bumabasa tumatakbo 5! gumuguhit tumutugtog sumusulat Pagsasanay B. Panuto: — Pag-aralan ang mga larawan Piliin ang titik ng pangungusap na nagsasabi tungkol dito. Isulat ito sa sagutang papel. Halimbawa a. Nagtatanim ng palay ang tatay. b. Sumasalok ng tubig ang kuya c. Nagwawalis ng bakuran ang tatay, Sagot: a Magsimula rito: 1. a. Nagtatapon ng basura ang mga bata b. Nagsisiga ng basura ang mga bata. c. — Nagiilinis ng kanal ang mga bata Naglalangoy ang mga bata sa ilog. Namimitas ng gulay ang mga bata Tumutulong sa Nanay ang mga bata. a. Ang bata ay nagtatanim ng gulay. b. _ Nagtitinda ng kakanin ang bata c. _ Naglilinis ng bahay ang bata Nagpapastol ng kalabaw ang kuya Nagpapakain ng mga alagang manok ang kuya, Pinaliliguan ng Kuya ang kabayo. 5. a. Nanghuhuling daga ang pusa. b. Kumakain ang pusa c. _ Natutulog ang pusa. Natutuhan no rin ang tungkol sa mga salitang nagsasabi kung kailan at saan. Mga pang-abay ang tawag dito. Gaano ang natutuhan mo tungkol dito? Pagsasanay C. Sabihin kung ang mga salitang may salungguhit ay nagsasabi ng panahon (kailan) at pook (saan). Halimbawa 1. Dumating kahapon ang Nanay. Sagot: _ panahon (kailan) Magsimula rito: Umupo sa damuhan ang nanonood. Nagdasal sa harap ng altar ang bata kahapon Maraming tao sa kanilang bahay kahapon. Magbabakasyon kami sa lalawigan sa isang buwan, Mamamangka sa ilog ang mga bata sa Sabado. Tutungo kami sa palaruan mamayang hapon. Kaninang madaling-araw umalis ang Ate. Mamamasyal kami sa Luneta bukas ng gabi Naglalaro ang mga bata sa ilalim_ng punongkahoy. Araw-araw ay nagpupunta ang Nanay sa palengke Seenoanawns 6 Mag-aral Tayo Pag-aralan ang larawan at basahin ang kasunod na pangungusap. Mabilis na tumakbo sa Lito nang habulin ng malaking aso. Ano ang ginawa ni Lito? ‘Tumakbo, hindi ba? Bakit tumakbo si Lito? Hinabol siya ng malaking aso. Anong salita ang tumakbo? Salitang-kilos 0 pandiwa di ba? Anong salita ang naglalarawan sa pandiwang tumakbo? Mabilis, hindi ba? Inilalarawan ng salitang mabilis ang pandiwa o salitang kilos na tumakbo Sinasabi ng mabilis ang paraan ng paggawa ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano ginawa, ginagawa o gagawin ang isang kilos Narito pa ang isang halimbaya. Tingnan natin kung iyong nauunawaan ang ating tinalakay. 2. | Maingat na inihiga ni Nena ang sanggol sa duyan. ‘Ano ang ginawa ni Nena? Alin ang salitang kilos sa pangungusap? Anong salita ang nagsasabi kung paano inihiga ni Nena ang bata? Anong tanong ang sinasagot ng maingat? RONS Ganito ba ang sagot mo? 1. inihiga ang sanggol 2. inihiga 3. maingat 4. paano ginawa o ginagawa ang isang kilos Kung gayon, nauunawaan mo nga. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pansinin ang kinalalagyan ng salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos. 1. Masayang nagsasalita si Lita. 2. Malakas na isinara ni Nina ang pinto. 3. Maingat na iniayos ni Mario kanyang mga aklat sa bag. 4, Marahang lumakad ang bata papunta sa ina Mapapansin na ang mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos ay nasa unahan ng mga salitang-kilos o pandiwa. Ginagamitan ito ng mga pang-angkop na na ng at g. Pansinin naman ito: 1. Nagsasalita nang masaya si Lita 2. Isinara ni Lita nang malakas ang pinto. 3. Lumakad nang marahan ang bata papunta sa ina. Pansinin ang mga pandiwa 0 salitang kilos sa pangungusap. Nasa unahan ito, hindi ba? Pansinin din ang mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos Surin ang mga pariralang ito. A B masayang nagsasalita nagsasalita nang masaya malakas na isinara isinara nang malakas marahang lumakad lumakad nang marahan ‘Ano ang napapansin mo kung ang pandiwa o salitang kilos ang nauuna kaysa sa salitang nagsasabi kung paano? Idinagdag natin ang nang: nang marahan nang malakas nang masaya nang mabagal 1. Ang mga salitang naglalarawan kung paano ginawa o ginagawa ang Kilos ay mga pang-abay na pamaraan 2. Sumasagot ang mga ito sa tanong na paano. 3. Kapag ang mga salitang nagsasabi ng paano ang nauna, ang mga ito ay ginagamitan ng mga pang-angkop na ng atg. 4. Kapag ang pandiwa ang nauuna, ang mga pang-abay, na pamaraan ay ginagamitan ng nang. 10 } P| Magsanay Tayo ay ‘A. Panuto: — Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang mga pang-abay na pamaraan o mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang salitang may salungguhit. Halimbawa 1. Masayang gumising ang magkakapatid na Leo, Lino at Lita, Sagot: _ masayang Magsimula rito: 1. Dali-daling naaligpit ng higaan ang magkakapatid 2. Nang makatapos magligpit, nag-uunahan silang nagtungo sa paliguan. 3. Mabilis na naligo ang mga bata upang di-gaanong malamigan. 4. Pagkabihis, sabay-sabay na dumulog at mataimtim na nagdasal 5. Ang mga bata ay maingat na sumubo upang hindi tumapon ng pagkain. 6. _ Magalang na nagpaalam ang mga bata sa kanilang Nanay at Tatay bago pumasok sa paaralan. Ganito ba ang iyong sagot? daii-daling nag-uunahan mabilis sabay-sabay maingat mataimtim magalang PRONS 2 Magaling ! " A A / Subukin ang Sari Basahin ang bawat pangungusap. Sipiin ang salita o lipon ng mga ‘salita na nagsasabi kung paano ang kilos. Halimbawa, ‘Ang sanggol ay umiiyak nang malakas nang marinig ang malakas na tunog. Sagot: nang malakas Magsimula rito: a] Mabilis na lumapit ang Nanay sa anak upang patahanin Tinapik-tapik niya nang marahan ang bata sa may binti Nakatulog nang mahimbing ang sanggol sa ginawa ng Nanay: Dahan-dahang inugoy ng Nanay ang duyan ng sanggol Pagkatapos ng isang oras, masayang nagising ang sanggol. 12 B. Pag-aralan ang larawan. Sumulat sa sagutang papel ng isang pangungusap tungkol sa larawan. Gamitin ang salitang kilos na katabi ng larawan. Halimbawa: umiiyak Pangungusap: Umiiyak nang malakas ang bata dahil nagugutom. Magsimula rito: 1: Naglilinis Nagsasayaw 3. Ang batang nahulog sa puno ay lumakad 4 nagpalakpakan ay mga tao nang matapos ang masayang tugtugin. 5. Ang mga basura ay inilagay sa malaking dram na ipinagbabawal ang pagtatapon ng patay na hayop sa ilog 14 PAANO BA GINAWA? } { 19 | KASANAYAN: — Paggamit ng salitang \ “DD nagsasabi kung paano \ A ginawa ang kilos (WIKA) Assisted Project UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAMME / \ BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION Department of Education, Culture and Sports M 1997 Panimula Ang Modyul na ito ay bahagi ng isang serye ng mga Modyul sa English, Filipino at Mathematics. Inihanda ito ng Sangay sa Pagpapaunlad ng Kurikulum (Curriculum Development Division) ng Kawanihan ng Edukasyong Elementarya sa pagtataguyod ng United Nations Development Programme (UNDP) sa ilalim ng proyektong PHI/93/011 - Support Programme for the Universalization of Quality Primary Education (UQPE) Through Strengthening of Multigrade Program in Philippine Education. ‘Ang mga kagamitang ito ay sadyang inihanda upang matulungan ang mga guro at mag-aaral para sa lubusang pagkatuto ng mga Kasanayan, gayundin upang maragdagan at mapayaman ang mga batayang aklat, Ang bawat modyul ay may kabuuang pamaraan ng pagtuturo at magagamit ito hindi lamang sa pagpapatibay o pagpapayaman ng kaalaman kung hindi maaari ring gamitin sa paglinang ng bagong aralin. Ang mga kagamitang ito na may iba’t ibang antas ay iminumungkahing gamitin sa mga paaralang elementarya ng bansa. Mga Manunulat: Elizabeth J. Escafio - Chairman Merlita A. Nolido Irene C. de Robles Naney G. Almario Federico L. Reyno Josefina V. Lacuna Zenaida Z. Tolentino Mga Kasanggu Mga Tagapag-ugnay ng Proyekto: Dr. Marcelina M. Miguel Ms, Corazon L. Galang Dr. Lydia Lalunio Ms, Merlita N. Nolido Dr. Teresita G. Inciong Dr. Lidinila M. Luis-Santos Director III Director IV Bureau of Elementary Education Bureau of Elementary Education, Halina , Kaibigan tayo nang mag -ara/ G4 Salitang nag lalarauan "9 kilos at alow tingta- (eg Itong pang-abay AQ pameroar. Magbalik-aral Tayo lyo pa bang natatandaan ang ating aralin tungkol sa mga salitang kilos 0 pandiwa Magbalik-aral tayo. Tingnan kung gaano ang iyong natutuhan. Pagsasanay A Panuto: —Pillin ang salitang-kilos sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel Halimbawa : 1. Malapit na ang pista ng bayan. Naglilinis ang mga tao sa pamayanan Sagot: — naglilinis Magsimula rito: 4. Ang mga kabataan ay naglalagay ng mga banderitas sa kalsada. 2. Nagpipinta naman ng kapilya ang ibang kalalakihan. 3. May mga batang naglilinis ng kanal 4. Ang iba naman ay nagtatapon at nagsisiga ng mga basura. 5. Ang pamunuan ng kapistahan ay nag-anyaya na rin ng mga panauhin at banda na tutugtog at lilibot sa buong bayan. Pagsasanay B. Panuto : Pag-aralan ang bawat larawan Ibigay ang angkop na salitang-kilos sa bawat isa. Handa na ang buong bayan sa pagdiriwang ng pista Halimbawa Sagot : nagsisimba Magsimula rito : Napag-aralan mo rin ang tungkol sa mga salitang nagsasabi kung kailan at saan nangyari ang mga kilos. Natatandaan mo kaya ang mga ito? Pagsasanay C Panuto : _ Sabihin kung ang mga salitang may salungguhit ay nagsasabi ng panahon (Kailan) at pook (saan). Halimbawa : 1. Nagdiwang ng pista ng bayan ang mga taga-Bulacan ‘noong isang Linago. Sagot : panahon (kailan) Magsimula rito : 1, Maraming tao ang nagsimba sa Simbahan ng San Diego noong pista. 2. Ikapito pa lamang ng umaga ay puno na ng tao ang simbahan. 3. Nang bandang tanghali, nagsimula nang lumibot ang banda ng musiko sa buong bayan 4. Nasiyahan ang mga bata sa panonood ng mga palaro sa plasa 5. Ang iba naman ay inumaga sa panonood ng Serenata sa harap ng simbahan. le ¢ Mag-aral Tayo Pag-aralan ito ‘Marso 15, Araw ng Playground Demonstration sa Mababang Paaralan ng San Antonio. Gayak na gayak ang mga mag-aral Isang masigiang tugtugin ang pumailangtang . lang sandali pa nagsimula na ang palatuntunan Unang tinawag ang mga batang nasa ikalimang baitang. Pumila sila nang tahimik. La Jota Moncadena ang kanilang sasayawin. Nang magsimula ang tugtog, sabay-sabay na umindak ang mga bata. Buong husay na sumayaw ang bawat isa na ikinagalak ng mga manonood Tuwang-tuwa nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw. Pagkatapos ng buong pagtatanghal, ang mga bata sa ikalimang baitang ay nagwagi ng unang puwesto. Masayang nagkamayan ang mga bata nang marinig ang resulta. Sagutin ang sumusunod na tanong 1 Bakit gayak na gayak ang mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Sdn Antonio? Kailan idaraos ang Playground Demonstration? ‘Anong grado ang unang tinawag? Paano pumila ang mga bata? Ano.ang isinayaw ng mga bata sa ikalimang baitang? 6. Paano umindak ang mga bata nang marinig ang tugtog? 7. Paano ipinakita ng mga tao ang paghanga sa pagsasayaw ng mga tao? © . Aling pangkat ang nagwagi ng unang puwesto? © ‘Ano ang ginawa ng mga bata nang marinig na sila ang nagwagi ng unang puwesto? Ganito ba ang sagot mo? 1. Idaraos ang Playground Demonstration 2. Marso 15 Ikalimang Baitang x Pumila nang tahimik ang mga bata 5. La Jota Moncadena ° Sabay-sabay na umindak ang mga mag-aaral ~N Tuwang-tuwa nagpalakpakan ang mga tao @ ‘Ang ikalimang baitang ang nagkamit ng unang puwesto. © Masayang nagkamayan ang mga bata Tama bang lahat ang sagot mo? Magaling, maaari kang magpatuloy. to naman ang iyong suriin : pumila nang tahimik umindak nang sabay-sabay sumayaw nang buong husay ‘Ano ang mapapansin mo kung ang salitang-kilos ang nauuna kaysa sa salitang nagsasabi kung paano? Idinagdagdag natin ang nang nang tahimik nang sabay-sabay nang buong husay Anong tanong ang sinasagot ng mga ito? Sumasagot ito sa tanong na Paano, hindi ba? Ito naman ang iyong basahin A 8B mabilis na tumakbo tumakbo nang mabilis malakas na umawit umawit nang malakas patihayang bumagsak bumagsak nang patihaya dahan-dahang lumakad lumakad nang dahan-dahan Basahin ang sumusunod na pangungusap Tahimik na pumila ang mga bata nang tawagin sila. Sabay-sabay na umindak ang mga mag-aaral. Tuwang-tuwa nagpalakpakan ang mga tao. Masayang nagkamayan ang mga bata Seu Alin ang mga salitang-kilos sa pangungusap? Ganito ba ang sagot mo? Pumila umindak nagpalakpakan nagkamayan Pansinin ang mga salitang may salungghit. Inilalarawan ng mga ito kung paano ginawa ang kilos. Tahimik na pumila sabay-sabay na umindak tuwang-tuwa nagpalakpakan masayang nagkamayan Mapupuna na ang mga salitang naglalarawan sa kilos ay nasa unahan at ginagamitan ng mga pang-angkop na na, ng at g. Tandaan Mo. ‘Ang mga salitang naglalarawan sa mga salitang kilos o pandiwa ay tinatawag na pang-abay na pamaraan Sumasagot ito sa tanong na paano. Kapag ang salitang-kilos o pandiwa ang nauna ginagamit ang nang sa unahan ng salitang naglalarawan sa kilos. Kung ang salitang naglalarawan sa kilos ang nauuna ang mga ito ay ginagamit ng pang-angkop na na, g, ng upang dumulas ang bigkas Magsanay Tayo A. Panuto : Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang salitang may salungguhit. Halimbawa : Si Bebot ay mabilis na umakyat sa hagdan Sagot: —mabilis na Magsimula rito : 1. Si Ruben ay malungkot na nagpaalam sa mga kaibigan. 2. Masayang sumakay sa bangka ang magkapatid. 3. Ang buhok ng anak ay masuyong hinaplos ni Aling Marta 4, Marahang lumakad patungo sa mesa ng guro. 5. Maingat na lumukso ang bata kaya hindi nasabit. B. Panuto : Gamitin ang mga pangungusap sa pagsasanay A na nauuna ang mga salitang kilos kaysa sa salitang nagsasabi ng paano Isulat ito sa sagutang-papel. Halimbawa : Si Bebot ay mabilis umakyat ng hagdan Sagot: Si Bebot ay umakyat nang mabilis sa hagdan 10 C. Panuto : Aling salita ang inilalarawan ng may salungguhit? Isulat sa sagutang papel ang sagot. Halimbawa : Nagsasalita nang banayad si Nena. Sagot : nagsasalita Magsimula rito : 1 2. ‘Ang mga bata ay lumakad nang matulin. Nagtawanan nang malakas ang mga babae. Nakatulog si Lito nang mahimbing kanina. Pumasok nang patakbo si Luis sa silid aralan. ‘Sumulat nang mabilis si Nena upang siya ay makasama sa sine. ‘Ang matandang babae ay lumakad nang paluhod sa simbahan. D. Panuto : Gamitin ang mga pangungusap sa Pagsasanay C. llagay ang mga salitang nagsasabi kung paano sa unahan ng salitang-kilos o pandiwa . Halimbawa : Nagsalita nang banayad si Nena. Sagot : Banayadna_agsalita si Nena. " Subukin ang Sarili | Panuto : _ Piliin ang bilang ng salita o lipon ng mga salita na nagsasabi kung paano ginawa ang kilos Halimbawa : Lumangoy nang patihaya _si Nestor 1 2 3 Sagot : 2 Magsimula rito : 1. Nahulikami saklase dahil mabagal tumakbo ang dyip. 3 4 5 2. Maingat nabinuhat ni_Lito ang matandang pulubi. 4 2 3 4 3. Angnanay aymasarap magluto ng dinuguan. 1 2 3 4 4, SiRosing aymasipag maglinis ng bahay. 1 2 3 4 12 B. Panuto: — Tapusin ang bawat pangungusap. Punan ito ng angkop na salitang nagsasabi ng paraan lang paano ginawa ang kilos sa tulong ng larawan Halimbawa : 1. Ang aso ay mga di-kilalang lalaki Sagot : paangil na tumahol Magsimula rito : 1. Ang mga manonood ay pagkatapos na awit 2. Ang sanggol ay natutulog sa duyan. 8 > 2 3 & a 3 & g & gs zZ23 o s ° S 3 £ 2 a 2 S e > 2 £ g s Ss g S 5 & Zz v = £ S & 2 2 © 3 8 Zz 6 PAANO BA GINAWA? (i ~ (19-C) KASANAYAN: — Paggamit ng salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos (WIKA) cuutl]p - Assisted Project UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAMME \ BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION Department of Education, Culture and Sports Ki y Pasig City. Metro Manila YS LF 1997 —S— Panimuls ‘Ang Modyul na ito ay bahagi ng isang serye ng mga Modyul sa English, Filipino at Mathematics. Inihanda ito ng Sangay sa Pagpapaunlad ng Kurikulum (Curriculum Development Division) ng Kawanihan ng Edukasyong Elementarya sa pagtataguyod ng United Nations Development Programme (UNDP) sa ilalim ng proyektong PHV/93/011 - Support Programme for the Universalization of Quality Primary Education (UQPE) Through Strengthening of Multigrade Program in Philippine Education. ‘Ang mga kagamitang ito ay sadyang inihanda upang matulungan ang mga guro at ‘mag-aaral para sa lubusang pagkatuto ng mga Kasanayan, gayundin upang maragdagan at mapayaman ang mga batayang aklat. Ang bawat modyul ay may kabuvang pamaraan ng pagtuturo at magagamit ito hindi lamang sa pagpapatibay o pagpapayaman ng kaalaman kung hindi maaari ring gamitin sa paglinang ng bagong aralin. Ang mga kagamitang ito na may iba’t ibang antas ay iminumungkahing gamitin sa mga paaralang elementarya ng bansa. Mga Manunulat: Elizabeth J. Escafio - Chairman Merlita A. Nolido Irene C. de Robles Nancy G. Almario Federico L. Reyno Josefina V. Lacuna Zenaida Z. Tolentino Mga Kasangguni: Mga Tagapag-ugnay ng Proyekto: Dr. Marcelina M. Miguel Ms. Corazon L. Galang Dr. Lydia Lalunio Ms. Merlita N. Nolido Dr. Teresita G. Inciong Dr. Lidinila M. Luis-Santos Director III Director IV Bureau of Elementary Education Bureau of Elementary Education, /4 | Halinang Magsanay SB Kaibigany May bi a eae a aa Tongkof saan ang eg ating avalin? natin aug gq Solikng ie nagsasabi king paws [f ginanap, 9inagquap Sagdnapin dug 194¢ kilos Handa ka na ba? Magpatuloy ka [2 R fs Magbalik-aral Tayo Napag-aralan mo na ang mga salitang nagsasaad ng kilos. Pandiwa ang tawag dito. Narito ang mga halimbawa ng pandiwa sa larawan. nangingisda nagbibihis Magpatuloy sa kabila. Gawin ang mga pagsasanay. Pagsasanay A Panuto Piliin ang mga pandiwa sa bawat pangungusap, Halimbawa : Nangahoy sa gubat ang isang binata. Sagot nangahoy Magsimula rito : 1 2. 10. Nakakita siya ng malaking teon sa kulungan. ‘Ang leon ay nagmamakaawa sa kanya. Binuksan ng binata ang kulungan. Lumabas ang leon at bigla siyang sasakmalin Nagalit ang binata at niyaya niya ang leon sa matanda Lolo, hatulan mo kami. Ikinuwento ng binata ang nangyari. ‘Ang binata, matanda at ang leon ay nagbalik sa kulungan. Pumasok sa kulungan ang leon. ‘Ang kulungan ay isinara at isinusi ng matanda. Pagsasanay B Panuto : Ibigay ang angkop na pandiwa sa pangungusap. Gamitin ‘ang salitang nasa loob ng panaklong. Halimbawa: Ang nanay ay maagang (gising) kaninang umaga Sagot: _gumising Magsimula rito : 1. Ang mga bata ay (ligo) araw-araw. 2. Ang mga paninda ay (pakyaw) ng mayaman naming kapitbahay. 3, Mabilis na (daloy) ang maiinaw na batis sa paanan ng bundok. 4. SiLenie ay (dapa) sa mabatong daan kahapon. s Ang mag-anak ay (sama) sa piknik sa Los Banos. Tama kaya ang mga sagot mo? Tingnan sa pahina 15 Pillin ang mga salitang nagsasabi ng_kailan at saan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Halimbawa : Si Heneral Antonio Luna ay ipinganak sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1868 Sagot : _kailan - Noong ika-29 ng Oktubre, 1868 saan - sa Maynila Magsimula rito : 1. Si Dr. Jose Rizal ay ipnanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. 2. Noong Disyembre 30, 1896 si Dr. Jose Rizal ay binaril sa Bagumbayan, Luneta. 3. Noong unang panahon, may isang lalaki sa Pampanga na ang ngalan ay Gatmaitan. 4. Si Gatmaitan at ang kanyang mga kasama ay inutusan ng mga pinunong Kastila na pumutol ng malalaking kahoy sa gubat 5. Nang magawang balsa ang mga kahoy ay ipinaanod sa llog Pasig. 6. Buhat sa Maynila, ang mga kahoy ay dinala sa Cavite upang gawing barko. B. ~ Sagutin sa buong pangungusap ang sumusunod na mga tanong sa tulong ng sariling karanasan. Gumamit ng pang-abay na pamanahon o mga salitang nagsasabi kung k Isulat ang sagot sa isang sagutang papel. 1: Kailan kayo sumisimba? 2. Kailan kayo namamasyal nang magkakasama? 3. Anong oras ka natutulog? 4, Anong oras ka gumigising? 5. _ Kailan ka nakikipaglaro sa iyong mga kaibigan? 6. _ Saan kayo nagbabasa ng iba't ibang akiat at magasin? 7, Saan kayo nagdarasal? | Mag-aral Tayo | ° | Basahin at pag-aralan ang sumusunod, Kadarating pa lamang ni Nena sa paaralan nang makita ang kaibigang patakbong lumapit sa kanya “Nena, ipinatatawag ka ni Miss Santos." “"Bakit daw?" "Hindi ko alam. Lumapit ka na. Nag-aalalang ibinaba ni Nena ang bag at dali-daling lumapit sa guro. "Magandang umaga, po. "_magalang niyang bati, "Magandang umaga naman Nena." “Ipinatatawag daw po ninyo ako.” "Oo, Nena, tiyak na matutuwa ka sa ibabalita ko.” “Tungkol po saan?” Natatandaan mo ba ang larawang iginuhit mo sa Araw ng mga Bayani? Nanalo ito ng Unang gantimpala." “Talaga po? Matutuwa ang Tatay at Nanay ko nito. Salamat po." at masayang nagbalik si Nena sa upuan. Nang maglabasan, lakad-takbong umuwi si Nena. Nang makarating masayang tinawag ang ama at ina. Biglang lumabas ang mga magulang - at sabay nagtanong “Bakit ba?" ~ "Nay, Tay, nanalo po ko sa pagguhit.” First Prize po. Buong pagmamahal na niyakap ng ina ang anak sabay wikang, "Bilang premyo mo, ibibili kita ng magandang damit.” Buong-kasiyahan namang pinagmasdan ng ama ang mag-ina Sagutin ang sumusunod na tancng. Piliin ang tamang sagot 1, Paano lumapit kay Nena ang kaibigan? a. pahangos b., patakbo c. papilay-pilay 2. Paano ibinaba ni Nena ang kanyang bag? a, nag-aalintangan b, nagtatawang ¢. nag-aalaalang 3. Paano siya lumapit sa guro? a. kaagad-agad b. dahan-dahan c. dali-daling 4, Paano siya bumati sa guro? a. pabigla - b. magalang c. marahan 5, Paano siyang bumalik sa upuan nang malamang nanalo ang iginuhit? a. masayang b. patakbo c. palundag 6. Paano umuwi ng bahay si Nena? a. patakbo b._ patalun-talon c. lakad-takbo 10. 1 12 Paano siya umakyat sa hagdan? a. patakbo b. palundag c. pahangos Paano tinawag ni Nena ang ama at ina? a. masigia b. masaya c. malungkot Paano lumabas ang mga magulang ni Nena? : a. patakbo b. dgad c. bigla Paano sila nagtanong? a. isa-isa b. sabay c. mabilis Paano niyakap ng Nanay si Nena? a. buong pagmamahal b. buong higpit c. buong giliw Paano pinagmasdan ng ama ang kanyang mag-ina? a. buong pagmamahal b. buong kasiyahan ©. buong giliw Ganito ba ang naging sagot mo? il 2 patakbo nag-aalaala dali-daling magalang masayang lakad-takbo 7. patakbo 8, masayang 9. .bigla 10. sabay 11. buong pagmamahal 12; buong kasiyahan Mapapansin ninyo na ang mga salitang ito ay sumasagot sa tanong na paano Ito ang mga salitang naglalarawan kung paano ginanap, ginaganap, gaganapin ng tauhan ang kanilang kilos. 10 Narito ang mga salitang nagsasabi kung paano o naglalarawan sa mga kilos batay sa usapan. Basahin ang mga ito : patakbong lumakad fag-aalaalang ibinaba dali-daling lumapit . magalang na bumati lakad-takbong umuwi patakbong umakyat |. Masayang tinawag 9. biglang lumabas 10. sabay nagtanong 1 2 3. 4 5. masayang nagbalik 6. 7. 8. 11. buong paamamahal na niyakap 12, buong-kasiyahang pinagmasdan ‘Ano ang mga salitang may salungguhit? Maa salitang nagialarawan sa kilos,hindi ba? ‘Ang mga salitang-kilos o pandiwa ang inilalarawan nito. Ibigay ang mga pandiwang ito: - lumakad ibinaba lumapit bumati nagbalik umuwi Magaling! Magpatuloy ka. " umakyat tinawag lumabas nagtanong niyakap pinagmasdan ‘Ang mga pangungusap na nasa ibaba ay batay sa usapan. Lagyan mo fig angkop na salitang naglalarawan sa pandiwa ang patlang 1. SiNena ay lumapit sa guro. 2 nagbalik sa upuan si Nena nang malamang nanalo siya 3. SiNena ay umuwi upang ibalita sa nanay at tatay na siya ay nanalo ng unang gantimpala. 4. na niyakap na nanay si Nena 5. Ang mag-ina ay pinagmasdan ng ama Ganito ang mga sagot mo? dali-daling masayang lakad-takbong buong pagmamahal buong kasiyahan gaeNs Magaling! Tandaan May mga salitang nagsasabi kung paano ginanap, ginaganap 0 gaganapin ang kilos. ‘Ang mga salitang inilalarawan nito ay salitang-kilos o pandiwa Sumasagot ito sa tanong na paano. 12 Magsanay Tayo Pagsasanay | Panuto Piliin ang pandiwa sa bawat pangungusap. Sa tapat nito, isulat kung paano ginanap, ginaganap 0 gaganapin ang kilos. Halimbawa cb Pilit na nagsasalita ang bata kahit na nahihirapan Sagot: _ nagsasalita-pilit Magsimula rito : 1. 2. 10, Ang lalaki ay malungkot na umiling. llang katao ang matiyagang naghukay ng kanal? Maingat na binihisan ni Bina ang kapatid na bunso. Pabirong nagsalita ang guro nang makita silang magkasama, Dali-daling lumundag ang magnanakaw sa pader nang makita ang may-ari ng bahay. Ang atis ay isa-isang pinitas ni Mario upang hindi malamog. Naglatambing na yumakap si Nita sa Nanay. Nahihiyang nakipag-usap ang bata sa kanilang panauhin Magalang na nakipag-usap si Lina nang siya ay tanungin ‘Ang tatay ay dahan-dahang nanaog upang hindi siya mamalayan ng anak. 8 * Pagsasanay 2 Panuto: Lagyan ng angkop na salitang maglalarawan sa pandiwa ang bawat pangungusap Halimbawa : 1. Malaki na ang apoy, kaya sumalok ng tubig si Nilo. Sagot: patakbong Magsimuta rito 1. lumabas ang doktor mula sa silid-operasyon. 2. Ang bagong dating ay na tinahulan ng aso. 3. SiMila ay umakyat sa tanghalan nang tawagin ang kanyang pangalan 4. Ang estudyante ay sumagot sa tanong ng guro. 5 na inakay ni Lino ang matanda sa pagtawid Tingnan kung tama ang mga sagot sa kabilang pahina 15 4 Ganito ba ang mga sagot mo? Pagsasanay | umiling-malungkot naghukay-matiyagang binihisan-maingat nagsalita-pabiro lumundag-dali-daling pinitas-isa-isa yumakap-naglalambing nakikipag-usap-nahihiyang nakipag-usap-magalang nanaog-dahan-dahan SeeNomsena 1 Pagsasanay 2 - Mga halimbawang sagot 1. malungkot 4. takot na takot pagud na pagod kinakabahang nag-aalaalang masigiang masiglang natutuwang masayang 5. maingat 2. galit na galit magalang malakas buong-paggalang ubod lakas : 3. nahihiyang kinakabahang taas-noong Tama bang lahat ang sagot mo? Magaling ! Binabati kita, Kung ang nakuha mo ay 10 hanggang 15 magpatuloy ka Kung ang nakuha mo 7 hanggang 9 balikan ang pagsasanay. kung 0 hanggang 6 naman ang tamang sagot, makipagkita sa guro. 15 Ito naman ang iyong basahin Ang Pista ng Obando Ang pista ng Obando ay ipinagdiriwang tuwing sasapit ang ika-17 hanggang 19 ng Mayo: Maraming tao ang namimista sa Obando. Ang unang araw ay alay sa poong si San Pascual Baylon. Ang mga taong may panata sa Poong ito ay masiglang nagsasayaw sa dan. Taos-pusong dumadalangin at nagpupuri sila sa nasabing santo. i 4, kx a SF 45 \ y A ) ; “4 4 A 2 . hip ey j Ang ikalawang araw ng pista ay alay sa patrong Sta. Clara, Ito ang Patron ng walang anak. Masayang nagsasayaw ang mga mag-asawang walang anak. Matiyagang nag-iindakan ang mga ito sa paniniwalang mabibigyan sila ng anak. Nuestra Senora de Salambao naman.ang ipinagdiriwang sa ikatlong araw ng Kapistahan. Tulad sa unang dalawang araw, sama-sama ring nagpuprusisyon ang mga tao. Sabay-sabay silang nagdarasal at humihiling sa patron. + Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Tingnan ko kung talagang naunawaan mo 16 Sagutin mo ang mga tanong na ito. 1 2. llang araw ang pista sa Obando? Kailan ito ipinagdiriwang? Sino ang patron ng mga walang anak? Paano sila nagpupuri sa mga patrong ipinagdiriwang? Paano sila nagdarasal? Paano sila nagpuprusisyon? Ganito ba ang iyong sagot? _ 2, tatlong araw tuwing ika-17 hanggang 19 ng Mayo Sta. Clara masayang nagsasayaw matiyagang nag-iindakan taos-pusong dumadalangin at nagpupuri sabay-sabay silang nagdarasal sama-samang nagpuprusisyon Nakuha mo bang lahat? Kung 00, magpatuloy, kung hindi pag-aralan ang bahaging may mali sa iyong sagot. 7 Pansinin ang mga salitang naglalarawan kung paano ginawa ang kilos. Masayang nagsasayaw ang mga may panata Matiyagang nag-iindakan ang mga mag-asawang walang anak. ‘Ang mga namimista ay taos-pusong dumadalangin at nagpupuri. Sabay-sabay na nagdarasal ang mga kababaihan. Sama-samang nagpuprusisyon ang mga bata at matanda. BRONS Mapapansin na ang mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos ay nasa unahan ng mga salitang kilos o pandiwa. Pansinin naman ito. Nagsasayaw nang masaya Nag-iindakan nang matiyaga Dumadalangin at nagpupuri nang taos-puso Nagdarasal nang sabay-sabay Nagpuprusisyon nang sama-sama May pagkakaiba ba sila? Nauuna naman ang mga salitang-kilos o pandiwa, hindi ba? Paano sila nagkakaiba? Kapag nasa unahan ang salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos, ang salita ay nilalagyan ng pang-angkop na ng, g at na ang salita upang dumulas ang pagbigkas. 18 Kapag ang pandiwa ang nasa unahan ang salitang naglalarawan sa sa kilos ito ay dinaragdagan ng nang Halimbawa Naglalaro nang tahimik Nagdarasal nang taimtim tumatakbo nang mabilis Pansinin ang mga lipon ng salitang ito. A B Marahang lumakad lumakad nang marahan Magalang na yumukod yumukod nang magalang Malakas na nagsasalita nagsalita nang malakas patinayang bumagsak bumagsak nang patihaya Se Ca ‘Ang mga salitang naglalarawan sa mga salitang kilos 0 Pandiwa ay tinatawag na pang-abay na pamaraan ‘Sumasagot ito sa tanong na paano. Kapag ang salitang-kilos o pandiwa ang nauna, ginagamit ang nang sa unahan ng salitang naglalarawan sa kilos. Kung ang salitang naglalarawan sa kilos ang nauuna ang mga ito ay ginagamitan ng pang-angkop nana, a, ng upang dumulas ang bigkas. 19 Magsanay Tayo Makilala mo kaya ang mga salitang nagsasabi ng paano? Panuto: Hanapin sa sumusunod na pangungusap ang mga salitang nagsasabi ng_paano 1. Lumakad nang paluhod ang matandang babae patungo sa altar. 2. Pagdating sa altar, mataimtim siyang nagdarasal. 3. Ang mga tao ay naupo nang tahimik upang makinig sa sermon ng pari. . 4, Nagsasalita nang banayad ang pari upang maunawaan ng tao ang kanyang sinasabi. 5, Palihim na nangingiti ang mga tao sa mga patama ng pari. Ganito ba ang iyong sagot? 1." nang paluhod 2. mataimtim na nagdasal 3. nang tahimik 4. nang banayad 5. palihim Magaling ! Alam mo na nga ating aralin 20 || Subukin ang Sari Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Itala sa isang sagutang papel ang mga salitang naglalarawan ng kilos o ang pang-abay na pamaraan. 1. Isang batam-batang pari ang malungkot na dumating sa malayong nayon upang pumalit sa isang paring nagkasakit. 2. Nagmamadaling patungo sa munting kapilya ang pari sapagkat dapithapon na. 3. Dinatnan niya ang‘isang taong taimtim na nagdarasal. 4. Dahan-dahang lumisan ang pari upang hindi maabala ang tao. 5. Nang tahimik na ang kapaligiran, maingat na isinara ng pari ang pinto ng munting kapilya. 6. Laking gulat niya nang maratnan pa ang tao na paluhod na naglalakad. 7. Marahang tinapik na pari sa balikat ang tao at malumanay na sinabi. "tila po may suliranin kayo?" 8. "Kailangan ko ang tulong mo," pausal na sagot ng lalaki. 9. Inakay na pabalik ang lalaki at sabay na lumuhod at taimtim na nagdasal ang dalawa. 10. Nang matapos, masayang nagsalita ang pari. Magalang na inanyayahan ang lalaki na doon na magpalipas ng gabi 24 Gamitin ang mga pangungusap sa pagsasanay A. Sa isang sagutang papel, isulat ang mga pangungusap na nasa una ang pandiwa bago ang pang-abay na pamaraan. Halimbawa : 1. Isang batam-batang pari ang malungkot na dumating sa malayong nayon upang pumalit sa isang paring nagkasakit. Sagot : Isang batam-batang pari ang dumating nang malungkot sa malayong nayon upang pumalit sa isang paring nagkasakit. Sumulat ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na lipon ng mga salita, 4. buong ingat 2. walang kaingay-ingay 3, taos-pusong 4, taas-noong 5. walang kagatul-gatol 22

You might also like