Sa isang eskwelahan sa Olongapo City ito ang leksyon sa araw na iyon.
Pero hindi ito klase ng pre
school o ng grade 1. sa maniwala kayo sa hindi ang mga estudyante sa silid na ito ay nasa high school na. Sa isang paaralan ng Olongapo City National high School may nakatutuntong na mga estudyante na halos hindi pa rin marunong sumulat o magbasa. Simpleng salita lang ang kanilang kayang basahin ang iba nalilito pa. Kaya imbes na nobela tulad ng Nole Metangere Abakada ang kanilang binabasa. Sa mahigit 4 na libong estudyante ng Olongapo City National High school halos walumpo sa kanila hirap sa pagbabasa. Alas dose ng tanghali ng matapos ang kanilang klase pero imbes na mag-aral, dito namin nakita ang ilan sa kanila. Marahil ay isa ito sa mga dahilan kung kayat marami mga kabataan ang ngayoy hirap pa rin sa pagbabasa at pagsusulat. Pagbasa ang pundasyon ng kaalaman paano ka matuto kung di mo man lang kabisado ang simpleng alpabeto. Pero hindi kaylanman solusyon ang pagpapasa ng hindi pa handa ang bata. Iba ang pagpapasa sa pagbibigay pag-asa. Hanggat may mga gurong tapat sa paglilingkod, hanggat may pamilyang handing kumalinga, hanggat may lipunang seryoso sa pagbibigay serbisyo. Matutuklasan din ng mga bata na pag-asa sa pagbabasa. Ako po si alwin Asuncion at ito po ang eyewitness.