Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TUDO

Dumidilim nanaman ang kalangitan


Nagbabadyang bumuhos ang ulan
Tahimik, paunti-unti hanggang sa bumuhos ang nararamdaman
Ang mabigat na damdamin ay sinabayan ng bawat patak ng ulan

Maraming tanong sa isipan


Ang nais mong patulan
Ngunit hindi mo naman alam ang kasagutan
Sa mga problemang gusti mong takasan

Mabigat man ang damdamin sa bawat pagbuhos


Nararamdaman mo man na ikaw ay nauubos
Alam kong malalagpasan mo rin ang unos
At ika'y makakawala sa iyong pagkakagapos

You might also like