Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.1


Textbook based instruction
paired with MELC-Based SA FILIPINO 8
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 2 Linggo 1

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________


MELC:1 Napipili ang mga pangunahing at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-
b-24)
Aralin: Pangunahing At Pantulong na Kaisipan
Sanggunian:Pinagyamang Pluma & Pinagyamang Wika at Panitikan
Pahina: 148-156,

Layunin: 1. Natutukoy ang kaisipan sa binasa


Kasanayan Bilang: 1 Pagtukoy sa Kaisipan Araw: 1
KONSEPTO:
Tula: Isa sa mga itinuturing na pinakamatandang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika at
ibat ibang anyo at estilo. Ito rin ay isang masining na pagpapahayag ng buhay na hinango sa guni-guni. Ipinababatid ito
sa pamamagitan ng ating damdamin at ipanapahayag sa pananalita, Ang mga sinaunang Pilipino ay likas na may
kakayahang magpahayag ng damdamin o kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyo at
masining na paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma.
Alam mo ba?
Jose Corazon de Jesus- Si Jose Corazon de Jesus, o mas kilala sa sagisag na Huseng Batute, ay isang Pilipinong
makata, na sumusulat sa wikang Filipino upang ipahayag ang kanyang pagnanais ng kalayaan mula sa pananakop ng
mga Amerikano. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan,” kilala si Huseng Batute sa kaniyang tula na pinamagatang “Bayan
Ko.”
Ipinanganak noong Nobyembre 22,1896, isinilang si De Jesus kasabay ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
Sa kaniyang kabataan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral para maging mambabatas, ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy
sa paga-abugado sapagkat mas pinili niyang maging manunulat sa isang pahayagang nagngangalang Taliba, dito niya
ginamit ang kaniyang sagisag-panulat na Huseng Batute. Halos 4,000 na tula ang kaniyang naisinulat para sa Taliba at
800 naman para sa kaniyang kolumn sa diyaryong Ang Lagot na Bagting. Marami siyang ginamit na panagisag tulad
ng Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Luksa, Amado Viterbi, Elias, at
Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat ng ito, ang pinakasumikat ay ang Huseng Batute. Ilan sa mga akda niya ay
“Ang Manok Kong Bulik”, “Barong Tagalog”, “Ang Pagbabalik”, “Ang Pamana”, at “Isang Punongkahoy”, at ang
mga tulang tulad ng “Bayan Ko” na ngayon ay kinikilala bilang unofficial na pambansang awit ng Pilipinas. Siya’y
pumanaw noong Mayo 26, 1932, sa murang edad na 36 dahil sa sakit na ulser. Iprineserba ang kaniyang puso bago
ilibing kasama ng kaniyang ina. Nang lumipas ang panahon, inilipat ito para masama muli sa kaniyang katawan.
Isang Punongkahoy
Tula ni 6
Jose Corazon de Jesus 4 Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
1 Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Kung tatanawin mo sa malayong pook, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
ako’y tila isang nakadipang kurus, Naging krus ako ng magsuyong laing
at saka ang buwang tila nagdarasal,
sa napakatagal na pagkakaluhod, At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
parang hinahagkan ang paa ng Diyos. 5 7
2 Ang mga kampana sa tuwing orasyon, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, Panakip sa aking namumutlang mukha;
ibon sa sanga ko’y may tabing nang kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
habang ang kandila ng sariling buhay, dahon,
magdamag na tanod sa aking libingan…
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
8
3
At iyong isipin nang nagdaang araw,
Sa aking paanan ay may isang batis, isang kahoy akong malago't malabay;
maghapo’t magdamag na nagtutumangis; ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
sa mga sanga ko ay nangakasabit dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Pagsasanay 1:
PANUTO: Tukuyin ang kaisipang binanggit sa bawat pahayag . Piliin ang iyong sagot loob ng kahon
lamang ang isulat sa linya.

1
1. ____Ito ang kinahantungan ng kanyang sanga.
2. ____Ang tunog nito ay nagpapahiwatig ng pagtaghoy.
3. ____Ito ang kinahihinatnan ng puno.
4. ____Dito inihahambing ng makata ang anyo o larawan ng punongkahoy
5. ____Ang nagtutumangis sa may paanan ng puno.
6. ___ Sa bandang huli, ito ang nangyari sa kanyang mga dahon
7. ____Ito ang mga bagay na nakasabit sa kanyang mga sanga.
8. ___ Mistulang nananalangin sa simbahan.
9. ____Ang tinatanuran ng kandilang inuugnay sa sariling buhay
10. ___ Ang tila hinaghagkan ng puno sa matagal na pagkakaluhod nito.

A. Paa ng Diyos
B. Organo sa loob ng simbahan
C. Isang nakadipang krus
D. Ang kaniyang sariling libingan
E. Naging korona sa hukay
F. Pugad ng mga ibon ng pag-ibig
G. Naging krus ng libangan
H. Buwang malamlam
I. Natuyo, naiugnay sa sariling aliw
J. Ang kampana sa orasyon
K. Agos ng tubig sa batis
Layunin: Natutukoy ang kaisipan sa binasa

Kasanayan Bilang:1 Ibahagi ang Natukoy na Kaisipan


Araw:2
KONSEPTO:
1.
Pagsasanay 2:
Panuto: Tukuyin ang mga kaisipan na nakapaloob sa tulang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
gabay na tanong.Isulat ito sa iyong papel.
1. Ano ang sinasagisag ng punongkahoy? _________________________________________
2. Ano ang kalagayan ng puno noong una? Sa anong yugto ng buhay maaaring iugnay ang kalagayang ito?
____________________________________________________________
3. Paano nagbago ang kalagayang ito? Ano ang kaisipang ipinapahiwatig sa taludtod na” kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, ni
ibon ni tao’y hindi na matuwa”?
____________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, paano naiuugnay sa naging buhay ng makata ang taludtod na “ngunit sa tingin ninyo ang aking narating,
natuyo, namatay ss sariling aliw? Ano kaya kinahihinatnan ng kanyang
buhay._______________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Ano ang pangkalahatang kaisipan ng tula? Masaya ba i to o malungkot
Pangatwiranan.________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
6. Bakit mahalagang magkaroon ng makabuluhang buhay o ang tinatawag sa Ingles na Purpose driven life? Bilang kabataan
paano mo gagawing makabuluhann ang iyong buhay?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin: Nasusuri ang pangunahin at pantulong na kaisipan

Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Araw:3


2
KONSEPTO:
Pangunahing Kaisipan: Ang pangunahing kaisipan ay ang pinakamahalagang ideya ng teksto. Ito ay kaisipan na
tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang diwa ay ang kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata. Ito ay maaaring
matagpuan sa bahagi ng simula,gitna,at wakas.
HALIMBAWA:
KAMING MAG-ASAWA AY NAGKAKAROON NG MGA PROBLEMA. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera,
samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero
ayaw ko naman ng mga iyon.
Pantulong na Kaisipan: Ang mga pantulong na kaisipan naman ay ang mga suportang detalye na gumagawang tiyak sa
pangunahing kaisipan. Ito ay nagpapalawak sa mga kaisipan na tumutukoy sa pangunahing kaisipan
HALIMBAWA:
Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. BAKA SA LOOB NYAN AY MAY MATATALIM AT
KALAWANGING BAKAL. BAKA MAY MOUSETRAP DYAN AT BIGLA KA NA LANG MAIPIT. O BAKA MAKAGAT KA
NG MALAKING GAGAMBA DIYAN.
Pagsasanay 3
Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng mga pahayag na nagsasaad ng
katotohanan hinggil sa buhay ng tao batay sa nilalaman ng tulang binasa.

. 1. Ang buhay ng tao ay maaaring ihalintulad sa isang punongkahoy.


2. Kagaya ng puno ang buhay ng tao ay walang katapusan
3. Napagtanto ng makata na anuman ang mararating ng tao sa buhay ang lahat ng ito ay maglalaho rin.
4. Sa kabila ng kanyang pagkalaos ay marami pa ring natuwa at tumutulong sa kanya
5. Sa buhay ng taglay ng puno ang malalabay na sanga at malalagong dahon
6. Sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng malalabay na sanga at malalagong dahon ay nangangahulugang
siya ay nasa yugto na ng kanyang katandaan.
7. Naging masaya ang makata sa kinahihinatnan ng kanyang buhay.
8. Gaya ng isang puno ang bawat tao ay tatanda at mamatay.

Layunin: Nasusuri ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa binasang tula

Kasanayan Bilang: 1 Pagpili sa Pangunahing at Pantulong na Kaisipan Araw: 4


KONSEPTO:
Pagsasanay 4
Panuto: Suriin ang tula ni Jose Corazon de Jesus ang isang punong kahoy, Mula sa iyong pagsasanay 1 ay pumili ng mga
pantulong na kaisipan.
Isang Punongkahoy

Pangunahing Kaisipan:

Pantulong na Kaisipan:
1.

2.

3.

4.

5.

Gintong Aral Natutuhan

3
Inihanda ni: EDNA M. COŇEJOS

You might also like