Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Filipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon V
SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
San Juan, Casiguran, Sorsogon
S.Y. 2019-2020

FILIPINO 8- Panitikang Pilipino

Panuto: Isulat ang titik A kung salawikain, B kung sawikain, C kung kasabihan at D kung

bugtong ng bawat pahayag.

________1 Bumubuka'y walang bibig, ngumingiti ng tahimik.


________2 Hulog ng langit- biyaya o suwerte
________3 Mas delikado ang taong edukado.
________4 May ulo, walang tiyan, may leeg, walang baywang.
________5 Putak ng putak batang duwag, matapang ka't nasa pugad

________6 Pili nang pili, natapatan din sa bungi.


________7 Makati ang dila- madaldal
________8 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
________9 Kung ano ang itinamin, iyon din ang aanihin.
________10 Isang pinggan, laganap sa buong bayan.

PANUTO: Gumuhit ng tsek (/) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad.
Gumuhit ng ekis (X) kung ang paghahambing ay di-patulad.

____ 1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
____ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.
____ 3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
____ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.
____ 6. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko.
____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.
____ 8. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.
____ 9. Ang magkaibigan ay magkasintangkad.
____ 10. Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo.
II. Panuto: Tukuyin kung ano ang ibig sabihin ng mga idyomang nabanggit? Isulat ang titik ng tamang
sagot.
21. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato. Kahit hingi nila ako tulungan, aangat ang atingkabuhayan.
a. Mananaga si Julia
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.
c. Pupukpukin ni Julia ang bato
d. Tatagain ni Julia ang bato
22. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakikilala sa iyo dahil mabibisto
ka nila
a. magsabi ng katotohanan
b. magsinungaling
c. maglaro ng buhanginan
d. magpatiwakal
23. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a?
a. namumutla
b. nangangati ang lalamunan
c. may ahas na nakapasok sa bahay
d. hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita
24. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.
a. balitang sinabi ng kutsero
b. balitang walang katotohanan
c. balitang makatotothanan
d. balitang maganda
25. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niyan ang katotohanan
a. matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
b. pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
c. nagkaigihan
d. nagkabati
III. Panuto: Suriin ang elemento ng maikling kwento. Hanapin sa loob ng kahon ang bawat elemento
nito. Isulat lamang ang titik sa nakalaang kahon ng may bilang.

A. Iginawad ng Bathala ang kahilingan ng Bubuyog dahil


28. AT 29.
GITNA hindi na niya mababawi ang kanyang sinabi.
B. Hiniling ng bubuyog ang isang kagat na nakamamatay ng
tao
C. Ngunit may kondisyon. Ikamamatay mo rin ang iyong
pangangagat bilang parusa sa iyong kasakiman.”
ALAMAT NG D. Isang araw, may isang bubuyog na nakagawa ng matamis
BUBUYOG
na pulut-pukyutan Natuwa ang bathala at pinangakuan ng
isang hiling.
26. AT 27. E. Labis na nalungkot ang Bathala dahil mahal niya ang tao.
30.
SIMULA
WAKAS

Panuto: Isulat sa patlang ang titik PN kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-abay ng pamanahon at ,
PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

_______31. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.


_______32. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
_______33. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
_______34. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
_______35. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
_______36. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
_______37. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
_______38. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.
_______39. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.
_______40. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.

You might also like