Maikling Kwento - Masining Na Pagkukwento

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Tatlong Magkakaibigan : Si Patpat, Pisi at Plastik

likhang imahinasyon ni Beverly Arguelles

May tatlong magkaibigan na palaging nagpapagalingan. Si Patpat na palaging pinagmamalaki ang taglay
niyang lakas at kagalingan sa pagbuo ng ibat- ibang hugis dahil sa manipis niyang katawan. Si Pisi , na taglay
haba na nakakabot kahit saan at si Plastik na taglay ang ibat ibang pang-akit na kulay. Ang tatlong magkaibigan
ay matatagpuan sa isang bodega likod ng bakuran nila Tantan.

Isang umaga habang naglalaro si Tantan sa kanilang bakuran nakita niyang nakabukas ang pinto ng kanilang
bodega at siya ay pumasok dito. “Hoy Tantan! pagulat sa sigaw ni Patpat. “tayo ay maglaro. marami akong
maitutulong sayo para bigyan ka ng kasiyahan!” Nagsimulang sumayaw si Patpat sa harap ni Tantan at siya ay
nagbuo ng ibat ibang hugis gamit ang kanyang katawan. Lumikha siya ng parisukat, tatsulok, parihaba, hugis
bituin at kahit bilog ay nagawa niya dahil sa lambot ng kanyang katawan.

“Wow! ang galing!” ang tanging nasabi ni tantan dahil sa pagkabigla sa mga bagay na nagsasalita at
pagkamangha sa husay na pinakita ni Patpat. “Mas magaling ako diyan!, singit naman ni Plastik. “Tingan mo
may ibat- iba akong kulay. my berde, asul, pula, dilaw, lila, at kulay dalandan!, pwede mo akong gupitin at
gawan ng ibat ibang hugis na makukulay at gawing laruan!” nakangiting pagkukumbinsi ni plastik kay Tantan.”
“Wala kayo sa aking kakayahan!” pagmamayabang na sabat ni Pisi. ” Mahaba at malayo ang maabot ko. Maari
kitang samahan hanggang saan habang nakatali sa sira mong traktrakan!. Di gaya nilang dalawa na hanggang
dito na lang sa loob ng madilim na bodega”.

Hindi makapaniwala si Tantan sa kanyang mga narinig. Patuloy ang pagkamangha habang kinukusot ang mga
bata dahil sa kanyang mga nakita. “Totoo ba ito? mga bagay nagsasalita?” malakas niyang tanong. “Oo!” sabay
sabay na wika ng tatlo. “Gusto ka namin tulungang maging masaya kaya pumili sa amin ng gusto mong
makasama” sambit ni Patpat. Biglang natahimik at nag-isip si Tantan. “Ah alam ko na!” nanlalaki ang mga
mata habang masayang nakatingin sa tatlo. “Dahil lahat kayo ay magagaling kayong, lahat kayo kasama!”.
“Ayoko nga! sabat ni Patpat. “gusto ko ako lang. Ako lang naman ang may kakayahan na gumawa ng ibat
ibang hugis e.” sabay talikod habang nakairap ang mata. “Ako rin! ayoko! sagot naman ni Plastik. “Ayoko silang
kasama kasi ang papangit nila. Di sila bagay sa kagandahan ng aking mga kulay!” pagmamayabang na sabi niya.
“Mas lalo naman ako!” may hinanakit na tono ng boses ni Pisi. ” Gusto ko malayo ang marating ko, di naman
nila kayang sumabay sa ‘kin dahil maiksi lang sila”. paghihimutok ni Pisi. “Wag na kayong mag-away dahil lahat
kayo ay isasali ko sa gagawin ko.” sundin nyo lang ang iuutos ko at siguradong lahat tayo ay magiging
masaya”. Paniniguro ni Tantan.

“Patpat, kumorte ka ng hugis tatsulok,” pagpapasimulang utos ni Tantan at sumunod naman c Patpat. “Ikaw
naman plastik, iladlad magaganda mong kulay habang nakasakay sa likod ni Patpat. Kumapit ka lang ng mabuti
at magpapatulong tayo kay Pisi para di ka malaglag. Ikaw naman Pisi sa yo kakapit si Patpat sa pamamagitan
ng pagtali mo sa kanyang katawan. at pagkatapos kumapit kayo sa akin at tayo ay may pupuntahan!”
“Magmula ngayon ang pangalan nyo ay SARANGGOLA”!

Inilabas sila ni Tantan sa bodega at sa bukid dinala. Inihagis niya paitaas ang saranggola paayon sa ihip ng
malakas na hangin. “Weeeeeeeeeee!! malakas na sigaw ni Pisi habang tuwang tuwa, samantalang si Plastik
naman at patpat ay nakapikit dahil sa takot. “Hoy imulat nyo mata nyo at tumingin sa ibaba. Wag kayong
matakot di ko kayo bibitawan”. usal ni Pisi. “Wwaaawwww!! sigaw ng dalawa ng makita ang ibaba. “Ganito
pala ang pakiramdam ng may kasamang naglalaro at lumilipad pa.” sambit ni Patpat. “OO nga! masayang sabi
ni Plastik. Dahil sa tuwa lalong ibinukas ni Plastik ang kanyang katawan at ipinakita ang ibat iba nitong kulay
habang naglalaro sa ihip ng hangin. “Tingnan nyo oh! Ang daming mga bata na nanonood at natutuwa atin!
Masaya silang napapalakpakan!” “Ganyan nga pag may pagkakaisa at pagtutulungan! sabi ni Tantan. Kaya
nating magawa ang mga bagay na di kayang gawin ng mag-isa. Lalong higit ating nadidiskubre magagawa pa
pala tayo na makakatulong at makakapagpasaya sa iba”

Lumipas ang maghapon na puno ng katuwaan ang magkakaibigan. Ang saranggola ay lumipad ng lumipad
hanggang marating nila ang katayog tayugan. At doon nagising na rin si Tantan at nasambit niyang lahat ay
panaginip lang.

You might also like