Pagsusuri NG Pelikula 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSUSURI NG

PELIKULA

Ipinasa ni: Amalia B. Pimentel


BSBA FM 3-C
I. Pinagbasehang Panitikan:
Panitikan hinggil sa Migrasyon

II. Pamagat ng Pelikula:


Kita Kita

III. Direktor:
Sigrid Andrea P. Bernardo

IV. Pangunahing Tauhan: (Isa-isahin ang pangunahing tauhan at ibigay kung ano
ang kanilang role/pagganap sa kwento)

 Alessandra de Rossi bilang Lea- isang Filipina tourist guide sa


Sapporo (Japan). Iniwan siya ng kanyang kasintahan na Hapones at
nakaroon ng depresyon na kanyang ikinabulag pansamantala.

 Empoy Marquez bilang Tonyo- isang ding OFW na nagtatrabahosa


Japan, na nakatira sa kabilang kalye mula kay Lea. Katulad ni Lea ay
sinaktan at iniwanan din siya ng kanyang kasintahan, nagkaroon ng
depresyon, ngunit sa kabutihan ng mga kapwa niya OFW ay
nakabangon ulit.

 Junpei Yamamoto bilang Nobu- kasintahan ni Lea na hapones, ngunit


kalaunan ay niloko niya ito at pinagpalit sa babaeng Pilipino-Hapon.

 Hannah Espia - bilang dating kasintahan ni Tonyo

 Carolle Urbano bilang Aiko- ang babaeng pinalit ni Nova kay Lea.

V. Tema ng pelikula:
Ang tema pelikula ay romantiko at komedya, kung saan natagpuan ng
dalawang OFW sa Japan ang pag-ibig na di inaasan, at ito ay matapos silang
iwanan, at saktan ng kanilang dating minamahal. Sa pelikula ay makikitaan din
ng paksa tungkol sa mga Pilipinong piniling manirahan sa ibang bansa at doon
magtrabaho sapagkat mas malaki ang kikitain kaysa sa ating bansa.
VI. Buod ng Pelikula: (Bawal ang galing sa internet. Ibuod ito ayon sa inyong
pagkakaintindi)
Ang storya na ito ay sinimulan sa pagiibigan ni Lea at Nobu matagal na sila
nagsasama at malapit na sana sila ikasal pero di nag tagal nag bago ang
pakikisama ni Nobu kay Lea halos wala na siyang oras para kay Lea at nalaman
na lang ni Lea na may ibang kinakasama si Nobu at dahil sa pangyayaring iyon
sobrang stress at pag kasawi ng puso ang nangyari kay Lea dahil sa stress ay
nabulag si Lea hindi pa naman sya totally bulag temporary blindness lang ang
nangyari kay Lea at dahil don, doon nag simula ang pag kakilala nila Tonyo at
Lea sa una ay nag pakilala si Tonyo bilang "kababayan" at kababayan din ang
tawag kay Lea ni Tonyo noon dahil hindi nya pa kilala si Lea at ayaw din naman
mag pakilala ni Lea dahil naging masungit at halos walang pakialam sa mundo
dahil sa trahedya na naidulot sakanya wala siyang kinakausap na kung sino man
dahil mag isa rin sya sa buhay at nasa Pilipinas ang kanyang mga kamag-anak
pero dahil sa araw-araw na pangungulit ni Tonyo kay Lea na araw-araw dinsya
dinadalhan ng pagkaing pinoy ay di nag tagal nawala din ang sungit ni Lea kay
Tonyo at naging masayahin at nanumbalik ang dating pagkatao nya kahit bulag
sya, si Lea nga pala ay isang tourist guide sa Japan kaya si Tonyo gusto mag
pasama ka Lea para

VII. Aral:
Unang aral sa pelikula ay tungkol sa pag-ibig, na kadalasang nagyayari o
nararanasan ng mga taong umiibig ng lubusan ang masaktan, maiwanan at
pagtaksilan ngunit pagkatapos ng unos na ito ay may naghihintay na pag-ibig na
totoong magpapadama sayo ng ligaya at katapatan. Madalas ito ay nasa tabi-tabi
lamang at hindi pa natin kaagad makita o mapansin dahil hindi pa dumarating
yung tamang panahon. Isa pang aral tungkol sa pag-ibig ay ang “ Love is blind”
kung saan sa hin Kaya naman kahit pa masaktan tayo ay huwag susuko at
manalig lamang sa Diyos.

Pangawalang aral naman ay tungkol sa buhay ng mga OFW, sa pelikula ay


nakitang kong mag-isa lamang si Lea at Tonyo sa kanilang buhay doon, alam na
naman natin na ang buhay ng isang OFW ay hindi laging masaya at masagana.
Ngunit sa kabilang banda ang isang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang lugar o
partikular sa ibang bansa ay kapag nasalubong nila ang kapwa nila Pilipino ay
talagang naman nagtutulungan at nag-mamalasakit sa isa’t- isa. Ito ang patunay
na kahit saan mapadpad ang mga Pilipino ay palagi silang natutulungan.
Pangatlo, at ang huling aral ay ang tungkol sa mga pagsubok sa buhay ng
tao na kapag tayo ay dumaan sa ganitong sitwasyon, kadalasan ay sumasuko
tayo kaagad sapagkat madalas kulang na tayo sa pananampalataya sa Diyos, ito
madalas ang pinagmumulan ng mga sakit, pag-aaway, at hindi
pagkakaintindihan, ngunit isang malinaw na paalala sa atin ng pelikula na ang
pagsubok na binibigay ng Diyos sa atin ay isang instrumento upang tayo ay
maging mas matatag sa buhay at higit sa lahat maging handa sa buhay na
kanyang inilaan para satin.
Taglay Na Bisa:
Bisang Pandamdamin- ang pelikulang “Kita kita” ay may iba’t-ibang damdamin na
nais iparating sa mga taga-panuod, isa na rito ay ang kalungkutang ipinadam noong
malaman ng bidang babae na si Lea, na ipinagpalit pala siya ng kanyang kasintahan at
ganito din ang nangyari sa isa pang bida na si Tonyo, at ang pinakamatinding
kalungkutang naramdaman ko ay noong mamatay ang bidang si Tonyo sa huling parte
ng pelikula. Ngunit sa kabilang banda ay may kasiyahang din akong nadama sapagkat
ang buhay nila Lea at Tonyo ay naging masaya ng panandaliang nabulag si Lea, sa
pagkakataon na iyon ay nagkaroon sila ng masayang samahan at doon nagkalapit ang
kanilang mga puso hanggang sa gumaling si lea.
Teoryang Pampanitkan: (Magbigay Ng Patunay)
Teoryang Romantisismo- ang

P.S Siguraduhing ito ay may kaugnay sa mga panitikan na ating tinalakay

Panitikan hinggil sa Kahirapan


Panitikan hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka at Pambansa
Panitikan hinggil sa Isyung Pangkasarian
Panitikan higgil sa Sitwasyon ng mga Pangkat Minorya

You might also like