Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pimentel, Amalia B.

BSBA FM 3-C

Reaksyon at opinyon sa tulang “Kasarian ba ang sukatan ng kakayahan”

Sa aking paningin bilang isang babae, ito ay sadyang nakakalungkot kung iisipin,
na ang kasarian ba ang sukatan sa kakayahan?, dahil noon pa man ay iyan na ang
madalas bukang bibig ng mga kalalakihan o ng matatanda. Ngunit sa kabilang banda
ay may ilang bersikulo sa Bibliya na nagsasabing-- “gayundin, mga asawang lalake,
manirahan kasama ng inyong mga asawa sa maunawain na paraan, na ipinapakita
ang karangalan sa babae bilang mas mahina na sisidlan, yamang sila ay mga
tagapagmana sa iyo ng biyaya ng buhay, upang ang iyong mga panalangin ay hindi
mapigilan” 1 pedro 3:7. Marahil isa ito sa naging basihan ng mga tao kung kaya’t nasa
isipan nila na ang kasarian ang sukutan ng kakayahan. Datapwat, sa panahon ngayon
ay tila ba bumaliktad na ang sitwasyon at alam natin na ang kababaihan ay higit na
matyaga at may mahabang pasensya. At ang opinyon ko ay ang babae o lalake ay
nilalang upang punan ang pangangailangan ng isa’t-sa, sapagkat ang bawat kasarian
ay may kanya-kanyang kahinaan o kalakasan, at maging sa kasalukuyang panahon ay
napatunayan, na ang kasarihan ay hindi isang pang-sukat ng kakayahan.

You might also like