Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unos sa Makabagong Panahon

ni: Cristine Joy T. Fonte

Sa paglipas ng maraming taon


Panibagong pagsubok ay uusbong
Pagkakaiba at diskriminasyon sa wika
Ay nagiiwan ng pangamba sa bawat isa

Bawat hampas ng alon ay isang hamon


Sumsubok sa tibay at tatag ng bangka
Ngunit patuloy lang sa kaniyang paglalayag
Di magpapatinag at babalagtas sa bawat unos

Sa kaniyang bawat paglalakbay, karunungan ang nais nitong ialay


Wika at kultura ay di mapaghihiwalay, magpakailanman magsisilbing gabay

Kwentong bayan na kay sarappakinggan


Alaminang hiwaga sa likod ng bawat kwento
Imulat ang mata sa bagong kaalaman
At muling tuklasin ang sarili bilang Pilipino.

Di naman hadlang ang brayti ng ating kawikaan


Ngunit wag kaligtaan wikang katutubong kinalakihan
Pagkat ang tunay na pagasa ng ating bayan
Mga kabataang may pagmamamhal sa bayan

You might also like