Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO 1

GAWAIN 5: Magnilay-nilay nang magkamalay!


Meleza B. Banga
BEED GEN.ED 3-A

TTH 3:00-4:30 PM

Panuto: Isulat ang iyong repleksyon mula sa aralin at ang iyong saloobin sa pagpapaunlad at

pagpapabuti pa lalo ng pagtuturo ng wika sa mga estudyante. Isulat ang iyong mga puna at saloobin

sa loob ng scroll o kahit nasaan man bagay na gusto niyo ito isulat.

Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit


sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika
at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi lang ito natatapos
sa pagtuturo kung paano bumuo ng wasto at
makabuluhang mga pangungusap pati na rin sa
kasanayang bumasa. Kung hindi, ito ay isa mga paraan
para mas mapailalim ang wika at ang kultura ng mga
Piliino.
Sa araling ito nalaman ko kung gaano ka
importante ang ponemang suprasegmental sa pagtuturo
at sa pag-aaral ng mga bata. Ito ay nakakatulong sa
pagtukoy ng kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag
o ng nagsasalita. Sa tulong narin ng haba, diin, tono at
hinto sa pagbigkas at pagsasalita.

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay


naiintindihan nila ang ponemang suprasegmental at ito
ay magagamit sa pagsasalita ng wikang Filipino. Kaya
naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan
ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang
pamumuhay.

Mahalaga ang pagtuturo ng wikang Filipino sa


mga bata dahil kagaya ng sinabi ni Dr. Jose Rizal na
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang
magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga
Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at
kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang
magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at
kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na
matutuhan nila ito.

You might also like