Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GAWAIN 1: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag.

Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

1. Sapat na ang abstrak upang makita ang lalim at lawak ng isang pananaliksik.
2. Nakatitindig bilang isang hiwalay na teksto ang isang deskriptibong abstrak.
3. Tinatawag ding presi o sipnosis ang abstrak sa ibang publikasyon.
4. Ginagamit sa indexing ng mga nailathalang pananaliksik sa iba’t ibang
larangan ang abstrak.
5. Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis,
rebyu, o katitikan ng komperensya o pulong.
6. Ginagamit sa copyright, patent, o trademark application ang abstrak.
7. Mauunawaan ang kabuuang nilalaman ng isang siyentipikong papel sa
pamamagitan ng impormatibong abstrak.
8. Bukod sa impormasyon, makikita rin sa isang kritikal na abstrak ang
ebalwasyon sa katumpakan, kasapatan, at kabuluhan ng isang pananaliksik.
9. Inilalagay ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik sa isang
deskriptibong abstrak.
10. Pinakamabuting basahin ang buong pananaliksik upang makita ang detalye
ng metodolohiya at mahahalagang punto ng diskusyon na hindi nabanggit sa
abstrak.

GAWAIN 2: KAYANG-KAYA MO!


1. Maghanap sa isang lokal na pahayagan (broadsheet o tabloid) ng isang artikulo o
komentaryo na
tumatalakay sa isa sa mga kasunod na isyung panlipunan.
a. kalagayan ng Ekonomiya
b. Pag-unlad ng Turismo sa Bansa
c. Kalagayang Panseguridad
Evaluate!

d. Paglaganap ng Sakit sa Isang Komunidad


e. Mga Makabagong Teknolohiyang Pangkomunikasyon
f. Kaso ng mga Bullying sa Social Media
g. Suliraning Pantransportasyon sa mga Lunsod
2. Pumili ng dalawang paksa. Basahin at intindihing mabuti ang artikulo o komentaryo. Idikit sa
loob ng
kasunod na kahon ang larawan ng artikulo o komentaryong iyong napili, ibuod ito at magsulat
ng
replektibong sanaysay. Ibatay ang iyong paggawa ayon sa pamantayan ng paggrado.

GAWAIN 3. Tukuyin ang Konspetong inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat an sagot


sa patlang
sa unahan ng bawat bilang.

1. Ito ang panauhang ginagamit sa pagbubuod upang maipakita ang


pagiging obhetibo.
2. Ito an sintesis na may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat dito.
3. Isa itong praan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang teksto, ngunit
sa anyong mas maikli na napananatili ang kabuoang mensahe ng orihinal na
teksto.
4. Ito y paraan ng paglalahad na maaaring makita sa sintesis o buod kung saan
inilalahad ang pagkakatulad at/o pagkakaiba0iba ng mga konsepto, ideya, o ng
paksa.
5. Ginagamit ang sintesis na ito sa pagsulat ng pananaliksik, sapagkat lahingian
ng ganitong akademikong sulatin ang pagrebyu ng mga kaugnay na babasahin
upang mapalalim ang paksa ng pananaliksik o pag-aaral.
6. Naipapakita ang katangiang ito ang paggamit ng mga pangunahing konsepto
na pinagtutuunan sa orihinal na tekstong pinagmulan ng buod.
7. Isang sulating nagsasama-sama sa iba-ibang sanggunian upang matalakay
ang mga ito base sa isang punto de bistang nais bigyang-pansin.
8. Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.
9. Ang sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik
na isinasagawa.
10. Nanganagilangan ito ng malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng
sulatin.

You might also like