Professional Documents
Culture Documents
Piling Larang (TechVoc) W7
Piling Larang (TechVoc) W7
Subject: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech Voc) Grade: 12 Level: SHS Quarter: 4 Week : 7
MELC: Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Competency Code: CS_FFTV11/12PB-0g-i-106
mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal
Pangalan: Seksyon: Industry Petsa:
Paaralan: ALCOY NATIONAL HIGH SCHOOL District: ALCOY
A. Babasahin/Pagtatalakay sa Paksa
Maraming proyekto at negosyo ang hindi nagtatagumpay dahil sa kakulangan at masusing pag-aaral dito. Sa tindi ng
kompetisyon sa ekonomiya, marapat na pag-aralan mong mabuti ang iyong ideyang naiisip. Planuhin itong mabuti
sapagkat sa pamamagitan ng pagpaplano at masusing pananaliksik uunlad ang iyong kaalaman sa iyong target
market o target na mamimili at maging sa kapaligiran kung saan mo binabalak itayo ang isang negosyo o proyekto.
1|Page
Sa modyul na ito, atin munang talakayin ang tatlo sa lima na uri na ito ng feasibility study.
DESKRIPSIYON NG PROYEKTO
- Nakapokus ang pag-aaral na ito sa produktong nais simulan ng isang kompanya. Binibigyang-pansin dito ang kalidad
ng kanyang produkto o maging serbisyong kanyang inihahain. Sa uri na ito ng feasibility tinitingnan kung
maisasagawa ang produkto o serbisyong ito para sa isang partikular na negosyo o larangan. Halimbawa, ang
isang milktea shop, bago sila maglabas ng bagong flavor ng milktea, kanila munang sinusuri at pinag-aaralan ang
kalidad ng produkto na ito, ang lasa nito at kung ang bagong lasang ito ba ay papatok sa puwesto ng kanilang milktea
shop.
MARKET FEASIBILITY
- Ang market feasibility ay binibigyang-tuon ang merkado. Ibig sabihin, higit na pokus nito ang mga posibleng
kustomer. Sa pagtatayo ng negosyo, mahalaga na matukoy kung sino ang iyong target na mamimili. Kaugnay nito ay
mabigyang-pansin din sa uri na ito ang akses, lawak at laki ng lugar na nais pagtayuan ng negosyo upang matukoy
ang potensiyal ng binabalak na aksiyon. Halimbawa, kung ang iyong target na kustomer ay mga mag-aaral, marapat
na matukoy kung ang lugar na iyong pagtatayuan ay malapit ba sa isang paaralan? Posible ba itong maakses ng mga
target mong kustomer? Tandaan natin, kahit gaano kasarap ang ating ibinebenta kung hindi naman ito kayang
maakses ng ating target na kustomer ay posibleng hindi rin ito maging matagumpay.
TECHNICAL FEASIBILITY
- Kaiba naman ang technical feasibility study sa dalawang unang nabanggit na uri. Mula sa kanyang pangalan,
TEKNIKAL ang pagaaral na ito. Pokus nito ang laki at uri ng mga pasilidad pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan,
teknolohiya at hilaw na materyal na kailangan ng negosyo.
FINANCIAL/ECONOMIC FEASIBILITY
– Tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga halagang
kailangan upang makabawi (break-even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.
ORGANIZATIONAL/MANAGERIAL FEASIBILTY
– ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
B. Gawain 1:
Panuto: Kumpletuhin ang mga letra sa bawat kahon upang matukoy ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang
mga kasagutan sa iyong sagutang papel.
2|Page
Gawain 2:
Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, isa-isahin ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng feasibility study. Gawin ang
Gawain sa inyong sagutang papel.
C. Paglalapat/Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Bukod sa potensiyal ng negosyo, ano pa ang binibigyang-pansin sa market feasibility?
a. hilaw na materyal ng negosyo
b. gusaling pagtatayuan ng negosyo
c. laki at lawak ng negosyo
d. lahat ay tama
2. Binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang merkado.
a. feasibility study
b. market feasibility
c. deskripsiyon ng proyekto
d. technical feasibility
3. Tinutukoy ng pag-aaral na ito ang kalidad at uri ng produkto o serbisyong inihahain.
a. deskripsiyon ng proyekto
b. economic feasibility
c. feasibility study
d. financial study
4. Alin sa ibaba ang HINDI binibigyang-pansin ng technical feasibility?
a. hilaw na materyal
b. kagamitan ng negosyo
c. teknolohiya
d. posibleng customer
5. Sinusuri ng pag-aaral na ito ang laki at uri ng mga pasilidad pamproduksiyon na kailangan ng negosyo.
a. deskripsiyon ng proyekto
b. feasibility study
c. market feasibility
d. technical feasibility
6. Ano ang pinakamaitutulong ng feasibility study sa isang negosyo o serbisyo?
a. Mapagaganda nito ang proyektong binabalak sa isang negosyo.
b. Matutukoy nito ang mga hadlang sa naiisip na negosyo nang sa gayon ay makaisip ng solusyon.
c. Makatutulong ito upang mapalago ang negosyo o serbisyo ng isang kompanya.
d. Lahat ay tama.
7. Tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga halagang
kailangan upang makabawi (break-even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.
a. Market feasibility
b. Technical feasibility
c. Financial/Economic feasibility
d. Organizational/Managerial feasibility
8. Ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
a. Market feasibility
b. Technical feasibility
c. Financial/Economic feasibility
d. Organizational/Managerial feasibility
3|Page
4. d 8. d
3. a 7. c
2. b 6. d
1. d 5. d
Paglalapat/Pagtataya:
5. kalidad
4. market feasibility
3. serbisyo
2. technical feasibility
1. merkado
Gawain 1:
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian:
Francisco, Christian George C., Gonzales, Mary Grace H., Filipino sa Piling
Larang (Tech-Voc) (Quezon City, Rex Book Store Inc., 2016), 28-42
Department of Education – NCR, Division of Pasig City
GUIDE
For the Teacher: Please advise the students to read the discussion carefully to ensure total assimilation of the topic.
In doing so, they will be able to answer the given exercises smoothly.
For the Learner: Read the self-learning home task carefully from the first part to the last part. This will help you get a
clearer understanding of the subject matter.
For the Parent/Home Tutor: Please guide your child as he/she go through with the whole self-learning home task.
Make sure that he/she handles her time properly in order to prevent any deviations of the whole learning process.
4|Page