Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aljohn V.

Atienza
BSEd4-U2
“A.P.: Alaalang Pagkaiingatan”
Bago ko simulan ang paglalahad ng mga pangyayari sa aking huling pakitang-
turo, nais ko munang ilahad ang aking karanasan bilang isang guro sa pampublikong
paaralan ng San Vicente. Noong una akong pumasok sa paaralang iyon ay labis ang
kaba, takot, at hiya ang aking nadarama. Kaba na humarap sa napakaraming mag-
aaral. Takot na hindi igalang ng mga mag-aaral sapagkat nasa pagiisip nila na hindi
nalalayo ang edad ng kanilang guro sa kanila. Hiya na mahusgahan ng mga guro at
mag-aaral ang aking kakayanang mag-turo.
Noong unang pasok ko sa klase ko ay pinagsalita ako at pinagpakilala ng aking
kooperatibong guro. Naghanda ako ng mga patakaran na nais kong masunod sa aking
klase, at tahimik naman nila akong pinakinggan.
Di naglaon ay nagkaroon ako ng magandang pakikitungo sa aking mga mag-
aaral lalo na sa aking mga Rizal. Ngunit nang kasalukuyang kumukuha ang aking mga
estudyante ng kanilang pagsusulit ay nahulihan kong nagtutularan. Labis na lungkot
ang aking nadama sapagkat di ko akalaing magagwa nila iyon. Naramdaman ko na
hindi ako epektibong guro. Kaya nung mga sumunod na araw, mas hinigpitan ko ang
aking mga patakaran, at sinisigurado ko na naiintindihan nila ng maigi ang aking mga
tinuturo.
Nalalapit na ang araw ng aking huling pakitang-turo, labis na paghahanda ang
aking ginawa. Paghahanda ng mga kagamitan na aking ginamit, mga tema na
naangkop sa aking aralin, at higit sa lahat ang paghahanda sa aking sarili sapagkat
hindi lamang ako haharap sa aking apat na pu’t pitong estudyante kundi pati sa aking
mga guro sa kolehiyong aking pinapasukan at ang aking kooperatibong guro na silang
maghuhusga sa akin.
Labis na kaba ang aking nadarama sapagkat ako ang kauna-unahang sa aming
mga magkakaklase ang magpapakitang- turo. Sumagi na lamang sa aking isipan na
“Okay lang na di ako ang mag-best in demo, basta mairaos ko lamang ang araw na ito”.
Sinamahan ko ng dasal maraming dasal upang matanggal ang kaba na aking
nadarama.
Habang ako ay nagsisimula, ay nagiging maayos naman ang daloy ng aking
pakitang-turo. Hanggang sa matapos na ko na ito. Alam ko sa sarili ko na di ako
kontento sa aking nagawa at may kakulangan pa sa akin. Pinakinggan ko ang mga
kumento ng aking mga guro. Natutuwa ako sapagkat kanilang lubos na pagtanggap at
pagpapahalaga sa aking ginawang presentasyon.
Hindi ko man nakuha ang nais kong maging “best”. Ang samahan ng aking mga
estudyante at mga aral na nakuha nila mula sa akin at aral na nakuha ko sa kanila ay
walang kapantay na saya at galak.
Yun ang aking karanasan sa pagtuturo sa pampublikong paaralan at ang aking
huling pakitang- turo. Kung may aral man akong napulot yun ay “Ang pagtutro ay
napakahirap na propesyon sapagkat di lamang alam ang nakasulat sa libro at ituro ito,
kundi ang makaimpluwensya ng mga mag-aaral kung paano maging responsible,
disiplinado at mahusay na mag-aaral. At kapag nakita mo at naramdaman mo ito, higit
pa sa pera na ibinibigay ng gobyerno ang tuwa at ligaya na mararamdaman mo”.

You might also like