Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG LOBO AT ANG UBAS

Minsan ay unabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya


ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman.
Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa
sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na


ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at
muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na


umalis palayo sap uno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang
bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili.

ALAMAT NG MANGGA
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at
matulungin siya. Nagmana siya sa kanyang magulang na mababait din
naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben.
Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw
naman, samantalagang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom
ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap


ng pagalingin ang anak, lumubha pa rin ang kanyang kalagaya hanggang
sa siya’y bawian na ng buhay. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-
asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating
ang isang Diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben. Ibinaon ng diwata ang
puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang
hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

You might also like