FPL Akad q2 Mod5 Pagsulat NG Sulatin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Filipino sa Piling Larang

Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 5: Pagsulat
ng Sulatin
Filipino sa Piling Larang – Ikalabing-isa / Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Jhoanne S. Hernandez


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Jhoanne S. Hernandez
Co-Author - Layout Artist : Jhoanne S. Hernandez

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik Ikalawang
Markahan – Modyul 5: Pagsulat
ng Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang - Ikalabing-


isa / Ikalabindalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Pagsulat ng Sulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang sa Ikalabing-isa o


Ikalabin- dalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagsulat ng
Sulatin.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


makasulat at makabuo ng akademikong sulatin.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA11/12PU-Op-r-94)
a. Natutukoy ang mga katangian ng isang sulatin;
b. Natutukoy ang mga bahagi ng organisasyon ng sulatin; at
c. Nakakabuo ng sulating nakapaloob ang mga bahagi ng organisasyon
ng isang sulatin.
Subukin

Subukin mong hanapin at tukuyin ang mga salitang nasa


ibaba. Kuhanin ang iyong sagot sa pasel o palaisipan at alamin ang mga
salitang ito na may kinalaman sa ating aralin. Ano sa palagay mo ang
pamagat ng ating
bagong aralin?

P P A G S U L A T I N B

A K A T A W A N R P U A

K S G N P A M A G A T H

S A D T I T U L O K S A

A T I K A M D K I S O G

K O N G K L U S Y O N I

I N T R O D Y L S I M A

P I N U T E M A A D U L

A K A D E M I K O H P D

N O Y S A S I N A G R O

Napakahusay ng iyong pagsubok sa pagsagot sa gawain! Ang mga


salitang iyong natukoy ay mga terminong iyong matatagpuan sa ating
aralin. Kaya subukang tignan rin ang mga kahulugan nito upang mas
lalong maintindihan ang aralin.
Balikan

Balikan natin ang ating napag-aralan. Tukuyin ang mga elemento


ng sulatin sa ibaba. Kuhanin ang iyong sagot sa kahon. Ilagay ang sagot
sa
patlang na nakalagay bago ang bilang.

Tema Himig Kaisipan Larawan Nilalaman


Anyo Wika Damdamin Istilo Istruktura

1. Ito ay tinuturing na paksa ng sanaysay


2. Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng ideya
3. Isang elemento na nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga
mambabasa
4. Ito ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa
tema
5. Ito ay ginagamit upang maging simple, natural at matapat
ang mga pahayag
6. Isang napakahalagang elemento na ginagamit para
maipahayag ang ideya
7. Isang elemento ng sanaysay upang ilarawan ang
makatotohanan at masining na salaysay
8. Ipinapahayag nito ang emosyon na bahagi ng sanaysay
na naangkop sa sulatin
9. Naipapahiwatig ito ng kulay o kalikasan ng damdamin.
10. Ito ay nagsisilbing balangkas ng sanaysay.

Mga Tala para sa Guro


Balikan muli ang iyong notbuk. Maaring kunsultahin ang iyong talaan
upang masagutan ang mga tanong. Tignan rin ang talasalitaan o
diksyonaryo upang mas maunawaan ang kahulugan ng mga salita o
termino. Magmadali at kumuha ng papel at sagutan. Kaya mo yan!
Aralin
Pagsulat ng Sulatin
1
Ang akademikong sulatin ay isang pagsulat na naglalayong
maglahad ng mga impormasyon na binabahagi sa mga taong bumabasa
nito. Mayroon ding mga elemento o sangkap ang isang sulatin. Ito ay ang
tema o nilalaman, anyo o istilo, istruktura at larawan na bumubuo rito
upang mas mapabuti at mailahad ng may kaayusan ang isang sulatin.

Ang mga katangian ng isang sulatin ay una (1) organisado o maayos


na pag-aaral ng paksang nais talakayin, ikalawa (2) malikhain sa paglalahad
ng paksang tinatalakay, at ikatlo (3) may kapani-paniwalang datos o
impormasyon.

Ang organisado o maayos na paglalahad ng mga impormasyon ay


batay sa mga datos o mga ebidensyang nakuha sa pananaliksik o pag-
aaral. Mayroong apat na bahagi ng organisasyon ng sulatin. Ito ang
mga sumusunod:

1. Titulo o Pamagat.
Ito ang bahagi kung saan makikita ang paksang tatalakayin sa
isang sulatin. Nakapaloob din dito ang may akda, at iba pang
impormasyon patungkol sa sulatin.

Makikita rin ang paksa na pangunahing pag-uusapan sa


gagawing pag-aaral o pananaliksik. Maaring ito ang iyong interes o
nais pag-aralan. Ito ay isang espisipikong paksa na tatalakayin sa pag-
aaral upang maiwasan ang malawak na talakayan. Ito ay dapat
makabuluhan at napapanahong tema.

Tandaan ring ito ay dapat angkop ayon sa panahon na iyong


itinakda upang matapos ang pananaliksik. Isaalang-alang rin ang
sapat na datos at sanggunian upang maisagawa ang
isang pananaliksik.

2. Introduksiyon o Panimula.
Ito ay ang pambungad na pagtalakay sa paksa, ang
kahalagahan nito at mga dahilan kung bakit nasulat ang isang
sulatin.
Sa bahaging ito mo rin mapupukaw ang mga mambabasa na
magppatuloy ng kanilang pagbabasa hanggang sa dulo.

Dito rin matatagpuan ang mahahalagang impormasyon tungkol


sa paksa. Ito ang masasabing kritikal na bahagi ng sulatin na dapat
siguruhin ng manunulat na mabanggit na ang kanyang proyekto ay
posible at karapat-dapat pag-aralan o kung bakit ito napili. Maaring
magbanggit rin ng mga awtor o mga may-akda ng parehong pag-
aaral.

3. Katawan
Ito ang pinakamahalagang bahagi na maituturing kung saan
tumatalakay sa paksang napili. Dito makikita ang paglalarawan,
pagsasalaysay at paglalahad ng paksa at nilalaman nito.
Nakapaloob din dito ang mga datos na nakalap sa masusing
pananaliksik.

Sa bahaging ito, nakasalalay ang kabuuan ng sulatin. Kasama


rito ang paglalahad ng mga datos at detalye nito, pag-aanalisa
at pagsasaayos ng mga resulta, paglikha ng interpretasyon at
pagbubuod ng pag-aaral upang makagawa ng wakas o kongklusyon.

4. Kongklusyon
Ito ang huling bahagi na naglalaman ng mahahalagang puntos
ng sulatin. Makikita rin dito ang mga napatunayan o napag-alamang
mga impormasyon batay sa paglalahad at pagusuri nito na ginamit sa
pananaliksik. Makikita rin dito ang mga resulta ng mga
nabusising impormasyon patungkol sa paksang tinalakay. Sa huli,
ang rekomendasyon rin ay sinusulat sa bahaging ito.

Napakahalaga na isaalang-alang sa pagsulat na sundin ang bawat


bahagi nito upang maturing itong isang mahusay at kapaki-pakinabang na
sulatin sa mga mambabasa.

Ilan sa mga ito ay ang bionote, posisyong papel, pictorial essay,


replektibong sanaysay, sintesis, abstrak at marami pang iba. Tunghayan ang
isang halimbawa ng isang abstrak na isinulat ni Tereso S. Tullao Jr.

8
Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-sari
Tereso S. Tullao Jr. pamagat

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa


pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang panimula
intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man, ang
mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong
propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita
Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang
katawan
Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng
mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.

Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri ang limang


pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin
ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon
sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi Kongklusyon
gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing
problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Ganundin naman, ang sulatin ay kinakailangan rin magtaglay ng


malikhaing isip sa paglalarawan ng mga impormasyon. Ang istilo ng
paglalahad ng mga datos, mga bagong natuklasan sa paksa o tema ay
nakakatulong rin upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang
nilalaman nito. Ang istruktura o balangkas naman ang nagbibigay direksiyon
sa sulatin sa pamamagitan ng pagsasasalaysay ng mga sunud-sunod
na pangyayari tulad sa lakbay-sanaysay.

Isa rin sa katangian ng sulatin ay ang maging makatotohanan


at kapani-paniwala ito. Ang mga datos at impormasyon na nakalap sa
interbyu, sarbey at tseklis ang nagsisilbing batayan sa makatotohanang
paglalarawan ng paksang pinag-uusapan. Lahat ng nakuhang
impormasyon ay kinakailangang batay sa mga ebidensyang pinipresenta
na pagbabasehan ng pag-aanalisa nito, pagbubuod o paglalahad ng
interpretasyon.

9
Tuklasin

Ang mga gawain na nakalista sa ibaba ay mga hakbangin na


maaring gamitin sa pagsulat ng isang maayos at organisadong sulatin.
Katulad ng anumang sulatin, nangangailangan ito ng pagbabalangkas para
magkaroon ng direksyon ang isang sulatin ayon sa layunin kung bakit ito
sinusulat.

Nararapat sa isang sulatin na sumunod sa mga alituntunin o mga


dapat gawin sa bawat bahagi ng organisasyon. Ang bawat bahagi nito ay
nangangailangan ng masusing pag-iingat sa paglalahad ng mga detalye at
impormasyong nakapaloob dito.

Halina at gawin natin ito. Tukuyin ang mga sumusunod na mga gawain
sa bawat bahagi ng organisasyon ng sulatin. Lagyan ng tsek (√) ang OO sa
kahon kung ito ay kasama sa mga gawain at ang HINDI kung hindi ito
kasama
sa mga gawain sa mga bahagi ng organisasyon ng sulatin.

Gawain sa pagbuo ng organisadong sulatin Oo Hindi


1. Pangangalap at pag-aanalisa ng Datos
2. Pagpili ng paksa at pagbabalangkas nito
3. Pagbubuod at pagbuo ng kongklusyon
4. Pagtalakay sa paksa at ng kahalagahan nito
5. Pagrerebisa at Pag-eedit ng dokumento
6. Pamimili ng bahaging gagawin upang mabuo ang
teksto
7. Pagsasalaysay ng mga nakuhang impormasyon
8. Pagsasaayos ng mga tatalakaying balangkas ng paksa
9. Pangongopya ng salaysay ng ibang akda
10. Di-paglalahad ng sapat na detalye sa paksang pinili
11. Pagsisiwalat ng layunin ng sulatin
12. Pagbibigay ng katwiran sa resultang nakuha
13. Paglalagay ng mga pangalan ng may-akda sa hiniram
na salita, artikulo at iba pa.
14. Pagkuha ng datos ng di pinagpapaalam sa may-akda
15. Pag-aanalisa at pagbibigay ng pahayag o
interpretasyon sa nasabing paksa

Napakahusay! Ilan lamang ang mga iyan sa dapat nating tandaan sa


pagsulat ng sulatin. Tandaan rin na isa sa katangian ng isang mahusay na
10
sulatin ang pagkakaroon nito ng tema, nilalaman, anyo, istilo o istruktura at iba pa.
Kaya naman

11
ito ay matatawag na buo, ganap o kumpletong sulatin kung ang mga komponent
o sangkap na ito ay nakapaloob sa isang sulatin.

Dapat ding pagtuunan ng pansin ay maging organisado rin upang maayos


ang daloy ng mensahe sa pagtalakay o paglalahad ng nilalaman nito. Kaya’t
ating suriin kung anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos o organisado
ang isang sulatin.

Suriin
Anu-ano ang mga tinutukoy na bahagi ng organisadong sulatin? Tukuyin ang
mga ito. Hanapin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Nilalagay dito ang pangalan ng sumulat


2. Nakasaad dito ang kahalagahan ng paksa
3. Pagpapaliwanag sa paksa
4. Nagpapahayag ng mga makatotohanang datos
5. Nilalagay din ang petsa ng pagkasulat o pagpasa ng sulatin
6. Nagpapatunay sa natuklasan batay sa pagsusuri ng mga
impormasyon nakalap sa pananaliksik
7. Nagsasalaysay at nangangatwiran sa tinatalakay na paksa
8. Nagsasaad ng pambungad na talakay sa daloy ng sulatin
9. Inilalahad dito ang paksang nais ilarawan
10. Nagtataglay ng lagom ng mahahalagang puntos

a. Titulo o Pamagat
b. Introduksiyon o Panimula
c. Katawan
d. Kongklusyon

11
Mga Bahagi ng Sulatin at Mga Gawain Nito

Ang isang sulatin ay kinapapalooban ng apat na bahagi. Ang una ay


titulo o pamagat, (2) panimula o introduksyon, (3) katawan at (4)
kongklusyon.

1. Titulo o Pamagat

Ang unang bahagi ay ang titulo o pamagat na paksang tatalakayin.


Naglalaman rin ito ng pangalan ng sumulat, petsa kung kailan ito naisulat, at
iba pang detalye na tutukuyin ng guro.

2. Panimula o Introduksyon

Ang panimula o introduksyon ang maghihikayat sa mambabasa sa


kanilang interes na basahin ang sulatin. Kinapapalooban ito ng pambungad
na pagtalakay sa daloy ng pape. Mababasa rin ang kahalagahan at
dahilan ng pagsulat ng paksa. Ito ay tinatawag na bahagi ng sulatin
kung saan kailangan makuha ang atensiyon ng mga mambabasa para
tuluyan itong basahin. Ilan sa mga mabisang panimula ay ang sumusunod:

1. Pasaklaw na Pahayag – inihahayag muna rito ang mga resulta o


kinalabasan ng pag-aaral bago isa-isahin o pagsunud-sunurin ang
mga di-gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalagang detalye.

2. Pagbubuod – inilalahad ang pinakamahahalagang detalye o ideya


bago tumungo sa sadyang paksang dapat talakayin.

3. Pagtatanong – sinisimulan ito sa tanong at paglalahad nito.

4. Tuwirang Sinabi – sinisimulan ito sa mga pahayag ng mga dalubhasa,


mga bantog o awtoridad na nagpapahayag ng mga mahahalagang
ideya patungkol sa paksa o ideyang tinatalakay.

5. Panlahat na Pahayag – ito ang introduksyon na nagsisimula sa


kahalagahang pang-uniberal na karaniwang hinahango sa mga
makatotohanang kaalaman batay sa pag-aaral o pananaliksik. Maari
ring kuhanin ito sa mga sawikain at mga kawikaan.

12
6. Paglalarawan – naglalarawan ng tao at nagbibigay ng deskripsyon
sa paraang malikhaing paglalarawan na gumagamit ng
maaksyong salita.

7. Pagkakaligiran – ginagamit ito upang magbigay panimula o


introduksyon sa paksa, ideya o suliraning nilalarawan upang mas
maunawaan ng mga mambabasa ang tungkol dito

8. Pagsusumbi – isa ito sa bihirang gamitin ng mga manunulat.


Karaniwang binubuo ng iisang salita, at pinapalawak ito upang
tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

9. Pagsasalungat – inilalahad ang pagkakaiba ng dalawang ideya sa isa’t


isa. Ginagawa ito upang timbangin ang kahalagahan ng bawat ideya.

10. Pagsasalaysay – katulad ito ng pagkukuwento o paglalarawan sa


paksa.

11. Makatawag-pansing pangungusap – mga pangungusap na kapana-


panabikan ng mga mambabasa. Ito ang pupukaw sa atensyon o
interes ng mga mambabasa.

12. Analohiya – Ito ay pagwawangis o paghahalintulad sa mga bagay o


pangyayari.

13. Anekdota – maihahalintulad ito sa pagkukuwento ng isang istorya


para mahikayat ang mambabasa.

3. Katawan

Ang katawan ng sulatin ay ang pangunahing paglalarawan ng paksa


at ng nilalaman nito. Matatagpuan rito ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay at paglalahad ng paksa. Mayroong mga
pamamaraan sa pagbuo at pagsasaayos ng katawan ng sulatin. Ilan sa
mga ito ay nakalista sa ibaba.

1. Pakronolohikal – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa


nakaraan hanggang sa kasalukuyan

13
2. Paanggulo- ito ay base sa pansariling reaksyon o interpretasyon ng
tao sa mga bagay o mga isyu tungo sa obhektibong buod ng
sulatin

3. Paespesyal o Pag-aagwat- paglalatag ng mga ideya o


pinakamalapit na pangyayari na alam na alam na paksa
hanggang sa pinakamalayo o sa hindi masyadong alam na paksa

4. Paghahambing - pagseseksyon o paghahati ng mga seksyon sa


pagkakaiba at pagkakatulad

5. Palamang o pasahol – pagsisimula ng paglalahad sa


pinakamahahalagang bahagi hanggang sa di-gaanong mahalaga
o kabaligtaran nito

6. Patiyak o Pasaklaw – ito naman ay sinisimulan sa isang partikular


o ispesipikong ideya bago ang pagkalahatang mga pahayag o
vise- versa.
7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan naman nito sa komplikadong
sitwasyon o detalye hanggang sa simpleng ideya o detalye o vise-
versa.

3. Kongklusyon o Wakas

Nilalahad sa konglusyon o wakas ang mga mahahalagang puntos ng


papel. Dito rin makikita ang mga napagalamang bagong kaalaman batay
sa pagsusuri ng mga impormasyon ginamit sa pananaliksik. Ito rin ang
tinatawag na kabuuan ng sulatin.

Maaring gamitin sa pangwakas ang pagbubuod, pagsisipi,


pagtatanong, tuwirang sinabi, panlahatang pahayag, pagpapahiwatig ng
aksyon o paglalahad ng mahalagang insidente.

14
Pagyamanin

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Lagyan ito ng paksa o pamagat


na naaakma sa larawan. Sumulat ng sulatin o isang pictorial essay na
may lima o pataas na talata na maglalahad ng iyong opinyon o
saloobin
patungkol sa larawan.

Ang kriteryang pagbabatayan sa iyong marka o grado ay:

Kriterya sa Pagsulat ng Pictorial Essay Puntos


Natukoy at nasunod ang mga bahagi ng organissayon sa
5
sulating pictorial essay
Nakabuo ng talata (5 o pataas) patungkol sa larawan 5
Nakasulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang
5
sulatin (pictorial essay)
Kabuuang Puntos 15
Isaisip

Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang (1) ay sinusulat sa organisadong pamamaraan,


may malikhaing isip at naglalaman ng kapani-paniwalang mga
impormasyon o detalye sa napiling paksa. Mayroon ding bahagi ng
organisasyon ang isang
sulatin. Ang mga ito ay (2) _, (3) , (4)
at (5) . Ilan sa mga sulating ito ay ang
(6) , (7) , (8)
at marami pang iba. Kinakailangan
ring ang manunulat ay may (9) at (10) . Sa
pagbuo ng panimula, ilan ditto ang mabisang gamitin tulad ng (11)
, (12) , at (13) .
Ganundin naman sa pagbalangkas ng katawan, gamitin ang paraan sa
pagbuo nito tulad ng (14) _, (15) , at
(16) .

Sa panghuling bahagi naman, dapat ay gumamit ng mabisang paraan


sa pagwawakas ng sulatin. Ilan sa mga ito ay (17) ,
(18)
, (19) at (20)
.
Isagawa

Pumili sa mga paksang napapanahon na nais talakayin. Sumulat ng


isang replektibong sanaysay na may 5 talata o pataas sa napiling paksa.
Gamitin ang mga patlang upang maging gabay sa pagsulat. Gumamit ng
ekstrang papel kung kinakailangan.

1. Bullying
2. Anti-terror Bill
3. Online Learning
4. Ang Paggamit ng Gadgets sa Aralin
5. Ang Covid-19 Pandemik

Titulo/ Paksa

Introduksiyon/ Panimula

Katawan

Kongklusiyon
Tayahin

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Sumulat ng sulating pictorial essay


patungkol sa larawan. Siguruhing bawat bahagi ng organisasyon ng sulatin
ay nakapaloob sa sulatin. Gumamit ng ekstrang papel kung
kinakailangan. Gamitin ang mga patnubay na tanong sa ibaba para
makapagsulat ng sulatin.

1. Ano ang tinutukoy sa larawan?


2. Ilarawan at ipaliwanag ang mga impormasyon na nakapaloob sa
larawan.
3. Anong mensahe ang nais iparating ng larawan sa mga mambabasa?

Ang kriteryang pagbabatayan ng iyong marka ay ang mga sumusunod:

Kriterya sa Pagsulat ng Pictorial Essay Puntos


Natukoy ang paksa na aangkop sa larawan 5
Nailarawan at nalahad ang mensahe na nais iparating sa
5
mga mambabasa
Nakasulat ng pictorial essay na kinapapalooban ng mga
5
bahagi ng organisasyon
Kabuuang puntos 15
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang sulatin o bionote patungkol sa iyong sarili. Lagyan ito


ng iyong larawan at sundin ang bawat bahagi ng organisasyon ng sulatin.
Sumulat ng 10-15 pangungusap tungkol sa iyong sarili. Gumamit ng ekstrang
papel kung kinakailangan.

Ilagay ang iyong larawan


Karagdagang Gawain: Isagawa:
Tayahin: -Depende sa awtput ng bata
- depende sa awtput ng bata
-Depende sa awtput ng bata

Suriin:
Balikan: Subukin:
1. Tema 1. Sulatin
1. A 2. Anyo 2. Pamagat
2. B 3. Nilalaman 3. Katawan
Pagyamanin: 3. C 4. Kaisipan 4. Organisasyon
4. C 5. Istilo
-Depende sa awtput 5. Panimula
5. A 6. Wika
ng bata 6. Kongklusyon
6. C 7. Larawan
7. Panimula
7. C 8. Damdamin
9. Himig 8. Paksa
8. B
10. Istruktura 9. Tema
9. B
10. Titulo
10. D
Sanggunian
Commons.wikimedia.org. 2020. File:Bayanihan 2.JPG - Wikimedia Commons. [online]
Available at: <https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG>
[Accessed 8 July 2020].

Commons.wikimedia.org. 2020. File:Covid-19 And Child Labour.Jpg - Wikimedia


Commons. [online] Available at:
<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Covid-19_and_Child_Labour.jpg>
[Accessed 8 July 2020].

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang – Akademik. Kagamitan ng Magaaral.

DepEd (2013). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang.

Tullao, T., 2009. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari. Malay,
22(1).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like