Hudhud Hi Aliguyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

‘HUDHUD HI ALIGUYON’ : ALAMAT NI ALIGUYON

Isang araw nuong unang panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang
isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay
matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang
mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung
paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma
(encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang
mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng


kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge)
ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon,
marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad
si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa
niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis
pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang
humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon


hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o
pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at
husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan.
Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at
Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang
kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina


Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan,
ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan
hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya.
Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

ANG PINAGKUNAN
‘Hudhud hi Aliguyon,’ An Ifugao Legend of the Hero, Aliguyon, Introduction to Philippine Folklore, http://folklore.philsites.net/stories/heroism1.html

You might also like