Professional Documents
Culture Documents
Mga Alamat
Mga Alamat
MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay
ang isang matandang dalaga (vieja solterona, spinster) upang magbayo (moler, pound ) ng palay.
Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay ( peine, comb) mula sa buhok ( pelo, hair), at
mula sa leeg (cuello, neck), ang kanyang butil-butil na kuwintas (collar de abalorios, bead
necklace) at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat (sea coral
bed).
Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo (maja, pestle), tinamaan niya ang
langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang
bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama
ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit.
Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ( jewelry) ng matandang dalaga,
hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan (luna,
moon). Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala (estrellas,
stars) na kumikinang tuwing gabi.
ANG PINAGKUNAN
‘Magbangal,’ and ‘How the Moon and the Stars Came to Be,’ 2 Bukidnon (Mindanao) Myths, Philippine Folk Tales,
compiled and annotated by Mabel Cook Cole,
ALAMAT NG BAHAG- HARI
Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ng bahag- hari. Subalit hindi
nila matiyak ang totoong pinagmulan nito. Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahag-
hari, nagbibgay ito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maraming nilikha ang
naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay naging masaya at ang bawat isa ay
nagmamahalan.
Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Naging makasalanan at gumulo ang
mga tao. Naghari ang kasamaan, iilan lamang sa kanila ang naging mabubuting tao. Ang
Dakilang lumikha ay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala ito ng sugo
para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbago.
Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip ay pinagtawanan at sinaktan pa ito.
Ang Dakilang lumikha ay nagalit sa mga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.
Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang
napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha ang buong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y
nangamatay at ang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas at naiwan. Nang
tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang baha ay muling umaliwalas ang langit. Mula sa
langit ay natanaw nila na may isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t ibang mga
magagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay na nananalig sa Dakilang
lumikha. At ang arkong may iba’t ibang kulay ay tinawag na “Bahaghari.” At hanggang ngayon
ay makikita natin lumalabas ang Bahag- hari matapos umulan ng malakas. Marahil paalala ito ng
Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mga tao’y muling malilipol ang mga
masasama.
ALAMAT NG BAWANG
Mapag- aruga at mapag- mahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na
mapalaking mabait ang kaisa- isang anak na si Kulala.
Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kanyang ama.
Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay
na ang isa sa mga magulang niya.
Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang
namatay ang kanyang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag- iisa na
siya ay hindi na niya naisip na mag- asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si
Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit ni Uganda sa
anak. Nais niyang makapag- asawa ito ng mayaman upang mailayo sa karalitaang kanilang
nararanasan.
Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag- usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang
kutis at balinkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap ang mga mata niya. Ang
mga labi niya kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na
dala lalo’t kapag siya ay nagtatampo na.
Sapagkat marunong makipag- kapwa tao kaya siya ay kaibigan ng mga bata at matatanda.
Mahirap at mayaman ay pantay- pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay
pakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya ang pagpapakatao ay isang mabuting
pag- uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rind aw tayo sa
pinanggalingang lupa ni Bathala.
Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit na lahat ay pinakikiharapan ng anak,
nangangarap pa rin ang ina n asana ay mayaman at makapangyarihang binata ang
mapapangasawa ng kaniyang magandang dalaga.
May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag- ibig sa kaniya pero
wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat ng manliligaw niya
ay nagpapakiramdam at nagpapayabangan, mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang
pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na
nagpapasikatan.
Nariyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang
pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lamang ay
mayabang na itong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero
sinamang palad, nabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya
kaagad.
Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaymay na
katawan ng mangingibig.
Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na
mangingibig. Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag- aagawan
ng kabinataan.
Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Nariyan si Arturo na
anak ni Datu Basti at nariyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang
tanging pamantayan ni Uganda, binuo niya sa sariling matira ang matibay ang dapat na
paglalabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay naparunggitan sila sa
isa’t isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa
gusto nilang makamit ang kagandahan pinag- aawayan, ang pakikipaglaban na nagawi sa
magkaibigan ay nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay.
“Bathala ng Kabundukan!” nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, “Kunin nap o ninyo
ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na hirap nap o ako, ang kalooban kong maging
instrumento upang pag- aawayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa
mga sakim na nagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at
materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa nap o kayo! “Pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga
na hindi nakadama ng pag- ibig na nakauunawa at sagrado.
Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan sa bumuhos na ulan. Nagsalubungan ang
matatalim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay
bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao
si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may mga ngiti sa labi sa katuwaan.
Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto ni Kulalang lisanin ang daigdig.
Lagi niya itong dinadalaw hanggang isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya
ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala.
Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala.
Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula
noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na
tinatawag ngayon bilang Bawang.
ALAMAT NG KAWAYAN
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo.
Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag
nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag
nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya
pagka't tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan
niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan.
Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.
Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at
pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si
Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-
uusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni
Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-
tuwa si Kawayan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya
sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang
mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na
napangiti si Kawayan.
Nakakita nab a kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o
katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin ay tila munting
plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-
pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging
malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap ang atay at
itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.
Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang
landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata ng Barangay
Lumubog-Lumitaw.
Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at
walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang inutil, ay
nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon
kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy
ng tadhana na walang nais kumandili.
At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na
bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita, hanggang sa ang mga ito ay
papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang
masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-
ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng
dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-
Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig...
papalayo... papalayo... patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong
ang kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at
nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang
bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat
ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon...patungo...patungo sa dako
niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!
Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-
Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan ng isang
malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-tunog,
pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa
napipintong panganib.
Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong;
nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.
Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar
na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang
talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay. "Ang
mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang
pagpapakasakit ng isang dakilang puso."