Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

W 3-4 Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang Grade 4

Markahan Ikaapat na Kwarter Petsa 10 araw

I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at Alagaan


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga
KASANAYANG PAMPAGKATUTO materyal na bagay
(MELCs) 13.2.1. pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nauunawaan at naipakikita ang pananalig sa Diyos sa
pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa
mga likha

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Unang Araw ng Unang Linggo)

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang pagmamahal sa kapwa-tao at sa sarili. Ang


pagkalinga at pagmmahal ay hindi lamang naipakikita sa mga tao. Ito ay maaari ring ipakita sa
iba pang nilikha tulad ng mga hayop. Sa araling ito, matutunan mo ang pagpapahalaga at
pagkaljnga sa mga hayop na ligaw at endangered. Bilang batang mag-aaral, nararapat lang na
kalingain , mahalin at alagaan mong mabuti ang mga hayop.
Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa mga magagandang katangian nating mga Pilipino.
Sa pamamagitan nito ay ipinakikita natin ang ating pagmamahal sa Diyos sapagkat kabilang ito
sa Kanyang mga nilikha.

Basahin nang tahimik ang tula.


Mga Hayop ay Mahalaga

Mga nilikha ng Diyos, taga-pangalaga ay tao,


Nasa lupa, tubig, o nasa himpapawid man ito.
Mahalin, alagaan at tratuhin nang wasto,
Upang manatili ang balanse ng mundo.

Alagang hayop sa bahay at bukid, malaki ang pakinabang,


Maging mga hayop na ligaw ay itinuturing na yaman,
Tamang pangangalaga ang kanilang kailangan,
Upang lahi nila’y hindi maubos nang tuluyan.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Paano natin dapat tratuhin ang mga hayop?
3. ano ang mensahe sa atin ng tula?
4. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga ligaw at endangered na hayop?
Bakit?
D. Pagpapaunlad (Ikalawa at Ikatlong Araw ng Unang Linggo)

Ang Republic Act, 8485 na mas kilala bilang “Animal Welfare Act of 1988” ang unang batas
na komprehensibong nagtadhana sa tama ay maayos na pangngalaga ng mga mamamayan sa
lahat ng hayop sa Pilipinas. Binubuo ang batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang
namumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi sa batas na ito na dapat mabigyan ang lahat ng
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO
hayop ng wastong pangangalaga at maaring maparusahan ang sinumang mapatunayang
lalabag dito.
Tingnan ang mga larawan ng ilan sa mga iniingatang ligaw at endangered na hayop ng
Pilipinas. Ilan ang kilala mo sa kanila? Magpatulong sa mga kasama sa bahay o sa mga
parateachers upang matukoy ang mga nasa larawan.

Photocredit: wildlife@PhAnmls.Interes

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit sa patlang ang puso kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap tungkol sa pangangalaga sa mga ligaw at endangered na hayop at bilog
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______1. Panghuhuli sa ligaw na hayop upang kunin ang sungay at ibenta ito.
______2.Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagprotekta sa mga ligaw at endangered na hayop
______3. Pagtirador sa mga ligaw na hayop na nakikita sa tabing daan.
______4. Pagtatapon ng basura kapag nasa zoo.
______5. Paghampas sa mga buntot ng unggoy na nakikita sa zoo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ano-ano ang maaaring mangyari kung isasaalang-alang at


pagsusumikapang mailigtas ang mga hayop na ligaw at endangered?
Gumawa ng isang simpleng pananaliksik tungkol sa mga hayop na ligaw at endangered na
matatagpuan dito sa ating bansa. Itala ang pangalan ng mga ito at ang mga paraan ng
pangangalaga o pagkalinga sa kanila.
Pangalan ng mga na Ligaw at
Paraan ng Pag-aalaga o Pagkalinga
Endangered na Hayop
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO

E. Pakikipagpalihan (Ikaapat na Araw ng Unang Linggo Hanggang Ikatlong Araw ng Ikalawang Linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lumikha ng slogan tungkol sa pangangalaga sa mga hayop na ligaw
at endangered. Gawin ito sa isang bond paper. Gawing batayn ang rubric sa ibaba.

Halimbawa:
Ang mga HAYOP tulad din ng TAO,
Biyayang mula sa Diyos, kailangan
nitong mundo,
Kaya mahalin at pangalagaan ang
mga ito.

Kraytirya Di – Pangkaraniwan Kahanga – hanga Katanggap – tanggap Pagtatangka


4 3 2 1
1. Paksa Angkop na angkop May kaugnayan May maliit na Walang
at eksakto ang sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa
paksa
2.Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng kulay Makulay subalit hindi Hindi makulay
maraming kulay at at iilang tiyak ang kaugnayan
kagamitan na may kagamitan na
kaugnayan sa may kaugnayan
paksa sa paksa

3. Takdang Oras Nakapagsumite sa Nakapagsumite sa Nakapagsumite Higit sa isang


mas maagap na tamang oras ngunit huli sa lingo ang
oras itinakdang oras kahulihan
4. Kalidad ng Makapukaw interes Makatawag Pansinin ngunit di Di - pansinin,
ginawa at tumitimo sa pansin makapukaw isipan di -
isipan makapukaw
ng interes at
isipan
5. Kalinisan Maganda , malinis Malinis ang Ginawa ng apurahan Inapura ang
at kahanga – pagkagawa ngunit may taglay na paggawa at
hanga ang kalinisan kulang sa
pagkagawa kalinisan

Iskala ng Pagmamarka:
4 - 100 – Di - pangkaraniwan
3 - 90 – Kahanga - hanga
2 - 80 – Katanggap – tanggap
1 - 70 – Pagtatangka

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lumikha ng isang tula tungkol sa pangangalaga ng mga ligaw at
endangered na hayop. Bigyan ng angkop na pamagat ang iyong tula. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO
Rubric sa Pagsulat ng Tula

Kraytirya Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan


(10) ng pagsasanay
(8) (6) (4)

Tema/ mensahe Napakalalim at Malalim at Bahagyang lalim Mababaw at literal


ng tula makahulugan makahulugan ang ang kabuuan ng ang kabuuan ng
ang kabuuan ng kabuuan ng tula tula Tula
tula.

Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ginamit


simbolismo/ simbolismo/ simbolismo na simbolismo.
Simbolismo pahiwatig na pahiwatig na nakalito sa mga
nakapag-paisip bahagyang mambabasa
sa mga nagpaisip sa mga
mambabasa. mambabasa

Gumamit ng May mga sukat at May pagtatangkang Walang ginamit


napakahusay at tugma ngunit may gumamit ng sukat at sukat at tugma
angkop na bahagyang tugma ngunit kulang
angkop na sukat inkonsistensi. sa inkonsistensi
Kayarian
at tugma.

Iskala ng Pagmamarka:
10- 100 Napakagaling
8- 90 Magaling
6- 80 Katamtaman
4- 70 Nangangailangan ng pagsasanay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Iguhit ang masayang mukha kung ang isinasaad sa pangungusap
ay tungkol sa pangangalaga at pagprotekta sa mga ligaw at endangered na hayop at malungkot
na mukha naman kung hindi. Sa mga sagot mong malungkot na mukha, pangatwiranan kung
bakit hindi ito nararapat. Gawin ito sa sagutang papel.
_______ 1. Panghuhuli ng mga ligaw na hayop sa kagubatan upang patayin.
_______ 2. Pagtirador sa ibong Agila na nakikitang nakadapo sa punongkahoy.
_______ 3. Pagbibigay o paghahagis ng mga bagay na hindi maaaring kainin ng isang buwaya.
_______ 4. Pagsira sa mga tahanan ng mga ligaw at endangered na hayop.
_______ 5. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa wastong pangangalaga sa mga
hayop.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat ang titik T kung wasto ang isinasaad sa pangungusap tungkol
sa pangangalaga at pagprotekta sa mga ligaw at endangered na hayop at titik M naman kung
hindi wasto.

_______1. Sumasali ako sa pagtatanim ng mga puno upang may masilungan ang mga hayop.
_______2. Pagbibigay ng tamang pagkain sa mga alagang hayop.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO
_______3. Sumusuporta ako sa pangangaso ng ligaw na hayop.
_______4. Panggugulat sa mga ibong ligaw habang natutulog ang mga ito.
_______5. Pag-iwas sa pagputol ng mga sanga ng punong tirahan ng mga ligaw na hayop.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Gaano kadalas ang pagpapakita mo ng pagprotekta, pagkalinga,


at pangangalaga sa mga hayop kabilang ang mga endangered animals? Lagyan ng tsek ( / ) ang
hanay ng iyong sagot kung Oo, Madalas, o Hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ginagawa mo ba ang mga ito? Oo Madalas Hindi


1. Sumusuporta ako sa adbokasiya ng mga samahang
nagtataguyod at nagpapanatili sa kaligtasan ng mga hayop
na ligaw at endangered animals.
2. Nanonood ako ng programa sa telebisyon tungkol sa mga
hayop na ligaw upang madagdagan ang aking kaalaman.
3. Niyayaya ko ang aking kapatid na magtanim sa aming
bakuran ng mga katutubong halaman bilang tirahan ng mga
hayop na ligaw.
4. Ipinagbibigay alam ko sa may kapangyarihan ang anumang
panggigipit sa mga endangered animals.
5. Bumibili ako ng stuffed toys ng mga endangered animals
upang maipakita ko ang wastong pangangalaga at
pagprotekta sa kanila.

A. Paglalapat (Ikaapat na Araw ng Ikalawang Linggo)


Sa iyong sagutang papel, gawin ang mga sumusunod.

Bilang isang mabuting bata, bakit mahalagang protektahan, kalingain at


pangalagaan ang mga hayop na ligaw at endangered animals sa bansa? Pangatwiranan
mo ang iyong sagot.

Punan ang mga patlang upang mabuo ang “Pangako sa Pag-aalaga ng mga Ligaw
at Endangered na Hayop” na nasa ibaba. Huwag kalimutang lagdaan ito.

Pangako sa Pangangalaga sa mga Ligaw at Endangered na Hayop

Ako si, (_________________) ay nangangakong hindi ko sasaktan at gagambalain ang


mga ligaw at endangered na hayop tulad ng (pangalan ng hayop na ligaw o
endangerd)________________. Ako ay _____________ sa pagtatanim ng mga puno upang may
matirahan ang iba pang mga ligaw at endangered na hayop sa darating pang panahon.

_____________________
Lagda ng Mag-aaral
VI. PAGNINILAY (Ikalimang Araw ng Ikalawang Linggo)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa
ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT GAWAING PAMPAGKATUTO
bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi
sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos
o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral - Aralin 4 pahina 298-307
MELCs PIVOT 4-A- 201

Inihanda ni: Leah Ramos Guce Sinuri nina: Edita T. Olan


Mary Grace Asa
Jennifer Balitaan
Richelle G. Ledon

Carolyn I. Chavez
Ma. Leticia Jose C. Basilan
Philips T. Monterola

You might also like