Presentation of Graduation Speech

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ating masipag na punong guro, sa mga guro, pamilya, sa aking mga kaibigan at sa mga kapwa ko

magsisipagtapos. Isang mapagpalang araw sa ating lahat.

Una sa lahat ay pinasasalamatan ko ang Panginoon sa paggabay sa akin sa araw-araw, sa pagbibigay sa


akin ng lakas upang harapin ang panibagong araw lalo na ngayong panahon ng pandemya at sa laging
pagpapaalala sa akin na kaya kong harapin ang lahat ng pagsubok na dumadating.

Sa aking pinakamamahal na pamilya na laging nariyan para sa akin. Maraming salamat sa walang sawang
suporta ninyo at sa mga paalala at aral na nais ninyong dalhin ko saan man ako magpunta.

Sa ating mga guro na walang sawang ginagawa ang lahat upang mabigyan kami ng karagdagan kaalaman
sa kabila ng pandemyang ating nararanasan. Saludo po ako sa inyong walang sawang pagtuturo at hindi
pagsuko lalo na sa panahong ito. Maraming salamat po sa mga pagbabahagi ng inyong mga karanasan at
aral na hinding hindi namin malilimutan at mananatiling nakaukit sa aming mga puso.

Sa ating lahat na magsisipagtapos, isang masiglang pagbati para sa ating lahat. Ito na ang araw na
pinakahihintay natin. Ang araw ng ating pagtatapos.

Sa loob ng dalawnag taon sa Senior High School ay sama-sama tayong matapang na humarap sa hamon
ng buhay, tinulungan ang isa’t isa at natutunang huwag kalimutan ang iba. Sama-sama tayong bumuo ng
mga alaala at pagkakaibigang hindi matutumbasan ng anumang bagay.

Senior High School, ang yugtong ito ng ating buhay ay magtatapos na puno ng aral, galak at karangalan.
Hindi naging madali ang lahat para sa atin lalo na nang magkaroon ng pandemya ngunit hindi ito naging
hadlang upang tayo ay magpatuloy at matapos ang huling pahina ng yugtong ito ng ating buhay.

Bukas ay magsisimula na ang panibagong yugto ng ating buhay kung saan ang ilan sa atin ay hindi na
natin makakasama upang tuparin ang ating mga sari-sariling pangarap na matagal na nating minimithi.
Lagi nating tatandaan na ang panibagong yugto na ito ay simula pa lamang ng ating paglalakbay sa
buhay. Maaaring madapa tayo tulad ng dati ngunit lagi nating tatandaan na hindi ito ang katapusan ng
lahat ngunit simula pa lamang ito ng ating pagkatuto kung saan tayo ay maaring humugot ng lakas
upang mas mapabuti pa ang ating mga sarili sa hinaharap.
Kaya’t mga kapwa ko magsisipagtapos, tapikin niyo ang inyong mga balikat upang batiin ang inyong mga
sarili sa pagiging matatag hanggang sa huling pahina ng yugtong ito na puno ng kumpiyansa at
pagpapahalaga.

Muli, isang mapagpalang araw sa ating lahat!

You might also like