Professional Documents
Culture Documents
AP 9 WEEK 6 - 7 Module 4 Q2
AP 9 WEEK 6 - 7 Module 4 Q2
AP 9 WEEK 6 - 7 Module 4 Q2
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kahulugan at Iba’t Ibang
Istruktura ng Pamilihan
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:
Balikan
Matapos mong sagutan ang mga paunang pagtataya, sagutin mo muna ang
susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa ating
bagong aralin na tatalakayin.
Tuklasin
GAWAIN 2: LARAWAN-SURI
1
Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong:
Pamprosesong Tanong
Suriin
Gawain 3: TARA BASAHIN NATIN!
Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumsusunod na gawain tungkol sa istruktura ng pamilihan.
2
Mga Istruktura ng Pamilihan
Ang istruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa
sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser. Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga konsyumer
at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito.
1. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon (Perfectly Competitive Market (PCM)
Ito ang istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim
ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang
hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Dahil
dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung saan at kanino bibili ng isang
partikular na produkto o serbisyo.
Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng
maaaring bumili ng produkto o serbisyo. Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at
konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo sa
itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag
ng konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon
lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na
magtakda ng sarili nilang presyo.
Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sino man ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng
maaaring bumili ng produkto o serbisyo. Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at
konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at serbisyo sa
itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag
ng konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon
lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at walang kapasidad na
magtakda ng sarili nilang presyo.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd
Edition (2009), ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na
katangian:
Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
4
Ang supply sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang
presyo. Sa ganitong sistema, maaring magkaroon ng pagkontrol o sabwatan ang
mga negosyante na tinatawag na collusion. Ito ay nagaganap partikular na sa
presyo sa ilalim ng kartel o samahan ng mga oligopolista. Ang konsepto ng kartel
ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises. Hindi
pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa upang mabigyan ng
proteksiyon at isulong ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng
Consumers Act of the Philippines o Republic Act 9374 na isinabatas noong Abril
23, 2011.Ayon kay Adam Smith, ang mga negosyante ay hindi aktuwal na
nagkikita upang pag-usapan ang takbo ng kanilang mga negosyo subalit sila ay
nagkakaroon ng pagkakaunawaaan sa pamamagitan ng sabwatan sa pagtatakda
ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Ang Organization of
Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay isang halimbawa ng pandaigdigang
kartel sapagkat sila ang nagtatakda ng supply at presyo ng produktong petrolyo sa
buong daigdig.
5
GAWAIN 4. VENN DIAGRAM
Gamit ang venn diagram. Ilahad ang pagkakapareho at kaibahan ng pamilihang
Ganap na Kompetisyon at Di-Ganap na Kompetisyon.
ISIPIN
Pagyamanin
Katangian
Istruktura ng May Hawak ng Uri ng Halimbawa ng
ng Presyo
Pamilihan Kapangyarihan Produkto Produkto
Ganap na
Kompetisyon
Monopolyo
Monopsonyo
Oligopolyo
Monopolistikong
Kompetisyon
Isaisip
6
1. Monopsonyo: iisa ang konsyumer; Monopolyo:
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang
titik wastong sagot sa bawat bilang.
1. Pahayag I: Sa pamilihang may ganap na kompetsiyon ang prodyuser ay hindi
kayang kontrolin ang presyo sapagkat maraming nagtitinda ng
magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
Pahayag II: Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta
at bumili ng produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng
pamilihan.
a. Tama pareho ang pahayag I at II
b. Mali ang pahayag I at II
c. Tama ang pahayag I at mali ang pahayag II
d. Mali ang pahayag I at tama ang pahayag II
2. Ang mga kompanya ng kuryente, tubig at tren ay kabilang sa anong uri ng
pamilihan?
a.oligopolyo c. monopolistic competition
b. monopsonyo d. monopolyo