Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan - Modyul 8
Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan - Modyul 8
Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan - Modyul 8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8
Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-
kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang
-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8
Mga Anyo, Tugon at Epekto sa
Neo-kolonyalismo as Timog at
Kanlurang Asya
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita ----------------- i
Icons ng Modyul ----------------- ii
Pangkalahatang Panuto ----------------- iii
Alamin ----------------- 1
Subukin ----------------- 2
Aralin ----------------- 4
Balikan ----------------- 4
Gawain1: “ Paki-tapat Mo Nga! ----------------- 4
Tuklasin ----------------- 5
Gawain 2 : “Puwang Ko, Punan Mo!” ----------------- 5
Gawain 3: “Go Na, Sagot Na!” ----------------- 5
Suriin ----------------- 7
Pagyamanin ----------------- 12
Gawain 5: “Suri-Sagot!” ----------------- 12
Gawain 6: “Mabuti o Di- Mabuti!” ----------------- 12
Isaisip ----------------- 13
Gawain 7: “Tara Na, Sagot Na! ----------------- 13
Isagawa ----------------- 14
Gawain 8: “Tama-Mali, Isiping Mabuti!” - - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Gawain 9: “Punan Mo Ako!” ----------------- 16
Tayahin ----------------- 17
Karagdagang Gawain ----------------- 20
Gawain: “Guhit-Simbolo!” ----------------- 20
Susi sa Pagwawasto ----------------- 21
Sanggunian ----------------- 22
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 8 ukol sa Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-kolonyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
Ang modyul naito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Icons sa Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isip
ang hindi ka nag-iisa.
iii
Alamin
Gaano nga ba kahalaga sa iyo ang pagiging malaya? Isa ito sa mga tanong
na marahil ay ni minsan hindi mo naisip o may pagkakataong ito ay natanong mo na
sa iyong sarili. Sa modyul na ito, mas mauunawaan mo kung gaano nga ba kalaki
ang papel ng salitang, “kalayaan” o “tunay na kalayaan” sa isang tao at sa isang
bansa.
Tinatalakay sa modyul na ito ang mga anyo, tugon at mga epekto ng Neo-
kolonyalismo.
1
Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan
ng pagkontrol sa buhay, pampolitika, at pang-ekonomiya ng isang
maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa?
a. Imperyalismo c. Nasyonalismo
b. Neo-kolonyalismo d. Kolonyalismo
2. Aling anyo ng Neo-kolonyalismo napabilang ang pahayag na, “Ang
wikang Ingles ang ginamit sa pagtuturo?”
a. Politikal c. Kultural
b. Ekonomiya d. Militar
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyo ng Neo-kolonyalismo?
a. Pisikal c. Kultural
b. Politikal d. Militar
4. Alin ang hindi kabilang sa mga epekto ng Neo-kolonyalismo?
a. Labis na pagdepende sa iba c. Kawalan ng karangalan
b. Nakatatayo sa sariling paa d. Patuloy na pang-aalipin
5. Ano ang katawagan sa dayuhang tulong na isa sa mga instrumento ng
Neo-kolonyalismo?
a. Covert Operation c. Foreign Aid
b. Foreign Exchange d. Foreign Debt
6. Saan napabilang ang mga mahihirap na bansa?
a. Unang Daigdig c. Ikatlong Daigdig
b. Ikalawang Daigdig d. Wala sa nabanggit
7. Aling epekto ng neo-kolonyalismo napabilang ang pahayag na, “Lahat
ng aspeto ng pamumuhay ay kontrolado ng dayuhan?”
a. Continued Enslavement c. Kultural
b. Kumpetisyon d. Tulong mula sa dayuhan
2
8. Alin sa mga sumusunod ang mga pagkaing Amerikano na naging
instrumento ng mga neo-kolonyalistang kultural?
a. Kalamay at puto c. Ginataan at Latik
b. Bibingka at pinipig d. Hamburger at hotdog
9. Anong anyo ng Neo-kolonyalismo ang pahayag na, “Ang mga dayuhang
palabas at musika ay higit na pinapahalagahan?”
a. Politikal c. Kultural
b. Colonial Mentality d. Ekonomiko
10. Ano ang institusyong itinayo ng 120 pribadong kompanya?
a. IMF c. Surplus
b. Debt Trap d. ADELA
11. Anong epekto ng Neo-kolonyalismo ang sinasalamin sa pahayag na,
“Umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa?”
a. Continued Enslavement c. Independence
b. Over Dependence d. Loss of Pride
12. Anong anyo ng neo-kolonyalismo na ang layunin ay ipalaganap ang
ideolohiyang pangkabuhayan at pulitikal?
a. Militarismo c. Globalisasyon
b. Nasyonalismo d. Komunismo
13. Aling epekto ng Neo-kolonyalismo napabilang ang pahayag na, “Minana
na produkto na galing sa ibang bansa?”
a. Pagtangkilik sa sariling atin c. Peace Corps
b. Loss of Pride d. Alliance for Progress
14. Ano ang mensahe ng pahayag, “Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa
pagyakap sa mga bagay na gawa ng dayuhan?”
a. Kaisipang kolonyal c. Pagtangkilik sa sariling atin
b. Kolonyalismo d. Wala sa nabanggit
15. Anong ahensiya ang ginamit upang maisakatuparan ng mga mayamang
bansa ang kanilang adhikain?
a. US Aid c. IMF-WB
b. Marshall Plan d. ADELA
3
Mga Anyo, Tugon at Epekto ng
Aralin Neo-kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya
Balikan
Tuklasin
4
GAWAIN 2: “PUWANG KO, PUNAN MO!”
Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat patlang para mabuo ang salitang
ipinahiwatig ng larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
3 puntos 2 puntos Marka
5
Nilalaman Ang mga detalyeng Ang mga detalyeng
naisulat ay may naisulat ay
malaking kaugnayan sa medyo may kaugnayan
tanong sa tanong
Kaayusan Maayos na maayos na Hindi masyadongmaayos
naisulat ang mga na naisulat ang mga
pangungusap. pangungusap.Hindi
Nagsisimula sa talaga nagsisimula sa malaking
sa malaking titik ang titik ang mga ito.
mga ito.
Kalinisan Malinis na naisulat ang Medyo malinis na
sagot. Walang mga naisulat ang sagot. May
buradong salita sa mga dalawa o higit pang
pangungusap. mga buradong salita sa
mga pangungusap.
Kabuuan 9 6
Suriin
6
bansa pa ring kumukontrol sa mga mahihinang bansa at dito umusbong ang
salitang, “Neo-kolonyalismo”.
Neo-kolonyalismo
7
1. Ekonomiya Napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring
tulong tungo sa pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohanan
ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa
patakaran at motibo ng bansang tumutulong.
Dayuhang Pautang o Foreign Debt ay isang paraan
ng pautang ng International Monetary Fund (IMF),
World Bank o ng Estados Unidos na may kaakibat
na mga kondisyon.
Isa rito ay ang pagbubukas ng ekonomiya sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pag-angkat
ng mga hilaw na gamit, pagsasapribado ng mga
kumpanya at pagbaklas ng mga monopoly,
pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos
ng sistema ng pagbubuwis. Kapag hindi masunod
ang mga kondisyon, hindi makautang at hindi rin
makaahon ang mahihirap na bansa- ito na ang
tinatawag na Debt Trap.
2. Kultural Patakaran ng makapangyarihang bansa na
palaganapin sa mahihinang bansa ang kanilang
paraan ng pamumuhay tulad ng pananamit, sayaw,
awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan at maging
ang mga pagdiriwang.
Itinuro ng kabihasnan at kasaysayan ng mga
Amerikano kaya napabayaan ang sariling
kalinangan at maging ang sariling wika.
Pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano na
ngayo’y swak na swak sa panlasang Pilipino tulad
ng hotdog, hamburger at mansanas na ipinagpalit
na sa katutubong mga pagkaing tulad ng kalamay,
puto, latik, ginataan, bibingka at iba pa.
Naghangad ang mga Pilipino na magkaroon ng mga
8
materyal na bagay na siyang batayan ng katayuan
sa lipunan
3. Militar Ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natitira o
surplus na kagamitang militar
Pagpapalaganap ng tagapayong militar upang
tulungan ang pamahalaan sa pangangalaga ng
seguridad ng bansa.
Ang mga kanluraning bansa ay handang magbigay
ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang tulong
pangmilitar.
4. Politika Nagawang maimpluwensiyahan ng
makapangyarihang bansa ang usapin tungkol sa
mga kalagayang panloob, pagbabatas,
pamamaraang politikal.
Lihim na Pagkilos (Covert Operation) - kung hindi
mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan
ang mga neo-kolonyalista upang guluhin ang isang
pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
Una, may mga bansa ang napilitang tumanggap ng mga tulong pinansiyal
upang makabangong muli ang kanilang nalugmok na ekonomiya na dulot ng
digmaan.
Ikalawa, may mga samahang nabuo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya na muling nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.
Ikatlo, maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na
makatayo sa kanilang sariling mga paa at hindi na umasa pa sa mga
makapangyarihan at maimpluwensiyang mga bansa. Naging hamon din na
9
matumbasan ng mga Asyano ang anumang kaunlaran mayroon ang mga
makapangyarihang bansa.
10
Pagyamanin
GAWAIN 4: “SURI-SAGOT!”
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ba ay Politika, Ekonomiya,
Kultural, o Militar na anyo ng neo-kolonyalismo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
11
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapakita ng
Isaisip
12
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
13
Kabuuan 9 6
Isagawa
14
GAWAIN 8: “PUNAN MO AKO!”
Panuto: Punan ng hinihinging datos ang graphic organizer tungkol sa anyo, tugon at
epekto ng neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ang una ay sinagutan na
para maging gabay mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Neo-kolonyalismo
4.
3.
15
3.
4.
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa bagong paraan ng kolonyalismo na may iba’t ibang
anyo at bawat isa ay may pamamaraan ng pagkontrol sa mga di-
maunlad na bansa?
a. Imperyalismo c. Nasyonalismo
b. Neo-kolonyalismo d. Kolonyalismo
2. Alin sa mga epekto ng neo-kolonyalismo na kung saan ang tao ay
nag-iisip na lahat ng galing sa mga dayuhan ay mabuti at magaling?
a. Labis na Pagdepende c. Patuloy na Pang-aalipin
b. Kawalan ng Karangalan d. Wala sa nabanggit
3. Anong uri ng daigdig ang kinabibilangan ng mga makapangyarihang
bansa?
a. Unang Daigdig c. Ikatlong Daigdig
b. Ikalawang Daigdig d. Wala sa Nabanggit
4. Anong anyo ng neo-kolonyalismo na kung saan ang mga awit,
palabas at babasahin ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhan?
a. Ekonomiya c Kultural
16
b. Politikal d. Militar
5. Ano ang katawagan sa dayuhang tulong na isa sa mga instrumento
ng Neo-kolonyalismo?
a. Covert Operation c. Foreign Aid
b. Foreign Exchange d. Foreign Debt
6. Ano ang tawag sa institusyong itinayo ng 120 pribadong kompanya?
a. ADELA c. Debt Trap
b. IMF d. Surplus
7. “Umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa”, anong
epekto ng Neo-kolonyalismo ang sinasalamin sa pahayag?
a. Independence c. Loss of Pride
b. Continued Enslavement d. Over Dependence
8. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng Neo-kolonyalismo, maliban sa;
a. Militar c. Pisikal
b. Kultural d. Politikal
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng Neo-kolonyalismo?
a. Patuloy na pang-aalipin
b. Nakatatayo sa sariling paa
c. Kawalan ng karangalan
d. Labis na pagdepende sa iba
10. Anong anyo ng Neo-kolonyalismo ang may layunin na ipalaganap ang
ideolohiyang pangkabuhayan at politikal?
a. Globalisasyon c. Komunismo
b. Nasyonalismo d. Militarismo
11. “Ang wikang Ingles ang ginamit sa pagtuturo”, anong anyo ng neo-
kolonyalismo ang pahayag na ito?
a. Militar c. Politikal
b. Kultural d. Ekonomiya
12. Alin sa mga sumusunod ang mga pagkaing Amerikano na naging
instrumento ng mga neo-kolonyalistang kultural?
a. Ginataan at latik c. Pizza at Lasagna
b. Hamburger at Hotdog d. Bibingka at Pinipig
13. “Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga bagay na
gawa ng dayuhan”, ano ang mensaheng nais ipahiwatig nito?
17
a. Pagtangkilik sa produktong dayuhan
b. Kolonyalismo
c. Isipang Kolonyal
d. Pagtangkilik sa produktong dayuhan
14. Ano ang inilalarawan na lahat ng aspeto ng pamumuhay ay
kontrolado ng dayuhan?
a. Tulong mula sa dayuhan
b. Kultural
c. Continued Enslavement
d. Kumpetisyon
15. Anong anyo ng neo-kolonyalismo ang pahayag na, “ipinamigay ng
Estados Unidos ang mga natitirang kagamitang militar?”
a. Politika
b. Militar
c. Ekonomiya
d. Kultural
18
Karagdagang Gawain
GAWAIN 9 : “GUHIT-SIMBOLO!”
Panuto: Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa iyong natutunan sa pagksang,
“Mga anyo, tugon at epekto ng neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Ilarawan ito sa loob ng isang (1) pangungusap.” Ang pamantayan ang magiging
batayan para sa iyong marka. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Paliwanag:
Lapis ang iginuhit ko dahil isusulat ko ang mga pagkain at mga magagandang
kaugalian sa aming bansa.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pagkamalikhain- 10 puntos
Pagpapaliwanag- 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
Kabuuan -20 puntos
19
20
Pagyamanin: Gawain 5:
“Mabuti O Di-Mabuti”
Gawain 7: “TAMA-MALI,
ISIPING MABUTI!”
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Book
Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pp. 280-282.
Module
Project Ease (Effective and Accessible Secondary Education) Araling Panlipunan II Modyul
20 NEO-KOLONYALISMO
Online Resources:
https://pixabay.com/illustrations/smiley-yellow-happy-smile-emoticon-163510/
( June 16, 2020)
https://pixabay.com/vectors/smiley-emoticon-happy-face-icon-1635448/
(June 16, 2020)
https://www.emaze.com/@AOCRCOCZC (June/ 13/ 2020)
https://www.seameo.org/img/Programmes_Projects/Competition/SEAMEOJapanES
D_Award/2019_SEAMEOJapanESD_Award/Submission/A/04/files/Doc
%203.%20Peace%20for%20Millenials.docx%20-%20Emjhay%20FERNANDEZ.pdf
June/13/2020
https://www.slideshare.net/renzempino/neokolonyalismo June/13/ 2020
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-10-neokolonyalismo-ang-bagong-
uri-o-pamamaraang-ko-1 (June/12/2020)
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-20-neokolonyalismo
(June/13/2020)
21
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
22